Chapter 1 (3) Beauty Queen
(William POV)
Nang maka-uwi kami ng bahay, hinarang ko sa pintuan si Ruth na iniiwasan ako kahit sa sasakyan. Sumakay ito sa anak naming si Wilma, ngunit ngayon wala na siyang kawala sa akin. Wala na ding dahilan na nasa harapan kami ni Cedrick.
“Ruth…”
“William, pagod ako. Kung mag-aaway tayo ngayon, ipagbukas mo yan. Maawa ka, meron akong operasyon mamayang gabi. Kailangan ko matulog.” Diretso niyang pagpasok sa sala na kaagad naman kinuha ng katulong ang bag niya.
“Anong maawa? Sa ginawa mo parang ibenenta mo ang sarili mong anak! Pinag-usapan na natin na hindi natin babangitin ang pangalan ni Sera sa organization, ano to?!” Natigilan sa paglalakad si Ruth, ngumisi sa akin.
“Kumain na muna kayo.” Sinabi niya sa dalawang anak namin na nakasunod kaagad.
“Tapos kayo mag-aaway? F*ck!” Daan ni Ruel sa gitna naming dalawa at umakyat na ng kanyang silid. Habang si Wilma…
“Si Sera ang pag-aawayan niyon dalawa, hula ko lang. Pero dad, tama si Mama, unfair naman na walang papel na gagawin si Sera sa organization na pinaglilingkuran natin. Saka wag mong sisihin si Mama na ginawa niya ito. Ginagawa niya ito hindi lang para kay Sera kundi para sa ating lahat. Ano na lang ang mangyayari kung patuloy niyong itinitikom ang bibig tungkol sa paborito niyong anak? Ang unfair, sobra. Pag-isipan mo Dad.” At humarap si Wilma kay Ruth. “Mom, magpahinga na kayo. Hayaan niyo na lang si Dad. Si Sera lang ang nakikita niyang anak at nakalimutan niya ang tungkol sa amin ni Ruel. Dadami lang ang wrinkles niyo. Saka wala na atang puso si Dad kung aawayin ka ngayon. Nakita naman niyang meron kayong operation mamaya.”
At tuluyan na ding umakyat si Wilma.
“May punto ang anak mo William. Pamilya natin ang masisira kung patuloy mong pinuprotektahan si Sera.” Saka tinalikuran ako muli.
“Ruth! Ipaliwanag mo sa akin kung bakit sa dinami-dami ng bagay na maaring gawin ni Sera para sa organization ang maging asawa pa ng nag-iisang anak ni demonyong Cedrick!” Muli na naman itong natigilan sa paglalakad.
“Ano to? Ibenenta mo ang anak natin sa kanila? Sana nagsabi ka sa akin kung kailangan mo ng pera! Nalaman ko na malaking pera ang naiwaldas mo sa Casino noong isang gabi! Si Sera ba ang kabayaran?! Di ka naawa sa anak mo!”
“Ako? Di naawa kay Sera?” Saka napalingon ito sa akin. “Ibenenta ko ang sarili kong anak?” At naglakad ito palapit sa akin. Ngunit ng makalapit hindi ko inaasahan na sasampalin niya ako.
“Heto. Hetong kapalaran ang ibinigay mo sa pamilya mo! Tapos ang kapal ng mukha mo para sa akin isisi ang lahat?! Ako pa talaga itong hindi inisip ang kalagayan ni Sera. William may dalawa pa tayong anak, pareho silang hindi mo naprotektahan. Si Sera, gumagawa ako ng paraan para mailayo na madungisan ang kanyang kamay. Maswerte siya dahil magiging may bahay siya ng isang lalaki na malakas ang influensya sa lipunang ito. Hindi mo ba yun naisip! Hindi ko ipinagbili si Sera. Bwisit!” Hampas niya ng kamay sa dibdib ko.
Ipinikit niya ang kanyang mga mata. “Hayaan mo muna akong magpahinga, please lang.”
Marami pa sana akong sasabihin ngunit wala na ngang nakalabas na salita sa aking bibig. Siguro, tinamaan ako sa sinabi niyang ako ang may kasalanan kung bakit nagkakaganito ang pamilya ko.
Diyos ko po.
(Sera POV)
Marami ang nag-abot ng pagbati sa akin. Matagal din ako nakapaghanap ng sarili kong privacy. Pagod at sobrang inaantok, ngunit bago nga ako magpahinga, nais kong maka-usap ang Daddy ko. Sa totoo nga andito na ako sa banyo. Dala ang phone ko, at syempre ang korona na alam kong matutuwa talaga ng sobra ang pamilya ko.
Binuksan ko na ang phone ko. Maraming mensahe akong natangap, ngunit may hinahanap ako… Yung galing sa pamilya ko.
Wala. Bakit? Napaka-abala ba nila sa oras na ito? Siguro.
Ngunit hindi ako sumuko, video call para mas mabuti diba? Pero bago ako makatawag kay Papa… May nakuha akong mensahe galing kay Kuya Ruel. Yay! Ang kuya ko na may toyo, siya siguro ang walang ginagawa ngayon.
‘Ang Serang aning-aning, nasungkit ang korona. Proud ako sayo bunso. Pahinga ka na. Abala silang lahat, pero masaya sa tagumpay mo.’
Si Kuya Ruel, snub na klaseng kapatid yan. Pero number one bully ko yan. Napapa-snub lang dahil marami ang ginagawa. Kahit siya hindi rin magawang mapangasawa dahil sa ginagampanan niya sa hospital. Napakasipag niya, kasunod ni Papa.
Napa-reply na lang ako. ‘Thanks, abnuy, uwi din ako kaagad. Can’t wait na ipakita sa inyo ng personal ang korona ko. Ahahahaha.’ Saka laughing emoji.
‘K. Mayroon ka namang homecoming. Tss. Pahinga ka na.’ Ang sweet ni Kuya. Kinilig ako bigla. Tuloy para akong teenager.
Magre-reply pa sana ako ng narinig kong may mga nagsipasok. Sa takong pa lang na nakikita ko, alam kong kabilang sila sa mga kandidata din. Haist. Paano ako nito makakalabas. Pero, di ko inaasahan ang maririnig ko…
Pinag-uusapan nila ako na…
“Her family is said too influential, no doubt she wins.”
“I think her butt is fake.”
“Add the boobs too. She gets surgery for that.”
“She wins because of the obvious reason; they paid the judges. Tsk. Tsk.”
Siguro normal na maging ganito nga ang usapan ng mga taong hindi makapaniwala na natalo sila. May kanya-kanyang batikos, na wala namang katotohanan.
Hindi na ako nagkubli pa. Lumabas ako sa cubicle, at lahat sila nagulat sa akin. Pilit akong ngumiti sa kanila. Lumapit ako sa salamin… at naghugas ng kamay. Natahimik sila, hangang sa pinunasan ko na nga ang kamay ko, at iniwan sila ng masiglang ngiti.
Ano man ang sabihin nila, alam ko sa sarili ko ginawa ko ang lahat at alam ko na hindi ako gumawa ng di ko ikakapatas sa mga kandidata. Di nabayaran ang mga judges, wala akong pina-operahan sa katawan ko, at higit sa lahat hindi gagawa ang pamilya ko ng hindi ko magugustuhan dahil isa ang pamilya ko sa mayroong paninindigan, kahit sabihin pa nilang malakas ang impluwensya nila. Sa kanila yun. Sa pagiging masinop, at masipag nila yun. At nagagalak ako na sila ang pamilya ko.
Wala akong dapat ikahiya sa sarili ko at lalo na kung tungkol pamilya ko.
@DeathWish
Chapter 1 (4) Beauty Queen(Sera POV)Pagbaba ko pa lang sa eroplano, agad sa akin sumalubong ang mga batang babae na may mga hawak na maliliit na watawat. Saka naman sa akin isinuot ang kwintas na gawa sa bulaklak. Mapapangiti ka na lang sa makikita mo. Napahalik sa pisngi ng mga bata at sinabi ng isa…“Balang araw ako na din ang susuot ng Korona ninyo.” Kaya naman naupo ako sa harapan nito para maging kalevel ko ang taas nito.“Oo, darating ang panahon na yan.”“Ako din!” Saka di ko inaasahan na makakatangap ako ng group hug galing sa kanila. Mga bata na makikita sa kanilang mga mata ang kanilang mga iba’t-ibang pangarap at sana nga matupad ang mga yun.Sa paglabas ko sa Airport, napakaraming tao ang nag-aabang sa akin. Namalayan ko na lang nagsi-sulputan ang mga tauhan ng pamilya ko, at nagtaka lang ako kung bakit may ibang pin sa damit akong nakikita. Phoe
Chapter 1 (5) Beauty Queen(Sera POV)Sanay na ako sa ugali ni Ate Wilma. Maarte siya at medyo nga maldita. Pero di ko inaasahan ang narinig ko sa kanya. Ako ikakasal? At dahil yun sa koronang naipanalo ko? Hindi ko maintindihan.Nasa sala kami ngayon at kaharap ko nga ang mga magulang ko. Nakapikit lang si Papa at hinihilot ang kanyang sintido. Habang si Mama naman abala sa pagtimpla ng Tsaa.“Totoo po ba ang sinabi ni Ate Wilma?” Naglakas loob na akong magsalita. Sobrang hindi ko talaga inaasahan na ganito ang sasalubong sa akin. Akala ko talaga magiging masaya sila, pero bakit ganito ang mukha ni Papa. Para bang napakabigat ng pasanin nang koronang naipanalo ko.“Hindi kami pumasok ng trabaho at nilinis namin ang lahat ng schedule at appointment sa araw na ito para nga ipaliwanag sayo ang tungkol sa bagay na yan.” Mahinahon na sinabi ni Mama. Ngunit ngumiti ako…“Usap-
Chapter 2 The King of Arrogance (Secretary Taki)Kinaloskos ko ang aking sleeve matapos nga matangap ko ang mensahe ng Executive Secretary ng ama ni Master Nathaniel. This is the seventh arrange marriage proposal settled by the Chairman to his son. Such a waste kung paglalaruan lang naman ni Master Nathaniel ang buhay ng babaing to gaya ng pakikipaglaro niya sa mga nagdaang proposal.Well, kailangan ko ipaabot ang tungkol dito sa kanya.Nadatnan ko siya sa loob ng kanyang Robotics lab na halos ang sobrang oras niya iginugol sa paggawa ng mga devices at makumpleto ang pinu-program nitong robot. He is a freaking genius sa mga ini-imbento niya at mag-isa lang niya itong ginagawa. Meron naman siyang grupo ng mga scientist at inventor, ngunit malayong gugustuhin niyang maki-alam ang mga ito sa kanyang ginagawa. He is one of the famous and bachelor elite Multi-billionaire Tycoon pagdating sa larangan ng negosyo. Pi
Chapter 2 (2) The King of Arrogance (Secretary Taki POV)Malakas na umuulan nang makaabot ng kami sa family date na hinanda ng pamilyang Mendevil. We are late, ngunit hindi namin aakalain na kakarating di ng sasakyan ng Mafia Boss. Kaagad na pumaligid ang mga tauhan nito at hinintay na nga namin na makalabas ng sasakyan ito.Nang makita nito ang kanyang anak, ngumiti ito, saka nilapitan si Master Nathaniel. “Dapat lang na pinaghintay natin sila.”Sala sumilay ang ngiti ni Master Nathaniel dito. Pareho sila, like father like son. Ngunit kahit kailan hindi pa nadudungisan ng dugo ang mga kamay ng anak niya. Masasabi parin na mas malala ang stratehiya ng kanyang ama. Hindi makatao kung minsan at nawawala rin ang karapatang pangtao ng mga kalaban niya.Nang pumasok sa restaurant, bumungad sa paningin namin ang apat na katao na kaagad ding tumayo sa kanilang kinaka-upuan.“Di na sana kami tutul
Chapter 2 (3) The King of Arrogance (Sera POV)Kanina pa akong ginigising ng katulong ngunit mas pinili kong magtengang-kawali. Pabalik-balik dito, at sinasabing kailangan ko kumain ng agahan. Simula ng umuwi ako kasi dito hindi pa ako kumakain. Nakakawalang gana lang talaga. Dalawang araw na akong ganito. Sinubukan man akong kausapin ni Papa, pero mas pinili kong hindi muna siya kausapin. Si Mama, nagpupumilit at sinasabing kailangan ko yun gawin. Bakit?“Ayaw parin ba niyang bumangon?” Si Mama. “Ipa-akyat mo dito ang agahan niya.”Saka ko nga naramdaman na may naupo sa tabi ng kama ko. “Sera anak, magkakasakit ka sa ginagawa mo. Hindi lang sarili mo ang pinapahirapan mo, pati din kami ng Papa mo. Kumain ka na please. Pinag-aalala mo kami.”“Mama, talaga bang ikakasal na ako?” At nais kong magising sa bangungot na yun. Pakiramdam ko talaga binabangungot ako. P
Chapter 2 (3) The King of Arrogance (Sera POV)Paglabas nga namin sa tarangkahan ng compound na kinatitirikan ng bahay namin marami ang naghihintay. May taga-supporta, taga-media at higit sa lahat ang ipinadalang tauhan ng Miss Universe Organization.Oo, balak nga ng mga magulang ko na itapon na lang ng basta ang koronang naipanalo ko naman ngunit useless sa kanila. Akala ko talaga magiging masaya sila. Iba pala ang magdadala ng kasiyahan nila kundi makasal ako, at magkaroon sila ng apo. Haist.Wala pa sa isipan ko ang mag-asawa at magkaroon ng anak. Walang-wala pa talaga. Siguro mas nagising ako sa kalayaan na meron ako bilang isang dalaga. Nagagawa ko yung mga gusto ko na wala akong iisiping asawa at anak. Ano ba kasi ang pumasok sa isipan ng mga magulang ko at bigla silang nagka-interest na magkaroon ako ng asawa. Worst, it is a plain and obvious arranged marriage.Iniisip ko kung paano matatangihan ang proposa
Chapter 2 (4) The King of Arrogance (Nathaniel POV)Naimulat ko ang aking mga mata. Isang paulit-ulit na bangungot ngunit alam ko naman na nangyari. Mga mata ng aking ina ang huli kong nakita bago pa man nga ito barilin ng aking ama. Yun na nga ang huling pagkakataon na tinitigan niya ako bilang isang ina.Narito na nga ako sa bundok kung saan matatagpuan ang puntod ni Mama. Nagpahinga lang ako saglit dahil malakas ang ulan at pinatila ko. Ngayon binabati ang mga mata ko ng mga crystal na namumuong tubig sa mga dahon ng talahib.Agad na sumalubong sa akin ang malamig na hangin, may hamog na kasama. Masyado nang mataas ang mga damo at tanging ang dinaraanan ko lang ang makikitang humihiwa sa mayabong na talahib. Tinawagan ko kanina ang secretarya ko na magpadala ng maglilinis sa bundok na ito.Kinuha ko sa likod ng sasakyan ang isang bouquet ng bulaklak at basket. Nilalapagan ko ng makakain ang puntod nito at kumak
Chapter 2 (4) The King of Arrogance (Nathaniel POV)“Makiki-jingle muna ako. Saan ba pwede mag-jingle? Ah diyan. Wag kang sisilip!” Saka nga siyang pumunta sa likuran ng puntod ng Mama ko. Pipigilan ko sana ito, pero nakita ko nang napatawad at seryoso nga siyang… F*ck.Inilayo ko na lang ang paningin dito. Kinuha ko ang phone ko dahil nga may trespassing dito. Tss. Malilintikan sa akin si Secretary Taki. Nang mapapikit ako dahil… naiwan ko sa sasakyan ang phone ko. F*ck!“Success! Muntikan na yun. Buti na lang talaga isa akong girls scout na parating alam ang gagawin. Opss. Sakto lang, may dala kang tubig. Sobra na talaga akong inu-uhaw.” Dampot niya ng isa sa canister na dala ko. Para yun kay Mama.May mga tao ba talagang ganito na hindi man lang pinapakiramdaman ang paligid nila? Inalis nito ang kanyang facemask, at base sa suot nito… Parang hindi yun ang damit niya.
Sunod-sunod na kulay itim ng sasakyan ang pumarada di kalayuan sa napaka-abalang simbahan sa araw na yun.Sa unahang sasakyan. Abalang tinatawagan ng isang nakangising lalaki ang numerong alam niya na makakausap ng sasagot nito ang sasalubong na kamatayan mamaya lang.Lalo siyang natawa dahil ano man ang siyang ginawa niyang pagbabanta dito. Hindi siya sineseryoso. Napasenyas sa leader ng tauhan niya.“The hero needs a lot of villains. Di lang nagtatapos sa isang kalaban ang challenge na kailangan niyang kaharapin.” Saka mala-demonyong tumawa.Nagsilabasan ang mga lalaking may kanya-kanyang dala na mga baril. Pumwesto na di namamalayan ng mga tao.“Well, I am needing a lot of blood.”Sinundan nito ang kilos nang isang photographer na siyang puntirya nga nilang lahat.“How pity you are filthy rat.”***Napangiti ang isang photographer dahil sa nakuha niyang larawan. Di man siya kabilang sa official na kinuhang photographer, di parin ito napigilan na pumunta at kumuha ng mga larawan par
(Jing-ER POV)Di ko narinig na sumagot ang babae kundi buntong hininga lamang ni Prince Kean.Malungkot ang aura ng lugar. Dahil nga may nangyayaring tangihan.Ouch.“KC, kung yan ang desisyon mo, kapag na-engage kami sa darating na araw ng babaeng di ko naman kilala, isipin mo na lang na ginagawa ko yun para sa ating dalawa. Nirerespeto ko ang desisyon mong ito. Nirerespeto ko ang pangarap mo. Gagawin ko ito para sa future natin at mabigyan ka nga ng oras para magtagumpay sa minimithi mong pangarap.”WOW! Ang supportive naman ni Prince Kean. Sana lahat ng lalaki sa mundong to naiintindihan ang mga babae. Yung tipong lalaki ng ang may mas maraming paraan na maunawaan ang babae.Ahaha. May saltik pa naman kaming babae kung minsan, diba?Nawawala sa sarili.“Hihiwalayan ko na lang siya balang araw para sayo.”OY! UNFAIR KA NAMAN PRINCE KEAN!
(Jing-ER POV)Sino man silang may privilege dito, sila na talaga ang rich Kid.Be thankful na ipinanganak talaga kayo sa mga magulang ninyong may kakayanan na manipulahin ang pera.Huhu. Magulang ko, kaya lang mangako kung kailan babayaran ang inutang nila.Lumabas ako at baka ano pa ang magawa ko. Makabasag pa ako sa mga magaganda nilang kitchen set. Tsk. Tsk. Wag.Binuksan ko naman yung sa kanan pinto.Isang library. Tipong CEO o isang scientist ang nag-aaral dito.Gusto tahimik ang boung paligid. Ngunit malaki ito para nga sa isang tao lang.Siguro lahat ng VIP students ginagamit to.Okey.Aanihin ko naman ang mga gamit dito? Mahalaga lang sa akin lapis at paint brush. Mas gugustuhin kong nasa labas ako para kumuha ng inspiration.Saka ako lumabas ulit sa library.Wala talagang tao. At kung may tao man at mahuli ako na di ako kaagad nakapagtago, edi bah
(Jing-ER POV)Pwede po ba wag na mag-aral?Na-ju-judge lang ako ng dahil sa pag-aaral. Kapag ganito, nakakatamad na talagang pumasok ng school.Mabuti na lang bag ni Aby ang nadala ko. Pareho kami. Parehong imitation na kala mo naman branded. Sa sinuswerte ka naman, andito ang chippy niya.Thank you so much Aby. Napaka-thoughtful mo talaga sa tummy mo. Pati ako mabibigyan ng blessing. Ang galing.Kahit paano, hindi ako alone. Bleehhh.Andito lang naman ang chippy ni Sena. Kaya, sarap na sarap akong naglalakad sa hallway na thankful walang korona at sash bilang maingay na studyante ngayong araw.Sa totoo lang di ko alam kung saan pupunta sa spare time na meron ako.Pero good idea na din itong pumasok sa isipan ko. Since papalayasin na din naman ako sa school na ito, bakit di ko na libutin habang meron akong pagkakataon?Sayang naman ng tuition fee na ginugol namin dito. Kapag w
(Jing-ER POV)Lagi kaming nasa likuran ng bawat -isa.Sandalan sa tuwing napapa-disaster ang lahat.Ahahaha.Sinusuportahan at ginagabayan sa tamang landas ang friendship namin.I treasure them na parang sila ata ang pangalawa kong pamilya. Wala palang ata. Sila talaga. Mahal namin ang isat-isa. Walang iwanan sa oras ng pangangailangan.Sa kalokohan lang naman, pare-parehong magkasabwat.Pwera na lang kay Aby. Laging nasa tamang daan ang choice niya. Hehe.Di yan sumasali kapag alam niyang kalokohan ang gagawin namin. Tinatakasan kami niyan after namin magplano ng mga prank na gagawin namin. Tipong makaganti man lang sa ibang taong gumagawa ng kalokohan sa amin. Pero kapag nasa action na, wala na talaga yan si Aby.Si Even ang full support sa akin kung paghihiganti lang naman ang usapan.At si Lost pang-paguilty ang ginagawa niyan sa amin.“Seryoso kayo
(Jing-ER POV)Napaka-helpless ng school na ito. Wala dapat na special treatment!Paano na kaming mga bobo?Edi mag-aral kayo ng maayos at maigi Jing-ER. Kailangan pa talagang mag-effort? Sa kontento na ako sa mga ginagawa ko ngayon.Pagkatapos ng first subject namin, nabuhayan ako ng marinig ko ang bell.Susunod na schedule yung special subject na ikaw mismo ang pipili at kung saan naroroon ang mga kaibigan ko.Excited to!My special class is Fine Arts!Sa klaseng to lang naman ako nabubuhayan ng kaluluwa. Plus ito talaga ang hilig ko. Ayoko ng ibang subject.Pagpasok ko. Andito na yung mga friends ko.Binati kaagad ako ni Lost kahit may kasalanan ako sa kanya. Masaya ako makita ang mga kaibigan kong to. Mga praning kagaya ko na di mo maintindihan kung saang genes ba talaga kami nangaling.Si Lost, Even at ang pinaka-malditang kaibi
(Jing-ER POV)Pagdating ko sa school, syempre di ako late. Mas maaga akong dumarating, mas maagang nakakakuha ako ng bagay na ikaka-peace offering ko kay Lost.Hahaha.Di nga ako nagkamali, makakabawi na ako kay Lost ng makita ko ang hinahawakan ni Aby.Isang collection book ng mga larawan ni Zendeo.Masaya ko itong ibinigay kay Lost ngunit nakalimutan niya isa akong patay gutom na kailangan pakainin.Kaya at the end nag-agawan kaming dalawa sa collection book ni Aby. Di kasi sumang-ayon sa deal ko sa kanya.Kaya naman biglang naging maldita si Aby ng nasira namin ang Album. Puro kay Zendeo nga ang larawan.Kapag ganito si Aby, lumalabas na ang sungay, kailangan ko nang lumayas sa harapan niya. Tatakbo ako na alam kong walang oras si Aby na habulin ako.Ang nakakagawa lang kay Aby para habulin niya ito, ay si Kevin.Minsan kapag nakikita ko silang nagbabangayan, kapag n
(Jing-Er POV)Ganoon talaga ang pangalan ko may pa-dash pang nalalaman si Author.Jing-Er.Wow!Ang sarap ng umaga! Unat ko ng aking mga kamay.Oo, masarap kahit wala naman talagang lasa.Wala lang, napaka-energetic ko lang ngayon dahil nga namiss ko na naman ang mga bestie ko sa haba ng summer vacation. Kailangan pa talaga namin umuwi ng probinsya para taguan lang ng mga magulang ko yung naniningil sa kanila.Bumalik naman dito na marami ding iniwang utang sa probinsya. Ibang klase talaga ang mga magulang kong yan. Kaya naman di na ako magtataka kung magulang ko talaga sila.Lumapit ako sa bike na katabi lang din ng bike ng kapatid ko.Bago ako umalis papunta sa school, set up na muna ng prank para sa kapatid ko.Hahaha. Kala niya di ako marunong gumanti. Isumbong mo pa kasi ako kila Mama.Ayan. Bahala na kung ano man ang mabasag na paso sa m
(Aby Sena POV)Ang secondhand camera ko na pinaghirapan namin ni Dada bilhin. Sa kamay lang bumagsak ni Kevin at ganito na ang sinapit niya.Sumusobra na siya!Ano naman kung secondhand yun?! Camera ba niya para ikahiya niya at mabawasan ang pagkatao?Ano naman kung ang pangit ng mga kuha ko?Expert ba siya pagdating sa mga larawan?!Sa ginawa niya, naghahamon siya ng World War Three!“Sena, malalate ka na.”Gising niya sa akin ulit.Muli niya akong nilapitan. Hinawakan ang balikat ko na ikina-angat ko ng mukha ko sa kanya.Talagang galit ako.Galit ako…At ng makita nito ang mukha ko, na ikinangiti niya.“Sira ulo ka ba Kevin?”“I am not. Bakit anong problema ng mukhang yan?”Gusto kong tumawa na parang traydor. Yung tipong inis ka tapos tumatawa ka.Yung effect na parang