(Sera POV)“Ano ka ba Sera?! Matagal na.” Saka humalakhak ito na parang labis ngang natutuwa. “Heto? Balak mo ba itong ipakita sa mag-asawang Valeria? Well, alam mo ba kung ano ang nababagay dito. Ganto…” Malakas nitong pinunit sa dalawa ang envelop ni Ate Wilma.“Wilma!”“Napakawalanghiya mo! Nitong nakalipas na araw lang sinabi ni Loreen na nawawala daw ang kanyang sipilyo. Tama ang hinala ko, ikaw ang kumuha noon!”“Walang makakapagbago kahit punitin mo yan na ako Wilma ang tunay na anak ng mag-asawang Valeria.”“Ah kaya natutuwa ka na ng labis? Wag kang maging masaya Sera, dahil baka yan ang huli mo ng pagkakataon na maging masaya. Wala kang karapatan na kunin ang bagay na dapat akin!” At sa lakas ng hangin na dumaan, parang confetti na pinalaya ni Ate Wilma ang pinagpupunit niyang mga papel. Saka muli itong humalakhak. “Ano Sera,
(Secretary Taki POV)Kahit ano man ang sabihin ni Master Nathaniel na asikasuhin ko ang divorce paper nila ni Miss Sera, isang beses ko na itong ginawa ngunit pinunit lang naman nito. Kaya hindi na ako gagawa, kung ganoon naman ang kahahantugan. Saka sa nakikita ko hindi naman talaga gugustuhin ni Master Nathaniel ang kanyang binitiwang salita nang naghahari ang kanyang emotion.At dahil nga sa problema ngayon ni Miss Sera, alam kong hindi niya kayang talikuran ang kanyang asawa. Isasalba at isasalba niya ito.Pinahanap ko nga sa IT department ang lokasyon ni Miss Sera, at wala pang limang minuto, nagmamadaling pinuntahan ako ng assistant ko. Hindi maganda ang sinabi nito kung sino ang kasama ni Miss Sera. Pero natural na ata na si Dr. Ruel ang kasama niya… Sino pa ba ang ibang tao ang masasandalan niya sa sitwasyon na ito kung hindi nga iyon si Master Nathaniel? Saka pasalamat nga si Master Nathaniel na naririyan si Dr. Rue
(Wilma POV)Natigilan si Ria sa kanyang paglalakad. Lumapit ako dito na naka-cross arm at lumampas sa kanya ng bahagyang para harapin ito.“Tama lang na mainis ka sa akin dahil inagaw ko ang posisyon mo bilang nag-iisang anak ng Valeria na hindi naman talaga kadugo. Pasensya ka na. Nalaman ko kasi na ako talaga ang tunay na anak nila. Kung ginalingan mo kasi ang pag-arte mo na ikaw ang anak nila eh di hindi sana hahanapin ng mag-asawang Valeria ang tunay nilang anak. Hindi mo kasi napunan ang pangungulila nila sa akin. Kaya pasensya na.”Napangisi ito sa akin tila ba hindi siya nadadala sa sinabi ko. May alam ba siya? Tss. Impossible. Siguro naman alam ni Sera kung paano itikom ang bibig niya. Maalalahanin siya sa mga taong mahahalaga sa kanya lalo na ang kanyang kaibigan na si Gail. Tsk. Wag na wag kang magkakamali Sera na magsalita. Dahil magkakaroon ako ng plano kung paano itikom ang bibig mong yan!“Ayo
(Sera POV)Dinala ako ni Kuya Ruel sa isang kumbento. Kakilala niya ang nagmamahalang madre doon, sa unang tingin mo pa lang napakasungit na… Ngunit mali, napakabait nito. Si Mother Anne. Halos dalawang linggo na akong nakatira dito, at katulad nga ng hiniling ko… isang tahimik at matiwasay na pamumuhay. Marami ang sariwang mga bulaklak na pinipitas lamang namin sa bakuran na siyang itinanim lang din. Di pa nga ako gaano nagtatagal, ang mga dahon, bulaklak at katawan ng ilang puno at halaman… Napabuntong-hininga ako… Paano naging toxic ang lahat ng natural na pabangong nagawa ng tinatayo kong kompanya? Nalulungkot lang ako… Ayoko man alamin ang takbo ngayon ng negosyo kong yun kahit palaging binibisita ako dito ni Kuya Ruel. Hindi ko magawang itanong kung kamusta na ang usad ng kaso. Kinausap ako ni Kuya Ruel na ipriority ko muna ang aking kalusugan kesa sa negosyo. Yun kung nais kong isilang ang baby ko ng mal
(Nathaniel POV)“Sinabi mo sa Secretarya ko isang family dinner ang pupuntahan ko dito diba? Para na rin makilala ko ang mga magulang mo. At kung anong klaseng pamilya mayroon ka Wilma?”“Ah, isa naman talaga itong family dinner, kaya lang wala si Mommy. Hangang ngayon nasa hospital parin siya. Si daddy naman hindi maiwan-iwan si Mommy. Pero masasabi parin na family dinner ito dahil… Nariyan ikaw Nathaniel at ako. Mula ng magkahiwalay kayo diba ni Sera isa na tayong pamilya? Bubuo tayo ng pamilya diba Nathaniel?”Ngumisi ako sa kanya. Napa-iling… “Andito ako para makuha na din ang opportunity na kausapin ang daddy mo. Mayroon akong business proposal sa kanya. Secretary Taki, maaga ako ngayong uuwi sa Manor, iparating mo sa butler.”“Nathaniel…” Hawak ni Wilma sa kamay ko. “Kahit nga hiwalay na kayo ni Sera, sana mali itong pakiramdam ko… Bakit
(Sera POV)Ang kabang naramdaman ko ay mayroon palang dahilan… Dahil sa paligid hindi impossibleng naririto si Nathaniel Yao, kung ang kanyang sekretarya ay nasa harapan ko.Bago pa man nga makapagsalita si Secretary Taki, bumukas ang pinto ng sasakyan… Na parang gusto ko na lang lamunin ako ng lupang kinakatayuan ko ngayon. Hindi ko nais makita si Nathaniel… Pero andito na ito, wala na akong maurungan, maidadahilan at maatrasan… Kailangan ko harapin ang lalaking ama ng dinadala ko.Walang pinagbago kay Nathaniel, dala parin niya ang malakas ng hangin ng kayabangan. Pakiramdam ko nga madadala ako. Bilang dating mag-asawa, at ngayon malaya na akong gawin ang gusto ko, hindi ko na kailangan na ikubli ang aking sarili. Sapat na ang dahilan na hiwalay na kaming dalawa, at di na dapat pakialaman ang buhay ng bawat isa.“Magandang umaga Mr. Yao.” Bati ko sa kanya. “Kamuntik na yun. Per
(Sera POV)Umalis nga ako sa kumbento dala ang katiting na perang meron ako. Kumuha ng maliit na mauupahan. Nakapag desisyon na ako na walang kailangan madamay sa aking problema. Kahit na ang kapatid kong si kuya Ruel. Kung kagagawan ito ni Nathaniel na nangyari kay Kuya Ruel hindi ko na talaga kailangan makita pa ito. Malayo-layo na din ang lugar na ito para mahanap pa ako ni Nathaniel hindi ba? Iniwan ko ang phone ko kung saan, para na rin tuluyan nang maputol ang connection kahit kanino.(Wilma POV)Kagabi lang tumawag sa akin si Nathaniel na susunduin niya ako ng maaga. Kaya buong magdamag, hindi ako nakatulog sa pananabik. Hindi ko na din nagawang itanong sa kanya ang tungkol sa nangyari noong nagdaan na linggo.Kinabukasan nga, dahil hindi ako sanay na walang pagpipilian ng mga isusuot ko, ang daming maletang nakahelera. Siguro naman malaking sasakyan ang hinanda ni Na
(Secretary Taki POV)Siguro bibigyan ni Master Nathaniel ng oras si Miss Wilma upang may mapatunayan siya. Hindi ako umaasa na ang isang kagaya ni Miss Wilma ay maging isang Madam Yao. Napapailing na lamang ako sa idea na yan.Bumalik ako sa harapan ni Master Nathaniel, at inutos na walang titigil hangang hindi matagpuan kung nasaan si Miss Sera.“Sigurado po ba kayong hindi muna kayo sasabay kay Miss Wilma?”“Nope. May kailangan tayo puntahan, bago ako pumunta doon. Ang director ng marketing department ay kailangan ma site visit. Supresa. May kinalaman ito sa pagsabotahe ng pabango ng asawa ko.”(Sera POV)Kailangan ko ng trabaho, ngunit paano ako maghahanap ng trabaho kung ikukubli ko ang aking pagkatao? Isang simpleng trabaho lang. Yung tipong hindi nag-eengage sa mga taong nasa mataas na antas. Gaya na lang maging nanny o di