(Sera POV)
Dinala ako ni Kuya Ruel sa isang kumbento. Kakilala niya ang nagmamahalang madre doon, sa unang tingin mo pa lang napakasungit na… Ngunit mali, napakabait nito. Si Mother Anne. Halos dalawang linggo na akong nakatira dito, at katulad nga ng hiniling ko… isang tahimik at matiwasay na pamumuhay. Marami ang sariwang mga bulaklak na pinipitas lamang namin sa bakuran na siyang itinanim lang din. Di pa nga ako gaano nagtatagal, ang mga dahon, bulaklak at katawan ng ilang puno at halaman… Napabuntong-hininga ako… Paano naging toxic ang lahat ng natural na pabangong nagawa ng tinatayo kong kompanya? Nalulungkot lang ako… Ayoko man alamin ang takbo ngayon ng negosyo kong yun kahit palaging binibisita ako dito ni Kuya Ruel. Hindi ko magawang itanong kung kamusta na ang usad ng kaso. Kinausap ako ni Kuya Ruel na ipriority ko muna ang aking kalusugan kesa sa negosyo. Yun kung nais kong isilang ang baby ko ng mal
(Nathaniel POV)“Sinabi mo sa Secretarya ko isang family dinner ang pupuntahan ko dito diba? Para na rin makilala ko ang mga magulang mo. At kung anong klaseng pamilya mayroon ka Wilma?”“Ah, isa naman talaga itong family dinner, kaya lang wala si Mommy. Hangang ngayon nasa hospital parin siya. Si daddy naman hindi maiwan-iwan si Mommy. Pero masasabi parin na family dinner ito dahil… Nariyan ikaw Nathaniel at ako. Mula ng magkahiwalay kayo diba ni Sera isa na tayong pamilya? Bubuo tayo ng pamilya diba Nathaniel?”Ngumisi ako sa kanya. Napa-iling… “Andito ako para makuha na din ang opportunity na kausapin ang daddy mo. Mayroon akong business proposal sa kanya. Secretary Taki, maaga ako ngayong uuwi sa Manor, iparating mo sa butler.”“Nathaniel…” Hawak ni Wilma sa kamay ko. “Kahit nga hiwalay na kayo ni Sera, sana mali itong pakiramdam ko… Bakit
(Sera POV)Ang kabang naramdaman ko ay mayroon palang dahilan… Dahil sa paligid hindi impossibleng naririto si Nathaniel Yao, kung ang kanyang sekretarya ay nasa harapan ko.Bago pa man nga makapagsalita si Secretary Taki, bumukas ang pinto ng sasakyan… Na parang gusto ko na lang lamunin ako ng lupang kinakatayuan ko ngayon. Hindi ko nais makita si Nathaniel… Pero andito na ito, wala na akong maurungan, maidadahilan at maatrasan… Kailangan ko harapin ang lalaking ama ng dinadala ko.Walang pinagbago kay Nathaniel, dala parin niya ang malakas ng hangin ng kayabangan. Pakiramdam ko nga madadala ako. Bilang dating mag-asawa, at ngayon malaya na akong gawin ang gusto ko, hindi ko na kailangan na ikubli ang aking sarili. Sapat na ang dahilan na hiwalay na kaming dalawa, at di na dapat pakialaman ang buhay ng bawat isa.“Magandang umaga Mr. Yao.” Bati ko sa kanya. “Kamuntik na yun. Per
(Sera POV)Umalis nga ako sa kumbento dala ang katiting na perang meron ako. Kumuha ng maliit na mauupahan. Nakapag desisyon na ako na walang kailangan madamay sa aking problema. Kahit na ang kapatid kong si kuya Ruel. Kung kagagawan ito ni Nathaniel na nangyari kay Kuya Ruel hindi ko na talaga kailangan makita pa ito. Malayo-layo na din ang lugar na ito para mahanap pa ako ni Nathaniel hindi ba? Iniwan ko ang phone ko kung saan, para na rin tuluyan nang maputol ang connection kahit kanino.(Wilma POV)Kagabi lang tumawag sa akin si Nathaniel na susunduin niya ako ng maaga. Kaya buong magdamag, hindi ako nakatulog sa pananabik. Hindi ko na din nagawang itanong sa kanya ang tungkol sa nangyari noong nagdaan na linggo.Kinabukasan nga, dahil hindi ako sanay na walang pagpipilian ng mga isusuot ko, ang daming maletang nakahelera. Siguro naman malaking sasakyan ang hinanda ni Na
(Secretary Taki POV)Siguro bibigyan ni Master Nathaniel ng oras si Miss Wilma upang may mapatunayan siya. Hindi ako umaasa na ang isang kagaya ni Miss Wilma ay maging isang Madam Yao. Napapailing na lamang ako sa idea na yan.Bumalik ako sa harapan ni Master Nathaniel, at inutos na walang titigil hangang hindi matagpuan kung nasaan si Miss Sera.“Sigurado po ba kayong hindi muna kayo sasabay kay Miss Wilma?”“Nope. May kailangan tayo puntahan, bago ako pumunta doon. Ang director ng marketing department ay kailangan ma site visit. Supresa. May kinalaman ito sa pagsabotahe ng pabango ng asawa ko.”(Sera POV)Kailangan ko ng trabaho, ngunit paano ako maghahanap ng trabaho kung ikukubli ko ang aking pagkatao? Isang simpleng trabaho lang. Yung tipong hindi nag-eengage sa mga taong nasa mataas na antas. Gaya na lang maging nanny o di
(Nathaniel POV)Wala. Wala akong nararamdaman na paghihinayang kay Wilma. At ang presensya naiinis ako. Hindi ko maintindihan kung bakit bigla na lamang kumukulo ang dugo ko sa kanya. Alam ko ang tungkol sa kanyang pagpapansin. Dahil sa sinabi ni Sera sa akin na immature ako, ganito ba ako sa kanya kung kumilos. Haist. Never ko kinuha ang attention niya. Kaya wag na wag niya akong pagsasabihan na ako ang immature.“Tss.”“Master Nathaniel?”“Matulog ka na. Pero… Sabihin mo nga sa akin Taki, immature ba ako kanina sa supermarket? Dapat lang na ibalik doon sa cashier ang pagpapahiya niya sa asawa ko. Wala akong maling ginawa. Pinagtangol ko pa nga siya. Sabihin mo sa akin bakit siya magagalit ng ganoon na lang? Sadya ba talagang may mga sayad ang mga babae, lalo na yung asawa ko?”“Kukunin ko lang Master Nathaniel yung kumot at unan na inabot sa akin kanina ni Manong Benj
(Nathaniel POV)Hindi ko namalayan ang takbo ng oras palanding na ang sinasakyan kong chopper sa rooftop ng Yao Manor. Natitiyak kong naghihintay na sa akin ang aking ama sa maaga kong pagbabalik.Nang makababa ako, kaagad kong senenyasan si Secretary Taki na sumunod sa akin. Sumunod naman ito, pero bago pa man kami mag-usap na dalawa, hindi ako nagkamali na kahit malalim na ang gabi handa parin akong hintayin ng Old Master Yao.“Tss. Gusto niyo na atang salubungin kayo ni Kamatayan.”Ngumiti ito. “Nais ko lang salubungin ang anak kong bigo sa kanyang hinala sa kabit nito. Kahit alam ko na ang resulta nais ko parin marinig sayo ang pinag-usapan natin.” Tumalikod ito at naglakad na nga papunta sa may sala.Bago ako sumunod…“Nahanap niyo na ba kung saan nagtatago si Sera?”“Patuloy na pinaghahanap ng mga tauhan si Madam Yao. Hindi sila magp
(Sera POV)“Mr. Nathaniel Yao…” Ngumisi siya sa akin. Umatras naman si Secretary Taki upang ibigay ang pwesto niya kay Nathaniel. Nagkatitigan kami ni Nathaniel… Lalong lumaki ang ngisi niya.“Now you understand na hindi ka makakatakas sa akin ng basta-basta lang Sera.” Masayang ipinako ang paningin sa aking mga mata. Kahit kailan ang isang kagaya niya ay hindi matitinag kailanman. Napakademonyo niya.Bigla namang sumakit ang ulo ko, biglang nahihilo na hindi ko maintindihan. Buntis ako pero bakit sa pagkakataon na ito ang nararamdaman kong hilo ay kakaiba. Ang katawan ko bigla na lang nakakaramdam ng kakaibang init…“Masarap ba yung paborito mong fruit salad na merong ube?”“Mr. Nathaniel Yao…” Wag niyang sabihin may kinalaman siya sa pagkain na inilapag ni Manang kanina sa akin. Pero hindi yun impossible. “A-anong nilagay mo sa p
(Nathaniel POV)Lumabas si Ruel at naiwan naman sa loob ang kaibigan ni Sera. Sa harapan ng Old Master Yao, binibigyan niya ako ng masamang titig.“Hindi pa ba sapat na asawa mo siya para pilitin at lagyan mo ng gamot ang kanyang pagkain, Nathaniel?”“Tss. Hindi pa rin ba sapat ang suntok mo na hindi ko sinuklian kahit na umiinit ang ulo ko sa presensya mo?”“Tama na yan.” Saway ng Old Master Yao. “Naalala ko lang sa inyong dalawa ang kapatid ni Natalie, minsan din akong nakatamo ng suntok sa kanya. Natural lang na pinuprotektahan ng kanyang kapatid na lalaki ang kapatid na babae, Nathaniel. Kaya deserve mo yan. Swerte mo at mayroong kapatid na nag-aalala ng husto sa asawa mo.”“Hindi sila magkapatid Dad.”“Kahit hindi magkadugo, kapag itinuring mong kapatid ang isang tao, mas higit pa yan sa isang matalik na kaibigan. Tunay na kaibigang ma
Sunod-sunod na kulay itim ng sasakyan ang pumarada di kalayuan sa napaka-abalang simbahan sa araw na yun.Sa unahang sasakyan. Abalang tinatawagan ng isang nakangising lalaki ang numerong alam niya na makakausap ng sasagot nito ang sasalubong na kamatayan mamaya lang.Lalo siyang natawa dahil ano man ang siyang ginawa niyang pagbabanta dito. Hindi siya sineseryoso. Napasenyas sa leader ng tauhan niya.“The hero needs a lot of villains. Di lang nagtatapos sa isang kalaban ang challenge na kailangan niyang kaharapin.” Saka mala-demonyong tumawa.Nagsilabasan ang mga lalaking may kanya-kanyang dala na mga baril. Pumwesto na di namamalayan ng mga tao.“Well, I am needing a lot of blood.”Sinundan nito ang kilos nang isang photographer na siyang puntirya nga nilang lahat.“How pity you are filthy rat.”***Napangiti ang isang photographer dahil sa nakuha niyang larawan. Di man siya kabilang sa official na kinuhang photographer, di parin ito napigilan na pumunta at kumuha ng mga larawan par
(Jing-ER POV)Di ko narinig na sumagot ang babae kundi buntong hininga lamang ni Prince Kean.Malungkot ang aura ng lugar. Dahil nga may nangyayaring tangihan.Ouch.“KC, kung yan ang desisyon mo, kapag na-engage kami sa darating na araw ng babaeng di ko naman kilala, isipin mo na lang na ginagawa ko yun para sa ating dalawa. Nirerespeto ko ang desisyon mong ito. Nirerespeto ko ang pangarap mo. Gagawin ko ito para sa future natin at mabigyan ka nga ng oras para magtagumpay sa minimithi mong pangarap.”WOW! Ang supportive naman ni Prince Kean. Sana lahat ng lalaki sa mundong to naiintindihan ang mga babae. Yung tipong lalaki ng ang may mas maraming paraan na maunawaan ang babae.Ahaha. May saltik pa naman kaming babae kung minsan, diba?Nawawala sa sarili.“Hihiwalayan ko na lang siya balang araw para sayo.”OY! UNFAIR KA NAMAN PRINCE KEAN!
(Jing-ER POV)Sino man silang may privilege dito, sila na talaga ang rich Kid.Be thankful na ipinanganak talaga kayo sa mga magulang ninyong may kakayanan na manipulahin ang pera.Huhu. Magulang ko, kaya lang mangako kung kailan babayaran ang inutang nila.Lumabas ako at baka ano pa ang magawa ko. Makabasag pa ako sa mga magaganda nilang kitchen set. Tsk. Tsk. Wag.Binuksan ko naman yung sa kanan pinto.Isang library. Tipong CEO o isang scientist ang nag-aaral dito.Gusto tahimik ang boung paligid. Ngunit malaki ito para nga sa isang tao lang.Siguro lahat ng VIP students ginagamit to.Okey.Aanihin ko naman ang mga gamit dito? Mahalaga lang sa akin lapis at paint brush. Mas gugustuhin kong nasa labas ako para kumuha ng inspiration.Saka ako lumabas ulit sa library.Wala talagang tao. At kung may tao man at mahuli ako na di ako kaagad nakapagtago, edi bah
(Jing-ER POV)Pwede po ba wag na mag-aral?Na-ju-judge lang ako ng dahil sa pag-aaral. Kapag ganito, nakakatamad na talagang pumasok ng school.Mabuti na lang bag ni Aby ang nadala ko. Pareho kami. Parehong imitation na kala mo naman branded. Sa sinuswerte ka naman, andito ang chippy niya.Thank you so much Aby. Napaka-thoughtful mo talaga sa tummy mo. Pati ako mabibigyan ng blessing. Ang galing.Kahit paano, hindi ako alone. Bleehhh.Andito lang naman ang chippy ni Sena. Kaya, sarap na sarap akong naglalakad sa hallway na thankful walang korona at sash bilang maingay na studyante ngayong araw.Sa totoo lang di ko alam kung saan pupunta sa spare time na meron ako.Pero good idea na din itong pumasok sa isipan ko. Since papalayasin na din naman ako sa school na ito, bakit di ko na libutin habang meron akong pagkakataon?Sayang naman ng tuition fee na ginugol namin dito. Kapag w
(Jing-ER POV)Lagi kaming nasa likuran ng bawat -isa.Sandalan sa tuwing napapa-disaster ang lahat.Ahahaha.Sinusuportahan at ginagabayan sa tamang landas ang friendship namin.I treasure them na parang sila ata ang pangalawa kong pamilya. Wala palang ata. Sila talaga. Mahal namin ang isat-isa. Walang iwanan sa oras ng pangangailangan.Sa kalokohan lang naman, pare-parehong magkasabwat.Pwera na lang kay Aby. Laging nasa tamang daan ang choice niya. Hehe.Di yan sumasali kapag alam niyang kalokohan ang gagawin namin. Tinatakasan kami niyan after namin magplano ng mga prank na gagawin namin. Tipong makaganti man lang sa ibang taong gumagawa ng kalokohan sa amin. Pero kapag nasa action na, wala na talaga yan si Aby.Si Even ang full support sa akin kung paghihiganti lang naman ang usapan.At si Lost pang-paguilty ang ginagawa niyan sa amin.“Seryoso kayo
(Jing-ER POV)Napaka-helpless ng school na ito. Wala dapat na special treatment!Paano na kaming mga bobo?Edi mag-aral kayo ng maayos at maigi Jing-ER. Kailangan pa talagang mag-effort? Sa kontento na ako sa mga ginagawa ko ngayon.Pagkatapos ng first subject namin, nabuhayan ako ng marinig ko ang bell.Susunod na schedule yung special subject na ikaw mismo ang pipili at kung saan naroroon ang mga kaibigan ko.Excited to!My special class is Fine Arts!Sa klaseng to lang naman ako nabubuhayan ng kaluluwa. Plus ito talaga ang hilig ko. Ayoko ng ibang subject.Pagpasok ko. Andito na yung mga friends ko.Binati kaagad ako ni Lost kahit may kasalanan ako sa kanya. Masaya ako makita ang mga kaibigan kong to. Mga praning kagaya ko na di mo maintindihan kung saang genes ba talaga kami nangaling.Si Lost, Even at ang pinaka-malditang kaibi
(Jing-ER POV)Pagdating ko sa school, syempre di ako late. Mas maaga akong dumarating, mas maagang nakakakuha ako ng bagay na ikaka-peace offering ko kay Lost.Hahaha.Di nga ako nagkamali, makakabawi na ako kay Lost ng makita ko ang hinahawakan ni Aby.Isang collection book ng mga larawan ni Zendeo.Masaya ko itong ibinigay kay Lost ngunit nakalimutan niya isa akong patay gutom na kailangan pakainin.Kaya at the end nag-agawan kaming dalawa sa collection book ni Aby. Di kasi sumang-ayon sa deal ko sa kanya.Kaya naman biglang naging maldita si Aby ng nasira namin ang Album. Puro kay Zendeo nga ang larawan.Kapag ganito si Aby, lumalabas na ang sungay, kailangan ko nang lumayas sa harapan niya. Tatakbo ako na alam kong walang oras si Aby na habulin ako.Ang nakakagawa lang kay Aby para habulin niya ito, ay si Kevin.Minsan kapag nakikita ko silang nagbabangayan, kapag n
(Jing-Er POV)Ganoon talaga ang pangalan ko may pa-dash pang nalalaman si Author.Jing-Er.Wow!Ang sarap ng umaga! Unat ko ng aking mga kamay.Oo, masarap kahit wala naman talagang lasa.Wala lang, napaka-energetic ko lang ngayon dahil nga namiss ko na naman ang mga bestie ko sa haba ng summer vacation. Kailangan pa talaga namin umuwi ng probinsya para taguan lang ng mga magulang ko yung naniningil sa kanila.Bumalik naman dito na marami ding iniwang utang sa probinsya. Ibang klase talaga ang mga magulang kong yan. Kaya naman di na ako magtataka kung magulang ko talaga sila.Lumapit ako sa bike na katabi lang din ng bike ng kapatid ko.Bago ako umalis papunta sa school, set up na muna ng prank para sa kapatid ko.Hahaha. Kala niya di ako marunong gumanti. Isumbong mo pa kasi ako kila Mama.Ayan. Bahala na kung ano man ang mabasag na paso sa m
(Aby Sena POV)Ang secondhand camera ko na pinaghirapan namin ni Dada bilhin. Sa kamay lang bumagsak ni Kevin at ganito na ang sinapit niya.Sumusobra na siya!Ano naman kung secondhand yun?! Camera ba niya para ikahiya niya at mabawasan ang pagkatao?Ano naman kung ang pangit ng mga kuha ko?Expert ba siya pagdating sa mga larawan?!Sa ginawa niya, naghahamon siya ng World War Three!“Sena, malalate ka na.”Gising niya sa akin ulit.Muli niya akong nilapitan. Hinawakan ang balikat ko na ikina-angat ko ng mukha ko sa kanya.Talagang galit ako.Galit ako…At ng makita nito ang mukha ko, na ikinangiti niya.“Sira ulo ka ba Kevin?”“I am not. Bakit anong problema ng mukhang yan?”Gusto kong tumawa na parang traydor. Yung tipong inis ka tapos tumatawa ka.Yung effect na parang