(Sera POV)
Umalis nga ako sa kumbento dala ang katiting na perang meron ako. Kumuha ng maliit na mauupahan. Nakapag desisyon na ako na walang kailangan madamay sa aking problema. Kahit na ang kapatid kong si kuya Ruel. Kung kagagawan ito ni Nathaniel na nangyari kay Kuya Ruel hindi ko na talaga kailangan makita pa ito. Malayo-layo na din ang lugar na ito para mahanap pa ako ni Nathaniel hindi ba? Iniwan ko ang phone ko kung saan, para na rin tuluyan nang maputol ang connection kahit kanino.
(Wilma POV)
Kagabi lang tumawag sa akin si Nathaniel na susunduin niya ako ng maaga. Kaya buong magdamag, hindi ako nakatulog sa pananabik. Hindi ko na din nagawang itanong sa kanya ang tungkol sa nangyari noong nagdaan na linggo.
Kinabukasan nga, dahil hindi ako sanay na walang pagpipilian ng mga isusuot ko, ang daming maletang nakahelera. Siguro naman malaking sasakyan ang hinanda ni Na
(Secretary Taki POV)Siguro bibigyan ni Master Nathaniel ng oras si Miss Wilma upang may mapatunayan siya. Hindi ako umaasa na ang isang kagaya ni Miss Wilma ay maging isang Madam Yao. Napapailing na lamang ako sa idea na yan.Bumalik ako sa harapan ni Master Nathaniel, at inutos na walang titigil hangang hindi matagpuan kung nasaan si Miss Sera.“Sigurado po ba kayong hindi muna kayo sasabay kay Miss Wilma?”“Nope. May kailangan tayo puntahan, bago ako pumunta doon. Ang director ng marketing department ay kailangan ma site visit. Supresa. May kinalaman ito sa pagsabotahe ng pabango ng asawa ko.”(Sera POV)Kailangan ko ng trabaho, ngunit paano ako maghahanap ng trabaho kung ikukubli ko ang aking pagkatao? Isang simpleng trabaho lang. Yung tipong hindi nag-eengage sa mga taong nasa mataas na antas. Gaya na lang maging nanny o di
(Nathaniel POV)Wala. Wala akong nararamdaman na paghihinayang kay Wilma. At ang presensya naiinis ako. Hindi ko maintindihan kung bakit bigla na lamang kumukulo ang dugo ko sa kanya. Alam ko ang tungkol sa kanyang pagpapansin. Dahil sa sinabi ni Sera sa akin na immature ako, ganito ba ako sa kanya kung kumilos. Haist. Never ko kinuha ang attention niya. Kaya wag na wag niya akong pagsasabihan na ako ang immature.“Tss.”“Master Nathaniel?”“Matulog ka na. Pero… Sabihin mo nga sa akin Taki, immature ba ako kanina sa supermarket? Dapat lang na ibalik doon sa cashier ang pagpapahiya niya sa asawa ko. Wala akong maling ginawa. Pinagtangol ko pa nga siya. Sabihin mo sa akin bakit siya magagalit ng ganoon na lang? Sadya ba talagang may mga sayad ang mga babae, lalo na yung asawa ko?”“Kukunin ko lang Master Nathaniel yung kumot at unan na inabot sa akin kanina ni Manong Benj
(Nathaniel POV)Hindi ko namalayan ang takbo ng oras palanding na ang sinasakyan kong chopper sa rooftop ng Yao Manor. Natitiyak kong naghihintay na sa akin ang aking ama sa maaga kong pagbabalik.Nang makababa ako, kaagad kong senenyasan si Secretary Taki na sumunod sa akin. Sumunod naman ito, pero bago pa man kami mag-usap na dalawa, hindi ako nagkamali na kahit malalim na ang gabi handa parin akong hintayin ng Old Master Yao.“Tss. Gusto niyo na atang salubungin kayo ni Kamatayan.”Ngumiti ito. “Nais ko lang salubungin ang anak kong bigo sa kanyang hinala sa kabit nito. Kahit alam ko na ang resulta nais ko parin marinig sayo ang pinag-usapan natin.” Tumalikod ito at naglakad na nga papunta sa may sala.Bago ako sumunod…“Nahanap niyo na ba kung saan nagtatago si Sera?”“Patuloy na pinaghahanap ng mga tauhan si Madam Yao. Hindi sila magp
(Sera POV)“Mr. Nathaniel Yao…” Ngumisi siya sa akin. Umatras naman si Secretary Taki upang ibigay ang pwesto niya kay Nathaniel. Nagkatitigan kami ni Nathaniel… Lalong lumaki ang ngisi niya.“Now you understand na hindi ka makakatakas sa akin ng basta-basta lang Sera.” Masayang ipinako ang paningin sa aking mga mata. Kahit kailan ang isang kagaya niya ay hindi matitinag kailanman. Napakademonyo niya.Bigla namang sumakit ang ulo ko, biglang nahihilo na hindi ko maintindihan. Buntis ako pero bakit sa pagkakataon na ito ang nararamdaman kong hilo ay kakaiba. Ang katawan ko bigla na lang nakakaramdam ng kakaibang init…“Masarap ba yung paborito mong fruit salad na merong ube?”“Mr. Nathaniel Yao…” Wag niyang sabihin may kinalaman siya sa pagkain na inilapag ni Manang kanina sa akin. Pero hindi yun impossible. “A-anong nilagay mo sa p
(Nathaniel POV)Lumabas si Ruel at naiwan naman sa loob ang kaibigan ni Sera. Sa harapan ng Old Master Yao, binibigyan niya ako ng masamang titig.“Hindi pa ba sapat na asawa mo siya para pilitin at lagyan mo ng gamot ang kanyang pagkain, Nathaniel?”“Tss. Hindi pa rin ba sapat ang suntok mo na hindi ko sinuklian kahit na umiinit ang ulo ko sa presensya mo?”“Tama na yan.” Saway ng Old Master Yao. “Naalala ko lang sa inyong dalawa ang kapatid ni Natalie, minsan din akong nakatamo ng suntok sa kanya. Natural lang na pinuprotektahan ng kanyang kapatid na lalaki ang kapatid na babae, Nathaniel. Kaya deserve mo yan. Swerte mo at mayroong kapatid na nag-aalala ng husto sa asawa mo.”“Hindi sila magkapatid Dad.”“Kahit hindi magkadugo, kapag itinuring mong kapatid ang isang tao, mas higit pa yan sa isang matalik na kaibigan. Tunay na kaibigang ma
(Nathaniel POV)“Master Nathaniel, nais daw kayo kausapin ni Doktor Ruel bago sila umalis.” Ani ng katulong na kumuha ng attention namin,“Susunod ako.” At iniwan ko nga ang aking ama sa harapan ng malaking larawan ng aking ina. Pinuntahan si Ruel na kasama nga nito ang kaibigan ni Sera.“Nais ko lang ipaalala sayo na si Sera hindi mo maaring galawin.”“Bakit? May malubha ba siyang sakit.”“Tss. Tarantado ka talaga.” Muling lumiyab ang apoy sa pagitan namin ni Ruel.“Alam ko. Kailangan magpahinga ng maayos ng asawa ko. Doktora Gail, magpapa-iwan ka dito. Para naman may peace of mind na aalis si Dr. Ruel sa pamamahay na ito.”“Mr. Nathaniel, kailangan ako sa aking cli—.”“Magpapadala ako doon ng ibang doktor, sa ngayon kailangan ka ng kaibigan mo. Triple ang makukuha mong pera kapag nanatili ka dito kesa
(Wilma POV)Ibinigay ng isang Oby ang folder kay Nathaniel… Hindi ko kilala kung sino yun, hangang sa maalala ko ang mukha… Yun diba ang kaibigan bi Sera. Isang Oby yun… Hindi ako nagkakamali.“Teka lang.” Nang bubuksan na ni Nathaniel ang folder. “Hindi ba kaibigan ka ni Sera? Gail ang pangalan mo?”Tumango naman ito na may simpleng ngiti sa labi.“Hindi. Siguradong mali ang resulta na ibibigay niya Nathaniel.”“Wag po kayong mag-alala Doktora Wilma, hindi ako naki-alam sa procedure.” Tangi nito.“Eh bakit ikaw ang nagbigay ng folder kay Nathaniel?”“Inabot lamang sa akin ng isa kong kasamahan. Ang folder na yan yung resulta ng DNA test na pinagbubuntis ni Madam Yao.”Kaya naman natigilan ako, at kaagad na binuksan ito ni Nathaniel. Sana naman talaga may ginawa si Mommy tungkol dito.“Sera is
(Sera POV)Nauunawaan ko si Rin, ngunit kailangan ko muna unawain ang sitwasyon. Hindi magandang sabihin ngayon sa kanila ang totoo, baka magulat ang aking ina. Ipaparamdam ko muna na kahit anong ginawa nila sa akin kaya ko parin ito patawarin lalo na kahit pabaliktarin ang mundo mga magulang ko parin sila. Nagkakaganito lang ang sitwasyon dahil sa mga maling nagagawa ni Ate Wilma. Napabuntong-hininga na lamang ako.“Madam Yao, pupunta daw kayo sa Alumni Party niyo mamaya, sa tingin ko kailangan na natin maghanda.”Napangiti ako at inabot ko ang telephono. “Simple lang sana ang isusuot ko. Kaya maaga pa para maghanda.”“Si Master Nathaniel po ang nag-utos Madam.” Na parang wala nga atang magagawa ang katulong kundi sundin ang utos nito.(Wilma POV)“Wilma anak, kailangan lang namin ito gawin. Ayaw naming masi