(Wilma POV)
Ibinigay ng isang Oby ang folder kay Nathaniel… Hindi ko kilala kung sino yun, hangang sa maalala ko ang mukha… Yun diba ang kaibigan bi Sera. Isang Oby yun… Hindi ako nagkakamali.
“Teka lang.” Nang bubuksan na ni Nathaniel ang folder. “Hindi ba kaibigan ka ni Sera? Gail ang pangalan mo?”
Tumango naman ito na may simpleng ngiti sa labi.
“Hindi. Siguradong mali ang resulta na ibibigay niya Nathaniel.”
“Wag po kayong mag-alala Doktora Wilma, hindi ako naki-alam sa procedure.” Tangi nito.
“Eh bakit ikaw ang nagbigay ng folder kay Nathaniel?”
“Inabot lamang sa akin ng isa kong kasamahan. Ang folder na yan yung resulta ng DNA test na pinagbubuntis ni Madam Yao.”
Kaya naman natigilan ako, at kaagad na binuksan ito ni Nathaniel. Sana naman talaga may ginawa si Mommy tungkol dito.
“Sera is
(Sera POV)Nauunawaan ko si Rin, ngunit kailangan ko muna unawain ang sitwasyon. Hindi magandang sabihin ngayon sa kanila ang totoo, baka magulat ang aking ina. Ipaparamdam ko muna na kahit anong ginawa nila sa akin kaya ko parin ito patawarin lalo na kahit pabaliktarin ang mundo mga magulang ko parin sila. Nagkakaganito lang ang sitwasyon dahil sa mga maling nagagawa ni Ate Wilma. Napabuntong-hininga na lamang ako.“Madam Yao, pupunta daw kayo sa Alumni Party niyo mamaya, sa tingin ko kailangan na natin maghanda.”Napangiti ako at inabot ko ang telephono. “Simple lang sana ang isusuot ko. Kaya maaga pa para maghanda.”“Si Master Nathaniel po ang nag-utos Madam.” Na parang wala nga atang magagawa ang katulong kundi sundin ang utos nito.(Wilma POV)“Wilma anak, kailangan lang namin ito gawin. Ayaw naming masi
(Nathaniel POV)“Sino po ang kapamilya ni Ms. Valeria?”“Kami ho. Kamusta ang anak namin?”“Hindi maganda ang kalagayan niya. At kailangan na sumailalim siya sa operasyon. Ang sanggol sa kanyang sinapupunan ay kailangan na i-abort sa lalong madaling panahon. Upang maagapan ang infection na kumalat.”“Anong ibig ninyong sabihin?”“Dahil sa impact, patuloy na dumurugo si Miss Valeria. Ibig lamang sabihin wala nang pag-asa na mabuhay pa ang sanggol niya. Kailangan ninyong pirmahan ang agreement na ito kung pumapayag kayo. Saka kinakailangan din ng dugo ni Miss Valeria.”“Talaga bang…” Magsasalita pa sana si Miss Valeria… Nang makita ako ni Mr. Gabby at lakasan niyang sinabi….“Tama lang na mangyaring malaglag ang bata. Since ayaw naman panindigan ito ng kanyang ama.” Titig na titig ang mga mata nito sa a
(Ruth POV)Sumugod nga si Wilma kahit nahihirapan siya kung nasaan ang silid ni Sera. Hinarang siya ng mga tauhan ni Nathaniel, at kasabay pa ng mga tauhan ng mag-asawang Valeria. Kaawa-awang tinataboy, at hindi sumusuko si Wilma. Nagsusumigaw, hangang sa bumukas ang pinto, at lumabas doon si Nathaniel, Loreen at Gabby. Saka si Sera na nasa Wheelchair… Parang lalabas na ito ng hospital.“Mommy… Daddy! Wag kayong maniwala kay Ria! Dala lang ng ingit kung bakit niya sinabi ito. Ako ang anak ninyo. Hindi yang impaktang Sera na yan.”“Tumigil ka na Wilma. Ikaw ang impakta dito.” Ang ampon na si Ria ang sumagot.“Napakawalanghiya mo talaga Ria! Pagkatapos ko magmakaawa kay Mommy at Daddy na tuluyan ka nilang ampunin at maging kapatid ko, ito pa talaga ang isusukli mo sa akin!”“Wilma…” Kalmadong tawag ni Loreen sa aking anak.“Mommy…&r
(Nathaniel POV)Naiwan nga kami ni Wilma sa may sala. At hindi ko gustong mapag-isa kasama siya. Hindi ko rin susundin ang sinabi ni Sera. Pasensya na hindi ako ganoon kababang tao, at mabilis na kalimutan ang ginawang hindi maganda ng ibang tao. Tuso sa tuso. At ayokong nahihigitan ako nino man.“Gusto mo bang igawa ako ng special tea mo Wilma? Yung niluluto mong curry?”“Gusto mo gawan kita?”“Bakit ko naman itatanong kung ayaw ko?”“Sige Magpapagawa ako…”“Ipapagawa mo sa iba? Gusto ko yung ikaw mismo ang nagluto.”“Pero… Maiiwan kita dito?”“No. I make that excuses dahil parang kailangan ko gumamit ng palikuran. This morning hindi maganda ang takbo ng digestive system ko…” Doktora siya kaya impossible na hindi niya ako maintindihan. Saka saan ko ba nakuha ang excuses na ito? What the hell&h
(Sera POV)“Reymond! Wag mo itong gagawin, please lang!” May takot sa mukha ni Ate Wilma, takot na tila na magiging huli na ang lahat.“Napaka-interesante naman nito Wilma. Hindi ba sinabi mo sa lahat na lalaki ni Sera ang lalaking yan? Lalo na kay Nathaniel, na kamuntik na niyang mapatay si Sera dahil sa mga pinagsasabi mo.” “Talaga namang—.”“Nobyo ako ni Wilma. Yun ang pagkakaunawa ko sa relasyon nating dalawa.”“Tumigil ka sa kasinungalingan mo Reymond! Talaga namang may relasyon kayo ng malanding Se—.”“Si Seth ay hindi anak ni Wilma.”“Wag kayong maniwala sa lalaking yan na isang criminal!”“Anong ibig mong sabihin?” Nagsalita na nga ako. “Kung hindi anak ni Wilma si Seth, pero anak siya ni Nathaniel… Sino ba talaga ang ina ni Seth?”&ldqu
FINALE…(Ruth POV)Sakto lang ang pagdating ko sa hospital dahil kausap ni Sera ang isang doktor malapit sa may pharmacy. Hindi ko kinuha ang attention kundi pinagmasdan ko kung saan ako pupwesto na siyang hindi malalaman nino man kung saan nangaling ang bala. Umakyat ako sa may hagdan… nang biglang nakasalubong ko si William.“Wala ka ba talagang gagawin tungkol sa anak mo Ruth?”“…” Nanahimik ako, at balak ko sanang daanan siya ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko upang pigilan ako. Sa paghawak niya sa akin, aksidenteng nabuksan ang bag kong dala. Hindi ko alam kung nakita niya ang laman noon… At parang naulit lang ang pangyayaring ito noong papatayin ko si Natalie. Kamuntik na din niya ako mahuli… Pero hindi niya yun pinagtuunan ng pansin, saka sinabi sa akin na hihintayin niya ako sa sasakyan. Puyat na daw kasi siya at may maagang operasyon ito bu
Taming the Dangerous CEO 2 (Aby Sena POV)Nireready ko ang aking camera habang naglalakad sa hallway ng school namin.Ilang taon na ba ako sa school?Ahh… magfo-four years.Four years na tumatayo nga ako para sa aking sarili. Four years na sarili ko lang ang maaring sandalan ko. Wala akong paki-alam sa paligid ko. As in wala talaga.Ano naman kung mahirap lang ako?Bwisit sila.Binuksan ko ang chichiriyang stock ni Papa sa tuwing nag-go-grocery siya. Alam niya ang gusto kong chichiriya.I love you Dada! Fathers knows the best for his daughter talaga. Hinayaan kong sumabit sa leeg ko ang second hand na camerang, masaya ako na binili ni Papa para sa akin. Di man kamahalan basta nag-fu-function at pang matagalan ang serbisyo, okey na sa akin.Di naman ako spoiled kahit nag-iisang anak lang ako ni Papa. Ayokong mahirapan siya sa akin. Nag-iisa na nga lang siyang kumakayod para sa amin. Kabilang siya sa myembro ng single parent party list. Joke lang, di po ako nangangampanya. Syempre, p
(Aby Sena POV)Honestly mataas talaga ang paningin ng ilang tao sa iyo kapag nakapasok ka. Dahil ibig lang sabihin meron kang kakayanan. Natural igagalang ka ng ilang tao or worst ma-iingit sayo.Hehehe.Minsan nakikidnap ang ilang studyante dito dahil nga sa katayuan ng mga nagsisi-aral dito. Malinaw na malinaw, mayayaman nga ang pumapasok dito.Wag niyo na ako isama. Sadyang naligaw lang ako dito. Para kay Dada. At okey lang din wag akong umalis dahil, sa SPECIAL BUNOS ko!Tao din. Babae at nagdadalaga, may napupusuan. Di naman kasagad ang ka-abnormalan ko.Ang special bonus ko… Tantarantaran!Ang aking iniirog!Yieee… Hahaha. Kinikilig ang ate niyo.Ang iniirog kong si Zendeo.Shhhh… Quiet lang po. Dahil ako nagpapaka quiet lang. Di nagpapahalata. Minsan okey lang magmahal ng di nagpapahalata masyado. Tahimik at kinikimkim lang ang feeling. Para safe ang puso niyo na di masaktan. Be your own hero, wag tanga.Babala. Crush pa lang po, nakakasakit na. Specially sa mga feelingera.Kay
Sunod-sunod na kulay itim ng sasakyan ang pumarada di kalayuan sa napaka-abalang simbahan sa araw na yun.Sa unahang sasakyan. Abalang tinatawagan ng isang nakangising lalaki ang numerong alam niya na makakausap ng sasagot nito ang sasalubong na kamatayan mamaya lang.Lalo siyang natawa dahil ano man ang siyang ginawa niyang pagbabanta dito. Hindi siya sineseryoso. Napasenyas sa leader ng tauhan niya.“The hero needs a lot of villains. Di lang nagtatapos sa isang kalaban ang challenge na kailangan niyang kaharapin.” Saka mala-demonyong tumawa.Nagsilabasan ang mga lalaking may kanya-kanyang dala na mga baril. Pumwesto na di namamalayan ng mga tao.“Well, I am needing a lot of blood.”Sinundan nito ang kilos nang isang photographer na siyang puntirya nga nilang lahat.“How pity you are filthy rat.”***Napangiti ang isang photographer dahil sa nakuha niyang larawan. Di man siya kabilang sa official na kinuhang photographer, di parin ito napigilan na pumunta at kumuha ng mga larawan par
(Jing-ER POV)Di ko narinig na sumagot ang babae kundi buntong hininga lamang ni Prince Kean.Malungkot ang aura ng lugar. Dahil nga may nangyayaring tangihan.Ouch.“KC, kung yan ang desisyon mo, kapag na-engage kami sa darating na araw ng babaeng di ko naman kilala, isipin mo na lang na ginagawa ko yun para sa ating dalawa. Nirerespeto ko ang desisyon mong ito. Nirerespeto ko ang pangarap mo. Gagawin ko ito para sa future natin at mabigyan ka nga ng oras para magtagumpay sa minimithi mong pangarap.”WOW! Ang supportive naman ni Prince Kean. Sana lahat ng lalaki sa mundong to naiintindihan ang mga babae. Yung tipong lalaki ng ang may mas maraming paraan na maunawaan ang babae.Ahaha. May saltik pa naman kaming babae kung minsan, diba?Nawawala sa sarili.“Hihiwalayan ko na lang siya balang araw para sayo.”OY! UNFAIR KA NAMAN PRINCE KEAN!
(Jing-ER POV)Sino man silang may privilege dito, sila na talaga ang rich Kid.Be thankful na ipinanganak talaga kayo sa mga magulang ninyong may kakayanan na manipulahin ang pera.Huhu. Magulang ko, kaya lang mangako kung kailan babayaran ang inutang nila.Lumabas ako at baka ano pa ang magawa ko. Makabasag pa ako sa mga magaganda nilang kitchen set. Tsk. Tsk. Wag.Binuksan ko naman yung sa kanan pinto.Isang library. Tipong CEO o isang scientist ang nag-aaral dito.Gusto tahimik ang boung paligid. Ngunit malaki ito para nga sa isang tao lang.Siguro lahat ng VIP students ginagamit to.Okey.Aanihin ko naman ang mga gamit dito? Mahalaga lang sa akin lapis at paint brush. Mas gugustuhin kong nasa labas ako para kumuha ng inspiration.Saka ako lumabas ulit sa library.Wala talagang tao. At kung may tao man at mahuli ako na di ako kaagad nakapagtago, edi bah
(Jing-ER POV)Pwede po ba wag na mag-aral?Na-ju-judge lang ako ng dahil sa pag-aaral. Kapag ganito, nakakatamad na talagang pumasok ng school.Mabuti na lang bag ni Aby ang nadala ko. Pareho kami. Parehong imitation na kala mo naman branded. Sa sinuswerte ka naman, andito ang chippy niya.Thank you so much Aby. Napaka-thoughtful mo talaga sa tummy mo. Pati ako mabibigyan ng blessing. Ang galing.Kahit paano, hindi ako alone. Bleehhh.Andito lang naman ang chippy ni Sena. Kaya, sarap na sarap akong naglalakad sa hallway na thankful walang korona at sash bilang maingay na studyante ngayong araw.Sa totoo lang di ko alam kung saan pupunta sa spare time na meron ako.Pero good idea na din itong pumasok sa isipan ko. Since papalayasin na din naman ako sa school na ito, bakit di ko na libutin habang meron akong pagkakataon?Sayang naman ng tuition fee na ginugol namin dito. Kapag w
(Jing-ER POV)Lagi kaming nasa likuran ng bawat -isa.Sandalan sa tuwing napapa-disaster ang lahat.Ahahaha.Sinusuportahan at ginagabayan sa tamang landas ang friendship namin.I treasure them na parang sila ata ang pangalawa kong pamilya. Wala palang ata. Sila talaga. Mahal namin ang isat-isa. Walang iwanan sa oras ng pangangailangan.Sa kalokohan lang naman, pare-parehong magkasabwat.Pwera na lang kay Aby. Laging nasa tamang daan ang choice niya. Hehe.Di yan sumasali kapag alam niyang kalokohan ang gagawin namin. Tinatakasan kami niyan after namin magplano ng mga prank na gagawin namin. Tipong makaganti man lang sa ibang taong gumagawa ng kalokohan sa amin. Pero kapag nasa action na, wala na talaga yan si Aby.Si Even ang full support sa akin kung paghihiganti lang naman ang usapan.At si Lost pang-paguilty ang ginagawa niyan sa amin.“Seryoso kayo
(Jing-ER POV)Napaka-helpless ng school na ito. Wala dapat na special treatment!Paano na kaming mga bobo?Edi mag-aral kayo ng maayos at maigi Jing-ER. Kailangan pa talagang mag-effort? Sa kontento na ako sa mga ginagawa ko ngayon.Pagkatapos ng first subject namin, nabuhayan ako ng marinig ko ang bell.Susunod na schedule yung special subject na ikaw mismo ang pipili at kung saan naroroon ang mga kaibigan ko.Excited to!My special class is Fine Arts!Sa klaseng to lang naman ako nabubuhayan ng kaluluwa. Plus ito talaga ang hilig ko. Ayoko ng ibang subject.Pagpasok ko. Andito na yung mga friends ko.Binati kaagad ako ni Lost kahit may kasalanan ako sa kanya. Masaya ako makita ang mga kaibigan kong to. Mga praning kagaya ko na di mo maintindihan kung saang genes ba talaga kami nangaling.Si Lost, Even at ang pinaka-malditang kaibi
(Jing-ER POV)Pagdating ko sa school, syempre di ako late. Mas maaga akong dumarating, mas maagang nakakakuha ako ng bagay na ikaka-peace offering ko kay Lost.Hahaha.Di nga ako nagkamali, makakabawi na ako kay Lost ng makita ko ang hinahawakan ni Aby.Isang collection book ng mga larawan ni Zendeo.Masaya ko itong ibinigay kay Lost ngunit nakalimutan niya isa akong patay gutom na kailangan pakainin.Kaya at the end nag-agawan kaming dalawa sa collection book ni Aby. Di kasi sumang-ayon sa deal ko sa kanya.Kaya naman biglang naging maldita si Aby ng nasira namin ang Album. Puro kay Zendeo nga ang larawan.Kapag ganito si Aby, lumalabas na ang sungay, kailangan ko nang lumayas sa harapan niya. Tatakbo ako na alam kong walang oras si Aby na habulin ako.Ang nakakagawa lang kay Aby para habulin niya ito, ay si Kevin.Minsan kapag nakikita ko silang nagbabangayan, kapag n
(Jing-Er POV)Ganoon talaga ang pangalan ko may pa-dash pang nalalaman si Author.Jing-Er.Wow!Ang sarap ng umaga! Unat ko ng aking mga kamay.Oo, masarap kahit wala naman talagang lasa.Wala lang, napaka-energetic ko lang ngayon dahil nga namiss ko na naman ang mga bestie ko sa haba ng summer vacation. Kailangan pa talaga namin umuwi ng probinsya para taguan lang ng mga magulang ko yung naniningil sa kanila.Bumalik naman dito na marami ding iniwang utang sa probinsya. Ibang klase talaga ang mga magulang kong yan. Kaya naman di na ako magtataka kung magulang ko talaga sila.Lumapit ako sa bike na katabi lang din ng bike ng kapatid ko.Bago ako umalis papunta sa school, set up na muna ng prank para sa kapatid ko.Hahaha. Kala niya di ako marunong gumanti. Isumbong mo pa kasi ako kila Mama.Ayan. Bahala na kung ano man ang mabasag na paso sa m
(Aby Sena POV)Ang secondhand camera ko na pinaghirapan namin ni Dada bilhin. Sa kamay lang bumagsak ni Kevin at ganito na ang sinapit niya.Sumusobra na siya!Ano naman kung secondhand yun?! Camera ba niya para ikahiya niya at mabawasan ang pagkatao?Ano naman kung ang pangit ng mga kuha ko?Expert ba siya pagdating sa mga larawan?!Sa ginawa niya, naghahamon siya ng World War Three!“Sena, malalate ka na.”Gising niya sa akin ulit.Muli niya akong nilapitan. Hinawakan ang balikat ko na ikina-angat ko ng mukha ko sa kanya.Talagang galit ako.Galit ako…At ng makita nito ang mukha ko, na ikinangiti niya.“Sira ulo ka ba Kevin?”“I am not. Bakit anong problema ng mukhang yan?”Gusto kong tumawa na parang traydor. Yung tipong inis ka tapos tumatawa ka.Yung effect na parang