(Aby Sena POV)Honestly mataas talaga ang paningin ng ilang tao sa iyo kapag nakapasok ka. Dahil ibig lang sabihin meron kang kakayanan. Natural igagalang ka ng ilang tao or worst ma-iingit sayo.Hehehe.Minsan nakikidnap ang ilang studyante dito dahil nga sa katayuan ng mga nagsisi-aral dito. Malinaw na malinaw, mayayaman nga ang pumapasok dito.Wag niyo na ako isama. Sadyang naligaw lang ako dito. Para kay Dada. At okey lang din wag akong umalis dahil, sa SPECIAL BUNOS ko!Tao din. Babae at nagdadalaga, may napupusuan. Di naman kasagad ang ka-abnormalan ko.Ang special bonus ko… Tantarantaran!Ang aking iniirog!Yieee… Hahaha. Kinikilig ang ate niyo.Ang iniirog kong si Zendeo.Shhhh… Quiet lang po. Dahil ako nagpapaka quiet lang. Di nagpapahalata. Minsan okey lang magmahal ng di nagpapahalata masyado. Tahimik at kinikimkim lang ang feeling. Para safe ang puso niyo na di masaktan. Be your own hero, wag tanga.Babala. Crush pa lang po, nakakasakit na. Specially sa mga feelingera.Kay
(Aby Sena POV)Sa aking pag-upo, inilabas ko sa aking backpack yung tatlong libro. Mabuti pang mag-aral na lang ako dahil alam ko yung professor namin mamaya, after discussion may pa-quiz na naman. Saka aim ko talaga mag-advance reading para makapag-join ako sa discussion. Tipong kapag nasa loob kami ng classroom, akala mo nasa court of justice kami at kailangan i-defense ang mga karunungan, opinion at sagot namin. Sa matatalino ang mga kaklase ko.Saka ayaw ko naman lumayo ang agwat ko sa hambog na nakikipag-kompetensya sa akin kahit di na nga niya gawin yun. Sayang naman ng discount. Nang malaglag ang mga libro ko.Hay naku naman Aby. Inis na? Di alam kung meron pang space o wala na?Pinulot ko.Oo, sampung isipan ang meron ang isip ko. Masyadong maraming ibinu-bulong sa sarili. Dominant nga lang yung demonyong side ko na palagi akong inaasar rin. Dumagdag pa kay Umag.Science, mathematics at yung huli… Ang photo album ng beloved Zendeo ko. Kahit puro mga stolen shot, yun parin an
(Aby Sena POV)“Para saan yang titig na yan Sena. Di ka pa kumain? Libre tayo ni Lost dahil sa ginawa mo. Diba Lost?”“Oo naman. Punta kayo sa bahay. Igagawa ko kayo ng masarap na sinabawang hipon.”Akto kong hahablutin pabalik sa akin ang album, ngunit inilayo ni Lost sa’kin.“Wag. Ahahaha. Di ka masarap magluto Lost.”Adnormal na Jing-er, kapag yan umiyak. Wala akong kasalanan! Kahit naging sacrifice lang yung photo collection na nakalaan para kay Zendeo my labs.“Anong sabi mo Jing-er?” Ayan na si Lost. Bobo lang yan, hindi bingi. Yan na ang sinasabi ko sayo Jing-er!“Treat mo na lang kasi kami sa canteen, Lost. Malapit lang dito oh.”“Wala akong masyadong baon dito.” Pa-pout na sabi ni Lost.“Gawan ko na lang kayo ng siomai sa bahay namin.”
(Aby Sena POV)“Sena, akin na lang to ha. Gagawin ko ang lahat mapaganda ko ito lalo. Alam ko naman pinaghirapan mo ito ng husto. Thank you Sena.”Si Lost. May kunting introduction na ako sa inyo kanina.“Magaling ka naman kumuha ng larawan. Haist. Ang gwapo talaga ng Prince Charming ko. Kahit napaka-snub. I-kamusta mo na lang ako sa kanya ha. Share ko sayo yung baon ko mamaya.”Ehhh? Ano sabi niya? Maganda yung sinabi niyang una… pero talagang inari niya ang Zendeo my labs ko. Di ba niya alam may gusto rin ako sa tao? Bakit kasi di ko masabi na gusto ko rin si Zendeo? Bakit nanahimik ako?Kasi nga Sena, study now, landi ka na lang later. Saka sa tingin mo Sena, papatulan ba ni Zendeo si Lost?Hindi. Mataas naman ata ang qualification ni Zendeo sa ideal mate niya. Kaya okey lang. Sinabi naman ni Lost magaling ako kumuha ng larawan. Ahahaha.Talaga! Lalo na kun
(Aby Sena POV)Paano nakapasok si Lost sa school na’to? At saang larangan ba siya pumapayagpag?Artista lang naman si Lost. May kagandahan din kasi at cutie naman talaga siya. May lalaki ding humahabol dito, pero hangang Zendeo lang talaga siya. Ayaw niyang lumingon sa iba. Ganoon siya ka-addict kay Zendeo. Tipong tagos na tagos sa puso nito ang pagpana ni kupido para kay Zendeo. Habang si Zendeo umilag sa pana ni Kupido. Halos nga pagod na si Cupid kay Zendeo. Sa ubod snub at wala naman siyang pinapatulang babae. Seryoso sa trabaho eh.Bakit puro Zendeo ang bibig ko? Si Lost ang ini-introduce ko dito.Balik tayo kay Lost.Kung tungkol sa pamilya ni Lost, isa lang din naman siyang commoner. Naging mahirap kasi nga napakama-awain ni Lost at madaling ma-scam. Nag-iisang anak at single parent lang ang Daddy niya. Iniwan sila ng kanilang nanay. Napakabait ng tatay ni Lost. Kapag pumupunta kami sa bahay nila, asikasong-asikaso kam
(Aby Sena POV)Si Even na broken hearted, di talaga siya nakaka-move on. Kahit anong gawin namin sa kanya. Matutulala na lang yan kapag naalala niya ang kanyang Jowa good for one month.Tsk. Tsk. Tsk. Yan kasi nainlove kaagad.Kaya payong kaibigan wag muna kayo mag-jojowa. Hintay na lang mag turn twenty-five at dyan maglalaway ang mga lalaki sa inyo. Mag-uunahan sila dahil nga isa lang naman ang gusto ng lalaki sa babae eh.Ahem.Yun nga makakapili ka pa ng maayos na jojowain. Wag kayong padala sa edad na bata pa, nanliligaw na. Gusto maging highschool sweetheart? Jusko po. Focus muna tayo sa pag-aaral.Mas kinakailangan natin ang pag-aaral in the future kaysa kalandian na ang dala broken hearted.Sa totoo lang, sarili lang naman kasi ang makakatulong sa luhaan nating puso.Ahem. Kala mo naman kung sinong broken hearted no?Sa nakikita ko ang sama ng loob ni Even sa Exs niya. Lo
(Aby Sena POV)Yun na nga, parang hinila ni Even ang ilang hibla ng babae.Huli kong narinig…“So? Kompirmado niyo na?! No need na kayong magpagod i-verify sa mga ka-chismisan niyo dito!” Alingawngaw ng boses niya.Bye Even. It’s time for me to exit the stage.Ba-bye.You know me, iwas gulo. Goodluck sa kanila. Pares-back ka na lang kay Jing-Er.Dahan-dahan nga akong nakalayas sa lugar. Bahala na kung sino man ang umawat kay Even. Basta ako ayoko ng gulo.Ayoko na pinagkukumpulan ako dahil sa kaguluhan. In short, di ako skandalosa.Di ako sanay. Hindi talaga ako mahilig makipag-away. Ako yung tipong mapagbigay.Except sa taong tumatawag sa akin ng Ms. Pikon at Ms. Runner up. Tss. Talagang napipikon ako sa kanya.Hindi ako papayag na tapak-tapakan ako at laging maisahan.Nakakaasar ang lalaking yun.“M
(Aby Sena POV)Infairness naka-akyat ako na di man lang kinabahan o binalot ng takot. Ang very good talaga ng mangang to. Halikan ko na nga. Mwah.Tsk. Di ka baliw Sena. Umayos ka.Dami ko po talagang personality. Pasensya na po. Mood swing attack me somehow.Nang okey na ako, napangiti ako.Yieeee! Ms. Manga 2018!Naka-sponsor po yung brand ng Mango. Kung ayaw nila, edi kay Pink Apple ako.Sayang walang pink apple dito.Nagsidatingan na nga ang mga sasakyan agad ikinatili ng lahat. Trip nila yung sasakyan? Kinilig na kaagad dahil sa sasakyan? Sasakyan ata ang iniirog nila. O totoo talaga na nakakapa-pogi points nga ang sasakyan.Sana all pogi, kapag may sasakyan.Sa mga babaeng gold digger basta meron kang Ferrari, automatic pogi ka na. Kung matanda ka na din, still looking young parin kayo. Walang uurungan ang mga Gold digger. Magkakandarapa silang habul