(Sera POV) “Bakit di mo sinagot?” Tanong ni Kuya Ruel na nakita ngang kaagad kong dinecline ang tawag. Bahagyang akong ngumiti sa kanya.“Scam caller nauso ngayon Kuya Ruel. Ang kulit.”Pagkatapos kong sabihin yun, lumabas na kami sa boutique ko, at sumakay sa elevator. Tahimik lang na nakasunod si Kuya Ruel sa akin. Ngunit ng bumukas ang elevator, ang sumalubong sa akin pagmumukha ni Nathaniel kasama ang kanyang mga alipores.Napangisi si Nathaniel ng makitang kasama ko nga si Kuya Ruel. Lalong lumamig ang paligid… Ang puso ko parang sumali na naman sa karera. Kahit na sabihin ko nga sa sarili ko na hindi ko na mahal ang lalaking ito, parang hindi parin ako makakatakas sa kanya.“Nathaniel.” Lumabas si Kuya Ruel sa elevator na napatapik sa aking balikat. “Andito ka rin ba para sunduin si Sera? Naunahan kita, paano yan.”“Tsk. Wag kang mayabang
Last Updated : 2022-10-20 Read more