(Sera POV)
“Bakit di mo sinagot?” Tanong ni Kuya Ruel na nakita ngang kaagad kong dinecline ang tawag. Bahagyang akong ngumiti sa kanya.
“Scam caller nauso ngayon Kuya Ruel. Ang kulit.”
Pagkatapos kong sabihin yun, lumabas na kami sa boutique ko, at sumakay sa elevator. Tahimik lang na nakasunod si Kuya Ruel sa akin. Ngunit ng bumukas ang elevator, ang sumalubong sa akin pagmumukha ni Nathaniel kasama ang kanyang mga alipores.
Napangisi si Nathaniel ng makitang kasama ko nga si Kuya Ruel. Lalong lumamig ang paligid… Ang puso ko parang sumali na naman sa karera. Kahit na sabihin ko nga sa sarili ko na hindi ko na mahal ang lalaking ito, parang hindi parin ako makakatakas sa kanya.
“Nathaniel.” Lumabas si Kuya Ruel sa elevator na napatapik sa aking balikat. “Andito ka rin ba para sunduin si Sera? Naunahan kita, paano yan.”
“Tsk. Wag kang mayabang
(Sera POV)Mananagot ng husto si Nathaniel at Wilma kapag nalaman nga ng Old Master Yao na may mali akong kinain. Sa kalagitnaan ng katahimikan magsasalita na sana si kuya Ruel ng hinila ko ang kamay nito. Umiling ako ng lihim sa kanya. Saka ngayon lang ako magpapaka-ipokrita para kay Nathaniel at Ate Wilma. Ngumiti ako ng matamis…“Nag-iisip lang ho si Nathaniel kung nagdadalang-tao na po ba ako. Nagtatalo kami kung ano ba ang kasarian ng baby namin in case nga po na buntis ako.” Kaagad na napangiti ang Old Master Yao sa kanyang narinig.“Parang maganda nga ang ideya na yan. Kahit anong kasarian Sera welcome sa aming pamilya.” Dismayado si Kuya Ruel sa sinabi ko… Si Nathaniel naman hindi makapaniwala sa inilabas ng aking bibig. Si Ate Wilma kumunot ang noo at bahagyang tumaas ang kanyang kilay. Tila ba hindi niya gusto ang kanyang narinig. “kamusta Dr. Ruel, buntis na ba
(Sera POV) Walang-hiwalayan na mangyayari?“Paano si Ate Wilma?” Subok ko sa kanya.“No Sera.” Pagtangi ni Nathaniel sa pamagitan ng mapang-akit niyang boses. “Makikipaghiwalay ka dahil mayroon kang ibang lalaki. Saka hindi ba noon Sera napakadesperada mong magpakasal sa akin? Nagkunwari ka pang hindi mo ako kilala ng makilala mo ako noon? Kaya naman tutuparin natin ang pagiging desperada mo noon.”“Mali. Gustong-gusto ko na talagang hiwalayan ka. Sinisira mo na ako Mr. Nathaniel Yao. Walang ibang dahilan… Walang iba.”“Hangang panaginip mo na lang mangyayari ang kagustuhan mong yan Sera.” Na walang awa nga akong tinangihan nito. Saka hinawakan ni Nathaniel ang aking bababa… “Alalahanin mo Sera, sabi mo ipinagbubuntis mo ang anak ko nitong nakalipas na mga taon at sa huli sinisi mo ako na may kinalaman ako sa pagkamatay ng bastardo mong p
(Sera POV)“Kuya Ruel, galit ka parin ba sa akin dahil nasabuyan kita ng tsaa? Pasensya na. Si Sera kasi iniinis na naman ako sa oras na yun. Wala naman sana akong intention kaya lang—.”“Di mo ako madadala sa pinagsasabi mo Wilma. Nakita ko ang lahat. Narinig ko ang mga paratang na sinasabi mo kay Sera. Hindi ako bingi at bulag. Wag na wag mong subukan na patawanin ako. Parati mo naman talagang tinatangkang saktan si Sera, hindi ba?”Sa sinabi ni Kuya tignan na lang natin kung makakaramdam ba ng hiya ang isang katulad ni Ate Wilma. Pero nanaig parin ang mukha niyang inosente ngunit may mali sa kanyang pilit na ngiti. Alam kong tumubo na naman ang sungay niya, ngunit kailangan niya ito kontrolin sa harapan ni Nathaniel.“Kuya naman…”“Tss. Wag mo akong matawag-tawag na kuya.”Kaya naman si Wilma lumapit kay Nathaniel na tila ba hindi pinansin ang tens
(Sera POV)Ang huli kong binuksan na mensahe galing sa Secretary ng Old Master Yao. Masama daw ang pakiramdam nito, at parang nais akong makita. Tumawag naman ako pabalik, at sinabi na aasahan ng Old Master Yao ang pagbisita ko sa Yao Manor. Tiyak daw may ikakabuti ito ng ama ni Nathaniel.Siguro nakikita lang sa akin ng Old Master Yao ang yumao niyang dating asawa. Ngunit kahit ganoon dapat lang na parati kong ipakita ang pasasalamat ko sa kanya.Bago ako pumunta sa Yao Manor dumaan muna ako sa tindahan ni Uncle Alie, masaya naman ako nitong tinangap bilang customer pero hindi ko inaasahan na marinig dito…“Pumunta dito yung kabit ng asawa mo Sera. Wilma ang pangalan at dala pa niya ang pinagyayabang nitong anak. Dahil alam ko na hindi maganda ang idinudulot niya sayo hindi ko siya pina-unlakan. Mga kagaya niya ang sumisira sa magandang samahan ng mag-asawa. Sana Manindigan ka Sera.”Napan
(Nathaniel POV)“Master Nathaniel kanina pa pong tumatawag si Miss Wilma sa inyo.” Umangat ang paningin ko kay Secretary Taki, at para saan ang paulit-ulit nitong kinukuha ang attention ko para lang sa isang babaing nangugulo ng buhay namin ni Sera. Pero tinignan ko na lamang ang phone ko. May mga mensahe akong natangap tulad at medyo nabahala ako ng sinabi ni Wilma na mayroong lagnat si Seth.“Pakisabi na lang sa kanya na uuwi din ako mamaya.” Dahil wala akong gana na kumilos kaagad, kailangan ko tapusin ang mga ginagawa ko sa kompanya. Saka hindi ako ang doktor sa aming dalawa ni Wilma, ano ang ginagawa niya? Isa siyang doktora diba? At ang ganitong sitwasyon hindi niya kailangan kunin ang attention ko except wala talaga siyang magagawa sa situation ni Seth.Lumipas nga ang ilang oras at natapos ko pirmahan ang lahat ng papelis. Hangang sa pagabi na nga. Saka ko naalala ang situation ni Seth. May balak san
(Sera POV)Dinig na dinig ang pagwawalang iyak ni Wilma sa hallway. Kinuha na niya lahat ng attention nang mga tao sa paligid.“Anong gagawin natin Nathaniel? Di ko kakayanin kung may mangyaring masama sa baby natin. Paano na kung kunin siya sa atin? Hindi ako papayag. Bakit kasi ganito kalupit si Sera sa atin. Bakit hindi na lang ako ang sinaktan niya? Bakit kailangan pa niyang saktan si Seth… Napaka-inosente niyang bata.”Dahil sa sinabi ni Wilma, sino naman ang hindi magagalit sa pangalan na binangit niya. Sa pangalan na nanakit sa kanyang anak? Bakit pangalan ko ang binangit niya? Nakita ko din sa mga mata ni Nathaniel ang hindi mapawing kagustuhan na bigyan ng katarungan ang kanyang anak. Sana… Ganyan din siya noong namatay ang aming anak… Noong may nangyaring hindi maganda sa akin.Pero kahit na… Ang paninikip ng dibdib ko ngayon ay para sa batang kailangan na isalba. Kaya naman
(Sera POV)Lumipas ang isang araw, kahit gustong-gusto ata ni Wilma ilabas ang balita sa publiko hindi nito magawa dahil ang makakalaban nito sa aking narinig ay mismo ang abogado at sekretarya ng Old Master Yao. Nasa hospital ito, at walang malay ngunit mahigpit na ibinilin ng Old Master Yao sa kanyang sekretarya na walang dapat sumira ng pangalan ko. Nakahinga naman ako. Kaya lang hindi ko alam kung paano ko nga ipaglalaban ang sarili ko lalo na walang malay si Seth. Ito lang ang makakapagsabi ng totoo na paniniwalaan ni Nathaniel.“Ang lalim na naman ng iniisip mo.” Si Kuya Ruel. “At sa tingin mo saan ka pupunta?” Dahil nakabihis nga ako.“Kailangan ako sa aking boutique ngayon na yung release ng bagong perfume, kung yun natatandaan mo Kuya Ruel sa natalakay noong katatapos pa lang na pagpupulong.”“Ang tigas talaga ng ulo mo. Alam kong hindi kita mapipigilan, pero sana naman iwas
(Sera POV)“Pinagsisihan ko na ikaw ang naging ama ng aking anak.” Titig ko sa kanya ng madiin. Saka nagmadali akong iligtas ang natitirang abo sa nyebe at ulan na nagsisimula nang pumatak. Habang ginagawa yun, bumugso ng husto ang luha ko. Ang pait ng sinapit ng anak ko… Hindi niya ito deserve. Hinding-hindi…Ang aking kamay nanginginig at matinding ginagasgasan ng sahig habang sinusubukan kong ipunin ang natitirang abo. Ngunit sumang-ayon kahit ang ulan at nyebe kay Nathaniel. Kahit ano man ang gawin ko… Ang abo ay tuluyang sumasama sa tubig na pumapatak at tumatalbog kung saan. Lalo na ng pinayungan ng mga tauhan niya si Nathaniel… Ang tulo ng tubig ay diretso sa abo… na unti-unti ngang nabubura. Sa ganoong paraan ang natatangi kong pag-asa ay tuluyang naglaho.Napakamiserable ng buhay na binigay ko sa aking anak… Pati ba naman kanyang abo?Patawad. Pataw