Home / Werewolf / The Borderlines / Kabanata 1 - Kabanata 10

Lahat ng Kabanata ng The Borderlines: Kabanata 1 - Kabanata 10

50 Kabanata

Simula

Isa lamang akong normal na babae na namumuhay ng tahimik, kakaunti ang nakakakilala sa akin at hindi kami mayaman. Mahina ako, malamya, walang katangian ng pagiging isang lider at weird pa kung manamit ngunit bakit ako napili? Bakit kailangan pa akong maatasan ng ganitong misyon? Bakit pa akong napili maging Alpha ng isang pack?"Ano ang gagawin natin Alpha?" Naiiyak na tanong ng isa sa mga pack members ko habang tumatakbo kami papalayo sa mga humahabol sa amin."Kailangan natin makapasok sa Kinyege borderline, magiging ligtas tayo roon," sagot ko habang tumatakbo kami gamit ang dalawang paa namin. Hindi siya makapagbagong anyo kaya ang dalawang paa ang gamit niya, hindi rin ako nasa werewolf form ko kasi kailan man ay hindi ko pa iyon nagagawa.Naiwan na kami ng iba naming kasamahan dahil nasa anyong werewolf na sila kaya mas mabilis silang tumakbo at nakapunta sa Kinyege borderline."Ayaw ko pang mamatay, Alpha... Gusto ko pang makilala ang mate ko," na
Magbasa pa

Kabanata I: The Hairpin

Demi's Point of View"Mama, ayaw ko pa pong malayo sa inyo lalong-lalo na sa mga kapatid ko.""Hindi maaari ang gusto mo anak, gusto mo bang ipahamak ang angkan natin?""Ayaw po, natatakot lang po ako baka hindi na ako makabalik.""Hindi 'yan mangyayari basta't magpakatatag ka, mahal na mahal ka ni nanay."Nakatingin ako ngayon sa mag-inang nag-uusap, isa rin ata ang anak niya sa hindi mapalad na kabilang sa mga mahihirap na walang maipagtutubos sa mga anak nilang susuong sa panganib para mapatunayan na may karapatan itong mapabilang sa aming lahi."Oh, bakit tulala ka riyan?""P-po?" Napakurap-kurap naman ako at hinarap ang napakandang babae na nasa tabi ko na ngayon."Magiging maayos din ang lahat at kakayanin mo ang lahat ng pagsubok na kakaharapin mo sa loob ng akademya kaya huwag kang masyadong mag-alala," pagpapalakas ng loob ng babae na hinaplos pa ang pisngi ko at tumingin sa mag-ina na tinitingnan ko k
Magbasa pa

Kabanata II: Ceremony

Bumalik na kami sa bahay nang unti-unti nang nagpapakita ang araw. Masaya ako sa kaarawan ko ngayon kagaya noong nakaraang kaarawan ko dahil sa palaging ginagawang espesyal ito ni Yosh. Hindi na rin ako natulog at inantay na lang ang pagsikat ng araw gano'n din naman si Yosh na narito sa bahay namin dala ang mga gamit na dadalhin niya sa loob ng akademya."Kumain na kayo ng mabilis baka dumating na ang mga sundo ninyo," sabi ni ina na naghahain nang kanyang mga inilutong pagkain na karamihan ay paborito ko at ni Yosh."Maraming salamat po tita!" masayang usal ni Yosh na agad namang nilantakan ang paborito niyang pagkain."You're always welcome," sabi ni ina at naupo sa upuan na nasa harapan naming dalawa ni Yosh."Magdahan-dahan lang," saway ni ina na mayamaya ay may ipinatong sa lamesa, isa itong uri ng libro na may malilinis na pahina."Happy birthday!" Iniangat ko naman ang mukha ko, nakangiting nakatingin sa akin ngayon si ina."Nais san
Magbasa pa

Kabanata III: Officially Student

Maaga ako nagising dahil siguro sa namamahay ako, na-miss ko agad si ina, ang mga luto niya lalong-lalo na ang presensya niya na nakapapanatag ng kalooban ko. I feel safe with her.Umiling-iling na lang ako at huminga ng malalim at saka kinuha ang dalawang twalya ko at undergarments at saka uniporme ng first year, wala kasing sariling palikuran ang bawat kwarto kaya nasisiguro kong isa o dalawa lang ang palikuran namin. Pagkalabas ko ay sakto namang pagdaan ni Linda, ang Luna ng pack namin."Oh, good morning! Napakaaga mo naman ata nagising," nakangiting sabi niya na tumigil sa paglalakad at humarap pa sa akin."Namamahay kasi po ako," sagot ko."Okay lang 'yan, masasanay ka rin niyan. Oh siya, mag-ayos ka na ng sarili mo at ang palikuran ay nasa tabi ng kusina," aniya."Salamat," pagpapasalamat ko at naglakad na pababa ng hagdan at pinuntahan ang tinuro ni Linda na nahanap ko naman agad. Dalawang palikuran ang nakita ko at may nakadikit na dalawan
Magbasa pa

Kabanata IV: Werewolves History

Naguluhan ako sa sinabi ni Madam Fe, hindi ko maintindihan kung ano ba ang ibig sabihin ng mga binitiwan niyang salita o kung sino ang tinutukoy niya. Ang gulo, ang hirap at ang labo ng mga salitang binitawan niya. Sana ay kasing talino ako ng mga matataas na opisyales na nakatira sa Palati upang agad kong naintindihan ang mga salitang binitawan ni Madam Fe."Tila masyado kang tahimik Demi?" anang ni Yosh na nakakunot pa ang noo."Hindi ko maalala kung kailan ako dumaldal nang kagaya mo," sabi ko na kina-irap niya naman sa akin."Napakasaya niyong pagmasdan na dalawa, magkaiba man ang ugali ninyo pero nagkakasundo pa rin kayo," nakangiting usal ni Sofia."Of course, she doesn't ha
Magbasa pa

Kabanata V: The Bullies

Agad akong humingi ng tawad sa nabangga ko na mukhang mataray at maarte, mukha ring galing siya sa mayamang pamilya. Ito ang iniiwasan ko, ang makasalamuha ang mga anak ng mga mayayaman dahil karamihan sa kanila ay nakakairita ang ugali tulad lamang nitong nabangga kong babae. Siguradong gulo ang kalalabasan nito."Bakit hindi ka tumitingin sa dinaraanan mo?! Tingnan mo tuloy, namantsahan na ang uniform ko!" singhal niya.Iniyuko ko ang ulo ko at humingi ulit ng tawad. "Pasensya na talaga, hindi ko sinasadya, kung nais mo ay lalabhan ko na lamang iyan.""Nagpapatawa ka ba?! Baka sirain mo pa ito kaya huwag na lang. Alam ko namang ang mga kagaya mo ay walang gagawing tama lalong-lalo na't kabilang ka pa sa pinakamahina at talunang hampaslupang pack," aniya na ikina-hinga ko na lang ng malalim para pakalmahin ang sarili ko."Ngayon hindi ka na makapagsalita? Hampaslupa kasi kayo!" aniya ulit. Nakita ko na ring medyo pinagtitinginan na rin kami ng iba pang m
Magbasa pa

Kabanata VI: New Friends

"Sige na, tanggapin mo na, parang magka-size lang naman tayo eh at saka hassle pa ang pag-uwi mo sa dorm niyo para magpalit lang ng damit," sabi ni Thea na iniaabot na sa akin ang extra na malinis na uniform niya na kinuha niya sa bag na nakalagay sa locker niya sa school na para lang sa pack nila, karamihan ay may mga locker sadyang ang pack lang namin ang walang locker."Salamat, ibabalik ko na lang pag nalabahan ko na," sabi ko naman na kinatango niya naman."Sige, bahala ka," aniya na naglakad na paalis.Huminga naman ako ng malalim. Kakayanin ko ba ito sa apat na taon? Kaya ko bang tiisin ito? Sana...Naglakad na ako papunta sa malapit na palikuran na kasabay naman ng pagkakasalubong namin ni Yosh na agad nangunot ang noo nang makita ako lalong-lalo na ang nangyari sa akin."Walang dagat dito Demi? May swimming pool pero masyadong malayo sa canteen... Anong nangyari sa iyo?" bungad na tanong ni Yosh."Umalis ka sa dadaanan
Magbasa pa

Kabanata VII: Vampires History

One month, sa loob ng isang buwan ay hindi nawala sa isip ko si ina, kung kumusta na ba siya at kung nasa maayos ba siyang kalagayan at sa isang buwan din ng pananatili ko sa loob ng akademya ay paulit-ulit akong kinukulit ni Aeneas, gusto niya raw akong maging kaibigan na hindi ko naman pinapansin dahil tulad ng bilin ni Linda ay hindi dapat siya mapalapit sa akin o ako sa kanya dahil mapapahamak lang ako, hindi ko rin ito sinasabi kay Yosh na alam kong iinit ang ulo pag nalaman na may umaaligid sa akin na lalaki at paulit-ulit na kinukulit ako. Ipinagpapasalamat ko rin na hindi pa rin nagtatagpo ng landas ang dalawa, kawawa naman si Aeneas kung magtagpo ang landas nila."Okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni Sofia. Tumingin naman ako sa kaniya na may hawak na libro. Oo nga pala nasa library kaming tatlo nila Yosh."Oo naman, maayos ako," sagot ko."Parang ang lalim kasi ng iniisip mo," aniya na nag-aalala pa rin."Iniisip ko lang si ina... Kung maayos l
Magbasa pa

Kabanata VIII: Preparation For The Party

I bothered to what the girl said to me. Paanong mag-iiba ang kulay ng mga mata ko? "Huwag mo ng aalahanin ang sinabi ng babaeng 'yon sa 'yo," sabi ni Yosh na sinusuri pa ang katawan ko kung may sugat o pasa ba ako. "Wala akong sugat o pasa Yosh," anang ko at inalis ang kamay niyang sinusuri ang katawan ko saka lumapit kay Sofia na namumula ang ilong at gilid ng mga mata. "Masakit pa ba?" tanong ko na itinutukoy ang gasgas na meron siya sa may bandang siko dulot ng malakas na pagtulak sa kanya na nagasgas sa matalim na mga bato. "Oo, huwag sana na umabot pa ito sa mga kapatid ko." Tinapik-tapik ko lang ang balikat niya. "Saan ba kayo pumunta? Hinanap ko kayo sa classroom niyo pero wala naman kayo roon?" medyo naiinis na tanong ni Yosh. "May pinagtaguan lang kami," sagot ko. "Sino?" "Some bullies," agad na sagot ko at tumingin kay Sofia na nakatingin din pala sa akin, tiningnan ko siya ng isang makahulugang tingin na nain
Magbasa pa

Kabanata IX: Aquaintance Party

Dumating na nga ang araw kung saan ay magaganap na ang acquaintance or welcome party, medyo natagalan ang pagdaos ng party dahil sa mas pinaghandaan ito ng committee ng academy lalong-lalo na't dadalo ang Great Alpha."Bakit kaya dadalo ang Great Alpha? Baka ipapakilala niya na sa lahat ang mga anak niya?" nagtatakang usal ni Sofia habang nakatambay kami ngayon sa library habang si Yosh naman ay kanina pang may hawak na dagger.Siniko ko si Yosh at tiningnan ng nagbabantang tingin pero nginisihan niya lang ako."Huwag na lang kaya tayo dumalo? Diba Yosh?" Nag-aalala kasi ako kay Yosh baka kasi may gawin siyang ikakapahamak niya."Huh? Bakit naman? Nakapamili na tayo ng mga gamit e
Magbasa pa
PREV
12345
DMCA.com Protection Status