Home / Other / The Borderlines / Kabanata III: Officially Student

Share

Kabanata III: Officially Student

Author: _Syete_
last update Last Updated: 2021-11-11 16:23:57

Maaga ako nagising dahil siguro sa namamahay ako, na-miss ko agad si ina, ang mga luto niya lalong-lalo na ang presensya niya na nakapapanatag ng kalooban ko. I feel safe with her.

Umiling-iling na lang ako at huminga ng malalim at saka kinuha ang dalawang twalya ko at undergarments at saka uniporme ng first year, wala kasing sariling palikuran ang bawat kwarto kaya nasisiguro kong isa o dalawa lang ang palikuran namin. Pagkalabas ko ay sakto namang pagdaan ni Linda, ang Luna ng pack namin.

"Oh, good morning! Napakaaga mo naman ata nagising," nakangiting sabi niya na tumigil sa paglalakad at humarap pa sa akin.

"Namamahay kasi po ako," sagot ko.

"Okay lang 'yan, masasanay ka rin niyan. Oh siya, mag-ayos ka na ng sarili mo at ang palikuran ay nasa tabi ng kusina," aniya.

"Salamat," pagpapasalamat ko at naglakad na pababa ng hagdan at pinuntahan ang tinuro ni Linda na nahanap ko naman agad. Dalawang palikuran ang nakita ko at may nakadikit na dalawang simbolo, kumatok naman ako sa pintuan na may simbolo para sa mga babae.

"Palabas na," anang ng pamilyar na boses sa loob ng palikuran na mayamaya ay lumabas na.

"Demi!" Nakangiti niyang bungad nang makita ako.

"Sofia," usal ko sa pangalan niya.

Nakasuot ito ng bath robe na kulay puti at pinupunasan ang buhok niya.

"Namamahay ka 'no?" tanong niya.

"Oo," sagot ko at huminga ng malalim. Na-mimiss ko na talaga si ina.

"Ako nga rin eh, hindi ako sanay na maaga nagigising pero rito, napapaaga akong gising," aniya at ngumuso pa.

"Ah… Oo." Naiilang ako makipag-usap sa kanya lalong-lalo na't hindi ako sanay makipag-usap sa iba maliban na lang kay Yosh.

"Uhm, sige, maligo ka na muna pala. Hintayin na lang kita para sabay na lang tayo pumunta sa main campus." Tanging tango lang ang naging sagot ko at binuksan ang pintuan ng palikuran.

Agad akong naglinis ng katawan, naligo sa malamig na tubig na hindi ako sanay dahil noon ay iniinitan ako ni ina ng mainit na tubig na inihahalo sa tubig na ililigo ko para maging maligamgam dahil sa nagkakasakit ako kapag napakalamig ng tubig ang nililigo ko. Sana naman ay hindi ako magkasakit nito.

Madali lang akong naligo dahil sa lamig at baka may kumatok na. Pinunasan ko na rin ang katawan ko at isinupot ang isang twalya sa buhok ko, sinuot ko na rin sng undergarments ko at ang uniporme; isa itong puting long-sleeved na hapit-hapit sa katawan, may kulay berdeng necktie rin ito, skirt na kulay berde rin na hindi lalampas sa tuhod ang haba at mahabang medyas na hanggang tuhod at saka kulay itim na sapatos na kasyang-kasya sa akin.

Sa muli ay tiningnan ko ulit ang sarili ko sa salamin sa loob ng palikuran at tulad ng dati wala pa ring buhay ang mga mata ko na nakatingin sa salamin, ako pa rin ang Demi na expressionless at walang alam sa pakikipaghalubilo.

Lumabas na ako sa banyo na saktong papunta pa lang sa palikuran ang ilan sa mga babae na mga myembro ng pack namin, bahagyang yumuko ako bilang bati sa kanila na binati naman ako pabalik. Naglakad ulit ako pataas para pumunta sa kwarto ko at ilagay roon ang mga tuwalya na ginamit ko.

"Aba't tumatapang na kayo ha!" Narinig kong sigaw mula sa labas, binuksan ko ang bintana at nakita ang nangyayari sa labas. Isang she-werewolf na galing sa ibang pack, galit na galit itong nakatingin sa isa sa babaeng myembro ng pack namin.

"Paumanhin ngunit ano ba ang ginawa sa 'yo ni Trisha para saktan mo siya?" tanong ni Linda na inaalalayan na ang umiiyak na myembro ng pack namin.

"May pinapagawa ako sa kanya at dapat ngayon din ay tapos niya na ngunit hindi pa rin niya tapos ngayon!" Nanggagalaiti nitong sigaw.

"Paumanhin ngunit inuna ko ang pag-aaral para sa paparating na pagsusulit namin kaya hindi ko agad natapos---"

"Wala akong pakialaman kung may pagsusulit kayo ang nais ko ay tapusin mo ang pinapagawa ko sa 'yo!"

"Pero---" Nakita kong pinisil ni Linda ang kamay niya para hindi na umimik ang nangangalang Trisha.

"Paumanhin kung hindi agad niya natapos ay pinapatapos mo sa kanya at huwag kang mag-alala tatapusin niya iyon sa araw na ito," magalang na usal ni Linda na pinisil ulit ang kamay ng babae upang pigilan sa muling pagsalita nito.

"Tsk! Bibigyan kita ng dagdag na palugit, hanggang mamayang alas-singko ng hapon," mataray nitong usal at padabog na naglakad paalis.

"P-pero Linda, hindi ko magagawa iyon hanggang mamayang hapon a-at may pagsusulit pa ako," naiiyak nitong usal.

"Huwag kang mag-alala, tutulungan kita--- namin."

"Salamat Linda." Yumakap na ang babae kay Linda na niyakap naman nito pabalik. Mukhang ang babaeng 'yon ay mas matanda lang naman sa akin ng isang taon.

Isinarado ko na ulit ang bintana at inalis ang tuwalya sa buhok ko at nagsuklay saka naglakad palabas.

"Demi!" Napatingin naman ako sa nagsalita na walang iba kundi si Sofia na tulad ko ay nakasuot na rin ng kanyang uniporme at tulad nang una ko siyang makita ay naka-braid ulit ang buhok niya sa dalawa.

"Saan ka pupunta?" tanong niya nang nagpatuloy ako sa paglalakad palabas ng bahay kung nasaan sila Linda at ang babaeng nangangalang Trisha.

"May titingnan lang ako sa labas," sagot ko habang naglalakad palabas pa rin.

"Narinig mo rin pala 'yon," aniya na nakikisabay na sa akin sa paglalakad.

Pagkarating namin sa labas ay pinapatahan pa rin ni Linda ang babae.

"Linda…" tawag ni Sofia na nag-aalalang tumingin sa babae kanina.

"Galing sa Blood Moon Pack ang babaeng 'yon," aniya na bumuntong-hininga pa. Sigurado akong iyong sumugod na babae rito ang tinutukoy niya.

"Ang war freak naman nila," nababahalang usal ni Sofia na lumapit sa ka-myembro namin na umiiyak pa rin.

"That's the nature of Blood Moon Pack at wala tayong magagawa para suwayin ang inuutos nila sa atin or nang iba pang pack dahil sa oras na suwayin o lumaban tayo ay mas pagdidiskitahan nila tayo at gagawin na laruan," anang ni Linda.

"Kaya dapat talaga magtulungan tayong lahat para maka-survive rito sa academy," sabi ni Sofia.

"Ang unfair… Ang sistema nga natin napaka-unfair pati ba naman sa loob ng akademya ay unfair pa rin," anang ko at bumuntong-hininga pa.

"Kung sana malalakas ang mga myembro natin ay kakayanin nating umangat kaso karamihan sa atin ay hindi pa nakakapag-shift form at kung nakakapag-shift form naman ay isang mahinang lobo lang na hindi man lang makakapasok sa pagiging Gama," malungkot na usal ni Linda.

Natahimik naman kami ng ilang segundo hanggang sa may magsalita. "Bakit napakaaaga niyo namang mag-drama?" Napatingin naman kaming lahat sa nagsalita.

"May maitutulong ba kami sa iyo?" magalang na tanong ni Linda.

Kumunot naman ang noo ng nagsalita. "Wala naman."

"Ano ang ginagawa mo rito Yosh?" tanong ko.

"Checking on you," sagot niya at naglakad palapit sa akin.

"Maayos naman ako," sagot ko.

"Luna Linda, nakahanda na po ang almusal," anang ng isa sa mga ka-myembro namin.

"Almusal?" usal ni Yosh.

"Oo, gusto mo bang sumabay sa amin?" aya ni Linda.

"Hindi na kailangan---"

"Oo naman!" pagputol ni Yosh sa sasabihin ko.

"Kung ganoon, sumunod na kayong lahat sa akin," nakangiting sabi ni Linda. Agad namang sumunod sa kanya si Yosh kaya napapailing-iling na lang ako sumunod din sa kanila.

Naglakad kami papasok sa bahay at dumaan sa pintuan na nasa may kusina, bumungad sa amin ang napakaganda na garden, may limang mahahabang table rito at mga upuan.

"Dito kami sabay-sabay kumakain ng almusal, tanghalian at hapunan dahil sa hindi kami sumasabay sa breakfast, lunch and dinner time sa canteen dahil palagi lang na pinaglalaruan kami ng ibang pack roon," malungkot na usal ni Linda.

"Mas okay nga rito kayo kumain, ang tahimik," anang ni Yosh na naupo na sa isang upuan na naka-insert sa mahabang lamesa.

"Sumasang-ayon ako," anang ni Sofia na umupo na rin.

Inaya na rin ako ni Linda kaya naupo na rin sa gitna ni Yosh at Sofia habang si Linda ay nakaupo sa harapan namin maging ang babaeng umiyak kanina.

"Trisha ang iyong ngalan hindi ba?" tanong ko na kinatango naman niya.

"Sabihin mo sa akin ang pinapagawa sa 'yo kanina ng babae, tutulungan kita." Tumatango-tango naman ang babae.

**

"Wow! Ang sarap talaga nitong mga pagkain!" bulalas ulit ni Yosh.

"N-nagustuhan mo?" tanong ng isang babae na nakaupo sa isang table.

"Oo! Ang sarap!" sagot ni Yosh na hinimas-himas pa ang tyan niya dahil sa kabusugan.

"N-nagustuhan mo…" usal nung babae na napaiyak na saka tumakbo paalis.

"Did I do something wrong?" tanong ni Yosh.

"Ikaw pa lang kasi ang kauna-unahang pumuri sa mga pagkain na niluto niya maliban sa amin," sagot ni Linda na nakatingin sa dinaanan ng babae kanina.

"Bakit naman?" nagtatakang tanong ni Yosh maging ako rin naman ay nagtataka.

"Karamihan ng mga taga-ibang pack ay ayaw ang mga luto ni Micah, hindi sa hindi sila nasasarapan sa luto niya kung hindi ay naiinggit sila sa angking talento niya at minsan nga'y sinasabotahe pa nila kaya labis siyang nasiyahan na nagustuhan mo ang niluto niya lalong-lalo na't kabilang ka sa Storm Moon Pack," paliwanag ni Linda.

"O…kay."

"Sige na, mauna na kayong tatlo pumunta sa main campus para may oras pa kayong malibot ang akademya," aniya na ginawa naman namin.

**

"Teka, wala pala akong payong," usal ko at tinignan ang dadaanan naming medyo mainit.

"Oo nga pala, napaka-sensitive ng balat mo kahit hindi ka naman anak ng mayaman," pabirong usal ni Yosh na kinasama ko naman ng tingin sa kanya.

"Mayroong bilihan ng gamit na kailangan niyo sa tabi ng cafeteria, naroroon ang lahat na gusto at kailangan ninyong bilhin," sabi naman ni Sofia.

Tumatango-tango naman ako at tumingin ulit sa mainit na dadaanan namin bago bumuntong-hininga. Bakit naman kasi sa kadami-daming ipinadalang gamit sa akin ni ina ay ang payong pa ang nakalimutan ko.

Maglalakad na sana ako ngunit may iniabot na payong si Sofia.

"Pero ikaw…" Ipinakita niya naman ang isa niyang payong.

"Palaging dalawa ang dinadala kong payong in case of emergency. Uhm, share na lang kayo ng kasama mo…"

"Ah, oo nga pala hindi ko pa napapakilala ang sarili ko sa 'yo, ako pala si Yosh at ikaw si Sofia hindi ba?" Si Yosh na naglahad pa ng kamay.

"Ako nga, nice to meet you," sabi naman ni Sofia na nakipagkamay pa kay Yosh.

"Salamat sa payong," sabi ko at ibinuklat ang payong, naki-share naman sa akin si Yosh na nagsimula na naman magkwento ngunit si Sofia lamang ang nakikisabay sa mga biro niya.

**

"Andito na pala tayo," anang ni Sofia na nilibot-libot ang tingin.

Nasa harap kami ngayon ng napakalaking gusali, ito na ata ang canteen.

"Ang ganda," namamanghang usal ni Yosh habang nakatingala.

"Andoon yung tindahan." Itinuro naman ito ni Sofia kaya naglakad naman agad kami palapit doon.

Pumasok na kami roon dahil sa bukas naman ang pintuan ng tindahan na medyo creepy dahil sa medyo madilim sa loob pero nakakamangha dahil akala ko ay maliit lang ang tindahan pero noong pumasok kami ay napakalawak at ang laki nito.

"Ang creepy naman dito," puna ni Yosh na nilibot-libot ang tingin niya.

"Tindahan kasi ito ng witch," sabi naman ni Sofia.

"Madam Fe? Madam Fe?" tawag ni Sofia.

Naglibot-libot naman ako ngunit nakuha ang atensyon ko nang makita ko ang isang kwintas na may maliliit na batong kulay lila. Parang may kakaiba sa bato na hindi ko malaman kung bakit naagaw ang atensyon ko nito.

"Kilala mo ang may-ari niyan?" Gulat akong napatingin sa babaeng may kakaibang kasuotan na nasa gilid ko na.

Medyo nagulat din siya at hinawakan ang kanang kamay ko. "Kakaiba ka iha," aniya na tiningnan ang nakabukang palad ko saka bigla itong binitiwan.

"Ikaw nga! Ikaw nga ang---"

"Madam Fe!" Napatingin naman kami kay Sofia.

"Sofia, anong ginagawa mo rito?" tanong ni Madam Fe, siya pala ang witch na may-ari ng tindahan.

"Sinamahan ko ang mga kaibigan ko na bumili ng payong," sagot niya at tumingin sa akin. Mayamaya ay nagpakita na rin si Yosh.

"Normal na payong lang ba?"

"Opo," sagot ko.

Agad namang naglakad paalis si Madam Fe at pagbalik ay may dala ng kukay lilang payong.

"Heto na," aniya kaya tinanggap ko naman saka nagbayad ngunit nang paalis na sana ako ay hinawakan niya ako sa braso bago ibinulong ang katagang hindi ko maintindihan.

"Huwag mong hahayaan na masaktan ka dahil sa oras na mangyari iyon ay guguluhin at papatayin niya ang lahat sa lupaing ito."

Sino ang tinutukoy niya?

Related chapters

  • The Borderlines   Kabanata IV: Werewolves History

    Naguluhan ako sa sinabi ni Madam Fe, hindi ko maintindihan kung ano ba ang ibig sabihin ng mga binitiwan niyang salita o kung sino ang tinutukoy niya. Ang gulo, ang hirap at ang labo ng mga salitang binitawan niya. Sana ay kasing talino ako ng mga matataas na opisyales na nakatira sa Palati upang agad kong naintindihan ang mga salitang binitawan ni Madam Fe."Tila masyado kang tahimik Demi?" anang ni Yosh na nakakunot pa ang noo."Hindi ko maalala kung kailan ako dumaldal nang kagaya mo," sabi ko na kina-irap niya naman sa akin."Napakasaya niyong pagmasdan na dalawa, magkaiba man ang ugali ninyo pero nagkakasundo pa rin kayo," nakangiting usal ni Sofia."Of course, she doesn't ha

    Last Updated : 2021-11-12
  • The Borderlines   Kabanata V: The Bullies

    Agad akong humingi ng tawad sa nabangga ko na mukhang mataray at maarte, mukha ring galing siya sa mayamang pamilya. Ito ang iniiwasan ko, ang makasalamuha ang mga anak ng mga mayayaman dahil karamihan sa kanila ay nakakairita ang ugali tulad lamang nitong nabangga kong babae. Siguradong gulo ang kalalabasan nito."Bakit hindi ka tumitingin sa dinaraanan mo?! Tingnan mo tuloy, namantsahan na ang uniform ko!" singhal niya.Iniyuko ko ang ulo ko at humingi ulit ng tawad. "Pasensya na talaga, hindi ko sinasadya, kung nais mo ay lalabhan ko na lamang iyan.""Nagpapatawa ka ba?! Baka sirain mo pa ito kaya huwag na lang. Alam ko namang ang mga kagaya mo ay walang gagawing tama lalong-lalo na't kabilang ka pa sa pinakamahina at talunang hampaslupang pack," aniya na ikina-hinga ko na lang ng malalim para pakalmahin ang sarili ko."Ngayon hindi ka na makapagsalita? Hampaslupa kasi kayo!" aniya ulit. Nakita ko na ring medyo pinagtitinginan na rin kami ng iba pang m

    Last Updated : 2021-11-13
  • The Borderlines   Kabanata VI: New Friends

    "Sige na, tanggapin mo na, parang magka-size lang naman tayo eh at saka hassle pa ang pag-uwi mo sa dorm niyo para magpalit lang ng damit," sabi ni Thea na iniaabot na sa akin ang extra na malinis na uniform niya na kinuha niya sa bag na nakalagay sa locker niya sa school na para lang sa pack nila, karamihan ay may mga locker sadyang ang pack lang namin ang walang locker."Salamat, ibabalik ko na lang pag nalabahan ko na," sabi ko naman na kinatango niya naman."Sige, bahala ka," aniya na naglakad na paalis.Huminga naman ako ng malalim.Kakayanin ko ba ito sa apat na taon? Kaya ko bang tiisin ito? Sana...Naglakad na ako papunta sa malapit na palikuran na kasabay naman ng pagkakasalubong namin ni Yosh na agad nangunot ang noo nang makita ako lalong-lalo na ang nangyari sa akin."Walang dagat dito Demi? May swimming pool pero masyadong malayo sa canteen... Anong nangyari sa iyo?" bungad na tanong ni Yosh."Umalis ka sa dadaanan

    Last Updated : 2021-11-14
  • The Borderlines   Kabanata VII: Vampires History

    One month, sa loob ng isang buwan ay hindi nawala sa isip ko si ina, kung kumusta na ba siya at kung nasa maayos ba siyang kalagayan at sa isang buwan din ng pananatili ko sa loob ng akademya ay paulit-ulit akong kinukulit ni Aeneas, gusto niya raw akong maging kaibigan na hindi ko naman pinapansin dahil tulad ng bilin ni Linda ay hindi dapat siya mapalapit sa akin o ako sa kanya dahil mapapahamak lang ako, hindi ko rin ito sinasabi kay Yosh na alam kong iinit ang ulo pag nalaman na may umaaligid sa akin na lalaki at paulit-ulit na kinukulit ako. Ipinagpapasalamat ko rin na hindi pa rin nagtatagpo ng landas ang dalawa, kawawa naman si Aeneas kung magtagpo ang landas nila."Okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni Sofia. Tumingin naman ako sa kaniya na may hawak na libro. Oo nga pala nasa library kaming tatlo nila Yosh."Oo naman, maayos ako," sagot ko."Parang ang lalim kasi ng iniisip mo," aniya na nag-aalala pa rin."Iniisip ko lang si ina... Kung maayos l

    Last Updated : 2021-11-15
  • The Borderlines   Kabanata VIII: Preparation For The Party

    I bothered to what the girl said to me. Paanong mag-iiba ang kulay ng mga mata ko? "Huwag mo ng aalahanin ang sinabi ng babaeng 'yon sa 'yo," sabi ni Yosh na sinusuri pa ang katawan ko kung may sugat o pasa ba ako. "Wala akong sugat o pasa Yosh," anang ko at inalis ang kamay niyang sinusuri ang katawan ko saka lumapit kay Sofia na namumula ang ilong at gilid ng mga mata. "Masakit pa ba?" tanong ko na itinutukoy ang gasgas na meron siya sa may bandang siko dulot ng malakas na pagtulak sa kanya na nagasgas sa matalim na mga bato. "Oo, huwag sana na umabot pa ito sa mga kapatid ko." Tinapik-tapik ko lang ang balikat niya. "Saan ba kayo pumunta? Hinanap ko kayo sa classroom niyo pero wala naman kayo roon?" medyo naiinis na tanong ni Yosh. "May pinagtaguan lang kami," sagot ko. "Sino?" "Some bullies," agad na sagot ko at tumingin kay Sofia na nakatingin din pala sa akin, tiningnan ko siya ng isang makahulugang tingin na nain

    Last Updated : 2021-11-16
  • The Borderlines   Kabanata IX: Aquaintance Party

    Dumating na nga ang araw kung saan ay magaganap na ang acquaintance or welcome party, medyo natagalan ang pagdaos ng party dahil sa mas pinaghandaan ito ng committee ng academy lalong-lalo na't dadalo ang Great Alpha."Bakit kaya dadalo ang Great Alpha? Baka ipapakilala niya na sa lahat ang mga anak niya?" nagtatakang usal ni Sofia habang nakatambay kami ngayon sa library habang si Yosh naman ay kanina pang may hawak na dagger.Siniko ko si Yosh at tiningnan ng nagbabantang tingin pero nginisihan niya lang ako."Huwag na lang kaya tayo dumalo? Diba Yosh?" Nag-aalala kasi ako kay Yosh baka kasi may gawin siyang ikakapahamak niya."Huh? Bakit naman? Nakapamili na tayo ng mga gamit e

    Last Updated : 2021-11-17
  • The Borderlines   Kabanata X: Pranks And The Man In The Crystal Ball

    Tinanghali na ako nagising, mabuti nga at kinaumagahan ay walang pasok. Nag-unat-unat na ako at hinilot-hilot ang ilang parte ng katawan ko, sa lapag kasi ako natulog. Dapat ay magkatabi kami ni Yosh ngunit itinutulak o sinisipa niya lang ako paalis sa kama kaya't sa lapag na lang ako natulog habang siya ay mahimbing pa rin ang tulog mapahanggang ngayon.Kinuha ko na ang tuwalya, toothbrush at dinala ang ibibihis kong damit saka naglakad na pababa at dumiretso sa palikuran ngunit may nauna sa akin kaya pumila ako. Labing-limang minuto lang naman ang hinintay ko bago ang turn ko, kumilos ako ng mabilis kaya agad naman na natapos ako sa pagliligo na agad namang nagbihis at bumalik sa kwarto. Tulog pa rin si Yosh. Isinampay ko na ang tuwalya at inilagay na sa lalagyanan ko ang tootbrush at saka naglakad ulit pababa ng sala para maghanda ng umagahan naming dalawa, tila naubusan na kami ng nilutong umagahan."Oh! Demi! Pinagtira ko pala kayo ng almusal, kunin mo na lang dya

    Last Updated : 2021-11-18
  • The Borderlines   Kabanata XI: Madam Fe's Crystal Ball and Her Saviours

    "Sorry po," paghingi ko ng tawad at bahagya pang yumuko. "Huwag muna ulit hahawakan iyan ng walang pahintulot ko," seryusong sabi niya. "Anong kailangan niyo pala sa akin?" dagdag na tanong ni Madam Fe at lumapit sa bulang kristal at hinawakan iyon. Nasa tabi niya na rin si Sofia. "Nais po sana naming humingi ng tulong upang makita at malaman kung nasaan ang ina ni Demi," magalang na sagot ni Sofia na tumabi na sa akin. "Hindi libre ang serbisyo ko," aniya. "Magbabayad po ako, basta't malaman ko lang kung nasaan ang nanay ko," sabi ko. Kahit ubusin ko ang lahat ng perang binigay sa akin ni ina basta mahanap at malaman ko lang kung ano ng nangyayari sa nanay ko, kung nasa maayos ba siya na kalagayan. Tiningnan lang ako ni Madam Fe bago hinawakan ang bolang kristal niya at pumikit pero kinalaunan ay naging kulay itim ang bolang kristal niya, pagmulat niya ay parang takot na takot siya. "Ano pong nakita niyo?" tanong ko. "Wala, um

    Last Updated : 2021-11-19

Latest chapter

  • The Borderlines   Kabanata XLVII: Yosh's Disappearance

    Kinabukasan ay sinikap kong tumayo at pumunta sa pag-anunsyo ng bagong ranking ng mga pack. Lahat ng sugat ko ay nagsihilom na sa tulong na rin ng mga gamot na galing sa mga witches pero ramdam ko pa rin ang panghihina ng katawan ko dulot ng mga pagpapahirap sa akin sa loob ng kulungan sa Kinyege borderline."Sigurado po bang okay na ang pakiramdam niyo?" nag-aalalang tanong ni John na tinanguan ko naman saka ngumiti."Okay na ako, gusto kong personal na marinig ang mga bagong ranking mamaya," sabi ko at tinapik-tapik ang balikat niya."Siguradong magiging proud ka sa amin, Demi kapag nalaman mo ang resulta ng ART mamaya," proud na wika ni Sofia na nasa tabi ko."Proud naman ako sa inyo kahit hindi man kayo manalo sa mga tasks, eh!""Magsisimula na raw ang pag-anunsyo," anang isa sa mga myembro ng pack namin.Karamihan sa kanila ay nagpapahinga pa dahil galing palang sila sa huling task na ginawa nila at proud na proud ako kasi wala man ni isa sa kanila ang na-injured na iniiwasan tal

  • The Borderlines   Kabanata XLVI: The Real Murderer

    "Bring me the girl," utos ni Luna Aerah na disidido na makuha ako."Mom! I already told you! Demi is innocent!" sabat ni Aeneas na lumapit pa sa kanyang nanay."Hangga't walang matibay na ebidensya ay kailangan niyang bumalik sa loob ng kulungan," anang Luna Aerah."Pero wala po talagang kinalaman si Demi!" naiiyak na pagsabat din ni Sofia."What are you doing here? Wala kayong pahintulot na tumuntong sa Kinyege Borderline, nais niyo bang maparusahan kayo!?" wika ulit ni Luna Aerah na pinagsasabihan si Sofia na umiiyak na at si Arhyss na pinapatahan ang mate niya."Huwag niyong subukan ako," galit na pagbabanta ni Renz sa mga kawal."Ouch! Get off your hands on me!" Napatingin kami sa pinanggalingan ng boses na 'yon."Yosh?" sabay naming usal ni Aeneas."She's the real murderer, let my friend go," walang emosyon na wika ni Yosh na hawak-hawak ang buhok ni Alethea na dumadaing naman at pilit inaalis ang pagkakahawak sa buh

  • The Borderlines   Kabanata XLV: Caught

    Pagkatapos kong bitiwan ang mga salitang iyon ay wala na muling nagtangka sa amin na dalawa na magsalita hanggang sa unti-unti na ng nawalan ang araw. Kinalaunan ay lumabas siya ng bahay at pagkabalik ay may mga dala na siyang prutas at gulay at ilan sa mga sangkap na hindi ko malaman kung saan niya nga ba ito nakita at nakuha."Eat some snacks," aniya at inilagay sa harapan ko ang isang basket na puno ng iba't ibang mga prutas."Salamat..." nahihiyang pagpapasalamat ko."Eat all of that, your body needs that."Nagsimula naman akong kumain ng mga prutas at nang mabusog ay ininom ko na ang tubig na dala niya rin saka lumabas muli sa maliit na kwarto, agad ko namang nakita si Renz na nakatalikod sa gawi ko. Ang sexy niyang tingnan mula rito sa kinatatayuan ko, from his hair, neck, muscles and body. Tila lahat ngang babae ay mababaliw sa kanya."Stop staring, you're distracting me," aniya habang nakatalikod pa rin sa akin."I-I'm not staring!" pagtanggi ko sa

  • The Borderlines   ANNOUNCEMENT

    Hi, readers! Sorry kung medyo matagal din bago ako nakapagsulat ulit, dumaan po kasi ako sa writer's block plus masyadong pressure sa studies ko kaya nawala ako ng mahabang panahon sa pagsusulat nito at medyo may hindi na ako natatandaan na part ng story kaya baka makabasa kayo ng ibang part ng story na supposedly ay wala, humihingi po ako ng sorry agad sa maling ito. I'll try my best to edit it again after I finish this story and yes! Malapit na po siyang matapos at excited na po ako doon, currently writer the few chapters now and I hope you'll like it po. Have a great day!

  • The Borderlines   Kabanata XLIV: His Sweet Side

    Pagkatapos ng seryusong pag-uusap namin ni Renz ay pinatulog niya ulit ako upang makabawi raw ako ng lakas at sa buong oras ng pagtulog ko ay hindi niya ako iniwan at nanatili sa tabi ko.Ngayon nga'y nasa harapan ko siya at nakasandal sa dingding na gawa sa kahoy, nakapikit ang kanyang mga mata habang naka-krus ang mga braso.Ilang minuto rin akong nakatulala sa kanya at hindi gumalaw dahil baka magising ko siya hanggang sa unti-unti niya ng iminulat ang kanyang mga mata."G-Good afternoon..." nauutal at awkward kong bati."Are you hungry?" tanong niya na sakto naman ng pagkalam ng sikmura ko."I will prepare foods," aniya at tumayo na saka tinapik-tapik ang mga dumi na kumapit sa kanyang suot."Marunong kang magluto?" namamangha kong tanong at dahan-dahang umupo na kinaharap niya ulit sa akin at dinaluhan ako para alalayan."I need to, it's part of my training since I was a child," sagot niya na tiningnan ang sugat sa

  • The Borderlines   Kabanata XLIII: His Anger

    Nagising na lang ako nang may tumama na sinag ng araw sa mga mata ko. Nandito pa rin ako sa piitan at nakadapa, walang lakas at napakahapdi ng likuran dahil sa mga latigo na natanggap ko."Nasaan siya? Saan niyo sa kinulong?!" Narinig kong tanong ng isang pamilyar na boses pero base sa tono ng kanyang pananalita ay galit siya."Dito po," anang kausap niya.Mayamaya ay may mga paang tumigil sa harapan ng rehas ko, iniangat ko naman ang ulo ko."D-Demi!" bulalas niya nang magsalubong ang mga mata namin."Buksan mo!" utos niya sa kawal."Pero---""Bubuksan mo o mawawalan ka ng ulo?!" pagbabanta ni Aeneas sa kawal na wala namang nagawa kundi buksan ang rehas ng pinagkulungan sa akin."Demi?! Okay ka lang ba?---" Hindi niya naituloy ang sasabihin niya nang makita ang mga sugat ko sa likuran dulot ng paglatigo."A-anong nangyari?" nag-aalalang tanong niya na nanginginig pa ang mga kamay na inalalayan ako maupo mula sa pagkakadapa kanina."Maayo

  • The Borderlines   Kabanata XLII: Poison

    "Hindi kita maintindihan, Renz," naguguluhan na usal ko."Wala," aniya at tumingin sa malayo."Ayan ka na naman, tuwing magtatanong ako ng mga bagay na hindi ko maintindihan ay hindi mo ako sinasagot," nakanguso kong reklamo."Dahil mahirap ipaliwanag...""Kaya ko namang intindihin, eh," wika ko na kinatingin niya naman ulit sa akin."Kung sabihin ko sa 'yong layuan mo si Aeneas... Susundin mo kaya?" Nagulat ako sa winika niya kaya hindi agad ako nakasagot."Nevermind.""Bakit? Bakit ko kailangan na layuan siya?" Sasagot na sana siya ngunit nagulat ako nang bigla siyang umubo at may kasabay na dugo."R-Renz? Anong nangyayari sa 'yo?" kinakabahan na tanong ko at dinaluhan siya."T-there's something w-wrong with me... I-I can't breath," tugon niya na napahawak na sa dibdib niya.Inalalayan ko naman siyang makaupo."Anong nangyayari sa 'yo?!" kinakabahan na tanong ko.

  • The Borderlines   Kabanata XLI: Hurting

    Pagkatapos ng laban namin sa kanila ay sinalubong kami ng sigawan at pagbati."Ang galing mo na talaga Demi! Ang laki na ng pinagbago mo!" bulong ni Sofia na yinakap agad ako pagkatapos ng laban namin. Pinuri ko rin ang mga kasamahan ko lalong-lalo na ang first years, bilib ako sa kanila dahil wala ni-isa sa kanila ang nahimatay hindi kagaya sa kalaban naming grupo na may mga nahimatay dahil sa lakas ng mga suntok at sipa na natanggap nila sa amin."Ang totoong laban ay magsisimula palang," anang bagong dating na babae."Alethea..." usal ko sa pangalan niya na kinangisi niya naman."Hindi mo naman ako tatanggihan, hindi ba, Demi?" naghahamon na usal niya. Nakasuot siya ng isang kulay itim na sando, brown na jogging pants, sapatos na ka'y ganda at nakapuyod ang kanyang buhok.Nagsimula namang magbulungan ang lahat at nagsisimula na namang magpustahan dahil na rin sa isa si Alethea sa mga malalakas na werewolf dito sa ak

  • The Borderlines   Kabanata XL: Pack's Fight

    Yosh's Point Of ViewAng gulo na ng lahat, ang gulo at hindi ko na malaman kung ano ba itong nararamdaman ko. Bakit kailangan maramdaman ko pa ito? Tuwing ako mismo ang iiwas ay nasasaktan din naman ako, ang hirap gumawa ng desisyon lalong-lalo na't kalaban ko ang puso ko."Bakit kailangan mo pang saktan ang sarili mo kung pwede namang maging maayos ang lahat? Tanggapin mo na lang siya," anang Great Alpha."Kung madali lang sana iyong gawin ay ginawa ko na ngunit hindi, eh. Ang hirap...""Hindi ko man alam kung ano ang totoong dahilan kung bakit pinipigilan mo ang nararamdaman mo pero sana ay magawa mong buksan ang puso mo para sa kanya," usal ulit ng Alpha Leader bago ako iniwan.Hindi ko kaya... Hindi ko kayang piliin siya.Demi's Point of ViewPanibagong araw kaya't paniba

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status