Home / Werewolf / The Borderlines / Kabanata V: The Bullies

Share

Kabanata V: The Bullies

Author: _Syete_
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

Agad akong humingi ng tawad sa nabangga ko na mukhang mataray at maarte, mukha ring galing siya sa mayamang pamilya. Ito ang iniiwasan ko, ang makasalamuha ang mga anak ng mga mayayaman dahil karamihan sa kanila ay nakakairita ang ugali tulad lamang nitong nabangga kong babae. Siguradong gulo ang kalalabasan nito.

"Bakit hindi ka tumitingin sa dinaraanan mo?! Tingnan mo tuloy, namantsahan na ang uniform ko!" singhal niya.

Iniyuko ko ang ulo ko at humingi ulit ng tawad. "Pasensya na talaga, hindi ko sinasadya, kung nais mo ay lalabhan ko na lamang iyan."

"Nagpapatawa ka ba?! Baka sirain mo pa ito kaya huwag na lang. Alam ko namang ang mga kagaya mo ay walang gagawing tama lalong-lalo na't kabilang ka pa sa pinakamahina at talunang hampaslupang pack," aniya na ikina-hinga ko na lang ng malalim para pakalmahin ang sarili ko.

"Ngayon hindi ka na makapagsalita? Hampaslupa kasi kayo!" aniya ulit. Nakita ko na ring medyo pinagtitinginan na rin kami ng iba pang mga estudyante, napakalakas kasi ng boses niya na gusto talaga ipaalam sa lahat kung paano niya ako apihin.

"Tapos ka na ba?" Narinig kong boses ni Yosh na naka-krus na ang mga braso, kita ko sa kilos at pananalita niya ang inis. Lagot na...

"Yosh..." mahinang tawag ko sa kanya.

"Huwag ka ngang makisali! Well, parehas lang naman kayong hampaslupa," maarteng usal ng babae na inirapan pa si Yosh.

"Ikaw amoy lupa," anang naman ni Yosh na ngumisi pa. Lagot na talaga.

"What did you say?!"

Dahan-dahan at pa-simple akong lumapit kay Yosh at palihim na hinila ang ang manggas ng damit niya para patigilan siya pero ayaw talagang magpaawat ni Yosh. Kanina ay naiinis siya ngunit ngayon ay galit na siya.

"I said, you smell like a poop in the soil," pag-eenglish din ni Yosh na mas pinalawak ang ngisi niya sa labi.

"I-ikaw!" Akma na sanang hihilahin ng babae ang nakapuyod na buhok ni Yosh ngunit napigilan siya ni Yosh sa pamamagitan ng paghawak sa pulu-pulsuhan nito at buong pwersang binitawan dahilan para mabuwal sa kinakatayuan ang babae.

Kita ang galit sa mga mata ng babae na dahan-dahang tumayo habang hawak-hawak ang pulu-pulsuhan niya.

"How dare you!" singhal ng babae.

"How dare you ka rin!" singal din ni Yosh.

"Makakarating talaga ito kay Daddy at nakasisiguro akong paparusahan niya kayo---" Nagulat ako sa sunod na nangyari. Sinampal lang naman ni Yosh ang babae ng napakalakas pati nga ang babae ay gulat din na napahawak sa pisngi niyang sinampal ni Yosh.

"Huwag kang masyadong umarte sa akademya na ito, babae, dahil sa loob ng akademyang ito ay pantay-pantay tayong lahat, walang mayaman o mahirap dahil sa pagsapit ng ika-apat na taon natin rito ay maaaring mamaalam na tayo sa mundong ito o maka-survive at sa tulad mong babae na umaasa lang sa kayamanan at kapangyarihan ng magulang mo... sigurado akong mamatay ka, mabilis kang mamatay at kapag nasa bingit ka ng kamatayan ay walang tutulong sa 'yo!" nakangising sabi na naman ni Yosh.

Akmang sasampalin din siya ng babae ngunit hindi ito natuloy. "Sige ituloy mo ngunit siguraduhin mo lang na handa ang mga pisngi mo dahil tripling hapdi ang ibabalik ko sa iyo," pagbabanta ni Yosh.

"Argh! Kainis ka!" singhal ng babae at naglakad na paalis habang hawak-hawak ang panga niya na sigurado akong namamanhid na dahil sa malakas na pagkakasampal dito ni Yosh.

"Oh? Ano tinitingin-tingin niyo riyan?" tanong ni Yosh sa mga nakatingin sa amin, agad naman silang nagsibalik sa mga ginagawa nila at ang iba naman ay nagsilakad na paalis.

"Alyosha..."

"Bakit? Ipinagtanggol lang kita at saka wala siyang karapatan na manliit ng kapwa niya," rason naman ni Yosh na kinailing-iling ko na lang. What a short-tempered woman.

"Halikana nga! Kumuha na tayo ng pagkain sa loob," aya niya na inakbayan na ulit ako at sabay kaming naglakad papunta sa loob ng canteen.

Pagpasok namin sa loob ay sinunod kami ng tingin ng karamihan, sigurado akong alam nila ang nangyari sa labas.

"Huwag mo na silang pansinin Demi, alin ang gusto mo?" tanong ni Yosh na kinatingin ko naman sa harapan ko kung nasaan ang mga pagkain.

Pumili na ako ng akin maging si Yosh ay pumili na rin. Libre kasi ang pagkain rito at walang kahit anong babayaran, sagot ito ng Great Alpha basta't ang gusto niya ay pumasok kami at tapusin naming ang apat na taon namin bilang estudyante ng akademya.

"Dito na lang tayo Demi," anang ni Yosh na itinuro ang table na may kakaunti lang na nakaupo ngunit nang umupo kami ay nagsi-alisan na silang lahat, dahil ata sa akin. Ang sabi kasi Linda ay kinaiilagan ng ibang pack ang pack namin dahil ayaw nilang madamay sa mga bully na ginagawa sa amin kaya umiiwas sila.

"Siguraduhin niyong wala talagang uupo rito ha?!" Malakas na boses ni Yosh na hindi ko na lang pinansin at naupo na lamang sa tabi niya at kinain ang kinuha kong pagkain.

"Yosh, huwag mong pailarin ang init ng ulo mo, pakiusap," bulong ko kay Yosh na inirapan lang ako at nilantakan na ang ka’y daming pagkain na kinuha niya.

Kumain na rin ulit ako at inilibot-libot ang paningin ko. Hindi masyadong maingay sa canteen dahil na rin sa bawal ang mag-ingay o gumawa ng kung anong kaguluhan dito, Mabuti nga't sa labas ng canteen nangyari iyong kanina dahil kung sa loob ng canteen ay malalagot kami.

Marami ang mga nag-uusap-usap din na mga estudyante na karamihan ay magkakakilala na bago pa pumasok sa akademya pero marami ring mga nabuong bagong pagkakaibigan dito sa akademya kagaya namin ni Sofia.

"Sa tingin mo... Ka-ano-ano kaya ni Sofia iyong tatlong lalaki kanina?" natanong ko na lang bigla pagkainom ko ng tubig. Tapos na rin kasi akong kumain dahil na rin sa kakaunti lang naman ang pagkain na kinuha ko.

"Malay ko? Hindi ko rin naman sila kilala," aniya na kina-buntong hininga ko na lang ulit. Wala talaga akong matinong sagot na makukuha sa kanya.

Umiling-iling na lang ako at hinayaan na siyang mag-focus sa pagkain niya, inilabas ko na lang ang hairpin na nakuha ko noong kaarawan ko sa lawa. Kakaiba ang desinyo ng hairpin na ito na para bang pinasadyang pinagawa talaga para sa isang espesyal na werewolf pero hindi ko pa rin malaman kung sino ang nagmamay-ari nito. Wala akong ideya kung sino ang may-ari.

"Hairpin? Ang ganda naman niyan," anang ni Yosh na kinuha sa kamay ko ang hairpin at pinagmasdan.

"Sa 'yo ba ito?" tanong niya na puno pa rin ng pagkain ang bibig niya na nakatingin na sa hawak niyang hairpin na inagaw sa akin.

"Hindi," sagot ko.

"Edi, dapat binenta mo na ito, sigurado akong malaking halaga ang makukuha mo rito lalong-lalo na't kakaiba ang desinyo nito at mamahalin pa ang bato na nakadikit," aniya na nilunok na ang pagkain niya at uminom ng tubig ngunit hindi niya inaalis ang tingin niya sa hairpin.

"Hindi nga iyan sa akin, napulot ko lang at balak ko ngang ibalik sa totoong may-ari niyan kaso hindi ko naman alam kung sino ang may-ari," anang ko na nakatingin na rin sa hairpin.

Humarap na sa akin si Yosh at iniipit sa buhok ko ang hairpin. "Huwag mo ng ibalik, sa 'yo na lang, bagay naman sa iyo eh," aniya na pinagmasdan pa ako sa iba't ibang anggulo.

"Hindi, ibabalik ko ito sa may-ari nito," sabi ko at inalis ang pagkakaipit ng hairpin sa buhok ko.

"Okay, bahala ka," sabi ni Yosh na kumain ulit, inuubos niya kasi ang natirang pagkain sa plato niya.

Nangunot ang noo ko nang may maramdaman akong presensya sa likuran ko, pagharap ko roon ay bumungad sa akin ang lalaki kanina na may makakapal na kilay, nakatingin siya sa hawak na hairpin ko.

"Sa 'yo ba 'to?" tanong ko na kinatingin niya sa akin, nagtama ang paningin namin at may kung ano akong naramdaman na para bang kailangan kong iiwas ang paningin ko sa kanya at maging ang sarili ko rin.

"No, that's not mine," sagot niya at naglakad na palagpas sa akin, sinunod ko lang siya ng tingin na naupo sa isang upuan sa pinakadulo, maliit lang itong lamesa na pang-apat lang na katao habang ang pinupuwestuhan namin ay isang mahabang lamesa.

"Anong mayroon doon?" tanong ni Yosh nang makita niya ata ako na nakatingin sa lalaki.

"His presence, threatening me," sagot ko at tumingin ulit sa hairpin na hawak ko saka ibinulsa ito at saka iniangat ang mukha ko dahilan para makasalubong ko ang seryusong mukha ni Yosh na nakaharap sa akin.

"You should not come near him," aniya. I must.

**

Natapos na kami sa pagkain pero nagtagal pa rin kami ng ilang minuto sa canteen at lihim ko namang sinusulyapan ang lalaki kanina, sa katunayan lahat ng mga mata ng mga estudyante rito ay nakatutok sa kanya, marami nga ring kinikilig na pinapanuod siya habang wala namang pakialam na kumakain siya ng mag-isa.

"Alis na tayo? Tinatawag na rin kasi ako ng kalikasan," anang ni Yosh na ngumiti pa sa akin.

Tumayo na ako at dinala ang plato ko upang ilagay sa designated area kung saan nilalagay ang mga ginamit na plato, kutsara at tinidor at saka mga baso na hinuhagasan naman agad.

"Ahm, Demi. Punta muna ako CR, hindi ko na talaga mapigilan," pagpapaalam ni Yosh na tinanguan ko na lang.

Ngayon ay mag-isa na lamang ako naglalakad, napakatahimik at maganda sa pakiramdam maglakad mag-isa lalo na sa taglay na ganda ng tanawin sa loob ng akademya pero ramdam kong may mangyayaring masama dahil sa mga matang kanina pa nakatingin sa akin. Tumigil na ako sa paglalakad at humarap sa likuran ko.

"Ano ang kailangan niyo sa akin?" tanong ko na mayamaya ay may lumabas nang tatlong babae na alam kong ka-uri ng babaeng nakaaway ni Yosh kanina.

Walang emosyon ko lang silang tiningnan habang naglalakad sila palapit sa akin.

"You’re the girl, right? Ikaw yung bumangga kay Kara?" mataray na tanong ng isa sa kanila.

Hindi ako sumagot at nanatiling nakatingin sa kanila.

"Pipi ata ang isang 'to," sabi ng isa pa.

"Tsk! Walang hiya kayo ng friend mo, sinaktan niyo siya," singhal ulit noong unang nagsalita kanina at saka binuhusan ako ng isang balde ng tubig.

Napapikit na lang ako dahil sa lamig na naramdaman ko, naramdaman ko rin nga ang ilang maliit na cubes ng yelo na tumama sa ulo ko.

"Kilalanin niyo ang binabangga niyo ha? Lalong-lalo ka na dahil ang pack mo ay laruan lang namin." Hindi ako nagsalita o kumilos man lang sa kinatatayuan ko. Tulad ng kanina ay marami namang mga matang nakatingin sa amin na kinaayawan ko naman; ang mapunta ang atensyon ng lahat sa akin.

"We should throw paint na lang sana sa kanya, mas maganda 'yon eh," anang ng isa sa kanila.

"Cold water na muna para ma-realize niya na mali ang binangga nila."

"Oh! Bakit hindi ka man lang nag-rereact? Nasaan ang tapang mo?!" anang nito na dinuro-duro pa ako.

Tulad ng kanina ay hindi ako nagsalita o kumilos na ikapapahamak ng sarili ko. Ayaw ko ng gulo.

"Aba't nakakainis ka na---" Hindi naituloy ng babae ang gagawin niyang pagsampal sa akin dahil sa biglang dumaan ang lalaki kanina sa canteen sa gilid niya. Nanindig rin ang balahibo ko ng dumaan siya dahil na rin sa nagkadikit ang mga braso namin.

"Tama na 'yan, Kara," pag-awat ng isang lalaki na namumukhaan ko naman, siya iyong lalaking humingi ng tawad sa akin kaninang umaga.

"Aeneas... Ito kasing babaeng 'to..."

"Tama na," anang ulit ng lalaki.

"Umalis na kayo," utos naman ng babaeng kasama ng lalaki na kung hindi ako nagkakamali ay siya yung kalaro kaninang umaga ng lalaking nangangalang Aeneas na may biloy sa pisngi.

"Okay ka lang?" tanong niya. Sa muli ay hindi ako nagsalita.

"Thea, pahiramin mo siya ng extra uniform mo," sabi ng lalaki sa babae na kasama niya bago tumingin sa akin.

"I am Aeneas Ralf Camerron, nice to meet you Ms. Ruiz," pagpapakilala niya, sigurado akong alam na niya ang pangalan ako dahil sa nag-roll call si Propesor Baleza nang matapos na ang klase namin sa kanya.

"Let's go?" aya nitong babae na nakangiti sa akin. Maganda siya at nararamdaman kong malakas siya, hindi basta-bastang babaeng werewolf; may mapapatunayan.

"Ako pala si Alethea Zillon," pagpapakilala niya.

Aeneas and Alethea? Sino kayo… sa buhay ko?

Kaugnay na kabanata

  • The Borderlines   Kabanata VI: New Friends

    "Sige na, tanggapin mo na, parang magka-size lang naman tayo eh at saka hassle pa ang pag-uwi mo sa dorm niyo para magpalit lang ng damit," sabi ni Thea na iniaabot na sa akin ang extra na malinis na uniform niya na kinuha niya sa bag na nakalagay sa locker niya sa school na para lang sa pack nila, karamihan ay may mga locker sadyang ang pack lang namin ang walang locker."Salamat, ibabalik ko na lang pag nalabahan ko na," sabi ko naman na kinatango niya naman."Sige, bahala ka," aniya na naglakad na paalis.Huminga naman ako ng malalim.Kakayanin ko ba ito sa apat na taon? Kaya ko bang tiisin ito? Sana...Naglakad na ako papunta sa malapit na palikuran na kasabay naman ng pagkakasalubong namin ni Yosh na agad nangunot ang noo nang makita ako lalong-lalo na ang nangyari sa akin."Walang dagat dito Demi? May swimming pool pero masyadong malayo sa canteen... Anong nangyari sa iyo?" bungad na tanong ni Yosh."Umalis ka sa dadaanan

  • The Borderlines   Kabanata VII: Vampires History

    One month, sa loob ng isang buwan ay hindi nawala sa isip ko si ina, kung kumusta na ba siya at kung nasa maayos ba siyang kalagayan at sa isang buwan din ng pananatili ko sa loob ng akademya ay paulit-ulit akong kinukulit ni Aeneas, gusto niya raw akong maging kaibigan na hindi ko naman pinapansin dahil tulad ng bilin ni Linda ay hindi dapat siya mapalapit sa akin o ako sa kanya dahil mapapahamak lang ako, hindi ko rin ito sinasabi kay Yosh na alam kong iinit ang ulo pag nalaman na may umaaligid sa akin na lalaki at paulit-ulit na kinukulit ako. Ipinagpapasalamat ko rin na hindi pa rin nagtatagpo ng landas ang dalawa, kawawa naman si Aeneas kung magtagpo ang landas nila."Okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni Sofia. Tumingin naman ako sa kaniya na may hawak na libro. Oo nga pala nasa library kaming tatlo nila Yosh."Oo naman, maayos ako," sagot ko."Parang ang lalim kasi ng iniisip mo," aniya na nag-aalala pa rin."Iniisip ko lang si ina... Kung maayos l

  • The Borderlines   Kabanata VIII: Preparation For The Party

    I bothered to what the girl said to me. Paanong mag-iiba ang kulay ng mga mata ko? "Huwag mo ng aalahanin ang sinabi ng babaeng 'yon sa 'yo," sabi ni Yosh na sinusuri pa ang katawan ko kung may sugat o pasa ba ako. "Wala akong sugat o pasa Yosh," anang ko at inalis ang kamay niyang sinusuri ang katawan ko saka lumapit kay Sofia na namumula ang ilong at gilid ng mga mata. "Masakit pa ba?" tanong ko na itinutukoy ang gasgas na meron siya sa may bandang siko dulot ng malakas na pagtulak sa kanya na nagasgas sa matalim na mga bato. "Oo, huwag sana na umabot pa ito sa mga kapatid ko." Tinapik-tapik ko lang ang balikat niya. "Saan ba kayo pumunta? Hinanap ko kayo sa classroom niyo pero wala naman kayo roon?" medyo naiinis na tanong ni Yosh. "May pinagtaguan lang kami," sagot ko. "Sino?" "Some bullies," agad na sagot ko at tumingin kay Sofia na nakatingin din pala sa akin, tiningnan ko siya ng isang makahulugang tingin na nain

  • The Borderlines   Kabanata IX: Aquaintance Party

    Dumating na nga ang araw kung saan ay magaganap na ang acquaintance or welcome party, medyo natagalan ang pagdaos ng party dahil sa mas pinaghandaan ito ng committee ng academy lalong-lalo na't dadalo ang Great Alpha."Bakit kaya dadalo ang Great Alpha? Baka ipapakilala niya na sa lahat ang mga anak niya?" nagtatakang usal ni Sofia habang nakatambay kami ngayon sa library habang si Yosh naman ay kanina pang may hawak na dagger.Siniko ko si Yosh at tiningnan ng nagbabantang tingin pero nginisihan niya lang ako."Huwag na lang kaya tayo dumalo? Diba Yosh?" Nag-aalala kasi ako kay Yosh baka kasi may gawin siyang ikakapahamak niya."Huh? Bakit naman? Nakapamili na tayo ng mga gamit e

  • The Borderlines   Kabanata X: Pranks And The Man In The Crystal Ball

    Tinanghali na ako nagising, mabuti nga at kinaumagahan ay walang pasok. Nag-unat-unat na ako at hinilot-hilot ang ilang parte ng katawan ko, sa lapag kasi ako natulog. Dapat ay magkatabi kami ni Yosh ngunit itinutulak o sinisipa niya lang ako paalis sa kama kaya't sa lapag na lang ako natulog habang siya ay mahimbing pa rin ang tulog mapahanggang ngayon.Kinuha ko na ang tuwalya, toothbrush at dinala ang ibibihis kong damit saka naglakad na pababa at dumiretso sa palikuran ngunit may nauna sa akin kaya pumila ako. Labing-limang minuto lang naman ang hinintay ko bago ang turn ko, kumilos ako ng mabilis kaya agad naman na natapos ako sa pagliligo na agad namang nagbihis at bumalik sa kwarto. Tulog pa rin si Yosh. Isinampay ko na ang tuwalya at inilagay na sa lalagyanan ko ang tootbrush at saka naglakad ulit pababa ng sala para maghanda ng umagahan naming dalawa, tila naubusan na kami ng nilutong umagahan."Oh! Demi! Pinagtira ko pala kayo ng almusal, kunin mo na lang dya

  • The Borderlines   Kabanata XI: Madam Fe's Crystal Ball and Her Saviours

    "Sorry po," paghingi ko ng tawad at bahagya pang yumuko. "Huwag muna ulit hahawakan iyan ng walang pahintulot ko," seryusong sabi niya. "Anong kailangan niyo pala sa akin?" dagdag na tanong ni Madam Fe at lumapit sa bulang kristal at hinawakan iyon. Nasa tabi niya na rin si Sofia. "Nais po sana naming humingi ng tulong upang makita at malaman kung nasaan ang ina ni Demi," magalang na sagot ni Sofia na tumabi na sa akin. "Hindi libre ang serbisyo ko," aniya. "Magbabayad po ako, basta't malaman ko lang kung nasaan ang nanay ko," sabi ko. Kahit ubusin ko ang lahat ng perang binigay sa akin ni ina basta mahanap at malaman ko lang kung ano ng nangyayari sa nanay ko, kung nasa maayos ba siya na kalagayan. Tiningnan lang ako ni Madam Fe bago hinawakan ang bolang kristal niya at pumikit pero kinalaunan ay naging kulay itim ang bolang kristal niya, pagmulat niya ay parang takot na takot siya. "Ano pong nakita niyo?" tanong ko. "Wala, um

  • The Borderlines   Kabanata XII: Picnic

    Hindi ko ipinagkalat ang lugar na iyon kahit kanino man kahit kina Sofia at Yosh, hindi dahil sa pinagbantaan ako ni Renz kundi dahil hindi ko naman talagang ugaling ipagsabi sa iba ang mga natuklasan ko."Ano ba ang dadalhin natin mamaya sa picnic?" tanong ni Sofia, tinutukoy niya ang picnic na magaganap na aya ni Aeneas."Wala naman daw basta pumunta lang tayo sa burol," sagot ko at ipinagpatuloy ang pagsusulat ko sa mga malilinis na pahina ng libro ko."Si Yosh? Sasama ba siya?""Oo pero hindi siya magtatagal kasi may gagawin pa raw siya.""Ah, okay."Natahimik naman ulit kami hanggang sa biglang umalingawngaw na lang ang malakas na sigaw at daing sa labas ng bakuran namin."Ang lakas din ng loob mo na pahiyain ako sa klase!" singhal ng babae na hawak-hawak ang buhok ng isa sa pack member namin."Pasensya na po, sinasabi ko lang po ang tama," sabi ng pack member namin.Mas sinabunutan siya ng babae na pinagsasampal pa

  • The Borderlines   Kabanata XIII: Dangerous Prank

    Bumalik ulit kami sa dati, papasok ako sa eskwelahan na aabangan ng mga bullies at pasisiyahin ang mga araw nila. Matatapos na ang unang taon ko rito ngunit hindi pa rin talaga sila nagsasawa, mabuti na lang ay madali ko silang ma-sense kung may binabalak sila sa akin, mabilis lang din akong nakakaiwas at sanay na rin sa mga tawa nilang lahat tuwing successful ang prank nila sa akin.“Seryuso ka Demi? Wala ka talagang balak magsumbong? Andyan naman ako at si Yosh na ipagtatanggol ka kung sakali na mas lumala ang trato nila sa ‘yo… Grabe na kasi sila, mag-iisang taon na rin nilang gingagawa ito sa ‘yo,” nag-aalalang usal ni Sofia na nag-iinsistang magsumbong na raw ako sa principal.“Huwag na, hayaan mo na sila,” sabi ko ulit at inayos ang suot kong uniform.“Pero Demi!”Humarap na ako kay Sofia, nakasuot na rin siya ng uniform niya at ang cute niya ritong tingnan lalong-lalo na sa height niya, hindi n

Pinakabagong kabanata

  • The Borderlines   Kabanata XLVII: Yosh's Disappearance

    Kinabukasan ay sinikap kong tumayo at pumunta sa pag-anunsyo ng bagong ranking ng mga pack. Lahat ng sugat ko ay nagsihilom na sa tulong na rin ng mga gamot na galing sa mga witches pero ramdam ko pa rin ang panghihina ng katawan ko dulot ng mga pagpapahirap sa akin sa loob ng kulungan sa Kinyege borderline."Sigurado po bang okay na ang pakiramdam niyo?" nag-aalalang tanong ni John na tinanguan ko naman saka ngumiti."Okay na ako, gusto kong personal na marinig ang mga bagong ranking mamaya," sabi ko at tinapik-tapik ang balikat niya."Siguradong magiging proud ka sa amin, Demi kapag nalaman mo ang resulta ng ART mamaya," proud na wika ni Sofia na nasa tabi ko."Proud naman ako sa inyo kahit hindi man kayo manalo sa mga tasks, eh!""Magsisimula na raw ang pag-anunsyo," anang isa sa mga myembro ng pack namin.Karamihan sa kanila ay nagpapahinga pa dahil galing palang sila sa huling task na ginawa nila at proud na proud ako kasi wala man ni isa sa kanila ang na-injured na iniiwasan tal

  • The Borderlines   Kabanata XLVI: The Real Murderer

    "Bring me the girl," utos ni Luna Aerah na disidido na makuha ako."Mom! I already told you! Demi is innocent!" sabat ni Aeneas na lumapit pa sa kanyang nanay."Hangga't walang matibay na ebidensya ay kailangan niyang bumalik sa loob ng kulungan," anang Luna Aerah."Pero wala po talagang kinalaman si Demi!" naiiyak na pagsabat din ni Sofia."What are you doing here? Wala kayong pahintulot na tumuntong sa Kinyege Borderline, nais niyo bang maparusahan kayo!?" wika ulit ni Luna Aerah na pinagsasabihan si Sofia na umiiyak na at si Arhyss na pinapatahan ang mate niya."Huwag niyong subukan ako," galit na pagbabanta ni Renz sa mga kawal."Ouch! Get off your hands on me!" Napatingin kami sa pinanggalingan ng boses na 'yon."Yosh?" sabay naming usal ni Aeneas."She's the real murderer, let my friend go," walang emosyon na wika ni Yosh na hawak-hawak ang buhok ni Alethea na dumadaing naman at pilit inaalis ang pagkakahawak sa buh

  • The Borderlines   Kabanata XLV: Caught

    Pagkatapos kong bitiwan ang mga salitang iyon ay wala na muling nagtangka sa amin na dalawa na magsalita hanggang sa unti-unti na ng nawalan ang araw. Kinalaunan ay lumabas siya ng bahay at pagkabalik ay may mga dala na siyang prutas at gulay at ilan sa mga sangkap na hindi ko malaman kung saan niya nga ba ito nakita at nakuha."Eat some snacks," aniya at inilagay sa harapan ko ang isang basket na puno ng iba't ibang mga prutas."Salamat..." nahihiyang pagpapasalamat ko."Eat all of that, your body needs that."Nagsimula naman akong kumain ng mga prutas at nang mabusog ay ininom ko na ang tubig na dala niya rin saka lumabas muli sa maliit na kwarto, agad ko namang nakita si Renz na nakatalikod sa gawi ko. Ang sexy niyang tingnan mula rito sa kinatatayuan ko, from his hair, neck, muscles and body. Tila lahat ngang babae ay mababaliw sa kanya."Stop staring, you're distracting me," aniya habang nakatalikod pa rin sa akin."I-I'm not staring!" pagtanggi ko sa

  • The Borderlines   ANNOUNCEMENT

    Hi, readers! Sorry kung medyo matagal din bago ako nakapagsulat ulit, dumaan po kasi ako sa writer's block plus masyadong pressure sa studies ko kaya nawala ako ng mahabang panahon sa pagsusulat nito at medyo may hindi na ako natatandaan na part ng story kaya baka makabasa kayo ng ibang part ng story na supposedly ay wala, humihingi po ako ng sorry agad sa maling ito. I'll try my best to edit it again after I finish this story and yes! Malapit na po siyang matapos at excited na po ako doon, currently writer the few chapters now and I hope you'll like it po. Have a great day!

  • The Borderlines   Kabanata XLIV: His Sweet Side

    Pagkatapos ng seryusong pag-uusap namin ni Renz ay pinatulog niya ulit ako upang makabawi raw ako ng lakas at sa buong oras ng pagtulog ko ay hindi niya ako iniwan at nanatili sa tabi ko.Ngayon nga'y nasa harapan ko siya at nakasandal sa dingding na gawa sa kahoy, nakapikit ang kanyang mga mata habang naka-krus ang mga braso.Ilang minuto rin akong nakatulala sa kanya at hindi gumalaw dahil baka magising ko siya hanggang sa unti-unti niya ng iminulat ang kanyang mga mata."G-Good afternoon..." nauutal at awkward kong bati."Are you hungry?" tanong niya na sakto naman ng pagkalam ng sikmura ko."I will prepare foods," aniya at tumayo na saka tinapik-tapik ang mga dumi na kumapit sa kanyang suot."Marunong kang magluto?" namamangha kong tanong at dahan-dahang umupo na kinaharap niya ulit sa akin at dinaluhan ako para alalayan."I need to, it's part of my training since I was a child," sagot niya na tiningnan ang sugat sa

  • The Borderlines   Kabanata XLIII: His Anger

    Nagising na lang ako nang may tumama na sinag ng araw sa mga mata ko. Nandito pa rin ako sa piitan at nakadapa, walang lakas at napakahapdi ng likuran dahil sa mga latigo na natanggap ko."Nasaan siya? Saan niyo sa kinulong?!" Narinig kong tanong ng isang pamilyar na boses pero base sa tono ng kanyang pananalita ay galit siya."Dito po," anang kausap niya.Mayamaya ay may mga paang tumigil sa harapan ng rehas ko, iniangat ko naman ang ulo ko."D-Demi!" bulalas niya nang magsalubong ang mga mata namin."Buksan mo!" utos niya sa kawal."Pero---""Bubuksan mo o mawawalan ka ng ulo?!" pagbabanta ni Aeneas sa kawal na wala namang nagawa kundi buksan ang rehas ng pinagkulungan sa akin."Demi?! Okay ka lang ba?---" Hindi niya naituloy ang sasabihin niya nang makita ang mga sugat ko sa likuran dulot ng paglatigo."A-anong nangyari?" nag-aalalang tanong niya na nanginginig pa ang mga kamay na inalalayan ako maupo mula sa pagkakadapa kanina."Maayo

  • The Borderlines   Kabanata XLII: Poison

    "Hindi kita maintindihan, Renz," naguguluhan na usal ko."Wala," aniya at tumingin sa malayo."Ayan ka na naman, tuwing magtatanong ako ng mga bagay na hindi ko maintindihan ay hindi mo ako sinasagot," nakanguso kong reklamo."Dahil mahirap ipaliwanag...""Kaya ko namang intindihin, eh," wika ko na kinatingin niya naman ulit sa akin."Kung sabihin ko sa 'yong layuan mo si Aeneas... Susundin mo kaya?" Nagulat ako sa winika niya kaya hindi agad ako nakasagot."Nevermind.""Bakit? Bakit ko kailangan na layuan siya?" Sasagot na sana siya ngunit nagulat ako nang bigla siyang umubo at may kasabay na dugo."R-Renz? Anong nangyayari sa 'yo?" kinakabahan na tanong ko at dinaluhan siya."T-there's something w-wrong with me... I-I can't breath," tugon niya na napahawak na sa dibdib niya.Inalalayan ko naman siyang makaupo."Anong nangyayari sa 'yo?!" kinakabahan na tanong ko.

  • The Borderlines   Kabanata XLI: Hurting

    Pagkatapos ng laban namin sa kanila ay sinalubong kami ng sigawan at pagbati."Ang galing mo na talaga Demi! Ang laki na ng pinagbago mo!" bulong ni Sofia na yinakap agad ako pagkatapos ng laban namin. Pinuri ko rin ang mga kasamahan ko lalong-lalo na ang first years, bilib ako sa kanila dahil wala ni-isa sa kanila ang nahimatay hindi kagaya sa kalaban naming grupo na may mga nahimatay dahil sa lakas ng mga suntok at sipa na natanggap nila sa amin."Ang totoong laban ay magsisimula palang," anang bagong dating na babae."Alethea..." usal ko sa pangalan niya na kinangisi niya naman."Hindi mo naman ako tatanggihan, hindi ba, Demi?" naghahamon na usal niya. Nakasuot siya ng isang kulay itim na sando, brown na jogging pants, sapatos na ka'y ganda at nakapuyod ang kanyang buhok.Nagsimula namang magbulungan ang lahat at nagsisimula na namang magpustahan dahil na rin sa isa si Alethea sa mga malalakas na werewolf dito sa ak

  • The Borderlines   Kabanata XL: Pack's Fight

    Yosh's Point Of ViewAng gulo na ng lahat, ang gulo at hindi ko na malaman kung ano ba itong nararamdaman ko. Bakit kailangan maramdaman ko pa ito? Tuwing ako mismo ang iiwas ay nasasaktan din naman ako, ang hirap gumawa ng desisyon lalong-lalo na't kalaban ko ang puso ko."Bakit kailangan mo pang saktan ang sarili mo kung pwede namang maging maayos ang lahat? Tanggapin mo na lang siya," anang Great Alpha."Kung madali lang sana iyong gawin ay ginawa ko na ngunit hindi, eh. Ang hirap...""Hindi ko man alam kung ano ang totoong dahilan kung bakit pinipigilan mo ang nararamdaman mo pero sana ay magawa mong buksan ang puso mo para sa kanya," usal ulit ng Alpha Leader bago ako iniwan.Hindi ko kaya... Hindi ko kayang piliin siya.Demi's Point of ViewPanibagong araw kaya't paniba

DMCA.com Protection Status