Home / Other / The Borderlines / Kabanata IV: Werewolves History

Share

Kabanata IV: Werewolves History

Author: _Syete_
last update Last Updated: 2021-11-12 16:16:58

Naguluhan ako sa sinabi ni Madam Fe, hindi ko maintindihan kung ano ba ang ibig sabihin ng mga binitiwan niyang salita o kung sino ang tinutukoy niya. Ang gulo, ang hirap at ang labo ng mga salitang binitawan niya. Sana ay kasing talino ako ng mga matataas na opisyales na nakatira sa Palati upang agad kong naintindihan ang mga salitang binitawan ni Madam Fe.

"Tila masyado kang tahimik Demi?" anang ni Yosh na nakakunot pa ang noo.

"Hindi ko maalala kung kailan ako dumaldal nang kagaya mo," sabi ko na kina-irap niya naman sa akin.

"Napakasaya niyong pagmasdan na dalawa, magkaiba man ang ugali ninyo pero nagkakasundo pa rin kayo," nakangiting usal ni Sofia.

"Of course, she doesn't have choice," sabi naman ni Yosh na kinailing-iling ko na lang.

"Sana magkaroon din ako ng kaibigan na kasing tibay ng sa inyo, isang kaibigan na matatakbuhan ko sa oras ng kagipitan, kaibigan na dadamayan ako sa problema ko at kaibigan na mananatili sa tabi ko gaano man kasama ang ugali ko," tila naiinggit na usal ulit ni Sofia.

Inakbayan naman siya ni Yosh. "Andito naman kami, maaari mo naman kaming maging kaibigan, diba Demi?" anang ni Yosh na nakatingin sa akin ganoon na rin si Sofia na naghihintay ng sagot ko.

"Oo naman, maaari mo kaming maging kaibigan," simpleng sagot ko.

"Hindi siya galit, ganyan lang talaga siya, palaging walang emosyon," sabi naman ni Yosh na bumuntong hininga pa at tinapik-tapik pa ang balikat ni Sofia.

Hindi ko na lamang pinansin ang sinabing iyon ni Yosh at nagpatuloy na lang sa paglalakad habang hawak ko na ang nakabukang payong na binili ko. Ilang minuto rin ang tinagal namin sa paglalakad upang hanapin kung saan ang silid-aralan namin pero nalungkot ako nang malaman kong hindi ko pala kaklase si Yosh pero mabuti na lang ay kaklase ko si Sofia, kahit papaano ay may makakausap ako.

Pagpasok namin sa silid-aralan ay bumungad ang mga magiging kaklase namin na may mga sari-sariling mundo, ang iba ay nakikipag-usap sa mga kakilala nilang kaklase, ang iba naman ay natutulog, may nagbabasa at may mga nagbabatuhan na para bang mga bata. Hindi ko inaasahan na matatamaan ako ng kinumpol-kumpol na papel na hinugis bilog, kahit papel ito ay masakit pa rin dahil sa pwersa nang bumato. Lahat sila napatingin sa akin habang ako ay walang emosyon pa rin na makikita sa mukha.

"Okay ka lang ba Demi?" nag-aalalang tanong ni Sofia. Tumango lang ako bilang sagot at naglakad papasok, naghanap ako ng bakanteng upuan at napili kong upuan ang mga bakanteng upuan na nasa likuran. Mayamaya ay tumabi na rin sa akin si Sofia.

"Pasensya na Miss," paghingi ng tawad ng isang boses kaya hinanap ko naman ang pinanggalin ng boses. Isa itong gwapong lalaki, may biloy siya sa kaliwang pisngi, maganda ang tindig, buhok na kulay itim na medyo magulo at maputi siya na tila anak ng isa sa mga matataas na opisyales ng aming lahi.

"Sorry, will you accept my apology?" aniya na para bang nagpapa-cute pa sa harapan ko.

Tiningnan ko lang siya at kumurapkurap saka binuksan ang bag ko at inilabas ang libro na may mga malilinis na pahina pa, maging ang paborito kong panulat ay nilabas ko rin.

"Pasensya na, hindi naman siya galit sadyang ganiyan lang talaga siya." Narinig kong sabi ni Sofia roon sa lalaki.

"Interesting," anang naman ng lalaki.

Nagtagal pa ng ilang minuto na hindi pa pumapasok ang magiging propesor namin sa unang aralin para sa unang taon namin dito sa Krisi Academy at sa ilang minutong iyon ay nagsulat ako nang nagsulat hanggang sa dumating na nga ang propesor namin kaya agad ko namang itinago na ang libro ko at tumayo na rin para bumati sa propesor namin.

"Magandang umaga!" bati ng aming propesor na ibinaba na ang malaki at makapal na libro na dala niya.

"Magandang umaga Propesor!" bati rin naming lahat.

"Sige, maupo na kayo," aniya na ginawa naman namin.

May isinulat siya sa pisara na natitiyak kong buong pangalan niya.

"Ako si Propesor Ivan Baleza, maaari niyo akong tawagin na Propesor Baleza," nakangiti niyang pagpapakilala.

Kung hindi ako nagkakamali ay ilang taon lamang ang tanda niya sa amin dahil sa bata pa siyang tingnan at gwapo rin kaya labis ang bulungan ng mga kababaihan na nahumaling sa kakisigan na tinataglay ng propesor namin.

"Alam kong karamihan sa inyo ay kilala na ako dahil noong nakaraang taon ay kakatapos ko pa lang sa ika-apat na taon ko sa Krisi at alam ko ring karamihan sa inyo ay nagtataka kung bakit mas pinili kong maging propesor ng akademyang ito. Unang-una ay gusto kong ibahagi ang ilan sa mga natutunan ko noong isa ring estudyante ako kagaya niyo at gusto ko rin na maging motivation niyo ako para matapos niya ang lahat ng misyon na kahaharapin niyo sa ika-apat na taon niyo rito," mahabang pagpapakilala niya na hindi ko naman binigyang pansin, ang nais at ang habol ko lamang ay ang mga kaalaman na ibabahagi niya sa buong klase.

"So... Magsimula na tayo sa ating diskusyon tungkol sa kasaysayan ng ating lahi at kung ano ang mga polisiya na mayroon tayo. Alam ko na karamihan sa inyo ay alam na ang ating ninuno ay siyang dating tao ngunit naparusahan ng isa sa mga diyos na nakatira sa langit, ayon sa mga tao ay isinumpa raw tayo dahilan upang nakakapag-bagong anyo ng isang nilalang na tinatawag nilang halimaw at dahil sa nakakapag-bagong anyo tayo ay may pambihirang liksi at lakas tayo ganoon din ang ating lakas at liksi kahit nasa anyong-tao pa rin tayo kaya ito ang dahilan kung bakit kinatatakutan nila ang ating lahi ngunit lingid sa kaalaman ng mga tao ay mas nakakatakot sila hindi sa may angking lakas at liksi sila kagaya natin kundi may angking talino sila at mga makabagong teknolohiya na makapapatay sa atin sa maikling na oras. Noon ay wala pang peace agreement ang namamahala sa atin at ang gobyerno sa tao dahilan upang magkaroon ng labanan, maraming nalagas sa bawat panig at dahil sa matalino at pinairal ng mga naunang pinuno ang kaligtasan natin ay naglatag ito ng isang kasunduan sa mga tao na itatago ang mga katauhan natin sa kanila at titira tayo sa malayo sa mga tao, ganoon din ang ginawa ng mga naunang pinuno sa iba pang nilalang lalong-lalo na sa mga bampira na dati ay mortal nating kalaban." Lahat kami ay nakikinig sa sinasabi niya hindi dahil sa hindi pa namin ito alam kung hindi sa galing niya sa pagsasalita at pagbibitiw ng mga salita.

"Ang ating lahi ay mayroon din mga antas, una ay ang purebloods; mga werewolf na hindi pa nahahaluan ng ibang dugo dahil ang mga magulang nila ay parehas na werewolf. Sa ngayon ay one-fourth na lang ng porsyento sa ating lahi ang mga pure-blooded werewolf dahil karamihan ay mga hybrids na o mas magandang tawagin na half-bloods. Pangalawa ay ang half-bloods, ito ang uri werewolf na ang isa sa mga magulang ay hindi werewolf na karamihan ay mga Molismenos. Ang pangatlo naman ay ang Molismenos, ito ang mga infected o mga nakagat ng mga werewolf nang kabilugan ng buwan, karamihan sa mga Molismenos ay mga tao na naging mate ng werewolf. Panghuli ay ang Valgulf, ito ang uri ng lahi natin na ating mga kalaban, ang mga Valgulf ay mga werewolf na hindi makontrol ang sarili nila na karamihan ay mga Molismenos na hindi sinasadyang ma-infected." Muli ay tumigil ulit si Propesor Baleza upang tingnan kung nakikinig ba kami sa kanya.

"Ang lahi natin ay may mga panuntunan at sistema na ipinapanukala na karamihan ay galing sa Great Alpha natin, una ay ang hindi pagtungtong ng mga labing pitong taong gulang pababa sa Kinyege borderline at ng kung sino man na walang dalang kasulatan na maaari silang tumuntong sa lupain na iyon, tiyak na mapaparusahan ang lumabag roon na minsan ay umaabot pa sa parusang kamatayan. Pangalawa naman ay ang pagpasok sa Krisi Academy pag sumapit na ang taon na maglalabing-walong taong gulang o labing taong gulang na, dahil inihahanda tayo ng akademya na ito para sa mapanganib na mundo sa loob at labas ng Epikindinos borderline. Pangatlo't panghuli ay ang pagputol ng koneksyon ng mga werewolf sa oras na malaman niya ang kapareha niya ay isang bampira, sa oras na malaman ng mga nakatataas na opisyales ang mate bond ng werewolf at bampira at tumanggi ang werewolf na putulin ang koneksyon niya sa bampira niyang mate ay paparusahan siya ng kamatayan. Sa tingin niyo, bakit ipinagbabawal na magkaroon ng ugnayan o mate bond ang mga werewolves at vampires?"

May tumaas ng kamay para sagutin ang tanong ni Propesor Baleza. "Ikaw Miss...?"

"Abrigo po," sagot ni Sofia. Tumayo ito at nagsalita. "Dahi hindi maaaring magsama ang dalawang lahi dahil ang magiging supling nila ay isang halimaw na nakakatakot, wala itong pinakikinggan at sinusunod, at walang habas kung pumatay."

"Tama ka Miss Abrigo, ang uri ng half-bloods na ito ay mapanganib at isang alamat lang dahil lahat ng mga werewolf na nagkakaroon ng koneksyon sa mga bampira ay ipinapuputol agad ito sa mga magagaling na mga mangkukulam na kaalyado ng ating lahi."

"Wala ho bang nakalusot na pares ng werewolf at bampira ang nagkaroon ng supling na hindi alam ng mga nakatataas na opisyales?" tanong ko dahilan para mapatingin silang lahat sa akin.

"Wala pa at hindi naulit ang nangyari sa nakaraan na nagkaroon ng supling ang naturang dalawang lahil dahil sa mas humigpit ang mga nakatataas na opisyales at ang Great Alpha natin ngayon," sagot ni Propesor Baleza at nagpatuloy na ulit sa pagdi-discuss.

"Kung sakali man na ang mate ko ay bampira, agad-agad akong magpapaputol ng koneksyon ko sa kanya," bulong ni Sofia sa akin.

"Kahit mamatay siya dahil sa pagpapaputol mo ng koneksyon mo sa kanya?" tanong ko na hindi niya naman nasagot.

Naputol ang diskusyon ni Propesor Baleza nang tumunog na ang malaking kampana ng akademya kaya't nagbigay na lang siya ng takdang aralin tungkol sa mga pangalan ng mga naging pinuno ng lahi naming para sa susunod na aralin na ituturo niya sa amin.

"Marami akong natutunan kay Propesor Baleza! Ang galing niyang magturo at magbitiw ng mga salita," sabi ni Sofia na sinang-ayunan ko naman.

"Hala! Nakalimutan pala nating magbaon ng makakakain natin ngayong break time," sabi ulit ni Sofia.

"Tiningnan ko naman ang bag kong walang laman na pagkain, siguro dahil sa pagkasabik namin ay hindi namin namalayan na naiwan pala namin ang inihandang pagkain sa amin para kainin namin ngayong break time.

"Hoy! Ano pa ang ginagawa niyo riyan?!" Napatingin naman kami sa pinto ng silid-aralan namin. Nakatayo roon si Yosh na parang siga pa dahil hindi naka-tuck-in ang hapit na hapit na uniform niyang long-sleeved at nakakaluskos pa ang hanggang siko ang kwelyo nito.

"Wala kaming dalang baon na kakainin namin ngayong break time," anang ni Sofia kay Yosh nang makalapit na ito sa amin.

"Problema ba iyon? May canteen diba?" sabi naman ni Yosh na inakbayan na kaming dalawa.

"Pero kasi..." Si Sofia.

"Huwag kayong mag-alala, ako ang bahala sa inyo," sabi ulit ni Yosh.

Tahimik lang ako habang sumusunod sa paglalakad at paghihila ni Yosh sa akin habang nakaakbay.

"Sofia!" Narinig naming sigaw sa kung saan, humarap naman kami sa pinanggalingan no'n.

"Ano ang ginagawa nila rito?" nagtatakang bulong ni Sofia na nagpaalam na sa amin upang lapitan ang tatlong lalaki na nakasuot ng pulang uniporme, they must be third year. Dalawang lalaki na magkamukha na kausap ni Sofia at isang lalaki na nakapamulsa at nakatingin sa akin, makakapal ang kilay niya at gwapo rin at batid ko ring anak din siya ng isa sa mga matataas na opisyales dahil sa makinis niyang kutis at magandang tindig.

"Demi, halikana," aya ni Yosh.

"Huh?"

"Nag-sign na si Sofia na hindi na raw siya sasama sa atin." Tumango naman ako sa sinabi niya at tumingin ulit sa lalaki kanina ngunit wala na siya roon maging ang kasama nitong dalawang lalaki at maging si Sofia.

"Okay ka lang ba?" tanong ni Yosh.

"Halikana, kumuha na tayo ng makakakain natin," aya ko at naunang naglakad na.

"Hoy! Antay! Hindi naman halatang nagugutom ka na 'no?" pang-aasar niya na hindi ko naman pinansin.

"Hoy! Aminin mo na lang kasi na masiba ka rin kagaya ko," patuloy na pang-aasar niya na hindi ko naman pinatulan dahil sa aming dalawa ay siya lang ang mahilig kumain ngunit hindi naman tumataba.

Patuloy lang siya sa pang-aasar sa akin habang naglalakad kami papunta sa canteen pero sa hindi sinasadyang pagkakataon ay may nabangga ako dahil sa pag-iwas sa pagsusundot sa tagiliran ko ni Yosh.

"Ano ba?!" Lagot.

Related chapters

  • The Borderlines   Kabanata V: The Bullies

    Agad akong humingi ng tawad sa nabangga ko na mukhang mataray at maarte, mukha ring galing siya sa mayamang pamilya. Ito ang iniiwasan ko, ang makasalamuha ang mga anak ng mga mayayaman dahil karamihan sa kanila ay nakakairita ang ugali tulad lamang nitong nabangga kong babae. Siguradong gulo ang kalalabasan nito."Bakit hindi ka tumitingin sa dinaraanan mo?! Tingnan mo tuloy, namantsahan na ang uniform ko!" singhal niya.Iniyuko ko ang ulo ko at humingi ulit ng tawad. "Pasensya na talaga, hindi ko sinasadya, kung nais mo ay lalabhan ko na lamang iyan.""Nagpapatawa ka ba?! Baka sirain mo pa ito kaya huwag na lang. Alam ko namang ang mga kagaya mo ay walang gagawing tama lalong-lalo na't kabilang ka pa sa pinakamahina at talunang hampaslupang pack," aniya na ikina-hinga ko na lang ng malalim para pakalmahin ang sarili ko."Ngayon hindi ka na makapagsalita? Hampaslupa kasi kayo!" aniya ulit. Nakita ko na ring medyo pinagtitinginan na rin kami ng iba pang m

    Last Updated : 2021-11-13
  • The Borderlines   Kabanata VI: New Friends

    "Sige na, tanggapin mo na, parang magka-size lang naman tayo eh at saka hassle pa ang pag-uwi mo sa dorm niyo para magpalit lang ng damit," sabi ni Thea na iniaabot na sa akin ang extra na malinis na uniform niya na kinuha niya sa bag na nakalagay sa locker niya sa school na para lang sa pack nila, karamihan ay may mga locker sadyang ang pack lang namin ang walang locker."Salamat, ibabalik ko na lang pag nalabahan ko na," sabi ko naman na kinatango niya naman."Sige, bahala ka," aniya na naglakad na paalis.Huminga naman ako ng malalim.Kakayanin ko ba ito sa apat na taon? Kaya ko bang tiisin ito? Sana...Naglakad na ako papunta sa malapit na palikuran na kasabay naman ng pagkakasalubong namin ni Yosh na agad nangunot ang noo nang makita ako lalong-lalo na ang nangyari sa akin."Walang dagat dito Demi? May swimming pool pero masyadong malayo sa canteen... Anong nangyari sa iyo?" bungad na tanong ni Yosh."Umalis ka sa dadaanan

    Last Updated : 2021-11-14
  • The Borderlines   Kabanata VII: Vampires History

    One month, sa loob ng isang buwan ay hindi nawala sa isip ko si ina, kung kumusta na ba siya at kung nasa maayos ba siyang kalagayan at sa isang buwan din ng pananatili ko sa loob ng akademya ay paulit-ulit akong kinukulit ni Aeneas, gusto niya raw akong maging kaibigan na hindi ko naman pinapansin dahil tulad ng bilin ni Linda ay hindi dapat siya mapalapit sa akin o ako sa kanya dahil mapapahamak lang ako, hindi ko rin ito sinasabi kay Yosh na alam kong iinit ang ulo pag nalaman na may umaaligid sa akin na lalaki at paulit-ulit na kinukulit ako. Ipinagpapasalamat ko rin na hindi pa rin nagtatagpo ng landas ang dalawa, kawawa naman si Aeneas kung magtagpo ang landas nila."Okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni Sofia. Tumingin naman ako sa kaniya na may hawak na libro. Oo nga pala nasa library kaming tatlo nila Yosh."Oo naman, maayos ako," sagot ko."Parang ang lalim kasi ng iniisip mo," aniya na nag-aalala pa rin."Iniisip ko lang si ina... Kung maayos l

    Last Updated : 2021-11-15
  • The Borderlines   Kabanata VIII: Preparation For The Party

    I bothered to what the girl said to me. Paanong mag-iiba ang kulay ng mga mata ko? "Huwag mo ng aalahanin ang sinabi ng babaeng 'yon sa 'yo," sabi ni Yosh na sinusuri pa ang katawan ko kung may sugat o pasa ba ako. "Wala akong sugat o pasa Yosh," anang ko at inalis ang kamay niyang sinusuri ang katawan ko saka lumapit kay Sofia na namumula ang ilong at gilid ng mga mata. "Masakit pa ba?" tanong ko na itinutukoy ang gasgas na meron siya sa may bandang siko dulot ng malakas na pagtulak sa kanya na nagasgas sa matalim na mga bato. "Oo, huwag sana na umabot pa ito sa mga kapatid ko." Tinapik-tapik ko lang ang balikat niya. "Saan ba kayo pumunta? Hinanap ko kayo sa classroom niyo pero wala naman kayo roon?" medyo naiinis na tanong ni Yosh. "May pinagtaguan lang kami," sagot ko. "Sino?" "Some bullies," agad na sagot ko at tumingin kay Sofia na nakatingin din pala sa akin, tiningnan ko siya ng isang makahulugang tingin na nain

    Last Updated : 2021-11-16
  • The Borderlines   Kabanata IX: Aquaintance Party

    Dumating na nga ang araw kung saan ay magaganap na ang acquaintance or welcome party, medyo natagalan ang pagdaos ng party dahil sa mas pinaghandaan ito ng committee ng academy lalong-lalo na't dadalo ang Great Alpha."Bakit kaya dadalo ang Great Alpha? Baka ipapakilala niya na sa lahat ang mga anak niya?" nagtatakang usal ni Sofia habang nakatambay kami ngayon sa library habang si Yosh naman ay kanina pang may hawak na dagger.Siniko ko si Yosh at tiningnan ng nagbabantang tingin pero nginisihan niya lang ako."Huwag na lang kaya tayo dumalo? Diba Yosh?" Nag-aalala kasi ako kay Yosh baka kasi may gawin siyang ikakapahamak niya."Huh? Bakit naman? Nakapamili na tayo ng mga gamit e

    Last Updated : 2021-11-17
  • The Borderlines   Kabanata X: Pranks And The Man In The Crystal Ball

    Tinanghali na ako nagising, mabuti nga at kinaumagahan ay walang pasok. Nag-unat-unat na ako at hinilot-hilot ang ilang parte ng katawan ko, sa lapag kasi ako natulog. Dapat ay magkatabi kami ni Yosh ngunit itinutulak o sinisipa niya lang ako paalis sa kama kaya't sa lapag na lang ako natulog habang siya ay mahimbing pa rin ang tulog mapahanggang ngayon.Kinuha ko na ang tuwalya, toothbrush at dinala ang ibibihis kong damit saka naglakad na pababa at dumiretso sa palikuran ngunit may nauna sa akin kaya pumila ako. Labing-limang minuto lang naman ang hinintay ko bago ang turn ko, kumilos ako ng mabilis kaya agad naman na natapos ako sa pagliligo na agad namang nagbihis at bumalik sa kwarto. Tulog pa rin si Yosh. Isinampay ko na ang tuwalya at inilagay na sa lalagyanan ko ang tootbrush at saka naglakad ulit pababa ng sala para maghanda ng umagahan naming dalawa, tila naubusan na kami ng nilutong umagahan."Oh! Demi! Pinagtira ko pala kayo ng almusal, kunin mo na lang dya

    Last Updated : 2021-11-18
  • The Borderlines   Kabanata XI: Madam Fe's Crystal Ball and Her Saviours

    "Sorry po," paghingi ko ng tawad at bahagya pang yumuko. "Huwag muna ulit hahawakan iyan ng walang pahintulot ko," seryusong sabi niya. "Anong kailangan niyo pala sa akin?" dagdag na tanong ni Madam Fe at lumapit sa bulang kristal at hinawakan iyon. Nasa tabi niya na rin si Sofia. "Nais po sana naming humingi ng tulong upang makita at malaman kung nasaan ang ina ni Demi," magalang na sagot ni Sofia na tumabi na sa akin. "Hindi libre ang serbisyo ko," aniya. "Magbabayad po ako, basta't malaman ko lang kung nasaan ang nanay ko," sabi ko. Kahit ubusin ko ang lahat ng perang binigay sa akin ni ina basta mahanap at malaman ko lang kung ano ng nangyayari sa nanay ko, kung nasa maayos ba siya na kalagayan. Tiningnan lang ako ni Madam Fe bago hinawakan ang bolang kristal niya at pumikit pero kinalaunan ay naging kulay itim ang bolang kristal niya, pagmulat niya ay parang takot na takot siya. "Ano pong nakita niyo?" tanong ko. "Wala, um

    Last Updated : 2021-11-19
  • The Borderlines   Kabanata XII: Picnic

    Hindi ko ipinagkalat ang lugar na iyon kahit kanino man kahit kina Sofia at Yosh, hindi dahil sa pinagbantaan ako ni Renz kundi dahil hindi ko naman talagang ugaling ipagsabi sa iba ang mga natuklasan ko."Ano ba ang dadalhin natin mamaya sa picnic?" tanong ni Sofia, tinutukoy niya ang picnic na magaganap na aya ni Aeneas."Wala naman daw basta pumunta lang tayo sa burol," sagot ko at ipinagpatuloy ang pagsusulat ko sa mga malilinis na pahina ng libro ko."Si Yosh? Sasama ba siya?""Oo pero hindi siya magtatagal kasi may gagawin pa raw siya.""Ah, okay."Natahimik naman ulit kami hanggang sa biglang umalingawngaw na lang ang malakas na sigaw at daing sa labas ng bakuran namin."Ang lakas din ng loob mo na pahiyain ako sa klase!" singhal ng babae na hawak-hawak ang buhok ng isa sa pack member namin."Pasensya na po, sinasabi ko lang po ang tama," sabi ng pack member namin.Mas sinabunutan siya ng babae na pinagsasampal pa

    Last Updated : 2021-11-20

Latest chapter

  • The Borderlines   Kabanata XLVII: Yosh's Disappearance

    Kinabukasan ay sinikap kong tumayo at pumunta sa pag-anunsyo ng bagong ranking ng mga pack. Lahat ng sugat ko ay nagsihilom na sa tulong na rin ng mga gamot na galing sa mga witches pero ramdam ko pa rin ang panghihina ng katawan ko dulot ng mga pagpapahirap sa akin sa loob ng kulungan sa Kinyege borderline."Sigurado po bang okay na ang pakiramdam niyo?" nag-aalalang tanong ni John na tinanguan ko naman saka ngumiti."Okay na ako, gusto kong personal na marinig ang mga bagong ranking mamaya," sabi ko at tinapik-tapik ang balikat niya."Siguradong magiging proud ka sa amin, Demi kapag nalaman mo ang resulta ng ART mamaya," proud na wika ni Sofia na nasa tabi ko."Proud naman ako sa inyo kahit hindi man kayo manalo sa mga tasks, eh!""Magsisimula na raw ang pag-anunsyo," anang isa sa mga myembro ng pack namin.Karamihan sa kanila ay nagpapahinga pa dahil galing palang sila sa huling task na ginawa nila at proud na proud ako kasi wala man ni isa sa kanila ang na-injured na iniiwasan tal

  • The Borderlines   Kabanata XLVI: The Real Murderer

    "Bring me the girl," utos ni Luna Aerah na disidido na makuha ako."Mom! I already told you! Demi is innocent!" sabat ni Aeneas na lumapit pa sa kanyang nanay."Hangga't walang matibay na ebidensya ay kailangan niyang bumalik sa loob ng kulungan," anang Luna Aerah."Pero wala po talagang kinalaman si Demi!" naiiyak na pagsabat din ni Sofia."What are you doing here? Wala kayong pahintulot na tumuntong sa Kinyege Borderline, nais niyo bang maparusahan kayo!?" wika ulit ni Luna Aerah na pinagsasabihan si Sofia na umiiyak na at si Arhyss na pinapatahan ang mate niya."Huwag niyong subukan ako," galit na pagbabanta ni Renz sa mga kawal."Ouch! Get off your hands on me!" Napatingin kami sa pinanggalingan ng boses na 'yon."Yosh?" sabay naming usal ni Aeneas."She's the real murderer, let my friend go," walang emosyon na wika ni Yosh na hawak-hawak ang buhok ni Alethea na dumadaing naman at pilit inaalis ang pagkakahawak sa buh

  • The Borderlines   Kabanata XLV: Caught

    Pagkatapos kong bitiwan ang mga salitang iyon ay wala na muling nagtangka sa amin na dalawa na magsalita hanggang sa unti-unti na ng nawalan ang araw. Kinalaunan ay lumabas siya ng bahay at pagkabalik ay may mga dala na siyang prutas at gulay at ilan sa mga sangkap na hindi ko malaman kung saan niya nga ba ito nakita at nakuha."Eat some snacks," aniya at inilagay sa harapan ko ang isang basket na puno ng iba't ibang mga prutas."Salamat..." nahihiyang pagpapasalamat ko."Eat all of that, your body needs that."Nagsimula naman akong kumain ng mga prutas at nang mabusog ay ininom ko na ang tubig na dala niya rin saka lumabas muli sa maliit na kwarto, agad ko namang nakita si Renz na nakatalikod sa gawi ko. Ang sexy niyang tingnan mula rito sa kinatatayuan ko, from his hair, neck, muscles and body. Tila lahat ngang babae ay mababaliw sa kanya."Stop staring, you're distracting me," aniya habang nakatalikod pa rin sa akin."I-I'm not staring!" pagtanggi ko sa

  • The Borderlines   ANNOUNCEMENT

    Hi, readers! Sorry kung medyo matagal din bago ako nakapagsulat ulit, dumaan po kasi ako sa writer's block plus masyadong pressure sa studies ko kaya nawala ako ng mahabang panahon sa pagsusulat nito at medyo may hindi na ako natatandaan na part ng story kaya baka makabasa kayo ng ibang part ng story na supposedly ay wala, humihingi po ako ng sorry agad sa maling ito. I'll try my best to edit it again after I finish this story and yes! Malapit na po siyang matapos at excited na po ako doon, currently writer the few chapters now and I hope you'll like it po. Have a great day!

  • The Borderlines   Kabanata XLIV: His Sweet Side

    Pagkatapos ng seryusong pag-uusap namin ni Renz ay pinatulog niya ulit ako upang makabawi raw ako ng lakas at sa buong oras ng pagtulog ko ay hindi niya ako iniwan at nanatili sa tabi ko.Ngayon nga'y nasa harapan ko siya at nakasandal sa dingding na gawa sa kahoy, nakapikit ang kanyang mga mata habang naka-krus ang mga braso.Ilang minuto rin akong nakatulala sa kanya at hindi gumalaw dahil baka magising ko siya hanggang sa unti-unti niya ng iminulat ang kanyang mga mata."G-Good afternoon..." nauutal at awkward kong bati."Are you hungry?" tanong niya na sakto naman ng pagkalam ng sikmura ko."I will prepare foods," aniya at tumayo na saka tinapik-tapik ang mga dumi na kumapit sa kanyang suot."Marunong kang magluto?" namamangha kong tanong at dahan-dahang umupo na kinaharap niya ulit sa akin at dinaluhan ako para alalayan."I need to, it's part of my training since I was a child," sagot niya na tiningnan ang sugat sa

  • The Borderlines   Kabanata XLIII: His Anger

    Nagising na lang ako nang may tumama na sinag ng araw sa mga mata ko. Nandito pa rin ako sa piitan at nakadapa, walang lakas at napakahapdi ng likuran dahil sa mga latigo na natanggap ko."Nasaan siya? Saan niyo sa kinulong?!" Narinig kong tanong ng isang pamilyar na boses pero base sa tono ng kanyang pananalita ay galit siya."Dito po," anang kausap niya.Mayamaya ay may mga paang tumigil sa harapan ng rehas ko, iniangat ko naman ang ulo ko."D-Demi!" bulalas niya nang magsalubong ang mga mata namin."Buksan mo!" utos niya sa kawal."Pero---""Bubuksan mo o mawawalan ka ng ulo?!" pagbabanta ni Aeneas sa kawal na wala namang nagawa kundi buksan ang rehas ng pinagkulungan sa akin."Demi?! Okay ka lang ba?---" Hindi niya naituloy ang sasabihin niya nang makita ang mga sugat ko sa likuran dulot ng paglatigo."A-anong nangyari?" nag-aalalang tanong niya na nanginginig pa ang mga kamay na inalalayan ako maupo mula sa pagkakadapa kanina."Maayo

  • The Borderlines   Kabanata XLII: Poison

    "Hindi kita maintindihan, Renz," naguguluhan na usal ko."Wala," aniya at tumingin sa malayo."Ayan ka na naman, tuwing magtatanong ako ng mga bagay na hindi ko maintindihan ay hindi mo ako sinasagot," nakanguso kong reklamo."Dahil mahirap ipaliwanag...""Kaya ko namang intindihin, eh," wika ko na kinatingin niya naman ulit sa akin."Kung sabihin ko sa 'yong layuan mo si Aeneas... Susundin mo kaya?" Nagulat ako sa winika niya kaya hindi agad ako nakasagot."Nevermind.""Bakit? Bakit ko kailangan na layuan siya?" Sasagot na sana siya ngunit nagulat ako nang bigla siyang umubo at may kasabay na dugo."R-Renz? Anong nangyayari sa 'yo?" kinakabahan na tanong ko at dinaluhan siya."T-there's something w-wrong with me... I-I can't breath," tugon niya na napahawak na sa dibdib niya.Inalalayan ko naman siyang makaupo."Anong nangyayari sa 'yo?!" kinakabahan na tanong ko.

  • The Borderlines   Kabanata XLI: Hurting

    Pagkatapos ng laban namin sa kanila ay sinalubong kami ng sigawan at pagbati."Ang galing mo na talaga Demi! Ang laki na ng pinagbago mo!" bulong ni Sofia na yinakap agad ako pagkatapos ng laban namin. Pinuri ko rin ang mga kasamahan ko lalong-lalo na ang first years, bilib ako sa kanila dahil wala ni-isa sa kanila ang nahimatay hindi kagaya sa kalaban naming grupo na may mga nahimatay dahil sa lakas ng mga suntok at sipa na natanggap nila sa amin."Ang totoong laban ay magsisimula palang," anang bagong dating na babae."Alethea..." usal ko sa pangalan niya na kinangisi niya naman."Hindi mo naman ako tatanggihan, hindi ba, Demi?" naghahamon na usal niya. Nakasuot siya ng isang kulay itim na sando, brown na jogging pants, sapatos na ka'y ganda at nakapuyod ang kanyang buhok.Nagsimula namang magbulungan ang lahat at nagsisimula na namang magpustahan dahil na rin sa isa si Alethea sa mga malalakas na werewolf dito sa ak

  • The Borderlines   Kabanata XL: Pack's Fight

    Yosh's Point Of ViewAng gulo na ng lahat, ang gulo at hindi ko na malaman kung ano ba itong nararamdaman ko. Bakit kailangan maramdaman ko pa ito? Tuwing ako mismo ang iiwas ay nasasaktan din naman ako, ang hirap gumawa ng desisyon lalong-lalo na't kalaban ko ang puso ko."Bakit kailangan mo pang saktan ang sarili mo kung pwede namang maging maayos ang lahat? Tanggapin mo na lang siya," anang Great Alpha."Kung madali lang sana iyong gawin ay ginawa ko na ngunit hindi, eh. Ang hirap...""Hindi ko man alam kung ano ang totoong dahilan kung bakit pinipigilan mo ang nararamdaman mo pero sana ay magawa mong buksan ang puso mo para sa kanya," usal ulit ng Alpha Leader bago ako iniwan.Hindi ko kaya... Hindi ko kayang piliin siya.Demi's Point of ViewPanibagong araw kaya't paniba

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status