Home / Other / The Borderlines / Kabanata II: Ceremony

Share

Kabanata II: Ceremony

Author: _Syete_
last update Huling Na-update: 2021-11-11 16:22:57

Bumalik na kami sa bahay nang unti-unti nang nagpapakita ang araw. Masaya ako sa kaarawan ko ngayon kagaya noong nakaraang kaarawan ko dahil sa palaging ginagawang espesyal ito ni Yosh. Hindi na rin ako natulog at inantay na lang ang pagsikat ng araw gano'n din naman si Yosh na narito sa bahay namin dala ang mga gamit na dadalhin niya sa loob ng akademya.

"Kumain na kayo ng mabilis baka dumating na ang mga sundo ninyo," sabi ni ina na naghahain nang kanyang mga inilutong pagkain na karamihan ay paborito ko at ni Yosh.

"Maraming salamat po tita!" masayang usal ni Yosh na agad namang nilantakan ang paborito niyang pagkain.

"You're always welcome," sabi ni ina at naupo sa upuan na nasa harapan naming dalawa ni Yosh.

"Magdahan-dahan lang," saway ni ina na mayamaya ay may ipinatong sa lamesa, isa itong uri ng libro na may malilinis na pahina.

"Happy birthday!" Iniangat ko naman ang mukha ko, nakangiting nakatingin sa akin ngayon si ina.

"Nais sana kitang bilhan ng isang magandang bistida pero alam ko namang hindi mo iyon susuotin kaya iyan na lang ang binili ko."

Kinuha ko naman iyon at yinakap. "Maraming salamat ina!" masaya kong usal at pinagmasdan ang bago kong libro na may malinis na pahina.

"Ayan, ngumiti ka anak," nakangiting sabi ni ina ngunit agad kaming napatingin sa pintuan nang biglang may kumatok rito. Nawala ang ngiti sa labi ko at napalitan ito ng kaba at lungkot.

"They’re here," masayang usal ni Yosh na ibinaba na ang kubyertos niya at uminom ng tubig mula sa baso na nasa tabi niya.

"Mag-ayos na kayo at dalhin niyo na ang mga gamit ninyo, ako na muna ang haharap sa kanila," nakangiting sabi ni ina at naglakad papunta sa pinto ng bahay namin.

Hinila naman ako ni Yosh papunta sa kwarto ko kung nasaan ang mga gamit na dadalhin ko maging nung kanyang mga gamit din.

"This year will be exciting to me!" aniya na agad na binitbit ang mga gamit niya at naglakad paalis sa kwarto ko.

Kinuha ko naman yung mga gamit ko at binitbit na rin ito at sa huling pagkakataon ay sinulyapan ko ulit ang maliit kong kwarto. Sana makabalik pa ako... Hindi, dapat akong makabalik para kay ina.

"Narito na sila," anunsyo ni ina.

Lumapit naman sa amin ang apat na lalaki, ang dalawa ay kinuha sa amin ang mga dala naming mga gamit habang ang dalawa naman ay hinawakan kami sa braso.

"Aalis na kami," anunsyo ng isa sa kanila kay ina.

"Ina, aalis na po ako… Babalik po ako," nakangiti kong usal.

Nakangiti lang si ina na pinagmasdan at sinunod ng tingin ako hanggang sa tumalikod na siya pero bumigat ang pakiramdam ko nang nakita kong yumugyog ang balikat ni ina, umiiyak siya.

Hindi ko alam kung makakabalik pa nga ba ako pero kailangan kong pilitin na makabalik, kailangan magkita ulit kami ni ina at kailangan ko pang makilala ang ama ko.

Tulad ng inasahan ko, bumungad sa amin sa labas ang nag-iiyakang mga pamilya mayroon pa ngang nakikiaway na muntik pang maparusahan ng kamatayan. Hindi ko na lang ito pinansin at pinagpatuloy na lamang ang paglalakad kasama si Yosh at ang apat na lalaking may malalaking katawan. Kasabay rin namin ang ilang mga hindi pinalad sa taong ito at mga mahirap lamang na lobo na walang salapi na maibibigay sa mga matataas na opisyales para ipagpalit ng kalayaan ng kanilang anak na tutuntong sa labing walong taong gulang o labing walong taong gulang na at higit sa lahat ay karamihan ng kasama ko rito ay walang mga koneksyon sa may mga mataas na pwesto tulad ng konseho para iligtas at palayain ang sakop ng sistema sa taong ito.

Ang sistema na ito ay binuo ng butihin naming Great Alpha para sanayin at ihanda kami para sa bagong mundo na bubungad sa amin, ang mundo ng mga tao at kung sa mundo nila ay mapanganib kami ay gano'n din sila amin, delikado ang mundo nila sa tulad naming mga walang muwang at alam sa mundo nila lalong-lalo na ang mga high technology na gamit nila at ang mga imbensyon na makakapatay sa amin, karamihan din kasi sa kanila ay mga matatalinong siyentipiko o tao na maraming alam tungkol sa amin lalong-lalo na ang mga kahinaan namin at gamit na nakakasakit sa amin. Humans are more than dangerous than us.

Tungkol sa sistema naman ay parang mag-aaral lang naman kami ngunit sa panghuling taon namin ay malalapit na kami sa kapahamakan. Ang sistemang ito ay para sa lahat na maglalabing-walong taong gulang o labing walong taong gulang na sa taon na ito, kahit hindi ka pa labing walo nang sunduin ng mga persona na galing sa akademya ay dapat ka ng sumama, sadya lang na tuwing magbubukas ang paaralan sa mga first year ay siyang kaarawan ko naman.

"It will be all right, Demi," anang ni Yosh kaya napatingin naman ako sa kanya. Binigyan niya naman ako ng matamis na ngiti na hindi ko naman maibalik sa kanya dahil kinakabahan talaga ako.

Naging tahimik ulit kami sa paglalakad hanggang sa makarating na kami sa gate ng academy, may sumalubong sa amin doon na babaeng may hawak na papel at panulat. Nakatingin lang siya sa papel at hindi man lang kami sinusulyapan.

"Your name please?" aniya.

Lumunok muna ako bago ibinuka ang labi ko. "Demi Harmony Ruiz," usal ko sa buong pangalan ko na isinulat niya naman.

"Next, name please?" sabi niya ulit.

Hindi ko na hinintay si Yosh at dumiretso na lang sa malawak na field, pagdating namin roon ay binitawan na ako ng lalaking nakahawak sa akin maging ang nagdala rin ng gamit ko, iniwan na rin nito sa tabi ko ang gamit ko at walang pasabi akong iniwan. Mayamaya ay nakita ko na rin si Yosh na papunta sa gawi ko kaya nakahinga naman ako ng maluwag.

"Don't be nervous," bulong niya sa akin na nilibot-libot pa ang tingin sa paligid hanggang sa tumunog na ang malaking kampana na malapit sa napakalaking orasan din.

Nagsilabasan na rin ang mga iba't ibang werewolves na nauna sa amin sa akademya na ito, sa ngayon ay may tatlong kulay ng uniporme ang nakahanay. Una ay ang hanay ng may mga suot na kulay asul ng uniporme, they must be the second year, sunod naman ay ang third year na may suot na pulang uniporme at ang panghuli ay ang mga fourth year na may suot ng itim na uniporme na ang alam ko ay mayamaya ay magsisimula na ang mission nila na kung saan manganganib ang mga buhay nila.

If I'm not mistaken, if you are a first year, you will study the different histories in our race especially to the other races, the race of human and the race of vampire; our mortal enemy before but now we're okay with them because of our Great Alpha's peace agreement with their councils and to the other races as well. Ayaw na kasi ng Great Alpha na magkaroon ng gulo between werewolves and vampires dahil maraming madadamay na mga inosenteng tao dahilan para magalit ang gobyerno nila sa amin at padalhan kami ng mga bagay na ikamamatay ng karamihan sa amin sa maikling oras lamang.

"Good morning everyone! I am Principal Dela Cruz and I am here to give a warm welcome to our freshmen, narito kayo alinsunod sa nirerespeto at pinahahalagahan nating system and as freshmen we will have a ceremony to you same for the graduates that being held to other buildings. So, second year to fourth year line by your family's moons!" anang ni Principal Dela Cruz.

Nagsikilos naman ang mga ito maliban sa aming first year. Ang dating tatlong hanay ng mga magkakaparehong uniporme ay naging labing-isa.

"Leaders of all families let your symbol's moon be shown," utos ng principal.

Mayamaya naman ay may inilagay silang clear glass na may bilog na parang buwan sa loob nito na may iba't ibang kulay at disenyo.

"Now, I wil call your names one by one and step inside the magic circle." Lumabas naman bigla sa gitna namin ang bilog na para bang umiilaw at mga guhit na nakadugtong dito papunta sa mga clear glass na kinalalagyan ng mga sacred moons symbol.

Dahil sa kaba ay para bang nabingi na ako at hindi ko na marinig ng malinaw ang sinasabi ng principal at tanging mabibigat na hininga ko na lang ang naririnig ko hanggang sa maramdaman kong may humawak sa mga kamay ko, si Yosh ito na nakatingin pa rin sa unahan. Huminga ako ng malalim at tumingin ulit sa harapan at ngayon ay malinaw ko ng naririnig ang sinasabi ng principal.

Ramdom ang pagtawag niya na pinapasok sa magic circle at ilang segundo lamang ang hihintayin ay may isa ng magliliwanag sa mga sacred moon's symbol ngunit ang nakaagaw lang ng pansin ko ang isa sa mga pack family na may pinakakaunting myembro na nasa panghuli pang hanay. They look so shy, nerd, introvert and weak just like me.

"Bellion, Alyosha?"

Nakita kong iniikot ni Yosh ang mga mata niya bago lumapit sa magic circle at ilang segundo ay umilaw ang isa sa mga sacred moons.

"Storm moon choose you to be one of them," anunsyo ng principal.

Tumingin naman doon si Yosh at naglakad pabalik sa pwesto niya kanina at kinuha ang gamit niya pero bago siya naglakad papunta sa pack family na tutuluyan niya ay lumingon muna siya sa akin at ngumiti.

Ilang mga pangalan pa ang natawag hanggang sa marinig ko na ang pangalan ko. "Ruiz, Demi Harmony."

Huminga muna ako ng malalim bago naglakad palapit sa magic circle at tumayo sa loob no'n ngunit ang pinagtataka ko ay ilang minuto ng lumipas ay wala pa rin ni isa mga sacred moons ang umiilaw.

"Tila may problema ang magic circle---" Hindi na natapos ng principal ang sasabihin niya nang may umilaw na sa isang magic moons at ito ang nasa may pinakakaunting myembro ng pack.

"The sacred moon of Lightning pack choose you," anunsyo niya na tumingin pa sa gawi nito.

Naglakad naman ulit ako sa pwesto ko kanina at binitbit ang gamit ko at naglakad na papunta sa gawi ng mga ito. Tipid lang silang ngumiti sa akin na tila nahihiya pang makipag-eye contact.

Halos kalahating oras ang tinagal ng seremonya namin bago kami hinayaan nang pumunta sa mga pack’s house or pack’s dormintory ng bawat pack family.

"Tulungan kita na d'yan," anang ng babaeng freshmen din na bagong myembro rin ng Lighting pack. Naka-braid ang buhok niya sa dalawa at napakasimple ng kasuotan.

"Hindi na, nakakahiya," sabi ko at bahagyang yumuko pa.

"No worries, kakaunti lang naman ang dala kong gamit, mukha kasing nahihirapan ka na sa mga dala mo," aniya. Totoo talagang napakabigat ng gamit na dala, marami kasing gamit si ina na pinadala sa akin. Ayaw ko man pero nag-insist si ina kaya wala na akong nagawa pa.

"S-sigurado ka ba?"

"Oo naman! Tayo-tayo lang naman ng mga myembro ng Lightning pack ang magtutulungan eh," nakangiti niyang sabi at kinuha ang ilan sa mga dala kong gamit.

Nagsisimula na rin kaming maglakad papunta sa tutuluyan naming pack’s house.

"Ako pala si Sofia Abrigo," pagpapakilala niya.

"Demi… I'm Demi Ruiz," pagpapakilala ko naman.

Ilang minuto rin ang tinagal namin sa paglalakad bago namin nakita ang simpleng pack’s house na tutuluyan namin, may garden rin ito ngunit napakasimple nitong tingnan.

"Maligayang pagdating sa Lightning pack house!" bati ng isang babaeng nakasuot ng eyeglasses.

"Maraming salamat," sabay na usal naming dalawa ni Sofia.

"Pasok kayo," aniya.

Pumasok naman kami at tulad ng nasa labas, napakasimple rin ng disenyo sa loob ng bahay.

"Gustuhin man naming bigyang kayo ng bonggang welcome party kaso wala tayong gaanong kalaking allowance kaya't tanging bati lang ang maibibigay namin," anang ulit ng babae kanina.

"Hindi na kailangan, hindi naman ako mahilig sa mga kasiyahan," sabi ko.

"Ako rin! Mas gusto kong magbasa nang magbasa ng mga libro kaysa dumalo sa mga kasiyahan," pagsang-ayon ni Sofia na itinaas pa ang isa niyang kamay.

Nagkatinginan naman silang lahat. "Lahat naman ata tayo mahilig magbasa," anang ng isa na kinatawa naman ng lahat.

"Halikayo, ituturo ko sa inyo ang magiging kwarto niyo," anang ulit ng babaeng naka-eyeglasses. Sumunod naman kami sa kanya.

"Ako pala si Linda, 3rd year, Luna leader of our pack. Ang pack natin ay ang pinakakaunti ang myembro at nasa panghuling pwesto sa taunang ranggo kaya't kakaunti lang ang allowance na nakukuha natin buwan-buwan, ito rin ang dahilan kung bakit isa lamang ang bahay natin ngunit huwag kayong mag-alala, maayos ang sistema natin sa pack, disiplinado ang lahat." Tumango-tango naman kami sa sinabi niyang iyon.

"Andito na pala tayo, ang nasa kanan ang iyo Sofia at ang kasunod namang kwarto ang iyo, Demi," aniya na nagpaalam na dahil sa may iba pa raw siyang dapat gawin.

"Here." Inilapag na ni Sofia ang ilan sa gamit ko na dinala niya.

"Maraming salamat," pagpapasalamat ko.

"Walang anuman," nakangiti niyang usal at pumasok na sa loob ng kwarto niya.

Humarap naman ako sa pinto ng magiging kwarto ko saka huminga ng malalim at binuksan na ito. Bumungad din sa akin ang plain na kwarto na kulay gray ang pintura ng pader at kisame na pabor sa akin dahil sa hindi masyadong nakakasilaw ang kulay nito. Ibinaba ko ang mga gamit ko at saka humiga na sa kama kong medyo malambot. Tumingin ako sa kisame. Kakayanin ko kaya?

Kaugnay na kabanata

  • The Borderlines   Kabanata III: Officially Student

    Maaga ako nagising dahil siguro sa namamahay ako, na-miss ko agad si ina, ang mga luto niya lalong-lalo na ang presensya niya na nakapapanatag ng kalooban ko. I feel safe with her.Umiling-iling na lang ako at huminga ng malalim at saka kinuha ang dalawang twalya ko at undergarments at saka uniporme ng first year, wala kasing sariling palikuran ang bawat kwarto kaya nasisiguro kong isa o dalawa lang ang palikuran namin. Pagkalabas ko ay sakto namang pagdaan ni Linda, ang Luna ng pack namin."Oh, good morning! Napakaaga mo naman ata nagising," nakangiting sabi niya na tumigil sa paglalakad at humarap pa sa akin."Namamahay kasi po ako," sagot ko."Okay lang 'yan, masasanay ka rin niyan. Oh siya, mag-ayos ka na ng sarili mo at ang palikuran ay nasa tabi ng kusina," aniya."Salamat," pagpapasalamat ko at naglakad na pababa ng hagdan at pinuntahan ang tinuro ni Linda na nahanap ko naman agad. Dalawang palikuran ang nakita ko at may nakadikit na dalawan

    Huling Na-update : 2021-11-11
  • The Borderlines   Kabanata IV: Werewolves History

    Naguluhan ako sa sinabi ni Madam Fe, hindi ko maintindihan kung ano ba ang ibig sabihin ng mga binitiwan niyang salita o kung sino ang tinutukoy niya. Ang gulo, ang hirap at ang labo ng mga salitang binitawan niya. Sana ay kasing talino ako ng mga matataas na opisyales na nakatira sa Palati upang agad kong naintindihan ang mga salitang binitawan ni Madam Fe."Tila masyado kang tahimik Demi?" anang ni Yosh na nakakunot pa ang noo."Hindi ko maalala kung kailan ako dumaldal nang kagaya mo," sabi ko na kina-irap niya naman sa akin."Napakasaya niyong pagmasdan na dalawa, magkaiba man ang ugali ninyo pero nagkakasundo pa rin kayo," nakangiting usal ni Sofia."Of course, she doesn't ha

    Huling Na-update : 2021-11-12
  • The Borderlines   Kabanata V: The Bullies

    Agad akong humingi ng tawad sa nabangga ko na mukhang mataray at maarte, mukha ring galing siya sa mayamang pamilya. Ito ang iniiwasan ko, ang makasalamuha ang mga anak ng mga mayayaman dahil karamihan sa kanila ay nakakairita ang ugali tulad lamang nitong nabangga kong babae. Siguradong gulo ang kalalabasan nito."Bakit hindi ka tumitingin sa dinaraanan mo?! Tingnan mo tuloy, namantsahan na ang uniform ko!" singhal niya.Iniyuko ko ang ulo ko at humingi ulit ng tawad. "Pasensya na talaga, hindi ko sinasadya, kung nais mo ay lalabhan ko na lamang iyan.""Nagpapatawa ka ba?! Baka sirain mo pa ito kaya huwag na lang. Alam ko namang ang mga kagaya mo ay walang gagawing tama lalong-lalo na't kabilang ka pa sa pinakamahina at talunang hampaslupang pack," aniya na ikina-hinga ko na lang ng malalim para pakalmahin ang sarili ko."Ngayon hindi ka na makapagsalita? Hampaslupa kasi kayo!" aniya ulit. Nakita ko na ring medyo pinagtitinginan na rin kami ng iba pang m

    Huling Na-update : 2021-11-13
  • The Borderlines   Kabanata VI: New Friends

    "Sige na, tanggapin mo na, parang magka-size lang naman tayo eh at saka hassle pa ang pag-uwi mo sa dorm niyo para magpalit lang ng damit," sabi ni Thea na iniaabot na sa akin ang extra na malinis na uniform niya na kinuha niya sa bag na nakalagay sa locker niya sa school na para lang sa pack nila, karamihan ay may mga locker sadyang ang pack lang namin ang walang locker."Salamat, ibabalik ko na lang pag nalabahan ko na," sabi ko naman na kinatango niya naman."Sige, bahala ka," aniya na naglakad na paalis.Huminga naman ako ng malalim.Kakayanin ko ba ito sa apat na taon? Kaya ko bang tiisin ito? Sana...Naglakad na ako papunta sa malapit na palikuran na kasabay naman ng pagkakasalubong namin ni Yosh na agad nangunot ang noo nang makita ako lalong-lalo na ang nangyari sa akin."Walang dagat dito Demi? May swimming pool pero masyadong malayo sa canteen... Anong nangyari sa iyo?" bungad na tanong ni Yosh."Umalis ka sa dadaanan

    Huling Na-update : 2021-11-14
  • The Borderlines   Kabanata VII: Vampires History

    One month, sa loob ng isang buwan ay hindi nawala sa isip ko si ina, kung kumusta na ba siya at kung nasa maayos ba siyang kalagayan at sa isang buwan din ng pananatili ko sa loob ng akademya ay paulit-ulit akong kinukulit ni Aeneas, gusto niya raw akong maging kaibigan na hindi ko naman pinapansin dahil tulad ng bilin ni Linda ay hindi dapat siya mapalapit sa akin o ako sa kanya dahil mapapahamak lang ako, hindi ko rin ito sinasabi kay Yosh na alam kong iinit ang ulo pag nalaman na may umaaligid sa akin na lalaki at paulit-ulit na kinukulit ako. Ipinagpapasalamat ko rin na hindi pa rin nagtatagpo ng landas ang dalawa, kawawa naman si Aeneas kung magtagpo ang landas nila."Okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni Sofia. Tumingin naman ako sa kaniya na may hawak na libro. Oo nga pala nasa library kaming tatlo nila Yosh."Oo naman, maayos ako," sagot ko."Parang ang lalim kasi ng iniisip mo," aniya na nag-aalala pa rin."Iniisip ko lang si ina... Kung maayos l

    Huling Na-update : 2021-11-15
  • The Borderlines   Kabanata VIII: Preparation For The Party

    I bothered to what the girl said to me. Paanong mag-iiba ang kulay ng mga mata ko? "Huwag mo ng aalahanin ang sinabi ng babaeng 'yon sa 'yo," sabi ni Yosh na sinusuri pa ang katawan ko kung may sugat o pasa ba ako. "Wala akong sugat o pasa Yosh," anang ko at inalis ang kamay niyang sinusuri ang katawan ko saka lumapit kay Sofia na namumula ang ilong at gilid ng mga mata. "Masakit pa ba?" tanong ko na itinutukoy ang gasgas na meron siya sa may bandang siko dulot ng malakas na pagtulak sa kanya na nagasgas sa matalim na mga bato. "Oo, huwag sana na umabot pa ito sa mga kapatid ko." Tinapik-tapik ko lang ang balikat niya. "Saan ba kayo pumunta? Hinanap ko kayo sa classroom niyo pero wala naman kayo roon?" medyo naiinis na tanong ni Yosh. "May pinagtaguan lang kami," sagot ko. "Sino?" "Some bullies," agad na sagot ko at tumingin kay Sofia na nakatingin din pala sa akin, tiningnan ko siya ng isang makahulugang tingin na nain

    Huling Na-update : 2021-11-16
  • The Borderlines   Kabanata IX: Aquaintance Party

    Dumating na nga ang araw kung saan ay magaganap na ang acquaintance or welcome party, medyo natagalan ang pagdaos ng party dahil sa mas pinaghandaan ito ng committee ng academy lalong-lalo na't dadalo ang Great Alpha."Bakit kaya dadalo ang Great Alpha? Baka ipapakilala niya na sa lahat ang mga anak niya?" nagtatakang usal ni Sofia habang nakatambay kami ngayon sa library habang si Yosh naman ay kanina pang may hawak na dagger.Siniko ko si Yosh at tiningnan ng nagbabantang tingin pero nginisihan niya lang ako."Huwag na lang kaya tayo dumalo? Diba Yosh?" Nag-aalala kasi ako kay Yosh baka kasi may gawin siyang ikakapahamak niya."Huh? Bakit naman? Nakapamili na tayo ng mga gamit e

    Huling Na-update : 2021-11-17
  • The Borderlines   Kabanata X: Pranks And The Man In The Crystal Ball

    Tinanghali na ako nagising, mabuti nga at kinaumagahan ay walang pasok. Nag-unat-unat na ako at hinilot-hilot ang ilang parte ng katawan ko, sa lapag kasi ako natulog. Dapat ay magkatabi kami ni Yosh ngunit itinutulak o sinisipa niya lang ako paalis sa kama kaya't sa lapag na lang ako natulog habang siya ay mahimbing pa rin ang tulog mapahanggang ngayon.Kinuha ko na ang tuwalya, toothbrush at dinala ang ibibihis kong damit saka naglakad na pababa at dumiretso sa palikuran ngunit may nauna sa akin kaya pumila ako. Labing-limang minuto lang naman ang hinintay ko bago ang turn ko, kumilos ako ng mabilis kaya agad naman na natapos ako sa pagliligo na agad namang nagbihis at bumalik sa kwarto. Tulog pa rin si Yosh. Isinampay ko na ang tuwalya at inilagay na sa lalagyanan ko ang tootbrush at saka naglakad ulit pababa ng sala para maghanda ng umagahan naming dalawa, tila naubusan na kami ng nilutong umagahan."Oh! Demi! Pinagtira ko pala kayo ng almusal, kunin mo na lang dya

    Huling Na-update : 2021-11-18

Pinakabagong kabanata

  • The Borderlines   Kabanata XLVII: Yosh's Disappearance

    Kinabukasan ay sinikap kong tumayo at pumunta sa pag-anunsyo ng bagong ranking ng mga pack. Lahat ng sugat ko ay nagsihilom na sa tulong na rin ng mga gamot na galing sa mga witches pero ramdam ko pa rin ang panghihina ng katawan ko dulot ng mga pagpapahirap sa akin sa loob ng kulungan sa Kinyege borderline."Sigurado po bang okay na ang pakiramdam niyo?" nag-aalalang tanong ni John na tinanguan ko naman saka ngumiti."Okay na ako, gusto kong personal na marinig ang mga bagong ranking mamaya," sabi ko at tinapik-tapik ang balikat niya."Siguradong magiging proud ka sa amin, Demi kapag nalaman mo ang resulta ng ART mamaya," proud na wika ni Sofia na nasa tabi ko."Proud naman ako sa inyo kahit hindi man kayo manalo sa mga tasks, eh!""Magsisimula na raw ang pag-anunsyo," anang isa sa mga myembro ng pack namin.Karamihan sa kanila ay nagpapahinga pa dahil galing palang sila sa huling task na ginawa nila at proud na proud ako kasi wala man ni isa sa kanila ang na-injured na iniiwasan tal

  • The Borderlines   Kabanata XLVI: The Real Murderer

    "Bring me the girl," utos ni Luna Aerah na disidido na makuha ako."Mom! I already told you! Demi is innocent!" sabat ni Aeneas na lumapit pa sa kanyang nanay."Hangga't walang matibay na ebidensya ay kailangan niyang bumalik sa loob ng kulungan," anang Luna Aerah."Pero wala po talagang kinalaman si Demi!" naiiyak na pagsabat din ni Sofia."What are you doing here? Wala kayong pahintulot na tumuntong sa Kinyege Borderline, nais niyo bang maparusahan kayo!?" wika ulit ni Luna Aerah na pinagsasabihan si Sofia na umiiyak na at si Arhyss na pinapatahan ang mate niya."Huwag niyong subukan ako," galit na pagbabanta ni Renz sa mga kawal."Ouch! Get off your hands on me!" Napatingin kami sa pinanggalingan ng boses na 'yon."Yosh?" sabay naming usal ni Aeneas."She's the real murderer, let my friend go," walang emosyon na wika ni Yosh na hawak-hawak ang buhok ni Alethea na dumadaing naman at pilit inaalis ang pagkakahawak sa buh

  • The Borderlines   Kabanata XLV: Caught

    Pagkatapos kong bitiwan ang mga salitang iyon ay wala na muling nagtangka sa amin na dalawa na magsalita hanggang sa unti-unti na ng nawalan ang araw. Kinalaunan ay lumabas siya ng bahay at pagkabalik ay may mga dala na siyang prutas at gulay at ilan sa mga sangkap na hindi ko malaman kung saan niya nga ba ito nakita at nakuha."Eat some snacks," aniya at inilagay sa harapan ko ang isang basket na puno ng iba't ibang mga prutas."Salamat..." nahihiyang pagpapasalamat ko."Eat all of that, your body needs that."Nagsimula naman akong kumain ng mga prutas at nang mabusog ay ininom ko na ang tubig na dala niya rin saka lumabas muli sa maliit na kwarto, agad ko namang nakita si Renz na nakatalikod sa gawi ko. Ang sexy niyang tingnan mula rito sa kinatatayuan ko, from his hair, neck, muscles and body. Tila lahat ngang babae ay mababaliw sa kanya."Stop staring, you're distracting me," aniya habang nakatalikod pa rin sa akin."I-I'm not staring!" pagtanggi ko sa

  • The Borderlines   ANNOUNCEMENT

    Hi, readers! Sorry kung medyo matagal din bago ako nakapagsulat ulit, dumaan po kasi ako sa writer's block plus masyadong pressure sa studies ko kaya nawala ako ng mahabang panahon sa pagsusulat nito at medyo may hindi na ako natatandaan na part ng story kaya baka makabasa kayo ng ibang part ng story na supposedly ay wala, humihingi po ako ng sorry agad sa maling ito. I'll try my best to edit it again after I finish this story and yes! Malapit na po siyang matapos at excited na po ako doon, currently writer the few chapters now and I hope you'll like it po. Have a great day!

  • The Borderlines   Kabanata XLIV: His Sweet Side

    Pagkatapos ng seryusong pag-uusap namin ni Renz ay pinatulog niya ulit ako upang makabawi raw ako ng lakas at sa buong oras ng pagtulog ko ay hindi niya ako iniwan at nanatili sa tabi ko.Ngayon nga'y nasa harapan ko siya at nakasandal sa dingding na gawa sa kahoy, nakapikit ang kanyang mga mata habang naka-krus ang mga braso.Ilang minuto rin akong nakatulala sa kanya at hindi gumalaw dahil baka magising ko siya hanggang sa unti-unti niya ng iminulat ang kanyang mga mata."G-Good afternoon..." nauutal at awkward kong bati."Are you hungry?" tanong niya na sakto naman ng pagkalam ng sikmura ko."I will prepare foods," aniya at tumayo na saka tinapik-tapik ang mga dumi na kumapit sa kanyang suot."Marunong kang magluto?" namamangha kong tanong at dahan-dahang umupo na kinaharap niya ulit sa akin at dinaluhan ako para alalayan."I need to, it's part of my training since I was a child," sagot niya na tiningnan ang sugat sa

  • The Borderlines   Kabanata XLIII: His Anger

    Nagising na lang ako nang may tumama na sinag ng araw sa mga mata ko. Nandito pa rin ako sa piitan at nakadapa, walang lakas at napakahapdi ng likuran dahil sa mga latigo na natanggap ko."Nasaan siya? Saan niyo sa kinulong?!" Narinig kong tanong ng isang pamilyar na boses pero base sa tono ng kanyang pananalita ay galit siya."Dito po," anang kausap niya.Mayamaya ay may mga paang tumigil sa harapan ng rehas ko, iniangat ko naman ang ulo ko."D-Demi!" bulalas niya nang magsalubong ang mga mata namin."Buksan mo!" utos niya sa kawal."Pero---""Bubuksan mo o mawawalan ka ng ulo?!" pagbabanta ni Aeneas sa kawal na wala namang nagawa kundi buksan ang rehas ng pinagkulungan sa akin."Demi?! Okay ka lang ba?---" Hindi niya naituloy ang sasabihin niya nang makita ang mga sugat ko sa likuran dulot ng paglatigo."A-anong nangyari?" nag-aalalang tanong niya na nanginginig pa ang mga kamay na inalalayan ako maupo mula sa pagkakadapa kanina."Maayo

  • The Borderlines   Kabanata XLII: Poison

    "Hindi kita maintindihan, Renz," naguguluhan na usal ko."Wala," aniya at tumingin sa malayo."Ayan ka na naman, tuwing magtatanong ako ng mga bagay na hindi ko maintindihan ay hindi mo ako sinasagot," nakanguso kong reklamo."Dahil mahirap ipaliwanag...""Kaya ko namang intindihin, eh," wika ko na kinatingin niya naman ulit sa akin."Kung sabihin ko sa 'yong layuan mo si Aeneas... Susundin mo kaya?" Nagulat ako sa winika niya kaya hindi agad ako nakasagot."Nevermind.""Bakit? Bakit ko kailangan na layuan siya?" Sasagot na sana siya ngunit nagulat ako nang bigla siyang umubo at may kasabay na dugo."R-Renz? Anong nangyayari sa 'yo?" kinakabahan na tanong ko at dinaluhan siya."T-there's something w-wrong with me... I-I can't breath," tugon niya na napahawak na sa dibdib niya.Inalalayan ko naman siyang makaupo."Anong nangyayari sa 'yo?!" kinakabahan na tanong ko.

  • The Borderlines   Kabanata XLI: Hurting

    Pagkatapos ng laban namin sa kanila ay sinalubong kami ng sigawan at pagbati."Ang galing mo na talaga Demi! Ang laki na ng pinagbago mo!" bulong ni Sofia na yinakap agad ako pagkatapos ng laban namin. Pinuri ko rin ang mga kasamahan ko lalong-lalo na ang first years, bilib ako sa kanila dahil wala ni-isa sa kanila ang nahimatay hindi kagaya sa kalaban naming grupo na may mga nahimatay dahil sa lakas ng mga suntok at sipa na natanggap nila sa amin."Ang totoong laban ay magsisimula palang," anang bagong dating na babae."Alethea..." usal ko sa pangalan niya na kinangisi niya naman."Hindi mo naman ako tatanggihan, hindi ba, Demi?" naghahamon na usal niya. Nakasuot siya ng isang kulay itim na sando, brown na jogging pants, sapatos na ka'y ganda at nakapuyod ang kanyang buhok.Nagsimula namang magbulungan ang lahat at nagsisimula na namang magpustahan dahil na rin sa isa si Alethea sa mga malalakas na werewolf dito sa ak

  • The Borderlines   Kabanata XL: Pack's Fight

    Yosh's Point Of ViewAng gulo na ng lahat, ang gulo at hindi ko na malaman kung ano ba itong nararamdaman ko. Bakit kailangan maramdaman ko pa ito? Tuwing ako mismo ang iiwas ay nasasaktan din naman ako, ang hirap gumawa ng desisyon lalong-lalo na't kalaban ko ang puso ko."Bakit kailangan mo pang saktan ang sarili mo kung pwede namang maging maayos ang lahat? Tanggapin mo na lang siya," anang Great Alpha."Kung madali lang sana iyong gawin ay ginawa ko na ngunit hindi, eh. Ang hirap...""Hindi ko man alam kung ano ang totoong dahilan kung bakit pinipigilan mo ang nararamdaman mo pero sana ay magawa mong buksan ang puso mo para sa kanya," usal ulit ng Alpha Leader bago ako iniwan.Hindi ko kaya... Hindi ko kayang piliin siya.Demi's Point of ViewPanibagong araw kaya't paniba

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status