Demi's Point of View
"Mama, ayaw ko pa pong malayo sa inyo lalong-lalo na sa mga kapatid ko."
"Hindi maaari ang gusto mo anak, gusto mo bang ipahamak ang angkan natin?"
"Ayaw po, natatakot lang po ako baka hindi na ako makabalik."
"Hindi 'yan mangyayari basta't magpakatatag ka, mahal na mahal ka ni nanay."
Nakatingin ako ngayon sa mag-inang nag-uusap, isa rin ata ang anak niya sa hindi mapalad na kabilang sa mga mahihirap na walang maipagtutubos sa mga anak nilang susuong sa panganib para mapatunayan na may karapatan itong mapabilang sa aming lahi.
"Oh, bakit tulala ka riyan?"
"P-po?" Napakurap-kurap naman ako at hinarap ang napakandang babae na nasa tabi ko na ngayon.
"Magiging maayos din ang lahat at kakayanin mo ang lahat ng pagsubok na kakaharapin mo sa loob ng akademya kaya huwag kang masyadong mag-alala," pagpapalakas ng loob ng babae na hinaplos pa ang pisngi ko at tumingin sa mag-ina na tinitingnan ko kanina.
"Pero ina, may dapat akong ipag-alala... Hindi pa ako nakakapagpalit ng anyo ko bilang lobo, ang normal na werewolves ay labing-tatlong taong gulang pa lang ay nakakapagbagong anyo na ngunit ako... hindi pa rin," nag-alalang sagot ko at bumuntong hininga pa at saka kinuha ang mga tuyong damit na nakasampay sa labas ng aming bahay. Ito ang lubos kinakatakutan ko ang umabot ang taon na labing walong taon na ako, ang taon ng paghuhukom sa akin bilang werewolf.
"You are just a late bloomer, huwag kang mag-alala hindi tatagal ay makakapag-bagong anyo ka na rin kagaya ng ibang werewolves," mahinahon at malambing na usal ni ina na alam kong pinapalakas lang ang loob ko.
"Sana nga po ina ay makapagbagong anyo ako bago ang ika-apat na taon ko sa Krisi," malungkot kong usal na kinayakap naman sa akin ni ina na hinaplos-haplos pa ang ulo ko.
"Magtiwala ka lang anak sa iyong kakayahan," aniya at hinalikan ang noo ko.
Napakaganda niya na kabaliktaran naman sa akin na anak niya, kadalasan ay hindi kami pinaniniwalaan na mag-ina dahil magkaibang-magkaiba kami ni ina. Simula sa pananamit, dahil mahilig si ina sa puting bistida na bagay na bagay sa kanya dahil sa kanyang napakagandang katawan, may mahabang kulay itim na kulot na buhok, may kulay kayumangging balat at napakagandang mga mata na napakaamo at kahit parang mayumi siyang tingnan na babae ay malakas siya, parang dyosa si ina habang ako naman ay isang hindi kapansin-pansin at mahinang werewolf, mas gusto kong nakasuot ng mga malalaking damit at jogging pants o pantalon, hindi kulay itim ang kulay ng buhok ko kundi kulay tsokolate na tuwid pa na hindi lagpas balikat ang haba, sabi ni ina ay namana ko raw iyon sa tatay ko na hindi ko pa nakita o nakilala ni minsan.
Kakaiba rin ang kulay ng kutis ko dahil maputi ako at ang mga mata ko ay parang walang kabuhay-kabuhay kung makatingin, ayaw ko rin ng masyadong maliwanag, mas gusto kong mapag-isa at higit sa lahat mahina ako, ibang-iba ako kay ina kaya hindi agad sila naniniwala na anak ako niya, minsan ko rin namang tinanong si ina kung ampon ba ako ngunit tinawanan niya lamang ako, medyo magkamukha naman kami ni ina sadyang ang mga walang kabuhay-buhay na mata, kulay ng kutis at kulay ng buhok ang pinagkaiba namin.
"Demi?"
"Po?"
"Mag-ayos ka na ng gamit mo para bukas," bilin niya.
"Okay po," sabi ko at naglakad na papasok sa bahay namin at dumiretso sa maliit na kwarto ko at kinuha ang isang libro na may mga blangkong pahina.
Kabilang ako sa lahi ng mga werewolves, para lang naman kaming mga normal na tao dahil sa pisikal na anyo namin ngunit ang pinagkaiba lang naman ay nag-iibang anyo kami at may taglay kaming pambihirang lakas kahit nasa human form kami. Tulad ng tao ay may sarili kaming paniniwala, tradisyon at kalakaran na aming sinusunod dahil sa oras na ito ay suwayin at labagin namin ay may karampat na parusa kaming matatanggap na minsan ay humahantong sa kamatayan. Medyo sibilisado na rin kami at hindi na tulad ng dati na watak-watak dahil sa bawat packs, maaari kaming bumukod ng bahay sa mga magulang o angkan naming ngunit ang bubukuran namin ay dapat ay nasa loob pa rin ng Elefteros borderline.
May tatlong borderlines ang lahi namin, una ay ang Elefteros borderline kung saan malaya kaming maglibot-libot at magtayo ng mga tirahan, pangalawa naman ay ang Kinyege borderline na kadalasan ay mga Gama ang naroroon para magbantay at ang iba naman ay para magtrabaho at ito rin ang borderline na nagsisilbing kulungan ng mga nakagawa ng paglabag sa batas namin, bawal roon ang mga labing-pitong taong gulang pababa. Ang panghuli ay ang Epikindinos borderline, ang borderline na kinakatakutan ng lahat, marami kasing mga ibang nilalang na ang nandoon at tanging may mga matataas na ranggo at malalakas na werewolves ang nakapupunta roon at kapag nakatawid ka na raw sa Epikindinos ay makikita mo na ang totoong paraiso at kalayaan. Iyon ang kwento sa akin ng kaibigan ko na minsan na ring nakaabot roon.
"Demi!" Gulat naman akong napatingin sa babaeng bigla na lamang lumitaw sa harapan ko. Tumingin naman ako sa bintana ko na nakabukas, sigurado akong doon siya dumaan.
"Sulpot ka lang nang sulpot," usal ko at binaba ang libro na sinusulatan ko.
"Nagsusulat ka naman ba?" tanong niya na hindi pinansin ang sinabi ko at lumapit sa lamesa ko sa kwarto at kinuha ang mansanas roon at kinagatan iyon.
"Iyon ang hilig ko, Alyosha," sabi ko at lumapit sa nakabukas na bintana at sinarado ito saka ibinalik ang nakahawing kurtina dahilan para matakpan ang sinag ng araw na sumisinag sa bintana ng kwarto ko.
"Yosh nga diba?" Sinamaan niya pa ako ng tingin.
"Okay," sabi ko at bumalik sa pagkakaupo sa kama ko.
"Excited ka na ba para bukas?" tanong niya na parang kumikinang pa ang mga mata dahil sa pagkasabik para sa mangyayari bukas na kabaliktaran naman sa nararamdaman ko.
Siya si Alyosha, ang kaibigan ko. Magkasalungat kami ng ugali ngunit nagkakasundo naman kami, siya ang nagkukuwento sa akin ng paraiso sa labas ng Epikindinos borderline, gusto niya makapunta roon dahil nandoon daw ang mga magulang niya ngunit ang totoo ay matagal ng patay ang mga magulang niya sa Epikindinos nang tangkain ng pamilya nilang ilayo si Yosh nang sampung taong gulang pa lang ito dahil sa hindi na nila nagugustuhan ang pamamalakad ng Great Alpha at Luna sa aming lahi na nasasakupan nila.
"Paano naman ako masasabik kung alam ko naman na walang kasiguraduhan kung makikita ko pa ulit ang aking ina," malungkot kong sabi.
"Huwag kang mag-alala andito ako, tutulungan naman kita," pagpapalakas niya sa loob ko na hinawakan pa ang magkabilang balikat ko. "Papalitan natin ang mga nasa Palati, lalong-lalo na ang Great Alpha," mapait niyang usal na may bahid ng pagkamuhi.
"Yosh, huwag mo nang tangkain na paghigantian sila, hindi ka pa nakakalapit ay patay ka na agad," nag-aalalang usal ko.
"Hindi natin alam, malay mo isang araw kakalat ang balita na nawalan na ng ulo ang Great Alpha," nanggigigil na usal niya.
"At mamatay ka."
"At least napatay ko siya. Maghintay lang siya!"
**
"Pssst!"
Naalimpungatan naman ako sa narinig kong sitsit, imimulat ko na ang mga mata ko at umupo sa gilid ng kama sabay kusot sa mga mata ko at humikab.
"Demi!" mahinanag tawag ng pamilyar na boses.
Tumayo na ako at naglakad papunta sa bintana habang kinukusot pa rin ang mga mata ko, binuksan ko ito at bumungad sa aking paningin ang babaeng nakasuot ng jacket na tila may pupuntahan.
"Ang aga pa Yosh..." puna ko at humikab ulit.
"Alam ko pero sumama ka sa akin," aya niya at pumasok na sa kwarto ko at naghalungkat ng mga gamit ko na nilagay niya sa maliit na bag.
"Saan tayo pupunta?" tanong ko na nagsusuot na ngayon ng jacket at sapatos. Hindi niya ako sinagot bagkus ay hinila na ako palabas ng kwarto, dumaan kami sa bintana ng kwarto ko.
Madilim pa nang naglakad kami palayo sa bahay ko dahil na rin sa madaling araw pa lamang.
"Saan ba kasi tayo pupunta?" tanong ko nang hindi na ako makatiis dahil sa ang layo na ng nilakad namin. "Huwag mong sabihin na tatakas tayo?" nag-papanic na tanong ko.
"Hindi, just trust me. You will like it," aniya at ngumiti pa.
Lakad lang kami nang lakad hanggang sa tumigil kami sa isang ilog na may napakalinaw na tubig, nagrerepleksyon dito ang sobra sa kalahating buwan na nasa kalangitan.
"A-ang ganda..." naibulalas ko na lamang dahil sa pagkamangha at lumapit pa sa gilid ng ilog at pinagmasdan ang nagrereplekang sobrang kalahating buwan na kumikinang-kinang sa repleksyon sa tubig.
"Maligayang kaarawan, Demi!" Tumingin naman ako sa likuran ko.
Nakatayo roon si Yosh habang nakangiti at may hawak ng kulay lilang bulaklak na kilalang-kilala ko, it's Lisianthus flower at napaka-rare ng bulaklak na ito kaya nagulat at nasiyahan ako nang masilayan ito.
"Saan mo ito nakuha? Ang ganda!" sabi ko na ngayon ay hawak-hawak na ang bulaklak.
"Sa tabi-tabi lang." Kumibit-balikat pa siya.
"Sa tabi-tabi lang? Sa pagkakaalam ko ay sa Kinyege borderline lang makakatagpo ng ganitong bulaklak kaya paano ka nakakuha nito? Pumunta ka ba sa borderline na 'yon?!" nagtataka at gulat na tanong ko.
"Sige, kukuha muna ako ng kahoy na mapagsisilaban natin ng apoy," paalam niya at hindi na nag-atubiling naglakad paalis. Hindi niya sinagot ang tanong ko kaya sigurado akong galing siya roon at doon siya namitas nito.
Napanguso na lang ako na sinusunod ng tingin ang likuran niyang naglalakad palayo at saka tumingin sa bulaklak na hawak ko at saka sa ilog at buwan. Ang ganda niyo!
Matagal akong nakatulala sa repleksyon ko sa tubig bago ko maisipan na lumangoy. Itinabi ko naman ang bulaklak sa bag na dala ni Yosh at tumingin-tingin sa paligid. Walang ibang nandito kung hindi ako lamang kaya hindi na ako nag-aksaya ng oras at hinubad na ang jacket, t-shirt at pajama na suot ko, tanging panloob na damit na lang ang suot ko at saka wala namang ibang nakakakita sa akin kaya okay lang.
Lumusong ako sa ilog at masayang lumangoy hanggang sa may biglang kumaluskos sa paligid kaya agad akong napatingin sa pinanggalingan ng kaluskos.
"Yosh?" tawag ko pero wala namang sumagot hanggang sa mapatingin ako sa isang direksyon; isang lobo na tumatakbo papalayo. Nakita niya ako.
Agad akong umahon sa ilog at kinuha ang tuwalya na dala ni Yosh at pinulupot sa katawan ko at saka pinuntahan ang direksyon na pinanggalingan ng lobo kanina, wala na akong ibang nakita roon kundi isang hairpin na kulay lila. Napahinga na lang ako ng malalim.
Mabuti na lang babae ang nakakita sa akin... Sana nga babaeng-lobo...
Bumalik na kami sa bahay nang unti-unti nang nagpapakita ang araw. Masaya ako sa kaarawan ko ngayon kagaya noong nakaraang kaarawan ko dahil sa palaging ginagawang espesyal ito ni Yosh. Hindi na rin ako natulog at inantay na lang ang pagsikat ng araw gano'n din naman si Yosh na narito sa bahay namin dala ang mga gamit na dadalhin niya sa loob ng akademya."Kumain na kayo ng mabilis baka dumating na ang mga sundo ninyo," sabi ni ina na naghahain nang kanyang mga inilutong pagkain na karamihan ay paborito ko at ni Yosh."Maraming salamat po tita!" masayang usal ni Yosh na agad namang nilantakan ang paborito niyang pagkain."You're always welcome," sabi ni ina at naupo sa upuan na nasa harapan naming dalawa ni Yosh."Magdahan-dahan lang," saway ni ina na mayamaya ay may ipinatong sa lamesa, isa itong uri ng libro na may malilinis na pahina."Happy birthday!" Iniangat ko naman ang mukha ko, nakangiting nakatingin sa akin ngayon si ina."Nais san
Maaga ako nagising dahil siguro sa namamahay ako, na-miss ko agad si ina, ang mga luto niya lalong-lalo na ang presensya niya na nakapapanatag ng kalooban ko. I feel safe with her.Umiling-iling na lang ako at huminga ng malalim at saka kinuha ang dalawang twalya ko at undergarments at saka uniporme ng first year, wala kasing sariling palikuran ang bawat kwarto kaya nasisiguro kong isa o dalawa lang ang palikuran namin. Pagkalabas ko ay sakto namang pagdaan ni Linda, ang Luna ng pack namin."Oh, good morning! Napakaaga mo naman ata nagising," nakangiting sabi niya na tumigil sa paglalakad at humarap pa sa akin."Namamahay kasi po ako," sagot ko."Okay lang 'yan, masasanay ka rin niyan. Oh siya, mag-ayos ka na ng sarili mo at ang palikuran ay nasa tabi ng kusina," aniya."Salamat," pagpapasalamat ko at naglakad na pababa ng hagdan at pinuntahan ang tinuro ni Linda na nahanap ko naman agad. Dalawang palikuran ang nakita ko at may nakadikit na dalawan
Naguluhan ako sa sinabi ni Madam Fe, hindi ko maintindihan kung ano ba ang ibig sabihin ng mga binitiwan niyang salita o kung sino ang tinutukoy niya. Ang gulo, ang hirap at ang labo ng mga salitang binitawan niya. Sana ay kasing talino ako ng mga matataas na opisyales na nakatira sa Palati upang agad kong naintindihan ang mga salitang binitawan ni Madam Fe."Tila masyado kang tahimik Demi?" anang ni Yosh na nakakunot pa ang noo."Hindi ko maalala kung kailan ako dumaldal nang kagaya mo," sabi ko na kina-irap niya naman sa akin."Napakasaya niyong pagmasdan na dalawa, magkaiba man ang ugali ninyo pero nagkakasundo pa rin kayo," nakangiting usal ni Sofia."Of course, she doesn't ha
Agad akong humingi ng tawad sa nabangga ko na mukhang mataray at maarte, mukha ring galing siya sa mayamang pamilya. Ito ang iniiwasan ko, ang makasalamuha ang mga anak ng mga mayayaman dahil karamihan sa kanila ay nakakairita ang ugali tulad lamang nitong nabangga kong babae. Siguradong gulo ang kalalabasan nito."Bakit hindi ka tumitingin sa dinaraanan mo?! Tingnan mo tuloy, namantsahan na ang uniform ko!" singhal niya.Iniyuko ko ang ulo ko at humingi ulit ng tawad. "Pasensya na talaga, hindi ko sinasadya, kung nais mo ay lalabhan ko na lamang iyan.""Nagpapatawa ka ba?! Baka sirain mo pa ito kaya huwag na lang. Alam ko namang ang mga kagaya mo ay walang gagawing tama lalong-lalo na't kabilang ka pa sa pinakamahina at talunang hampaslupang pack," aniya na ikina-hinga ko na lang ng malalim para pakalmahin ang sarili ko."Ngayon hindi ka na makapagsalita? Hampaslupa kasi kayo!" aniya ulit. Nakita ko na ring medyo pinagtitinginan na rin kami ng iba pang m
"Sige na, tanggapin mo na, parang magka-size lang naman tayo eh at saka hassle pa ang pag-uwi mo sa dorm niyo para magpalit lang ng damit," sabi ni Thea na iniaabot na sa akin ang extra na malinis na uniform niya na kinuha niya sa bag na nakalagay sa locker niya sa school na para lang sa pack nila, karamihan ay may mga locker sadyang ang pack lang namin ang walang locker."Salamat, ibabalik ko na lang pag nalabahan ko na," sabi ko naman na kinatango niya naman."Sige, bahala ka," aniya na naglakad na paalis.Huminga naman ako ng malalim.Kakayanin ko ba ito sa apat na taon? Kaya ko bang tiisin ito? Sana...Naglakad na ako papunta sa malapit na palikuran na kasabay naman ng pagkakasalubong namin ni Yosh na agad nangunot ang noo nang makita ako lalong-lalo na ang nangyari sa akin."Walang dagat dito Demi? May swimming pool pero masyadong malayo sa canteen... Anong nangyari sa iyo?" bungad na tanong ni Yosh."Umalis ka sa dadaanan
One month, sa loob ng isang buwan ay hindi nawala sa isip ko si ina, kung kumusta na ba siya at kung nasa maayos ba siyang kalagayan at sa isang buwan din ng pananatili ko sa loob ng akademya ay paulit-ulit akong kinukulit ni Aeneas, gusto niya raw akong maging kaibigan na hindi ko naman pinapansin dahil tulad ng bilin ni Linda ay hindi dapat siya mapalapit sa akin o ako sa kanya dahil mapapahamak lang ako, hindi ko rin ito sinasabi kay Yosh na alam kong iinit ang ulo pag nalaman na may umaaligid sa akin na lalaki at paulit-ulit na kinukulit ako. Ipinagpapasalamat ko rin na hindi pa rin nagtatagpo ng landas ang dalawa, kawawa naman si Aeneas kung magtagpo ang landas nila."Okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni Sofia. Tumingin naman ako sa kaniya na may hawak na libro. Oo nga pala nasa library kaming tatlo nila Yosh."Oo naman, maayos ako," sagot ko."Parang ang lalim kasi ng iniisip mo," aniya na nag-aalala pa rin."Iniisip ko lang si ina... Kung maayos l
I bothered to what the girl said to me. Paanong mag-iiba ang kulay ng mga mata ko? "Huwag mo ng aalahanin ang sinabi ng babaeng 'yon sa 'yo," sabi ni Yosh na sinusuri pa ang katawan ko kung may sugat o pasa ba ako. "Wala akong sugat o pasa Yosh," anang ko at inalis ang kamay niyang sinusuri ang katawan ko saka lumapit kay Sofia na namumula ang ilong at gilid ng mga mata. "Masakit pa ba?" tanong ko na itinutukoy ang gasgas na meron siya sa may bandang siko dulot ng malakas na pagtulak sa kanya na nagasgas sa matalim na mga bato. "Oo, huwag sana na umabot pa ito sa mga kapatid ko." Tinapik-tapik ko lang ang balikat niya. "Saan ba kayo pumunta? Hinanap ko kayo sa classroom niyo pero wala naman kayo roon?" medyo naiinis na tanong ni Yosh. "May pinagtaguan lang kami," sagot ko. "Sino?" "Some bullies," agad na sagot ko at tumingin kay Sofia na nakatingin din pala sa akin, tiningnan ko siya ng isang makahulugang tingin na nain
Dumating na nga ang araw kung saan ay magaganap na ang acquaintance or welcome party, medyo natagalan ang pagdaos ng party dahil sa mas pinaghandaan ito ng committee ng academy lalong-lalo na't dadalo ang Great Alpha."Bakit kaya dadalo ang Great Alpha? Baka ipapakilala niya na sa lahat ang mga anak niya?" nagtatakang usal ni Sofia habang nakatambay kami ngayon sa library habang si Yosh naman ay kanina pang may hawak na dagger.Siniko ko si Yosh at tiningnan ng nagbabantang tingin pero nginisihan niya lang ako."Huwag na lang kaya tayo dumalo? Diba Yosh?" Nag-aalala kasi ako kay Yosh baka kasi may gawin siyang ikakapahamak niya."Huh? Bakit naman? Nakapamili na tayo ng mga gamit e
Kinabukasan ay sinikap kong tumayo at pumunta sa pag-anunsyo ng bagong ranking ng mga pack. Lahat ng sugat ko ay nagsihilom na sa tulong na rin ng mga gamot na galing sa mga witches pero ramdam ko pa rin ang panghihina ng katawan ko dulot ng mga pagpapahirap sa akin sa loob ng kulungan sa Kinyege borderline."Sigurado po bang okay na ang pakiramdam niyo?" nag-aalalang tanong ni John na tinanguan ko naman saka ngumiti."Okay na ako, gusto kong personal na marinig ang mga bagong ranking mamaya," sabi ko at tinapik-tapik ang balikat niya."Siguradong magiging proud ka sa amin, Demi kapag nalaman mo ang resulta ng ART mamaya," proud na wika ni Sofia na nasa tabi ko."Proud naman ako sa inyo kahit hindi man kayo manalo sa mga tasks, eh!""Magsisimula na raw ang pag-anunsyo," anang isa sa mga myembro ng pack namin.Karamihan sa kanila ay nagpapahinga pa dahil galing palang sila sa huling task na ginawa nila at proud na proud ako kasi wala man ni isa sa kanila ang na-injured na iniiwasan tal
"Bring me the girl," utos ni Luna Aerah na disidido na makuha ako."Mom! I already told you! Demi is innocent!" sabat ni Aeneas na lumapit pa sa kanyang nanay."Hangga't walang matibay na ebidensya ay kailangan niyang bumalik sa loob ng kulungan," anang Luna Aerah."Pero wala po talagang kinalaman si Demi!" naiiyak na pagsabat din ni Sofia."What are you doing here? Wala kayong pahintulot na tumuntong sa Kinyege Borderline, nais niyo bang maparusahan kayo!?" wika ulit ni Luna Aerah na pinagsasabihan si Sofia na umiiyak na at si Arhyss na pinapatahan ang mate niya."Huwag niyong subukan ako," galit na pagbabanta ni Renz sa mga kawal."Ouch! Get off your hands on me!" Napatingin kami sa pinanggalingan ng boses na 'yon."Yosh?" sabay naming usal ni Aeneas."She's the real murderer, let my friend go," walang emosyon na wika ni Yosh na hawak-hawak ang buhok ni Alethea na dumadaing naman at pilit inaalis ang pagkakahawak sa buh
Pagkatapos kong bitiwan ang mga salitang iyon ay wala na muling nagtangka sa amin na dalawa na magsalita hanggang sa unti-unti na ng nawalan ang araw. Kinalaunan ay lumabas siya ng bahay at pagkabalik ay may mga dala na siyang prutas at gulay at ilan sa mga sangkap na hindi ko malaman kung saan niya nga ba ito nakita at nakuha."Eat some snacks," aniya at inilagay sa harapan ko ang isang basket na puno ng iba't ibang mga prutas."Salamat..." nahihiyang pagpapasalamat ko."Eat all of that, your body needs that."Nagsimula naman akong kumain ng mga prutas at nang mabusog ay ininom ko na ang tubig na dala niya rin saka lumabas muli sa maliit na kwarto, agad ko namang nakita si Renz na nakatalikod sa gawi ko. Ang sexy niyang tingnan mula rito sa kinatatayuan ko, from his hair, neck, muscles and body. Tila lahat ngang babae ay mababaliw sa kanya."Stop staring, you're distracting me," aniya habang nakatalikod pa rin sa akin."I-I'm not staring!" pagtanggi ko sa
Hi, readers! Sorry kung medyo matagal din bago ako nakapagsulat ulit, dumaan po kasi ako sa writer's block plus masyadong pressure sa studies ko kaya nawala ako ng mahabang panahon sa pagsusulat nito at medyo may hindi na ako natatandaan na part ng story kaya baka makabasa kayo ng ibang part ng story na supposedly ay wala, humihingi po ako ng sorry agad sa maling ito. I'll try my best to edit it again after I finish this story and yes! Malapit na po siyang matapos at excited na po ako doon, currently writer the few chapters now and I hope you'll like it po. Have a great day!
Pagkatapos ng seryusong pag-uusap namin ni Renz ay pinatulog niya ulit ako upang makabawi raw ako ng lakas at sa buong oras ng pagtulog ko ay hindi niya ako iniwan at nanatili sa tabi ko.Ngayon nga'y nasa harapan ko siya at nakasandal sa dingding na gawa sa kahoy, nakapikit ang kanyang mga mata habang naka-krus ang mga braso.Ilang minuto rin akong nakatulala sa kanya at hindi gumalaw dahil baka magising ko siya hanggang sa unti-unti niya ng iminulat ang kanyang mga mata."G-Good afternoon..." nauutal at awkward kong bati."Are you hungry?" tanong niya na sakto naman ng pagkalam ng sikmura ko."I will prepare foods," aniya at tumayo na saka tinapik-tapik ang mga dumi na kumapit sa kanyang suot."Marunong kang magluto?" namamangha kong tanong at dahan-dahang umupo na kinaharap niya ulit sa akin at dinaluhan ako para alalayan."I need to, it's part of my training since I was a child," sagot niya na tiningnan ang sugat sa
Nagising na lang ako nang may tumama na sinag ng araw sa mga mata ko. Nandito pa rin ako sa piitan at nakadapa, walang lakas at napakahapdi ng likuran dahil sa mga latigo na natanggap ko."Nasaan siya? Saan niyo sa kinulong?!" Narinig kong tanong ng isang pamilyar na boses pero base sa tono ng kanyang pananalita ay galit siya."Dito po," anang kausap niya.Mayamaya ay may mga paang tumigil sa harapan ng rehas ko, iniangat ko naman ang ulo ko."D-Demi!" bulalas niya nang magsalubong ang mga mata namin."Buksan mo!" utos niya sa kawal."Pero---""Bubuksan mo o mawawalan ka ng ulo?!" pagbabanta ni Aeneas sa kawal na wala namang nagawa kundi buksan ang rehas ng pinagkulungan sa akin."Demi?! Okay ka lang ba?---" Hindi niya naituloy ang sasabihin niya nang makita ang mga sugat ko sa likuran dulot ng paglatigo."A-anong nangyari?" nag-aalalang tanong niya na nanginginig pa ang mga kamay na inalalayan ako maupo mula sa pagkakadapa kanina."Maayo
"Hindi kita maintindihan, Renz," naguguluhan na usal ko."Wala," aniya at tumingin sa malayo."Ayan ka na naman, tuwing magtatanong ako ng mga bagay na hindi ko maintindihan ay hindi mo ako sinasagot," nakanguso kong reklamo."Dahil mahirap ipaliwanag...""Kaya ko namang intindihin, eh," wika ko na kinatingin niya naman ulit sa akin."Kung sabihin ko sa 'yong layuan mo si Aeneas... Susundin mo kaya?" Nagulat ako sa winika niya kaya hindi agad ako nakasagot."Nevermind.""Bakit? Bakit ko kailangan na layuan siya?" Sasagot na sana siya ngunit nagulat ako nang bigla siyang umubo at may kasabay na dugo."R-Renz? Anong nangyayari sa 'yo?" kinakabahan na tanong ko at dinaluhan siya."T-there's something w-wrong with me... I-I can't breath," tugon niya na napahawak na sa dibdib niya.Inalalayan ko naman siyang makaupo."Anong nangyayari sa 'yo?!" kinakabahan na tanong ko.
Pagkatapos ng laban namin sa kanila ay sinalubong kami ng sigawan at pagbati."Ang galing mo na talaga Demi! Ang laki na ng pinagbago mo!" bulong ni Sofia na yinakap agad ako pagkatapos ng laban namin. Pinuri ko rin ang mga kasamahan ko lalong-lalo na ang first years, bilib ako sa kanila dahil wala ni-isa sa kanila ang nahimatay hindi kagaya sa kalaban naming grupo na may mga nahimatay dahil sa lakas ng mga suntok at sipa na natanggap nila sa amin."Ang totoong laban ay magsisimula palang," anang bagong dating na babae."Alethea..." usal ko sa pangalan niya na kinangisi niya naman."Hindi mo naman ako tatanggihan, hindi ba, Demi?" naghahamon na usal niya. Nakasuot siya ng isang kulay itim na sando, brown na jogging pants, sapatos na ka'y ganda at nakapuyod ang kanyang buhok.Nagsimula namang magbulungan ang lahat at nagsisimula na namang magpustahan dahil na rin sa isa si Alethea sa mga malalakas na werewolf dito sa ak
Yosh's Point Of ViewAng gulo na ng lahat, ang gulo at hindi ko na malaman kung ano ba itong nararamdaman ko. Bakit kailangan maramdaman ko pa ito? Tuwing ako mismo ang iiwas ay nasasaktan din naman ako, ang hirap gumawa ng desisyon lalong-lalo na't kalaban ko ang puso ko."Bakit kailangan mo pang saktan ang sarili mo kung pwede namang maging maayos ang lahat? Tanggapin mo na lang siya," anang Great Alpha."Kung madali lang sana iyong gawin ay ginawa ko na ngunit hindi, eh. Ang hirap...""Hindi ko man alam kung ano ang totoong dahilan kung bakit pinipigilan mo ang nararamdaman mo pero sana ay magawa mong buksan ang puso mo para sa kanya," usal ulit ng Alpha Leader bago ako iniwan.Hindi ko kaya... Hindi ko kayang piliin siya.Demi's Point of ViewPanibagong araw kaya't paniba