Home / Werewolf / The Borderlines / Chapter 11 - Chapter 20

All Chapters of The Borderlines: Chapter 11 - Chapter 20

50 Chapters

Kabanata X: Pranks And The Man In The Crystal Ball

Tinanghali na ako nagising, mabuti nga at kinaumagahan ay walang pasok. Nag-unat-unat na ako at hinilot-hilot ang ilang parte ng katawan ko, sa lapag kasi ako natulog. Dapat ay magkatabi kami ni Yosh ngunit itinutulak o sinisipa niya lang ako paalis sa kama kaya't sa lapag na lang ako natulog habang siya ay mahimbing pa rin ang tulog mapahanggang ngayon.Kinuha ko na ang tuwalya, toothbrush at dinala ang ibibihis kong damit saka naglakad na pababa at dumiretso sa palikuran ngunit may nauna sa akin kaya pumila ako. Labing-limang minuto lang naman ang hinintay ko bago ang turn ko, kumilos ako ng mabilis kaya agad naman na natapos ako sa pagliligo na agad namang nagbihis at bumalik sa kwarto. Tulog pa rin si Yosh. Isinampay ko na ang tuwalya at inilagay na sa lalagyanan ko ang tootbrush at saka naglakad ulit pababa ng sala para maghanda ng umagahan naming dalawa, tila naubusan na kami ng nilutong umagahan."Oh! Demi! Pinagtira ko pala kayo ng almusal, kunin mo na lang dya
Read more

Kabanata XI: Madam Fe's Crystal Ball and Her Saviours

"Sorry po," paghingi ko ng tawad at bahagya pang yumuko. "Huwag muna ulit hahawakan iyan ng walang pahintulot ko," seryusong sabi niya. "Anong kailangan niyo pala sa akin?" dagdag na tanong ni Madam Fe at lumapit sa bulang kristal at hinawakan iyon. Nasa tabi niya na rin si Sofia. "Nais po sana naming humingi ng tulong upang makita at malaman kung nasaan ang ina ni Demi," magalang na sagot ni Sofia na tumabi na sa akin. "Hindi libre ang serbisyo ko," aniya. "Magbabayad po ako, basta't malaman ko lang kung nasaan ang nanay ko," sabi ko. Kahit ubusin ko ang lahat ng perang binigay sa akin ni ina basta mahanap at malaman ko lang kung ano ng nangyayari sa nanay ko, kung nasa maayos ba siya na kalagayan. Tiningnan lang ako ni Madam Fe bago hinawakan ang bolang kristal niya at pumikit pero kinalaunan ay naging kulay itim ang bolang kristal niya, pagmulat niya ay parang takot na takot siya. "Ano pong nakita niyo?" tanong ko. "Wala, um
Read more

Kabanata XII: Picnic

Hindi ko ipinagkalat ang lugar na iyon kahit kanino man kahit kina Sofia at Yosh, hindi dahil sa pinagbantaan ako ni Renz kundi dahil hindi ko naman talagang ugaling ipagsabi sa iba ang mga natuklasan ko."Ano ba ang dadalhin natin mamaya sa picnic?" tanong ni Sofia, tinutukoy niya ang picnic na magaganap na aya ni Aeneas."Wala naman daw basta pumunta lang tayo sa burol," sagot ko at ipinagpatuloy ang pagsusulat ko sa mga malilinis na pahina ng libro ko."Si Yosh? Sasama ba siya?""Oo pero hindi siya magtatagal kasi may gagawin pa raw siya.""Ah, okay."Natahimik naman ulit kami hanggang sa biglang umalingawngaw na lang ang malakas na sigaw at daing sa labas ng bakuran namin."Ang lakas din ng loob mo na pahiyain ako sa klase!" singhal ng babae na hawak-hawak ang buhok ng isa sa pack member namin."Pasensya na po, sinasabi ko lang po ang tama," sabi ng pack member namin.Mas sinabunutan siya ng babae na pinagsasampal pa
Read more

Kabanata XIII: Dangerous Prank

Bumalik ulit kami sa dati, papasok ako sa eskwelahan na aabangan ng mga bullies at pasisiyahin ang mga araw nila. Matatapos na ang unang taon ko rito ngunit hindi pa rin talaga sila nagsasawa, mabuti na lang ay madali ko silang ma-sense kung may binabalak sila sa akin, mabilis lang din akong nakakaiwas at sanay na rin sa mga tawa nilang lahat tuwing successful ang prank nila sa akin.“Seryuso ka Demi? Wala ka talagang balak magsumbong? Andyan naman ako at si Yosh na ipagtatanggol ka kung sakali na mas lumala ang trato nila sa ‘yo… Grabe na kasi sila, mag-iisang taon na rin nilang gingagawa ito sa ‘yo,” nag-aalalang usal ni Sofia na nag-iinsistang magsumbong na raw ako sa principal.“Huwag na, hayaan mo na sila,” sabi ko ulit at inayos ang suot kong uniform.“Pero Demi!”Humarap na ako kay Sofia, nakasuot na rin siya ng uniform niya at ang cute niya ritong tingnan lalong-lalo na sa height niya, hindi n
Read more

Kabanata XIV: Don't Bully a Girl Who Has War freak Bestfriend

Yosh’s Point of ViewAng sakit ng katawan dahil sa puspusan na training ng aming pack family, kahit mga first year ay pinag-iinsayo na ng mga combat trainings tulad ng duels dahil sa nalalapit na ang Annual Ranking Tasks (ART), competitive kasi ang pack family kaya maaga pa lang ay pinag-iinsayo na kami dahil gusto ng Alpha Leader namin na makuha ang pangalawang pwesto, swerte na rin kung makuha namin ang unang pwesto dahil tatlong taon na ring hindi napapalitan sa unang pwesto ang Ice Moon Pack.“Hala! Kawawa naman ang babaeng ‘yon, mag-iisang taon na rin siyang hindi tinitigilan ng mga bullies…” Naagaw ang atensyon ko dahil sa sinabi ng isang estudyante sa kasama niya. Isa lang naman ang binu-bully nila rito eh… Si Demi!Linapitan ko ang esudyante na nagsabi nito at hinila ang braso niya paharap sa akin. “Nasaan yung babae ngayon?” seryuso kong tanong. Hindi agad siya sumagot kaya hina
Read more

Kabanata XV: Still Unconcious

Sofia’s Point of ViewNag-aalala na talaga ako kay Demi, mag-iisang linggo na rin siyang hindi nagigising, grabe naman kasi ang tama niya, hindi nila tinigilan si Demi hanggat hindi nila nakikitang wala ng malay siya at duguan kaya sana naman ay mabigat ang ibigay na parusa sa kanila ng Great Alpha kasi muntik na nilang mapatay si Demi.“Sino ba si Aeneas?!” naiinis na usal ni Yosh.“Siya yung kaibigan namin ni Demi,” sagot ko at pinunasan ang mukha ni Demi.“Siya ang dahilan kung bakit ginawa ng mga bullies na ‘yon ang mga pranks kay Demi hindi ba?!” patanong na sigaw ni Yosh.“Yosh...”“Kainis! Bakit hindi pa kasi nagigising si Demi?!”“Magigising din siya, magkakasama-sama ulit tayo,” nakangiti kong usal at hinaplos ang pisngi ni Demi. Demi, gumising ka na please…Tumayo na ako at niligpit na ang mga gamit na
Read more

Kabanata XVI: Mysterious Visitor

Demi’s Point of ViewMasakit, parang namanhid ang katawan ko dahil sa malalakas na palong natamo ko mula sa kanila, ang huli ko na lang narinig at naalala ay ang umiiyak na sigaw ni Sofia na nagmamakaawa na tigilan na nila ang pagpalo sa akin hanggang sa nandilim na ang paningin ko. Hindi ko na kaya…Nagising na lamang ako na parang uhaw na uhaw, nakapikit pa rin ako pero ramdam kong may nakatingin sa akin pero hindi ko matukoy kung sino dahil hindi ako sigurado kung ang presensya bang ito ay siya o hindi.Dahan-dahan kong ginalaw ang kamay at paa ko at saka dahan-dahang iminulat ang mga mata, noong una ay nasisilaw pa ako pero nang kinalaunan ay nakapag-adjust na ang paningin ko kaya malinaw ko nang nakikita ang paligid kung nasaan ako ngayon, nasa isang malawak akong kwarto na may tatlong kama, yung dalawa ay bakante kaya tanging ako lang talaga ang naritong pasyente pero pinagtataka ko ay wala na yung presensya
Read more

Kabanata XVII: Annual Ranking Tasks: Fighting!

“Ready ka na ba sa ART?” tanong ni Yosh. Ang tinutukoy niya ay ang taunang tasks para sa lahat na pack families, ito rin ang pagkakataon kung saan magbabago ang ranggo ng mga pack familes (depende sa performance ng pack family) o kung hindi kaya’y mananatili pa rin sila sa dati nilang ranggo tulad namin pero kahit alam naming malabo nang tumaas ang ranggo namin ay mananatili pa rin kaming positibo.“Siguro, Yosh,” hindi siguradong sagot ko.“Exciting ang Annual Ranking Tasks ngayon dahil dadalo daw ang Great Alpha,” nakangising usal ni Yosh.“Yosh…” nagbabantang usal ko.“Alam ko Demi, alam ko,” aniya na nawala ang ngisi sa mga labi.“Kinakabahan at natatakot ako para sa magaganap na ART, magpapaalam na rin si Linda eh,” malungkot na usal ni Sofia na ikinatahimik naman namin.“Basta gawin niyo ang best niyo at bumawi kayo sa oral contest tasks,”
Read more

Kabanata XVIII: The New Ranks

Hindi naging maayos ang unang task namin lalong-lalo na para kay Sofia na ilang oras na ring walang malay, tapos na rin ako sa pangalawang task ko sa patalasan ng isip at tulad ng inaasahan namin ay natalo ulit kami lalong-lalo na’t ang Ice Moon Pack ang nakalaban namin pero kahit ganoon ay hindi kami pini-preasure ni Linda. “Kumusta siya?” tanong ni Yosh na pumasok sa quarters namin, may pasa ito sa bandang labi. “Maayos naman siya kaso masyado siyang nabugbog kaya’t maging ngayon ay hindi pa siya nagigising,” sagot ko na ikinatango niya naman saka umupo sa tabi ko. “Tapos ka na sa tasks mo?” tanong ko naman na binato pa siya ng mansanas na nasalo niya naman. “Oo medyo nabugbog nga lang ako sa last task ko, Ice Moon Pack kasi kalaban namin at natalo kami,” sagot niya at kinagatan na ang hawak niyang mansanas. Hula ko ay ang task niya ay parehas ng una kong task. “Still ginawa niyo pa rin ang best niyo,” sabi ko naman. “Oo pero napagal
Read more

Author's Note

Pasensya na nitong mga nakaraang araw at sa susunod na araw pa kung wala pa rin akong update, may power interruption kasi rito sa lugar namin kaya hindi ako makapag-update pero sa oras na makapag-update ulit ako ay sisiguraduhin kong daily update ulit ako at sa mga magbabasa nito sana ay magustuhan niyo kahit papaano (hehe), sa mga wrong grammars at typo grammatical errors ko, sorry ng marami. Either lutang o inaantok na ako that time na mag-edit ako, huwag kayong mag-aalala kapag nagkaroon ulit ako ng masyadong mahabang libreng oras ay i-edit ko ulit. Isa po kasi akong estudyante at mahirap pong ipagsabay ang pagsusulat sa pag-aaral kaya sana maintindihan niyo po. Salamat sa pag-intindi! Mwah!
Read more
PREV
12345
DMCA.com Protection Status