Yosh’s Point of View
Ang sakit ng katawan dahil sa puspusan na training ng aming pack family, kahit mga first year ay pinag-iinsayo na ng mga combat trainings tulad ng duels dahil sa nalalapit na ang Annual Ranking Tasks (ART), competitive kasi ang pack family kaya maaga pa lang ay pinag-iinsayo na kami dahil gusto ng Alpha Leader namin na makuha ang pangalawang pwesto, swerte na rin kung makuha namin ang unang pwesto dahil tatlong taon na ring hindi napapalitan sa unang pwesto ang Ice Moon Pack.
“Hala! Kawawa naman ang babaeng ‘yon, mag-iisang taon na rin siyang hindi tinitigilan ng mga bullies…” Naagaw ang atensyon ko dahil sa sinabi ng isang estudyante sa kasama niya. Isa lang naman ang binu-bully nila rito eh… Si Demi!
Linapitan ko ang esudyante na nagsabi nito at hinila ang braso niya paharap sa akin. “Nasaan yung babae ngayon?” seryuso kong tanong. Hindi agad siya sumagot kaya hina
Sofia’s Point of ViewNag-aalala na talaga ako kay Demi, mag-iisang linggo na rin siyang hindi nagigising, grabe naman kasi ang tama niya, hindi nila tinigilan si Demi hanggat hindi nila nakikitang wala ng malay siya at duguan kaya sana naman ay mabigat ang ibigay na parusa sa kanila ng Great Alpha kasi muntik na nilang mapatay si Demi.“Sino ba si Aeneas?!” naiinis na usal ni Yosh.“Siya yung kaibigan namin ni Demi,” sagot ko at pinunasan ang mukha ni Demi.“Siya ang dahilan kung bakit ginawa ng mga bullies na ‘yon ang mga pranks kay Demi hindi ba?!” patanong na sigaw ni Yosh.“Yosh...”“Kainis! Bakit hindi pa kasi nagigising si Demi?!”“Magigising din siya, magkakasama-sama ulit tayo,” nakangiti kong usal at hinaplos ang pisngi ni Demi. Demi, gumising ka na please…Tumayo na ako at niligpit na ang mga gamit na
Demi’s Point of ViewMasakit, parang namanhid ang katawan ko dahil sa malalakas na palong natamo ko mula sa kanila, ang huli ko na lang narinig at naalala ay ang umiiyak na sigaw ni Sofia na nagmamakaawa na tigilan na nila ang pagpalo sa akin hanggang sa nandilim na ang paningin ko. Hindi ko na kaya…Nagising na lamang ako na parang uhaw na uhaw, nakapikit pa rin ako pero ramdam kong may nakatingin sa akin pero hindi ko matukoy kung sino dahil hindi ako sigurado kung ang presensya bang ito ay siya o hindi.Dahan-dahan kong ginalaw ang kamay at paa ko at saka dahan-dahang iminulat ang mga mata, noong una ay nasisilaw pa ako pero nang kinalaunan ay nakapag-adjust na ang paningin ko kaya malinaw ko nang nakikita ang paligid kung nasaan ako ngayon, nasa isang malawak akong kwarto na may tatlong kama, yung dalawa ay bakante kaya tanging ako lang talaga ang naritong pasyente pero pinagtataka ko ay wala na yung presensya
“Ready ka na ba sa ART?” tanong ni Yosh. Ang tinutukoy niya ay ang taunang tasks para sa lahat na pack families, ito rin ang pagkakataon kung saan magbabago ang ranggo ng mga pack familes (depende sa performance ng pack family) o kung hindi kaya’y mananatili pa rin sila sa dati nilang ranggo tulad namin pero kahit alam naming malabo nang tumaas ang ranggo namin ay mananatili pa rin kaming positibo.“Siguro, Yosh,” hindi siguradong sagot ko.“Exciting ang Annual Ranking Tasks ngayon dahil dadalo daw ang Great Alpha,” nakangising usal ni Yosh.“Yosh…” nagbabantang usal ko.“Alam ko Demi, alam ko,” aniya na nawala ang ngisi sa mga labi.“Kinakabahan at natatakot ako para sa magaganap na ART, magpapaalam na rin si Linda eh,” malungkot na usal ni Sofia na ikinatahimik naman namin.“Basta gawin niyo ang best niyo at bumawi kayo sa oral contest tasks,”
Hindi naging maayos ang unang task namin lalong-lalo na para kay Sofia na ilang oras na ring walang malay, tapos na rin ako sa pangalawang task ko sa patalasan ng isip at tulad ng inaasahan namin ay natalo ulit kami lalong-lalo na’t ang Ice Moon Pack ang nakalaban namin pero kahit ganoon ay hindi kami pini-preasure ni Linda. “Kumusta siya?” tanong ni Yosh na pumasok sa quarters namin, may pasa ito sa bandang labi. “Maayos naman siya kaso masyado siyang nabugbog kaya’t maging ngayon ay hindi pa siya nagigising,” sagot ko na ikinatango niya naman saka umupo sa tabi ko. “Tapos ka na sa tasks mo?” tanong ko naman na binato pa siya ng mansanas na nasalo niya naman. “Oo medyo nabugbog nga lang ako sa last task ko, Ice Moon Pack kasi kalaban namin at natalo kami,” sagot niya at kinagatan na ang hawak niyang mansanas. Hula ko ay ang task niya ay parehas ng una kong task. “Still ginawa niyo pa rin ang best niyo,” sabi ko naman. “Oo pero napagal
Pasensya na nitong mga nakaraang araw at sa susunod na araw pa kung wala pa rin akong update, may power interruption kasi rito sa lugar namin kaya hindi ako makapag-update pero sa oras na makapag-update ulit ako ay sisiguraduhin kong daily update ulit ako at sa mga magbabasa nito sana ay magustuhan niyo kahit papaano (hehe), sa mga wrong grammars at typo grammatical errors ko, sorry ng marami. Either lutang o inaantok na ako that time na mag-edit ako, huwag kayong mag-aalala kapag nagkaroon ulit ako ng masyadong mahabang libreng oras ay i-edit ko ulit. Isa po kasi akong estudyante at mahirap pong ipagsabay ang pagsusulat sa pag-aaral kaya sana maintindihan niyo po. Salamat sa pag-intindi! Mwah!
Handa na ako sa pag-uwi ko, dala ko na ang ilan sa mga gamit ko habang ang iba naman ay iniwan ko na dahil tiyak na mahihirapan na naman ulit ako sa pagdala nito sa pagbalik ko sa loob ng akademya.“See you after two weeks, Demi! I will miss you!” naiiyak na usal ni Sofia na ayaw na sa akin bumitaw.“Tama na iyang yakap na iyan,” anang naman ni Yosh na kararating pa lang galing sa kung saan.“Yosh!” Agad namang yumakap sa kanya si Sofia, ginulo lang ni Yosh ang buhok nito ng isa niyang kamay. Napakunot naman ang noo ko nang makita ko ang suot niyang purselas.“Pasensya na medyo nahuli ako kasi may tinapos pa kasi akong gawain,” paghingi niya ng paumanhin na kumamot pa sa ulo niya.“Okay lang, busy rin ako kanina eh,” sabi naman ni Sofia.Nagsimula namang magdaldal si Sofia na sinabayan naman ni Yosh hanggang sa may tatlong pigura ang tumigil sa harapan namin.“Oh! Kuya
Ikalabing-apat na araw na, tapos na ang aming vacation weeks at magsisimula na ang pangalawang taon ko sa Krisi Academy, maaga kami gumising ni Yosh upang makahanda agad bago dumating ang susundo sa amin.“May nais ako ibigay sa ‘yo, Demi,” anang ni Yosh.“Ano?” tanong ko.Inilahad niya ang kamay niyang may hawak na purselas na parehas ng suot niya.“Ano kasi…” nahihiya niyang usal.“Salamat!” usal ko at tipid na ngumiti at kinuha ang purselas.“Parehas ang disenyo natin ah,” puna ko sa purselas na hawak ko at sa suot niya.“Kaibigan mo ako Demi, ‘di ba?” tanong niya na kinuha ang purselas sa akin at isinuot ito sa akin.“Oo,” sagot ko.“Mapapatawad mo ako kung may gagawin man akong mali sa ‘yo, hindi ba?” tanong niya ulit. Hindi ako umimik at nanatiling nakatingin sa kanya na hawak-hawak ang kamay kon
Sofia’s Point of ViewNag-aalala at naawa ako kay Demi lalong-lalo na’t nang nalaman kong wala siyang nakuha maski isang impormasyon tungkol sa kanyang ina ng vacation weeks. Nitong mga nakaraang araw nga ay parang walang sigla siya though hindi mo agad mapapansin dahil sa expressionless siya pero dahil sa kaibigan ko siya ay alam ko at kilala ko na siya kahit na sa maikling panahon pa lang kami magkakilala.“Okay ka lang, Sofie?” tanong ni Kuya Samuel. Kasabay ko kasi ngayon sila kumain sa lugar kung saan sila tumatambay ang tatlo. Ay oo nga pala kasabay rin namin si Renz.“Oo nga pala Renz, nagustuhan niya ba?” tanong ni Kuya Samuel.“I don’t know,” sagot ni Renz na kumibit-balikat pa.“Sa tingin ko ay dapat tigilan mo na siya, alam mo namang bawal ‘di ba dahil parehas lang kayo masasaktan,” anang naman ni Kuya Sandro.Hindi naman umimik si Renz na nag
Kinabukasan ay sinikap kong tumayo at pumunta sa pag-anunsyo ng bagong ranking ng mga pack. Lahat ng sugat ko ay nagsihilom na sa tulong na rin ng mga gamot na galing sa mga witches pero ramdam ko pa rin ang panghihina ng katawan ko dulot ng mga pagpapahirap sa akin sa loob ng kulungan sa Kinyege borderline."Sigurado po bang okay na ang pakiramdam niyo?" nag-aalalang tanong ni John na tinanguan ko naman saka ngumiti."Okay na ako, gusto kong personal na marinig ang mga bagong ranking mamaya," sabi ko at tinapik-tapik ang balikat niya."Siguradong magiging proud ka sa amin, Demi kapag nalaman mo ang resulta ng ART mamaya," proud na wika ni Sofia na nasa tabi ko."Proud naman ako sa inyo kahit hindi man kayo manalo sa mga tasks, eh!""Magsisimula na raw ang pag-anunsyo," anang isa sa mga myembro ng pack namin.Karamihan sa kanila ay nagpapahinga pa dahil galing palang sila sa huling task na ginawa nila at proud na proud ako kasi wala man ni isa sa kanila ang na-injured na iniiwasan tal
"Bring me the girl," utos ni Luna Aerah na disidido na makuha ako."Mom! I already told you! Demi is innocent!" sabat ni Aeneas na lumapit pa sa kanyang nanay."Hangga't walang matibay na ebidensya ay kailangan niyang bumalik sa loob ng kulungan," anang Luna Aerah."Pero wala po talagang kinalaman si Demi!" naiiyak na pagsabat din ni Sofia."What are you doing here? Wala kayong pahintulot na tumuntong sa Kinyege Borderline, nais niyo bang maparusahan kayo!?" wika ulit ni Luna Aerah na pinagsasabihan si Sofia na umiiyak na at si Arhyss na pinapatahan ang mate niya."Huwag niyong subukan ako," galit na pagbabanta ni Renz sa mga kawal."Ouch! Get off your hands on me!" Napatingin kami sa pinanggalingan ng boses na 'yon."Yosh?" sabay naming usal ni Aeneas."She's the real murderer, let my friend go," walang emosyon na wika ni Yosh na hawak-hawak ang buhok ni Alethea na dumadaing naman at pilit inaalis ang pagkakahawak sa buh
Pagkatapos kong bitiwan ang mga salitang iyon ay wala na muling nagtangka sa amin na dalawa na magsalita hanggang sa unti-unti na ng nawalan ang araw. Kinalaunan ay lumabas siya ng bahay at pagkabalik ay may mga dala na siyang prutas at gulay at ilan sa mga sangkap na hindi ko malaman kung saan niya nga ba ito nakita at nakuha."Eat some snacks," aniya at inilagay sa harapan ko ang isang basket na puno ng iba't ibang mga prutas."Salamat..." nahihiyang pagpapasalamat ko."Eat all of that, your body needs that."Nagsimula naman akong kumain ng mga prutas at nang mabusog ay ininom ko na ang tubig na dala niya rin saka lumabas muli sa maliit na kwarto, agad ko namang nakita si Renz na nakatalikod sa gawi ko. Ang sexy niyang tingnan mula rito sa kinatatayuan ko, from his hair, neck, muscles and body. Tila lahat ngang babae ay mababaliw sa kanya."Stop staring, you're distracting me," aniya habang nakatalikod pa rin sa akin."I-I'm not staring!" pagtanggi ko sa
Hi, readers! Sorry kung medyo matagal din bago ako nakapagsulat ulit, dumaan po kasi ako sa writer's block plus masyadong pressure sa studies ko kaya nawala ako ng mahabang panahon sa pagsusulat nito at medyo may hindi na ako natatandaan na part ng story kaya baka makabasa kayo ng ibang part ng story na supposedly ay wala, humihingi po ako ng sorry agad sa maling ito. I'll try my best to edit it again after I finish this story and yes! Malapit na po siyang matapos at excited na po ako doon, currently writer the few chapters now and I hope you'll like it po. Have a great day!
Pagkatapos ng seryusong pag-uusap namin ni Renz ay pinatulog niya ulit ako upang makabawi raw ako ng lakas at sa buong oras ng pagtulog ko ay hindi niya ako iniwan at nanatili sa tabi ko.Ngayon nga'y nasa harapan ko siya at nakasandal sa dingding na gawa sa kahoy, nakapikit ang kanyang mga mata habang naka-krus ang mga braso.Ilang minuto rin akong nakatulala sa kanya at hindi gumalaw dahil baka magising ko siya hanggang sa unti-unti niya ng iminulat ang kanyang mga mata."G-Good afternoon..." nauutal at awkward kong bati."Are you hungry?" tanong niya na sakto naman ng pagkalam ng sikmura ko."I will prepare foods," aniya at tumayo na saka tinapik-tapik ang mga dumi na kumapit sa kanyang suot."Marunong kang magluto?" namamangha kong tanong at dahan-dahang umupo na kinaharap niya ulit sa akin at dinaluhan ako para alalayan."I need to, it's part of my training since I was a child," sagot niya na tiningnan ang sugat sa
Nagising na lang ako nang may tumama na sinag ng araw sa mga mata ko. Nandito pa rin ako sa piitan at nakadapa, walang lakas at napakahapdi ng likuran dahil sa mga latigo na natanggap ko."Nasaan siya? Saan niyo sa kinulong?!" Narinig kong tanong ng isang pamilyar na boses pero base sa tono ng kanyang pananalita ay galit siya."Dito po," anang kausap niya.Mayamaya ay may mga paang tumigil sa harapan ng rehas ko, iniangat ko naman ang ulo ko."D-Demi!" bulalas niya nang magsalubong ang mga mata namin."Buksan mo!" utos niya sa kawal."Pero---""Bubuksan mo o mawawalan ka ng ulo?!" pagbabanta ni Aeneas sa kawal na wala namang nagawa kundi buksan ang rehas ng pinagkulungan sa akin."Demi?! Okay ka lang ba?---" Hindi niya naituloy ang sasabihin niya nang makita ang mga sugat ko sa likuran dulot ng paglatigo."A-anong nangyari?" nag-aalalang tanong niya na nanginginig pa ang mga kamay na inalalayan ako maupo mula sa pagkakadapa kanina."Maayo
"Hindi kita maintindihan, Renz," naguguluhan na usal ko."Wala," aniya at tumingin sa malayo."Ayan ka na naman, tuwing magtatanong ako ng mga bagay na hindi ko maintindihan ay hindi mo ako sinasagot," nakanguso kong reklamo."Dahil mahirap ipaliwanag...""Kaya ko namang intindihin, eh," wika ko na kinatingin niya naman ulit sa akin."Kung sabihin ko sa 'yong layuan mo si Aeneas... Susundin mo kaya?" Nagulat ako sa winika niya kaya hindi agad ako nakasagot."Nevermind.""Bakit? Bakit ko kailangan na layuan siya?" Sasagot na sana siya ngunit nagulat ako nang bigla siyang umubo at may kasabay na dugo."R-Renz? Anong nangyayari sa 'yo?" kinakabahan na tanong ko at dinaluhan siya."T-there's something w-wrong with me... I-I can't breath," tugon niya na napahawak na sa dibdib niya.Inalalayan ko naman siyang makaupo."Anong nangyayari sa 'yo?!" kinakabahan na tanong ko.
Pagkatapos ng laban namin sa kanila ay sinalubong kami ng sigawan at pagbati."Ang galing mo na talaga Demi! Ang laki na ng pinagbago mo!" bulong ni Sofia na yinakap agad ako pagkatapos ng laban namin. Pinuri ko rin ang mga kasamahan ko lalong-lalo na ang first years, bilib ako sa kanila dahil wala ni-isa sa kanila ang nahimatay hindi kagaya sa kalaban naming grupo na may mga nahimatay dahil sa lakas ng mga suntok at sipa na natanggap nila sa amin."Ang totoong laban ay magsisimula palang," anang bagong dating na babae."Alethea..." usal ko sa pangalan niya na kinangisi niya naman."Hindi mo naman ako tatanggihan, hindi ba, Demi?" naghahamon na usal niya. Nakasuot siya ng isang kulay itim na sando, brown na jogging pants, sapatos na ka'y ganda at nakapuyod ang kanyang buhok.Nagsimula namang magbulungan ang lahat at nagsisimula na namang magpustahan dahil na rin sa isa si Alethea sa mga malalakas na werewolf dito sa ak
Yosh's Point Of ViewAng gulo na ng lahat, ang gulo at hindi ko na malaman kung ano ba itong nararamdaman ko. Bakit kailangan maramdaman ko pa ito? Tuwing ako mismo ang iiwas ay nasasaktan din naman ako, ang hirap gumawa ng desisyon lalong-lalo na't kalaban ko ang puso ko."Bakit kailangan mo pang saktan ang sarili mo kung pwede namang maging maayos ang lahat? Tanggapin mo na lang siya," anang Great Alpha."Kung madali lang sana iyong gawin ay ginawa ko na ngunit hindi, eh. Ang hirap...""Hindi ko man alam kung ano ang totoong dahilan kung bakit pinipigilan mo ang nararamdaman mo pero sana ay magawa mong buksan ang puso mo para sa kanya," usal ulit ng Alpha Leader bago ako iniwan.Hindi ko kaya... Hindi ko kayang piliin siya.Demi's Point of ViewPanibagong araw kaya't paniba