Handa na ako sa pag-uwi ko, dala ko na ang ilan sa mga gamit ko habang ang iba naman ay iniwan ko na dahil tiyak na mahihirapan na naman ulit ako sa pagdala nito sa pagbalik ko sa loob ng akademya.
“See you after two weeks, Demi! I will miss you!” naiiyak na usal ni Sofia na ayaw na sa akin bumitaw.
“Tama na iyang yakap na iyan,” anang naman ni Yosh na kararating pa lang galing sa kung saan.
“Yosh!” Agad namang yumakap sa kanya si Sofia, ginulo lang ni Yosh ang buhok nito ng isa niyang kamay. Napakunot naman ang noo ko nang makita ko ang suot niyang purselas.
“Pasensya na medyo nahuli ako kasi may tinapos pa kasi akong gawain,” paghingi niya ng paumanhin na kumamot pa sa ulo niya.
“Okay lang, busy rin ako kanina eh,” sabi naman ni Sofia.
Nagsimula namang magdaldal si Sofia na sinabayan naman ni Yosh hanggang sa may tatlong pigura ang tumigil sa harapan namin.
“Oh! Kuya
Ikalabing-apat na araw na, tapos na ang aming vacation weeks at magsisimula na ang pangalawang taon ko sa Krisi Academy, maaga kami gumising ni Yosh upang makahanda agad bago dumating ang susundo sa amin.“May nais ako ibigay sa ‘yo, Demi,” anang ni Yosh.“Ano?” tanong ko.Inilahad niya ang kamay niyang may hawak na purselas na parehas ng suot niya.“Ano kasi…” nahihiya niyang usal.“Salamat!” usal ko at tipid na ngumiti at kinuha ang purselas.“Parehas ang disenyo natin ah,” puna ko sa purselas na hawak ko at sa suot niya.“Kaibigan mo ako Demi, ‘di ba?” tanong niya na kinuha ang purselas sa akin at isinuot ito sa akin.“Oo,” sagot ko.“Mapapatawad mo ako kung may gagawin man akong mali sa ‘yo, hindi ba?” tanong niya ulit. Hindi ako umimik at nanatiling nakatingin sa kanya na hawak-hawak ang kamay kon
Sofia’s Point of ViewNag-aalala at naawa ako kay Demi lalong-lalo na’t nang nalaman kong wala siyang nakuha maski isang impormasyon tungkol sa kanyang ina ng vacation weeks. Nitong mga nakaraang araw nga ay parang walang sigla siya though hindi mo agad mapapansin dahil sa expressionless siya pero dahil sa kaibigan ko siya ay alam ko at kilala ko na siya kahit na sa maikling panahon pa lang kami magkakilala.“Okay ka lang, Sofie?” tanong ni Kuya Samuel. Kasabay ko kasi ngayon sila kumain sa lugar kung saan sila tumatambay ang tatlo. Ay oo nga pala kasabay rin namin si Renz.“Oo nga pala Renz, nagustuhan niya ba?” tanong ni Kuya Samuel.“I don’t know,” sagot ni Renz na kumibit-balikat pa.“Sa tingin ko ay dapat tigilan mo na siya, alam mo namang bawal ‘di ba dahil parehas lang kayo masasaktan,” anang naman ni Kuya Sandro.Hindi naman umimik si Renz na nag
“Sino makakasabi sa pangalan ng bagay na aking hawak ngayon?” tanong ng propesor namin ngayon sa pangalawang taon namin sa Krisi. Siya ay babaeng may suot na salamin sa mga mata na hindi rin nalalayo ang edad sa amin.“Battery po iyan ng mobile phone or cellphone,” sagot ni Alethea na nagtaas ng kamay at itinuro ni propesor.“Tama ka Ms. Zillon, ito nga ay battery ng mobile phone or cellphone at napakahalaga ng function ng bagay na ito dahil kung wala ang bagay na ito ay hindi gagana ang cellphone,” paliwanag ni professor na winawasiwas pa ang kamay niyang may hawak ng bagay na iyon.“Ito naman, ano ito? Ms. Abrigo?” Tumayo naman agad si Sofia at tiningnan ang bagay na hawak ni propesor: maliit na bagay na hugis kwadrado.“Sim card po?” Hindi siguradong sagot ni Sofia.“Tama! Ito ay sim card, kung wala ka nito ay hindi ka magkakaroon ng numero kung saan ka pwede tawagan, wala ka ring
Ilang buwan na rin ang nakalipas nang magsimula ang panagalawang taon ko rito sa Krisi at medyo naninibago ako dahil wala ni-isang gumagawa ng mga pranks sa akin, tanging masasama na tingin lang ang nakukuha ko galing sa mga kababaihan. Pero mas mabuti na iyon kaysa noong unang taon ko na hindi man lang ako pinapahinga, na kailangan kong maging alerto palagi upang hindi masira agad ang araw ko at uuwi na ang dumi-dumi na minsan ay may pintura ang buong katawan. Ngunit. Ikinababahala ko pa rin iyon dahil ramdam kong may mas masamang mangyayari sa akin balang-araw.“Hoy! Tulala ka d’yan?”“Eh, ikaw? Ano ba ang nangyari sa ‘yo kaya’t hindi ka palagi sumasabay sa amin ni Sofia?” pabalik na tanong ko kay Yosh na nasa harapan ko na ngayon. Narito pa kami sa dorm ng Lightning Pack at kinagulat ko talagang pumunta rito si Yosh dahil minsan na lang siya sumasabay sa amin at pumupunta sa dorm.“Pasenya na, may importante tal
Alethea’s Point of ViewI am a competetive, hinubog ako ng magulang ko simula pagkabata para maging isang malakas at magaling na lider sa hinaharap. Wala sa pamilya namin ang talunan dahil kung ano ang gusto naming makuha ay makukuha namin.“Mommy… Saan po tayo pupunta?” tanong ko.Lumuhod naman si mommy para magkasingtangkad kami, I am just 6 years old so I’m not that tall.“Pupunta tayo ngayon sa Palati para batiin ang anak na lalaki ng Great Alpha at ng mate niya,” sagot ni mommy na hinaplos pa ang pisngi ko.“Anak na lalaki? Dalawa po ang anak na lalaki ng Great Alpha, hindi po ba?” inosenteng tanong ko.“Oo, ngunit ang panaganay na anak ng Great Alpha ay anak sa ibang babae kaya’t mas makapangyarihan pa rin ang pangalawang anak ng Great Alpha kaya mas mabuting sa kanya ka makipag-close, okay? Nagkakaintindihan ba t
"Bakit? Para saan ang mga bulaklak na iyan?" nagtatakang tanong ko kay Aeneas na may hawak na mga bulaklak at nakalahad sa akin."Demi, matagal ko na itong gustong sabihin sa 'yo… Gusto kita," tila nahihiya at kinakabahan na usal niya na umiwas pa ng tingin sa akin. Ang lakas ng tibok ng puso ko ngayon at hindi ko na ito mapakalma pa."Aeneas, you have your own mate same as mine… Masasaktan lang natin ang isa't isa kapag dumating na ang mga mate natin," malungot kung usal.Hinawakan niya naman ako sa magkabilang kamay at tiningnan ako ng sinesero at seryuso sa mga mata. "Gusto kita, Demi at seryuso ako sa nararamdaman ko sa 'yo. Hayaan mo akong ligawan kita," aniya. Kita ko ang sinseridad sa kanyang mga mata. Gusto niya talaga ako."Pero---""I am mateless," pagputol niya sa sasabihin ko sana."Paano ako? Paano kung may mate ako at dumating na siya?" nag-aalalang tanong ko.Ngumiti siya. "Gusto kita, Demi."Napapi
"Demi… Halikana," aya ni Sofia na nakaayos na rin para sa ball. Nakaayos na rin ako at nakasuot ng gown na mas maganda ang disenyo sa iba pang gown na pinagawa ni Sofia."Sofia, ikaw na lang ang muse," pagmamakaawa ko."Hmm… Ayaw," nakangisi niyang sabi."Eh, bakit ako ang napili ninyong muse? Hindi ko pinangarap na maging muse sa buong buhay ko!" pagmamaktol ko."Basta, ikaw ang muse namin at saka ang ganda mo kaya!" pambobola niya na hinawakan pa ang hairpin na nilagay niya sa buhok ko. Iyon ang hairpin na napulot ko noong nakaraang kaarawan ko."Tsk! Bahala na," nanlulumong usal ko at tumayo na at saka huminga ng malalim."Let's go?" aya ulit ni Sofia na kinatango ko na lang."Teka, kung muse ako? Sino ang escort ko?" bigla kong tanong."Wala," nakangiting sagot ni Sofia na kinalumo ko naman.Naglakad na kami papunta sa event hall dahil malapit nang magsimula ang party, mabuti na lang at hindi kami napag
Hindi ko alam ang gagawin ko, nasasaktan ako. Pagkatapos ng sagutan namin ni Yosh ay agad na akong umalis sa lugar na iyon, hindi ko na inantay si Aeneas kasi hindi ko alam kung paano ko pa siya haharapin maging ang mga magulang niya. Namumula na rin kasi ang mga mata ko sa kaiiyak.Pumunta ako sa lugar na walang makakahanap sa akin, lugar kung saan kami lang ni Renz ang nakakaalam. Ang tagong water falls."Ang lungkot-lungkot ko ngayon… Nauunawaan ko naman si Yosh pero…" Pinunas ko na ang luhang tumulo sa pisngi ko."Sana andito ka, para naman may kausap ako kahit palaging pagbabanta sa buhay ko ang bukambibig mo," usal ko at tumingin sa tabi ko.Huminga na ako ng malalim at humiga na sa damuhan, dito na muna ako. Gusto ko mapag-isa.Nakatulala lang ako sa umaagos na tubig hanggang sa napapikit na lang ako at nakatulog. Kinaumagahan ay nagulat na lamang ako nang may co
Kinabukasan ay sinikap kong tumayo at pumunta sa pag-anunsyo ng bagong ranking ng mga pack. Lahat ng sugat ko ay nagsihilom na sa tulong na rin ng mga gamot na galing sa mga witches pero ramdam ko pa rin ang panghihina ng katawan ko dulot ng mga pagpapahirap sa akin sa loob ng kulungan sa Kinyege borderline."Sigurado po bang okay na ang pakiramdam niyo?" nag-aalalang tanong ni John na tinanguan ko naman saka ngumiti."Okay na ako, gusto kong personal na marinig ang mga bagong ranking mamaya," sabi ko at tinapik-tapik ang balikat niya."Siguradong magiging proud ka sa amin, Demi kapag nalaman mo ang resulta ng ART mamaya," proud na wika ni Sofia na nasa tabi ko."Proud naman ako sa inyo kahit hindi man kayo manalo sa mga tasks, eh!""Magsisimula na raw ang pag-anunsyo," anang isa sa mga myembro ng pack namin.Karamihan sa kanila ay nagpapahinga pa dahil galing palang sila sa huling task na ginawa nila at proud na proud ako kasi wala man ni isa sa kanila ang na-injured na iniiwasan tal
"Bring me the girl," utos ni Luna Aerah na disidido na makuha ako."Mom! I already told you! Demi is innocent!" sabat ni Aeneas na lumapit pa sa kanyang nanay."Hangga't walang matibay na ebidensya ay kailangan niyang bumalik sa loob ng kulungan," anang Luna Aerah."Pero wala po talagang kinalaman si Demi!" naiiyak na pagsabat din ni Sofia."What are you doing here? Wala kayong pahintulot na tumuntong sa Kinyege Borderline, nais niyo bang maparusahan kayo!?" wika ulit ni Luna Aerah na pinagsasabihan si Sofia na umiiyak na at si Arhyss na pinapatahan ang mate niya."Huwag niyong subukan ako," galit na pagbabanta ni Renz sa mga kawal."Ouch! Get off your hands on me!" Napatingin kami sa pinanggalingan ng boses na 'yon."Yosh?" sabay naming usal ni Aeneas."She's the real murderer, let my friend go," walang emosyon na wika ni Yosh na hawak-hawak ang buhok ni Alethea na dumadaing naman at pilit inaalis ang pagkakahawak sa buh
Pagkatapos kong bitiwan ang mga salitang iyon ay wala na muling nagtangka sa amin na dalawa na magsalita hanggang sa unti-unti na ng nawalan ang araw. Kinalaunan ay lumabas siya ng bahay at pagkabalik ay may mga dala na siyang prutas at gulay at ilan sa mga sangkap na hindi ko malaman kung saan niya nga ba ito nakita at nakuha."Eat some snacks," aniya at inilagay sa harapan ko ang isang basket na puno ng iba't ibang mga prutas."Salamat..." nahihiyang pagpapasalamat ko."Eat all of that, your body needs that."Nagsimula naman akong kumain ng mga prutas at nang mabusog ay ininom ko na ang tubig na dala niya rin saka lumabas muli sa maliit na kwarto, agad ko namang nakita si Renz na nakatalikod sa gawi ko. Ang sexy niyang tingnan mula rito sa kinatatayuan ko, from his hair, neck, muscles and body. Tila lahat ngang babae ay mababaliw sa kanya."Stop staring, you're distracting me," aniya habang nakatalikod pa rin sa akin."I-I'm not staring!" pagtanggi ko sa
Hi, readers! Sorry kung medyo matagal din bago ako nakapagsulat ulit, dumaan po kasi ako sa writer's block plus masyadong pressure sa studies ko kaya nawala ako ng mahabang panahon sa pagsusulat nito at medyo may hindi na ako natatandaan na part ng story kaya baka makabasa kayo ng ibang part ng story na supposedly ay wala, humihingi po ako ng sorry agad sa maling ito. I'll try my best to edit it again after I finish this story and yes! Malapit na po siyang matapos at excited na po ako doon, currently writer the few chapters now and I hope you'll like it po. Have a great day!
Pagkatapos ng seryusong pag-uusap namin ni Renz ay pinatulog niya ulit ako upang makabawi raw ako ng lakas at sa buong oras ng pagtulog ko ay hindi niya ako iniwan at nanatili sa tabi ko.Ngayon nga'y nasa harapan ko siya at nakasandal sa dingding na gawa sa kahoy, nakapikit ang kanyang mga mata habang naka-krus ang mga braso.Ilang minuto rin akong nakatulala sa kanya at hindi gumalaw dahil baka magising ko siya hanggang sa unti-unti niya ng iminulat ang kanyang mga mata."G-Good afternoon..." nauutal at awkward kong bati."Are you hungry?" tanong niya na sakto naman ng pagkalam ng sikmura ko."I will prepare foods," aniya at tumayo na saka tinapik-tapik ang mga dumi na kumapit sa kanyang suot."Marunong kang magluto?" namamangha kong tanong at dahan-dahang umupo na kinaharap niya ulit sa akin at dinaluhan ako para alalayan."I need to, it's part of my training since I was a child," sagot niya na tiningnan ang sugat sa
Nagising na lang ako nang may tumama na sinag ng araw sa mga mata ko. Nandito pa rin ako sa piitan at nakadapa, walang lakas at napakahapdi ng likuran dahil sa mga latigo na natanggap ko."Nasaan siya? Saan niyo sa kinulong?!" Narinig kong tanong ng isang pamilyar na boses pero base sa tono ng kanyang pananalita ay galit siya."Dito po," anang kausap niya.Mayamaya ay may mga paang tumigil sa harapan ng rehas ko, iniangat ko naman ang ulo ko."D-Demi!" bulalas niya nang magsalubong ang mga mata namin."Buksan mo!" utos niya sa kawal."Pero---""Bubuksan mo o mawawalan ka ng ulo?!" pagbabanta ni Aeneas sa kawal na wala namang nagawa kundi buksan ang rehas ng pinagkulungan sa akin."Demi?! Okay ka lang ba?---" Hindi niya naituloy ang sasabihin niya nang makita ang mga sugat ko sa likuran dulot ng paglatigo."A-anong nangyari?" nag-aalalang tanong niya na nanginginig pa ang mga kamay na inalalayan ako maupo mula sa pagkakadapa kanina."Maayo
"Hindi kita maintindihan, Renz," naguguluhan na usal ko."Wala," aniya at tumingin sa malayo."Ayan ka na naman, tuwing magtatanong ako ng mga bagay na hindi ko maintindihan ay hindi mo ako sinasagot," nakanguso kong reklamo."Dahil mahirap ipaliwanag...""Kaya ko namang intindihin, eh," wika ko na kinatingin niya naman ulit sa akin."Kung sabihin ko sa 'yong layuan mo si Aeneas... Susundin mo kaya?" Nagulat ako sa winika niya kaya hindi agad ako nakasagot."Nevermind.""Bakit? Bakit ko kailangan na layuan siya?" Sasagot na sana siya ngunit nagulat ako nang bigla siyang umubo at may kasabay na dugo."R-Renz? Anong nangyayari sa 'yo?" kinakabahan na tanong ko at dinaluhan siya."T-there's something w-wrong with me... I-I can't breath," tugon niya na napahawak na sa dibdib niya.Inalalayan ko naman siyang makaupo."Anong nangyayari sa 'yo?!" kinakabahan na tanong ko.
Pagkatapos ng laban namin sa kanila ay sinalubong kami ng sigawan at pagbati."Ang galing mo na talaga Demi! Ang laki na ng pinagbago mo!" bulong ni Sofia na yinakap agad ako pagkatapos ng laban namin. Pinuri ko rin ang mga kasamahan ko lalong-lalo na ang first years, bilib ako sa kanila dahil wala ni-isa sa kanila ang nahimatay hindi kagaya sa kalaban naming grupo na may mga nahimatay dahil sa lakas ng mga suntok at sipa na natanggap nila sa amin."Ang totoong laban ay magsisimula palang," anang bagong dating na babae."Alethea..." usal ko sa pangalan niya na kinangisi niya naman."Hindi mo naman ako tatanggihan, hindi ba, Demi?" naghahamon na usal niya. Nakasuot siya ng isang kulay itim na sando, brown na jogging pants, sapatos na ka'y ganda at nakapuyod ang kanyang buhok.Nagsimula namang magbulungan ang lahat at nagsisimula na namang magpustahan dahil na rin sa isa si Alethea sa mga malalakas na werewolf dito sa ak
Yosh's Point Of ViewAng gulo na ng lahat, ang gulo at hindi ko na malaman kung ano ba itong nararamdaman ko. Bakit kailangan maramdaman ko pa ito? Tuwing ako mismo ang iiwas ay nasasaktan din naman ako, ang hirap gumawa ng desisyon lalong-lalo na't kalaban ko ang puso ko."Bakit kailangan mo pang saktan ang sarili mo kung pwede namang maging maayos ang lahat? Tanggapin mo na lang siya," anang Great Alpha."Kung madali lang sana iyong gawin ay ginawa ko na ngunit hindi, eh. Ang hirap...""Hindi ko man alam kung ano ang totoong dahilan kung bakit pinipigilan mo ang nararamdaman mo pero sana ay magawa mong buksan ang puso mo para sa kanya," usal ulit ng Alpha Leader bago ako iniwan.Hindi ko kaya... Hindi ko kayang piliin siya.Demi's Point of ViewPanibagong araw kaya't paniba