"Bakit? Para saan ang mga bulaklak na iyan?" nagtatakang tanong ko kay Aeneas na may hawak na mga bulaklak at nakalahad sa akin.
"Demi, matagal ko na itong gustong sabihin sa 'yo… Gusto kita," tila nahihiya at kinakabahan na usal niya na umiwas pa ng tingin sa akin. Ang lakas ng tibok ng puso ko ngayon at hindi ko na ito mapakalma pa.
"Aeneas, you have your own mate same as mine… Masasaktan lang natin ang isa't isa kapag dumating na ang mga mate natin," malungot kung usal.
Hinawakan niya naman ako sa magkabilang kamay at tiningnan ako ng sinesero at seryuso sa mga mata. "Gusto kita, Demi at seryuso ako sa nararamdaman ko sa 'yo. Hayaan mo akong ligawan kita," aniya. Kita ko ang sinseridad sa kanyang mga mata. Gusto niya talaga ako.
"Pero---"
"I am mateless," pagputol niya sa sasabihin ko sana.
"Paano ako? Paano kung may mate ako at dumating na siya?" nag-aalalang tanong ko.
Ngumiti siya. "Gusto kita, Demi."
Napapi
"Demi… Halikana," aya ni Sofia na nakaayos na rin para sa ball. Nakaayos na rin ako at nakasuot ng gown na mas maganda ang disenyo sa iba pang gown na pinagawa ni Sofia."Sofia, ikaw na lang ang muse," pagmamakaawa ko."Hmm… Ayaw," nakangisi niyang sabi."Eh, bakit ako ang napili ninyong muse? Hindi ko pinangarap na maging muse sa buong buhay ko!" pagmamaktol ko."Basta, ikaw ang muse namin at saka ang ganda mo kaya!" pambobola niya na hinawakan pa ang hairpin na nilagay niya sa buhok ko. Iyon ang hairpin na napulot ko noong nakaraang kaarawan ko."Tsk! Bahala na," nanlulumong usal ko at tumayo na at saka huminga ng malalim."Let's go?" aya ulit ni Sofia na kinatango ko na lang."Teka, kung muse ako? Sino ang escort ko?" bigla kong tanong."Wala," nakangiting sagot ni Sofia na kinalumo ko naman.Naglakad na kami papunta sa event hall dahil malapit nang magsimula ang party, mabuti na lang at hindi kami napag
Hindi ko alam ang gagawin ko, nasasaktan ako. Pagkatapos ng sagutan namin ni Yosh ay agad na akong umalis sa lugar na iyon, hindi ko na inantay si Aeneas kasi hindi ko alam kung paano ko pa siya haharapin maging ang mga magulang niya. Namumula na rin kasi ang mga mata ko sa kaiiyak.Pumunta ako sa lugar na walang makakahanap sa akin, lugar kung saan kami lang ni Renz ang nakakaalam. Ang tagong water falls."Ang lungkot-lungkot ko ngayon… Nauunawaan ko naman si Yosh pero…" Pinunas ko na ang luhang tumulo sa pisngi ko."Sana andito ka, para naman may kausap ako kahit palaging pagbabanta sa buhay ko ang bukambibig mo," usal ko at tumingin sa tabi ko.Huminga na ako ng malalim at humiga na sa damuhan, dito na muna ako. Gusto ko mapag-isa.Nakatulala lang ako sa umaagos na tubig hanggang sa napapikit na lang ako at nakatulog. Kinaumagahan ay nagulat na lamang ako nang may co
"Malayo po ba dito ang kampo kung nasaan ang mga gama ng lahi namin?" tanong ko sa bampira na nasa harapan ko. "Medyo malayo pero nakasisiguro ka ba na pagnakita ka nila rito at sinabi mo ang dahilan kung bakit ka nandito ay paniniwalaan ka?" aniya na ikinapikit ko naman. Hindi ko na alam ang gagawin ko. "Mas mabuti pang kinaumagahan ka na lang lumapit sa kanila at sabihin mo na isa ka sa mga naparusahan na estudyante sa akademya upang ibalik ka agad doon at ang akademya na lang sa iyo ang bahala," suhestiyon niya ulit at tinalikuran na ako. "Bakit? Parang alam na alam niyo ang pamamalakad sa lahi namin?" nagtatakang tanong ko. Humarap naman siya sa akin at kumibit-balikat at saka naglakad na ulit kaya sumunod naman ako sa kanya. Makisig siyang bampira na hindi nalalayo sa edad ng aking ina, para nga kaming magkapatid at saka ang puti rin ng balat niya na para bang anemic na siya sa puti nito at higit
Sa muling pagmulat ng mga mata ko ay nasa clinic na ako ng akademya.“Demi!” Agad yumakap sa akin si Sofia na umiiyak.“Okay ka lang ba Demi?” nag-aalalang tanong ni Aeneas.Hindi naman agad ako nakapagsalita at nilibot ang paningin ko para hanapin ang presensya na gusto ko makita pero nabigo ako.“Nag-alala talaga ako sa ‘yo, Demi! Bakit ba bigla-bigla ka na lang nawawala,” umiiyak na singhal ni Sofia na patuloy pa rin sa pag-iyak.“Ewan ko rin basta ang huli kong naalala ay nasa loob ako ng clinic tapos noong pagkagising ko ay nasa hindi pamilyar na lugar na ako na iyon pala ay Kinyege Borderline na,” sagot at paliwanag ko.“Mabuti na lang at natagpuan ka ni Renz nang pabalik na siya sa akademya para sa unang misyon niya,” usal ulit ni Sofia.“Nasaan siya ngayon?” tanong ko naman na tinutukoy ko ay si Renz.“Nagpapahinga na siya ngayon,”
“Oh? Kumusta?!” bungad ni Sofia nang makauwi na ako sa dorm.“Hindi naman ako pinatawag ng Great Alpha para parusahan. Pinatawag niya ako dahil gusto niya akong pormal na makilala,” nakasimangot kong sagot.“So, ibig sabihin ay ipinakilala ka na ni Aeneas sa mga magulang niya?!” kinikilig na tanong niya na kinatango ko naman.“Kyah!” Pinaghahampas niya pa ako na pinabayaan ko na lang.“So, ano? Ano ang impression sa ‘yo ng Great Alpha?!” tanong ulit ni Sofia.“Okay naman… Masiyahin siya, gano’n,” maikling sagot ko.“Kyah! I’m so happy for you,” aniya na sinundot-sundot pa ang tagiliran ko.“Hindi ko pa nga sinasagot si Aeneas, eh!"“Edi, sagutin mo na! Tutal ay ilang buwan na rin siyang nanliligaw sa ‘yo eh,” sabi ulit nitong makulit kong kaibigan.“Sagutin ko na siya?”
“Hala! Anong nangyari sa inyo?” bungad na tanong ni Sofia.“Napagdiskitahan sila ng mga bullies. Bakit hindi sila matigil? Nakakanis na talaga sila!” singhal ko at huminga ng malalim at tumingin sa dalawang ka-myembro ko na may pasa at galos pa.“Pasensya na, nang dahil sa akin ay napahamak kayo,” nahihiya kong paghingi ng tawad.“Ano ka ba? Wala ka naman kasalanan at palagi talagang pinagdidiskitahan at pack nati kahit noong wala ka pa rito sa akademya,” sabi noong inalalayan ko.“Pero dahil sa akin kaya mas pinagdiskitahan ang pack natin,” malungkot kong usal.“Don’t worry Demi, I’ll talk to Principal right now,” anang Aeneas na tinanguan ko naman kaya naglakad na siya paalis.Nagising na rin yung ka-myembro ko na nawalan ng malay kanina.“Teka lang, kukuha na ako nga gamit panggamot,” pagpresenta ni Sofia na tumakbo na paalis.&ld
Nang matapos ako sa pagkain ay inilibot na ako ni Aeneas sa bahay nila na para bang palasyo na sa ganda at lawak.“Hindi ka ba nalulungkot dito? Noong bata ka pa? Balita ko kasi ay sampung taong gulang ka na ng makalabas ka sa bahay niyo…” tanong ko habang naglalakad kami.“Hindi naman…” Tumigil siya sa paglalakad at humarap sa akin kaya tumigil na rin ako sa paglalakad. “May mga kalaro naman ako na pumupunta palagi rito at isa na roon si Thea,” sagot niya.“Ah…”“Alam mo may isa talaga akong babaeng kalaro noon na hindi ko na maalala maging ang kanyang pangalan ay hindi ko na rin maalala pero ang saya-saya ko kapag pumupunta siya rito,” aniya na kinatango ko naman at tumingin sa hardin nila rito sa palasyo.“Si Alethea… Kailanman ba ay hindi ka nagkaroon ng pagtingin sa kanya?” tanong ko at humarap ulit sa kanya.Nangunot ang noo niya at baha
“Kakayanin ba talaga natin?” pang-ilang beses na tanong ni Sofia na hawak-hawak na ang mga daggers na kakailanganin niya mamaya sa task na naka-assign sa kanya.“Oo naman!” sabi ko at ginulo ang buhok ni Sofia.Ngayon na ang unang araw ng Annual Ranking Tasks at karamihan sa amin ay nakasuot na nang kanilang uniporme at ng pin na sumisimbolo sa aming pack.“Tama si Demi! Kaya natin ‘to!” anang Alpha Leader na kinasigaw naman naming lahat.“Eh, ano pa ba ang ginagawa natin dito? Let’s go to the field!” usal ng isang myembro namin na sinang-ayunan naman ng lahat.“Paano kung hindi ko ma-asinta ng maayos, Demi?” nakangusong tanong ni Sofia na kumapit sa braso ko.“Sofia.” Tumigil ako sa paglalakad at humarap sa kanya. “Kaya mo, magaling ka,” nakangiti kong wika.“Demi…”“Walang masama naman kung magkamali
Kinabukasan ay sinikap kong tumayo at pumunta sa pag-anunsyo ng bagong ranking ng mga pack. Lahat ng sugat ko ay nagsihilom na sa tulong na rin ng mga gamot na galing sa mga witches pero ramdam ko pa rin ang panghihina ng katawan ko dulot ng mga pagpapahirap sa akin sa loob ng kulungan sa Kinyege borderline."Sigurado po bang okay na ang pakiramdam niyo?" nag-aalalang tanong ni John na tinanguan ko naman saka ngumiti."Okay na ako, gusto kong personal na marinig ang mga bagong ranking mamaya," sabi ko at tinapik-tapik ang balikat niya."Siguradong magiging proud ka sa amin, Demi kapag nalaman mo ang resulta ng ART mamaya," proud na wika ni Sofia na nasa tabi ko."Proud naman ako sa inyo kahit hindi man kayo manalo sa mga tasks, eh!""Magsisimula na raw ang pag-anunsyo," anang isa sa mga myembro ng pack namin.Karamihan sa kanila ay nagpapahinga pa dahil galing palang sila sa huling task na ginawa nila at proud na proud ako kasi wala man ni isa sa kanila ang na-injured na iniiwasan tal
"Bring me the girl," utos ni Luna Aerah na disidido na makuha ako."Mom! I already told you! Demi is innocent!" sabat ni Aeneas na lumapit pa sa kanyang nanay."Hangga't walang matibay na ebidensya ay kailangan niyang bumalik sa loob ng kulungan," anang Luna Aerah."Pero wala po talagang kinalaman si Demi!" naiiyak na pagsabat din ni Sofia."What are you doing here? Wala kayong pahintulot na tumuntong sa Kinyege Borderline, nais niyo bang maparusahan kayo!?" wika ulit ni Luna Aerah na pinagsasabihan si Sofia na umiiyak na at si Arhyss na pinapatahan ang mate niya."Huwag niyong subukan ako," galit na pagbabanta ni Renz sa mga kawal."Ouch! Get off your hands on me!" Napatingin kami sa pinanggalingan ng boses na 'yon."Yosh?" sabay naming usal ni Aeneas."She's the real murderer, let my friend go," walang emosyon na wika ni Yosh na hawak-hawak ang buhok ni Alethea na dumadaing naman at pilit inaalis ang pagkakahawak sa buh
Pagkatapos kong bitiwan ang mga salitang iyon ay wala na muling nagtangka sa amin na dalawa na magsalita hanggang sa unti-unti na ng nawalan ang araw. Kinalaunan ay lumabas siya ng bahay at pagkabalik ay may mga dala na siyang prutas at gulay at ilan sa mga sangkap na hindi ko malaman kung saan niya nga ba ito nakita at nakuha."Eat some snacks," aniya at inilagay sa harapan ko ang isang basket na puno ng iba't ibang mga prutas."Salamat..." nahihiyang pagpapasalamat ko."Eat all of that, your body needs that."Nagsimula naman akong kumain ng mga prutas at nang mabusog ay ininom ko na ang tubig na dala niya rin saka lumabas muli sa maliit na kwarto, agad ko namang nakita si Renz na nakatalikod sa gawi ko. Ang sexy niyang tingnan mula rito sa kinatatayuan ko, from his hair, neck, muscles and body. Tila lahat ngang babae ay mababaliw sa kanya."Stop staring, you're distracting me," aniya habang nakatalikod pa rin sa akin."I-I'm not staring!" pagtanggi ko sa
Hi, readers! Sorry kung medyo matagal din bago ako nakapagsulat ulit, dumaan po kasi ako sa writer's block plus masyadong pressure sa studies ko kaya nawala ako ng mahabang panahon sa pagsusulat nito at medyo may hindi na ako natatandaan na part ng story kaya baka makabasa kayo ng ibang part ng story na supposedly ay wala, humihingi po ako ng sorry agad sa maling ito. I'll try my best to edit it again after I finish this story and yes! Malapit na po siyang matapos at excited na po ako doon, currently writer the few chapters now and I hope you'll like it po. Have a great day!
Pagkatapos ng seryusong pag-uusap namin ni Renz ay pinatulog niya ulit ako upang makabawi raw ako ng lakas at sa buong oras ng pagtulog ko ay hindi niya ako iniwan at nanatili sa tabi ko.Ngayon nga'y nasa harapan ko siya at nakasandal sa dingding na gawa sa kahoy, nakapikit ang kanyang mga mata habang naka-krus ang mga braso.Ilang minuto rin akong nakatulala sa kanya at hindi gumalaw dahil baka magising ko siya hanggang sa unti-unti niya ng iminulat ang kanyang mga mata."G-Good afternoon..." nauutal at awkward kong bati."Are you hungry?" tanong niya na sakto naman ng pagkalam ng sikmura ko."I will prepare foods," aniya at tumayo na saka tinapik-tapik ang mga dumi na kumapit sa kanyang suot."Marunong kang magluto?" namamangha kong tanong at dahan-dahang umupo na kinaharap niya ulit sa akin at dinaluhan ako para alalayan."I need to, it's part of my training since I was a child," sagot niya na tiningnan ang sugat sa
Nagising na lang ako nang may tumama na sinag ng araw sa mga mata ko. Nandito pa rin ako sa piitan at nakadapa, walang lakas at napakahapdi ng likuran dahil sa mga latigo na natanggap ko."Nasaan siya? Saan niyo sa kinulong?!" Narinig kong tanong ng isang pamilyar na boses pero base sa tono ng kanyang pananalita ay galit siya."Dito po," anang kausap niya.Mayamaya ay may mga paang tumigil sa harapan ng rehas ko, iniangat ko naman ang ulo ko."D-Demi!" bulalas niya nang magsalubong ang mga mata namin."Buksan mo!" utos niya sa kawal."Pero---""Bubuksan mo o mawawalan ka ng ulo?!" pagbabanta ni Aeneas sa kawal na wala namang nagawa kundi buksan ang rehas ng pinagkulungan sa akin."Demi?! Okay ka lang ba?---" Hindi niya naituloy ang sasabihin niya nang makita ang mga sugat ko sa likuran dulot ng paglatigo."A-anong nangyari?" nag-aalalang tanong niya na nanginginig pa ang mga kamay na inalalayan ako maupo mula sa pagkakadapa kanina."Maayo
"Hindi kita maintindihan, Renz," naguguluhan na usal ko."Wala," aniya at tumingin sa malayo."Ayan ka na naman, tuwing magtatanong ako ng mga bagay na hindi ko maintindihan ay hindi mo ako sinasagot," nakanguso kong reklamo."Dahil mahirap ipaliwanag...""Kaya ko namang intindihin, eh," wika ko na kinatingin niya naman ulit sa akin."Kung sabihin ko sa 'yong layuan mo si Aeneas... Susundin mo kaya?" Nagulat ako sa winika niya kaya hindi agad ako nakasagot."Nevermind.""Bakit? Bakit ko kailangan na layuan siya?" Sasagot na sana siya ngunit nagulat ako nang bigla siyang umubo at may kasabay na dugo."R-Renz? Anong nangyayari sa 'yo?" kinakabahan na tanong ko at dinaluhan siya."T-there's something w-wrong with me... I-I can't breath," tugon niya na napahawak na sa dibdib niya.Inalalayan ko naman siyang makaupo."Anong nangyayari sa 'yo?!" kinakabahan na tanong ko.
Pagkatapos ng laban namin sa kanila ay sinalubong kami ng sigawan at pagbati."Ang galing mo na talaga Demi! Ang laki na ng pinagbago mo!" bulong ni Sofia na yinakap agad ako pagkatapos ng laban namin. Pinuri ko rin ang mga kasamahan ko lalong-lalo na ang first years, bilib ako sa kanila dahil wala ni-isa sa kanila ang nahimatay hindi kagaya sa kalaban naming grupo na may mga nahimatay dahil sa lakas ng mga suntok at sipa na natanggap nila sa amin."Ang totoong laban ay magsisimula palang," anang bagong dating na babae."Alethea..." usal ko sa pangalan niya na kinangisi niya naman."Hindi mo naman ako tatanggihan, hindi ba, Demi?" naghahamon na usal niya. Nakasuot siya ng isang kulay itim na sando, brown na jogging pants, sapatos na ka'y ganda at nakapuyod ang kanyang buhok.Nagsimula namang magbulungan ang lahat at nagsisimula na namang magpustahan dahil na rin sa isa si Alethea sa mga malalakas na werewolf dito sa ak
Yosh's Point Of ViewAng gulo na ng lahat, ang gulo at hindi ko na malaman kung ano ba itong nararamdaman ko. Bakit kailangan maramdaman ko pa ito? Tuwing ako mismo ang iiwas ay nasasaktan din naman ako, ang hirap gumawa ng desisyon lalong-lalo na't kalaban ko ang puso ko."Bakit kailangan mo pang saktan ang sarili mo kung pwede namang maging maayos ang lahat? Tanggapin mo na lang siya," anang Great Alpha."Kung madali lang sana iyong gawin ay ginawa ko na ngunit hindi, eh. Ang hirap...""Hindi ko man alam kung ano ang totoong dahilan kung bakit pinipigilan mo ang nararamdaman mo pero sana ay magawa mong buksan ang puso mo para sa kanya," usal ulit ng Alpha Leader bago ako iniwan.Hindi ko kaya... Hindi ko kayang piliin siya.Demi's Point of ViewPanibagong araw kaya't paniba