Nang matapos ako sa pagkain ay inilibot na ako ni Aeneas sa bahay nila na para bang palasyo na sa ganda at lawak.
“Hindi ka ba nalulungkot dito? Noong bata ka pa? Balita ko kasi ay sampung taong gulang ka na ng makalabas ka sa bahay niyo…” tanong ko habang naglalakad kami.
“Hindi naman…” Tumigil siya sa paglalakad at humarap sa akin kaya tumigil na rin ako sa paglalakad. “May mga kalaro naman ako na pumupunta palagi rito at isa na roon si Thea,” sagot niya.
“Ah…”
“Alam mo may isa talaga akong babaeng kalaro noon na hindi ko na maalala maging ang kanyang pangalan ay hindi ko na rin maalala pero ang saya-saya ko kapag pumupunta siya rito,” aniya na kinatango ko naman at tumingin sa hardin nila rito sa palasyo.
“Si Alethea… Kailanman ba ay hindi ka nagkaroon ng pagtingin sa kanya?” tanong ko at humarap ulit sa kanya.
Nangunot ang noo niya at baha
“Kakayanin ba talaga natin?” pang-ilang beses na tanong ni Sofia na hawak-hawak na ang mga daggers na kakailanganin niya mamaya sa task na naka-assign sa kanya.“Oo naman!” sabi ko at ginulo ang buhok ni Sofia.Ngayon na ang unang araw ng Annual Ranking Tasks at karamihan sa amin ay nakasuot na nang kanilang uniporme at ng pin na sumisimbolo sa aming pack.“Tama si Demi! Kaya natin ‘to!” anang Alpha Leader na kinasigaw naman naming lahat.“Eh, ano pa ba ang ginagawa natin dito? Let’s go to the field!” usal ng isang myembro namin na sinang-ayunan naman ng lahat.“Paano kung hindi ko ma-asinta ng maayos, Demi?” nakangusong tanong ni Sofia na kumapit sa braso ko.“Sofia.” Tumigil ako sa paglalakad at humarap sa kanya. “Kaya mo, magaling ka,” nakangiti kong wika.“Demi…”“Walang masama naman kung magkamali
Ngayon na ang huling araw ng Annual Ranking Tasks, iaanunsyo na rin ang bagong ranggo ng mga pack family at ngayon din na araw na ito ang pagdating ng ibang packs na nagtagumpay sa kanilang misyon, ang ibang hindi nagtagumpay ay sasalang ulit sa panibagong misyon.“Hindi mo pa ba nakikita si Linda?” pabulong na tanong ko kay Sofia habang tinatanaw ang gate na nakabukas dahilan para makadaan ang mga fourth year na karamihan ay mga sugatan.“Hindi pa rin pero malay mo sa susunod na araw pa siya dumating, ang graduation pa naman nila ay sa unang araw pa ng klase sa akademya,” pabulong sagot naman ni Sofia na kinatango ko naman hanggang sa magsigawan ang ka-myembro namin.“Huh? Bakit?” nagtataka kong tanong.“Nasa ika-siyam na pwesto na tayo!” masayang usal ng Alpha Leader namin.“T-talaga?” paghingi ko ng kumpirmasyon.“Oo!”Nagkatinginan naman kami ni Sofia at nagya
Nag-enjoy kami sa birthday party ni Sofia lalong-lalo na si Yosh dahil sa ang rami ng pagkain na naroon, kalaunan ay nagpaalam na kami na uuwi na kami dahil medyo may kalayuan pa ang babagtasin namin pauwi sa bahay at tulad ng ginawa ko noong nakaraang vacations weeks ay ginugol ko ang panahon kong ito para hanapin si ina ngunit bigo pa rin ako hanggang sa sumapit na ang araw na babalik na ulit kami sa Krisi para sa pangatlong taon namin kung saan malapit ng manganib ang mga buhay namin.Ni-celebrate lang namin ni Yosh ang birthday niya sa bahay namin ni ina kung saan siya nanatili na para samahan ako."Maligayang kaarawan, Demi!" bati ni Yosh."Salamat, Yosh," pagpapasalamat ko."Pasensya na wala ako ngayong pakulo para i-celebrate ang kaarawan mo at wala ring regalo," nakanguso niyang sabi."Wala 'yon, sapat na sa akin na kasama ka," wika ko naman.
"Yehey! Sa wakas makakapasok na tayo sa ibang pack house!" masayang usal ni Sofia na pang-ilang beses pang tumalon-talon dahil sa excitement.Magkakaroon kasi ng pack visit ang mga third year sa bawat pack house kada week, hindi ko rin alam ang dahilan kung bakit may pa-ganoon na mangyayari kapag tumuntong sa ikatlong-taon, siguro dahil gusto ng school committee na maging open up kami sa ibang pack upang makabuo ng tiwala dahil sa ika-apat na taon namin ay random ang picking ng magiging pack na manggagaling sa iba't ibang pack families."Huwag ka masyadong ma-excite at ipagpatuloy muna ang pagtatanim mo d'yan," saway ko at pinukpok ang nakausling pako sa may dingding ng bintana namin.Nagre-renovate kasi kami para naman matuwa kahit papaano ang bibisita sa aming pack house."Opo, ito na," anang Sofia na nakangusong pinagpatuloy ang kanyang pagtatanim sa halaman."Lun
Demi's Point of ViewNagising na lang ako dahil sa masamang panaginip. Hindi malinaw pero nakaramdam ako ng lubos na takot. Napahilamos na lang ako sa mukha ko at tumayo saka naglakad palabas ng kwarto ko.Pumunta ako sa malaking bintana at hinawi ang kurtina kaya bumungad sa akin ang kalahating buwan, napakaganda nitong tingnan."Kailan ba ako makakalaya? Kailan ba ako magiging ako?" Ipinikit ko ang aking mga mata at saka ngumiti.Kinabukasan ay para akong lantang gulay na naglalakad kasama si Sofia papunta sa silid-aralan namin. Wala kasi akong sapat na tulog dahil sa hindi na ako nakatulog kanina dahil sa ka'y raming mga tanong na bumabagabag sa isip ko."Hoy! Okay ka lang ba talaga, Demi?" pang-ilang beses na tanong ni Sofia."Oo, kulang lang ako sa tulog," sagot ko at umupo na sa isa sa mga upuan na nasa loob ng silid-aralan
"Ako? Bakit ako?" nagtataka at naguguluhang tanong ko. Nanatili lang na nakatingin siya sa akin. "Pfft--- Hahaha!" "Ano ba?! Kainis ka naman!" singhal ko at tiyak kong magkarugtong na ang mga kilay ko ngayon. "Naniwala ka naman kasi," aniya habang tumatawa pa rin. "Tsk!" Nagpatuloy pa rin siya sa pagtawa hanggang sa tumigil na siya at tumingin ulit sa akin. "Sinunod ko ang utos ng tatay ko at saka nandito rin ako para tulungan ang kapatid ko," maayos na pagpapaliwanag niya. "May kapatid ka? Sino?" agad na tanong ko. "Bakit parang masyadong interesado ka sa buhay ko?" tanong niya pabalik na kalaunan ay umarko ng ngisi sa labi niya. "H-hindi sa gano'n! Gusto ko lang malaman kung sino ang kapatid mo kasi curious ako!" pagtatanggol
Hindi ko alam kung bakit parang iba ang nararamdaman ko ngayon. Para bang may bagay na bumabagabag sa sistema ko ngunit hindi ko naman alam kung ano ito."Alpha Leader!" tawag ni John sa akin, kasama niya rin ang dalawa pa na si Renie at Carl."Bakit?""Nais po sana naming magpaturo ng aralin namin, hindi po kasi masyado maintindihan at napakakumplikado pa," nahihiyang sagot ni Carl na kumamot pa sa ulo niya, gano'n din ang ginagawa ng dalawa pa."S-sige pero hindi ko maipapangakong maituturo ko ito sa inyo ng mabuti," pagpayag ko sa paghingi nila ng tulong.Agad na lumiwanag ang mga mukha nila ay inilabas ang papel at panulat na tinatago pala sa likuran nila. Tila handa talaga sila."Sige, doon tayo sa office ko dahil tahimik doon," aya ko at nagsimula ng maglakad, sumunod naman sila sa akin.Pagkarating namin sa office ay a
Yosh's Point Of ViewAng gulo na ng lahat, ang gulo at hindi ko na malaman kung ano ba itong nararamdaman ko. Bakit kailangan maramdaman ko pa ito? Tuwing ako mismo ang iiwas ay nasasaktan din naman ako, ang hirap gumawa ng desisyon lalong-lalo na't kalaban ko ang puso ko."Bakit kailangan mo pang saktan ang sarili mo kung pwede namang maging maayos ang lahat? Tanggapin mo na lang siya," anang Great Alpha."Kung madali lang sana iyong gawin ay ginawa ko na ngunit hindi, eh. Ang hirap...""Hindi ko man alam kung ano ang totoong dahilan kung bakit pinipigilan mo ang nararamdaman mo pero sana ay magawa mong buksan ang puso mo para sa kanya," usal ulit ng Alpha Leader bago ako iniwan.Hindi ko kaya... Hindi ko kayang piliin siya.Demi's Point of ViewPanibagong araw kaya't paniba
Kinabukasan ay sinikap kong tumayo at pumunta sa pag-anunsyo ng bagong ranking ng mga pack. Lahat ng sugat ko ay nagsihilom na sa tulong na rin ng mga gamot na galing sa mga witches pero ramdam ko pa rin ang panghihina ng katawan ko dulot ng mga pagpapahirap sa akin sa loob ng kulungan sa Kinyege borderline."Sigurado po bang okay na ang pakiramdam niyo?" nag-aalalang tanong ni John na tinanguan ko naman saka ngumiti."Okay na ako, gusto kong personal na marinig ang mga bagong ranking mamaya," sabi ko at tinapik-tapik ang balikat niya."Siguradong magiging proud ka sa amin, Demi kapag nalaman mo ang resulta ng ART mamaya," proud na wika ni Sofia na nasa tabi ko."Proud naman ako sa inyo kahit hindi man kayo manalo sa mga tasks, eh!""Magsisimula na raw ang pag-anunsyo," anang isa sa mga myembro ng pack namin.Karamihan sa kanila ay nagpapahinga pa dahil galing palang sila sa huling task na ginawa nila at proud na proud ako kasi wala man ni isa sa kanila ang na-injured na iniiwasan tal
"Bring me the girl," utos ni Luna Aerah na disidido na makuha ako."Mom! I already told you! Demi is innocent!" sabat ni Aeneas na lumapit pa sa kanyang nanay."Hangga't walang matibay na ebidensya ay kailangan niyang bumalik sa loob ng kulungan," anang Luna Aerah."Pero wala po talagang kinalaman si Demi!" naiiyak na pagsabat din ni Sofia."What are you doing here? Wala kayong pahintulot na tumuntong sa Kinyege Borderline, nais niyo bang maparusahan kayo!?" wika ulit ni Luna Aerah na pinagsasabihan si Sofia na umiiyak na at si Arhyss na pinapatahan ang mate niya."Huwag niyong subukan ako," galit na pagbabanta ni Renz sa mga kawal."Ouch! Get off your hands on me!" Napatingin kami sa pinanggalingan ng boses na 'yon."Yosh?" sabay naming usal ni Aeneas."She's the real murderer, let my friend go," walang emosyon na wika ni Yosh na hawak-hawak ang buhok ni Alethea na dumadaing naman at pilit inaalis ang pagkakahawak sa buh
Pagkatapos kong bitiwan ang mga salitang iyon ay wala na muling nagtangka sa amin na dalawa na magsalita hanggang sa unti-unti na ng nawalan ang araw. Kinalaunan ay lumabas siya ng bahay at pagkabalik ay may mga dala na siyang prutas at gulay at ilan sa mga sangkap na hindi ko malaman kung saan niya nga ba ito nakita at nakuha."Eat some snacks," aniya at inilagay sa harapan ko ang isang basket na puno ng iba't ibang mga prutas."Salamat..." nahihiyang pagpapasalamat ko."Eat all of that, your body needs that."Nagsimula naman akong kumain ng mga prutas at nang mabusog ay ininom ko na ang tubig na dala niya rin saka lumabas muli sa maliit na kwarto, agad ko namang nakita si Renz na nakatalikod sa gawi ko. Ang sexy niyang tingnan mula rito sa kinatatayuan ko, from his hair, neck, muscles and body. Tila lahat ngang babae ay mababaliw sa kanya."Stop staring, you're distracting me," aniya habang nakatalikod pa rin sa akin."I-I'm not staring!" pagtanggi ko sa
Hi, readers! Sorry kung medyo matagal din bago ako nakapagsulat ulit, dumaan po kasi ako sa writer's block plus masyadong pressure sa studies ko kaya nawala ako ng mahabang panahon sa pagsusulat nito at medyo may hindi na ako natatandaan na part ng story kaya baka makabasa kayo ng ibang part ng story na supposedly ay wala, humihingi po ako ng sorry agad sa maling ito. I'll try my best to edit it again after I finish this story and yes! Malapit na po siyang matapos at excited na po ako doon, currently writer the few chapters now and I hope you'll like it po. Have a great day!
Pagkatapos ng seryusong pag-uusap namin ni Renz ay pinatulog niya ulit ako upang makabawi raw ako ng lakas at sa buong oras ng pagtulog ko ay hindi niya ako iniwan at nanatili sa tabi ko.Ngayon nga'y nasa harapan ko siya at nakasandal sa dingding na gawa sa kahoy, nakapikit ang kanyang mga mata habang naka-krus ang mga braso.Ilang minuto rin akong nakatulala sa kanya at hindi gumalaw dahil baka magising ko siya hanggang sa unti-unti niya ng iminulat ang kanyang mga mata."G-Good afternoon..." nauutal at awkward kong bati."Are you hungry?" tanong niya na sakto naman ng pagkalam ng sikmura ko."I will prepare foods," aniya at tumayo na saka tinapik-tapik ang mga dumi na kumapit sa kanyang suot."Marunong kang magluto?" namamangha kong tanong at dahan-dahang umupo na kinaharap niya ulit sa akin at dinaluhan ako para alalayan."I need to, it's part of my training since I was a child," sagot niya na tiningnan ang sugat sa
Nagising na lang ako nang may tumama na sinag ng araw sa mga mata ko. Nandito pa rin ako sa piitan at nakadapa, walang lakas at napakahapdi ng likuran dahil sa mga latigo na natanggap ko."Nasaan siya? Saan niyo sa kinulong?!" Narinig kong tanong ng isang pamilyar na boses pero base sa tono ng kanyang pananalita ay galit siya."Dito po," anang kausap niya.Mayamaya ay may mga paang tumigil sa harapan ng rehas ko, iniangat ko naman ang ulo ko."D-Demi!" bulalas niya nang magsalubong ang mga mata namin."Buksan mo!" utos niya sa kawal."Pero---""Bubuksan mo o mawawalan ka ng ulo?!" pagbabanta ni Aeneas sa kawal na wala namang nagawa kundi buksan ang rehas ng pinagkulungan sa akin."Demi?! Okay ka lang ba?---" Hindi niya naituloy ang sasabihin niya nang makita ang mga sugat ko sa likuran dulot ng paglatigo."A-anong nangyari?" nag-aalalang tanong niya na nanginginig pa ang mga kamay na inalalayan ako maupo mula sa pagkakadapa kanina."Maayo
"Hindi kita maintindihan, Renz," naguguluhan na usal ko."Wala," aniya at tumingin sa malayo."Ayan ka na naman, tuwing magtatanong ako ng mga bagay na hindi ko maintindihan ay hindi mo ako sinasagot," nakanguso kong reklamo."Dahil mahirap ipaliwanag...""Kaya ko namang intindihin, eh," wika ko na kinatingin niya naman ulit sa akin."Kung sabihin ko sa 'yong layuan mo si Aeneas... Susundin mo kaya?" Nagulat ako sa winika niya kaya hindi agad ako nakasagot."Nevermind.""Bakit? Bakit ko kailangan na layuan siya?" Sasagot na sana siya ngunit nagulat ako nang bigla siyang umubo at may kasabay na dugo."R-Renz? Anong nangyayari sa 'yo?" kinakabahan na tanong ko at dinaluhan siya."T-there's something w-wrong with me... I-I can't breath," tugon niya na napahawak na sa dibdib niya.Inalalayan ko naman siyang makaupo."Anong nangyayari sa 'yo?!" kinakabahan na tanong ko.
Pagkatapos ng laban namin sa kanila ay sinalubong kami ng sigawan at pagbati."Ang galing mo na talaga Demi! Ang laki na ng pinagbago mo!" bulong ni Sofia na yinakap agad ako pagkatapos ng laban namin. Pinuri ko rin ang mga kasamahan ko lalong-lalo na ang first years, bilib ako sa kanila dahil wala ni-isa sa kanila ang nahimatay hindi kagaya sa kalaban naming grupo na may mga nahimatay dahil sa lakas ng mga suntok at sipa na natanggap nila sa amin."Ang totoong laban ay magsisimula palang," anang bagong dating na babae."Alethea..." usal ko sa pangalan niya na kinangisi niya naman."Hindi mo naman ako tatanggihan, hindi ba, Demi?" naghahamon na usal niya. Nakasuot siya ng isang kulay itim na sando, brown na jogging pants, sapatos na ka'y ganda at nakapuyod ang kanyang buhok.Nagsimula namang magbulungan ang lahat at nagsisimula na namang magpustahan dahil na rin sa isa si Alethea sa mga malalakas na werewolf dito sa ak
Yosh's Point Of ViewAng gulo na ng lahat, ang gulo at hindi ko na malaman kung ano ba itong nararamdaman ko. Bakit kailangan maramdaman ko pa ito? Tuwing ako mismo ang iiwas ay nasasaktan din naman ako, ang hirap gumawa ng desisyon lalong-lalo na't kalaban ko ang puso ko."Bakit kailangan mo pang saktan ang sarili mo kung pwede namang maging maayos ang lahat? Tanggapin mo na lang siya," anang Great Alpha."Kung madali lang sana iyong gawin ay ginawa ko na ngunit hindi, eh. Ang hirap...""Hindi ko man alam kung ano ang totoong dahilan kung bakit pinipigilan mo ang nararamdaman mo pero sana ay magawa mong buksan ang puso mo para sa kanya," usal ulit ng Alpha Leader bago ako iniwan.Hindi ko kaya... Hindi ko kayang piliin siya.Demi's Point of ViewPanibagong araw kaya't paniba