Ngayon ko lamang nakita si ama na ganito magalit. Sa buong buhay ko akala ko sa akin siya pinakagalit. Hindi ko inakalang ang diyosa ng pagkawasak ang magdadala sa kanya sa pinakasukdulan ng galit nito. Inutusan ni ama ang mga mage upang hanapin ang prinsesa. Bumalik sa aking isipan ang mga rason kung bakit ko ginagawa ang mga bagay na ito. Sinariwa ng aking alaala ang mga nangyari sa nakaraan. Sa kanluran ng Vesmir ang kaharian ng Estrea, nabuo ang isang bunga ng digmaan. Hindi ko alam kung paano nangyari na nabuo ang isang tulad ko. Ang sabi noon ni ina, nahulog ang loob sa kanya ni ama sa pamamagitan ng pakikipaglaban sa kanya. Ang sabi noon ni ina, nakita daw ni ama sa kanya ang unang babaeng inibig niya. Ngunit sa kasamaang palad ay hindi siya minahal ng babaeng tinutukoy ni ama. Naguguluhan ako kung bakit kami lumayo noon kay ama kung mahal naman nila ang isa't isa. "Ina, bakit po tayo lumayo kay ama? Akala ko po ba mahal ninyo si ama? Bakit po tayo lumayo sa kanya?" ang tan
Read more