Home / Paranormal / Adamantine's Eyes / Chapter 41 - Chapter 50

All Chapters of Adamantine's Eyes: Chapter 41 - Chapter 50

98 Chapters

Chapter 26- The Phantom Club’s Applicants

Natameme naman ako sa ginawa ni Sebastian. Napuno ng sigawan ang classroom dahil paghalik niya sa kamay ko. Mahabaging diyos! Ano na naman ang pinakain ni Rosalia dito? Tumikhim naman si Arius at hinatak ako papalapit sa kanya.  “Pare, ikalma mo ang iyong mga kamay at umupo ka sa iyong pwesto. Bawal ang PDA dito,” ang sambit ni Arius.  Napalingon naman ako kay Arius. Kailan pa naging bad mood ang isang ito? Ngumiti naman si Sebastian at nagulat ako nang bigla niya din akong hinatak. Halos sumubsob ako sa kanyang dibdib dahil sa lakas ng pagkakahila niya.  “Sa pagkakaalala ko wala namang nakukuwento na may nobyo si Ada. Isa pa, sino ka ba?” ang tanong ni Sebastian.  Nakaramdam ako ng tensyon sa pagitan ni Arius at Sebastian ka
Read more

Chapter 27- Lemon’s Unfinished Business

Napatawa naman nang malakas si Calix sa sinabi ni Sebastian. Inilabas ni Calix ang kanyang kopita at itinutok iyon kay Sebastian. Naguguluhan ako sa nangyayari at nagulat ako nang ilabas ni Sebastian ang isang wand. “Nakalimutan kong magpakilala. Ako si Sebastian Von Lunastella,” ang sambit ni Sebastian.Ibinaba naman ni Calix ang kanyang kopita at pinaglaho iyon. Humarap siya kay Arius at tinapik ang balikat niya.“Huwag kang mag-alala. Hindi siya kalaban. Nais lang nilang protektahan si Ada,” ang sambit ni Calix. Naglaho sa kanyang kinatatayuan si Calix at muli akong napatingin sa dalawang kaharap ko ngayon. Ano na naman ba itong araw na ito? Lumapit ako kay Sebastian at hinila ang kwelyo niya. “Sino ka ba talaga? Bakit mo kilala si Calix?” ang tanong ko sa kanila.Inawat naman ako ni Cryon kaya agad akong bumitaw. Tumikhim naman si Cryon kaya natigil sila kami sa pag-aaway.&ldq
Read more

Chapter 28-Missing Popularities (Act 1)

Pinunasan ko ang aking mga mata nang makita ko ang dalawang litrato sa white board. Hindi ko alam pero parang kilala ko ang dalawang babaeng nasa litrato? Saan ko nga ba sila huling nakita? Napasigaw naman ako nang maalala ko kung sino sila! Napakapit naman sa kamay ko si Sebastian at nag-aalala niya akong tiningnan. Ano na naman ba ang trip ng isang ito?  “Anong bang ginagawa mo?” ang tanong ko.  Agad naman siyang binatukan ni Cryon. Napaaray naman si Sebastian at sinamaan niya nang tingin si Cryon. Sumenyas naman si Cryon na makinig sa sinasabi ni Arius. Nasa seryosong sitwasyon kami pero hindi ko alam kung paano nagagawa ni Sebastian ang manantsing sa mga oras na ito. Nagsorry naman ako at muli kong ibinalik ang atensyon ko sa white board. Napasimangot naman si Arius sa ginawa ni Sebastian at pilit na nagpatuloy sa pagpapaliwanag. “Bakit Ada? Kilala mo ba sila?” ang tanong ni Arius. Napataas naman ang kilay ko dahil sa tanong ni Arius. Se
Read more

Chapter 29-Missing Popularities (Act 2)

Iminulat ko ang aking mga mata at natagpuan ko ang sarili ko sa loob ng isang kulungan na yari sa tubig. Akmang hahawakan ko ang tubig nang bigla akong pinigilan ng katulad na nilalang na dumukot sa akin kanina. “Kung ako sa iyo, hindi ko gagawin yan. Masasaktan ka lamang. Dumadaloy sa tubig na iyan ang milyon-milyong boltahe ng kuryente,” ang sambit ng nilalang na nasa labas ng kulungan.Agad kong inilayo ang aking kamay dahil kung hindi magiging barbeqcue ako. Lumingon-lingon ako sa paligid. Hindi ko alam kung parte pa din ba ito ng Mortem Falls. Sinubukan kong tawagin si Aquarius ngunit sumakit lamang ang kanan kong mata ng gawin ko iyon. Ano bang nangyayari?“Inabisuhan ako ni Amang Talon na ang katulad mo ay may kakayahang  makatawag ng mga nilalang mula sa ibang mundo kaya hindi mo sila matatawag. Isa pa, pinipigilan ng kulungan mo ang kakayahan mong tawagin sila,” ang paliwanag niya.  Halos panghinaan a
Read more

Chapter 30-Missing Popularities (Act 3)

Napalingon kami sa may talon nang may bigla kaming narinig na umahon dito at tila hinahabol nila ang kanilang mga hininga. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong iyon ang dalawang babae na hinahanap namin. Agad kaming tumakbo sa pag-asang kasama nila si Ada. Tinulungan ko silang makaahon sa talon at agad kong ibinigay ang coat ko. “Anong nangyari? Nasaan si Ada?” ang tanong ko sa kanila. Naiiyak sila malamang ay dulot ng mga naranasan nila sa mundo ng mga duwendeng manunubig. Umiiling naman yung isang babae at nagkayakapan na lamang sila ng kasama niya. Yung kasama niyang babae ang naglakas loob na nagkwento sa amin.  “N—Naiwan mag-isa sa kweba sa taas ng talon si Adamantine. Itinulak niya kami sa talon para makatakas. Tatalon na sana siya nang hatakin siya ng mga nilalang na nakasagupa namin. M—Malamang ay nilalaban niya pa rin hanggang ngayon ang mga nilalang na iyon!” ang kwento nito sa amin. Naikuyom ko ang mga kamao ko. Hindi ko alam kung
Read more

Chapter 31- The Grim Reaper

Napupuno ng sigaw ang kweba dulot ng aming mga kapangyarihan. Hindi namin dapat hinayaang mangyari ito. Hinigpitan ko ang pagkakayakap ko kay Ada. Iisang salita ang aking binibigkas sa bawat paghabol ni Ada sa kanyang hininga.  “Pakiusap, huwag kang bibitaw!” ang sigaw ko.  Lumapit si Sebastian sa amin pagkatapos niyang sunugin ang bawat duwendeng manunubig. Itinutok niya ang kanyang wand sa sugat ni Ada.  “Nakikiusap ako! Kahit sa pagkakataong ito, makisama ka! Huwag mong hayaang mawala si Ada!” ang sigaw ni Sebastian na halatang pinipilit niya ang wand niya na gamutin si Ada.  Narinig namin ang mga yabag na papalapit at nang tingnan ko kung sino ang mga dumating ay tuluyan nang umagos ang mga luha ko. Sana hindi ko na lang ginawang pagsubok ang kabaliwang ito. “Anong nangyari kay Ada?” ang sigaw ni Gray.  Napaluhod naman lalo si Sebastian sa tindi ng pagod. Hindi ko alam kung makakatulong ba sa sitwasyon ni A
Read more

Chapter 32- The Orphanage Memoir of Father Juan (Act 1)

Patuloy kami sa pagtakas ni Lidagat. Pagdating namin sa labas ng talon ay halos habulin namin ang mga hininga namin. Kasunod naman namin ang spirit ni Arius, ang isa sa dalawampu't dalawang major arcana cards at buhat nito ang katawan kong nag-aagaw buhay lamang kanina.  “Lidagat, anong gagawin natin? Nasa loob pa sina Arius!” ang tanong ko.  “Binibining Ada, magtiwala po tayo sa grupo ni Master Arius. Hindi po sila basta-basta magpapatalo sa kahit sino,” ang sambit nito.  Sumang-ayon naman si Lidagat sa sinabi ng spirit ni Arius. Sa ngayon ay wala naman akong magagawa dahil isa lamang akong pagala-galang kaluluwa. Napahinto naman kami ng pagtakas nang biglang tumigil ang pag-agos ng tubig sa paligid at ang mga puno ay tumigil sa pagsaliw sa dumadaang hangin. Nanatiling nakalutang ang mga dahon sa paligid na para bang pinahinto ang oras sa lugar na iyon. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang isang orasan na nakalutang sa ere. At sa halip n
Read more

Chapter 32- The Orphanage Memoir of Father Juan (Act 2)

Matapos magpakilala sa akin ni Father Juan, nagbago ang pananaw ko sa mundo na hindi lahat ng tao ay masama at hindi lahat ng tao ay mabuti. Tinuruan niya ako kung paano mamumuhay ng normal sa kabila ng pagkakaroon ko ng hindi pangkaraniwan na mga mata. Kung tuwing umaga ay nakikita niya akong matatag at tahimik na bata, iba ang ugali ko tuwing gabi. Sa tuwing sumasapit ang gabi, nagpapakita ang mga nilalang na hindi nakikita ng mga mata. “Tasukete! ” ang sigaw ng kaluluwa ng isang sundalong Hapon. Nakakakilabot ang kanyang boses na siyang nagpapanindig ng aking mga balahibo sa katawan. Wala siyang mata at lumuluha siya ng itim na dugo. Yakap-yakap ko ang libro na hiniram ko sa library ng ampunan. Kahit na pilitin kong huwag pansinin ang kaluluwang nasa harapan ko ay naririndi ako sa kanyang salita na hindi ko maintindihan. Nagulat ako nang halos tumapat sa mukha ko ang kaluluwa ng sundalong hapon. “Watashi wa anata ga watashi o miru koto ga dekiru koto o shitteimasu!” ang sigaw
Read more

Special Chapter- Euthymius

Nakaupo ako sa trono ko habang pinapanood ang mga reaper na kunin ang mga kaluluwang minsang nagpahirap sa anak ko. Kung hindi lang ako ang hari ng kabilang buhay sa mundo ng Vesmir malamang ay nasilayan kong lumaki ang anak ko nang matagal. Mula sa isang marmol na naglalaman ng tubig ay nasisilayan ko ang lahat ng kilos ng aking anak mula sa mundo ng mga mortal. Napatayo ako sa aking trono nang makita kong paulit-ulit na sinaksak ng water elves ang aking anak. “Clay,” ang pagtawag ko sa aking kanang-kamay na reaper. Mula sa anino ko ay lumabas ang isang reaper. Si Clay. Ang isa sa mga bihasang reaper na siyang sumundo sa akin sa mundo ng mga mortal noong minsan akong nagpanggap bilang si Father Juan. Lumuhod si Clay at nagbigay ng paggalang sa akin. “Kamahalan, ipinatawag niyo po ako. May kailangan po ba kayo?” ang tanong ni Clay. Nag-aalala ako sa anak ko. Kahit na kamukha siya ni Athaliah ay kasing ugali ko ang batang iyon. Nais kong masiguradong makakabalik siya sa kataw
Read more

Chapter 33-Lost Memory

Nakasakay sa kanyang kalawit ang reaper na nais kumuha sa kaluluwa ni Ada. Halos habulin namin ang aming mga hininga dahil nasasabayan niya ang aming mga galaw. “Nakakatakot isipin na kayang pigilan ng kwebang ito ang kakayahan ng prinsesa. Hindi ko inakala na may ganitong klaseng lugar sa mundo ng mga mortal,” ang sambit ni Morrigan. Hinigpitan ko ang pagkapit sa aking wand. Hindi ko hahayaang makuha ni Morrigan si Ada! Lalo na’t nangako ako kay ama! Nagpakawala ako ng flame phoenix at agad pinalipad patungo sa direksyon ni Morrigan. Nagulat ako nang biglang may humati sa flame phoenix gamit ang espada. Kahit na si Morrigan ay hindi kayang hatiin iyon kaya isang tao lamang ang kilala kong may kakayahang humati nito. “Clay!” ang sigaw ko. Hindi ko inakalang makikita ko ang lalaking ito dito. Nakahinga naman nang maluwag si Morrigan nang hindi tumama sa kanya ang flame phoenix. “Akala
Read more
PREV
1
...
34567
...
10
DMCA.com Protection Status