Home / Paranormal / Adamantine's Eyes / Chapter 32- The Orphanage Memoir of Father Juan (Act 1)

Share

Chapter 32- The Orphanage Memoir of Father Juan (Act 1)

last update Huling Na-update: 2022-04-11 21:06:39

Patuloy kami sa pagtakas ni Lidagat. Pagdating namin sa labas ng talon ay halos habulin namin ang mga hininga namin. Kasunod naman namin ang spirit ni Arius, ang isa sa dalawampu't dalawang major arcana cards at buhat nito ang katawan kong nag-aagaw buhay lamang kanina. 

“Lidagat, anong gagawin natin? Nasa loob pa sina Arius!” ang tanong ko. 

“Binibining Ada, magtiwala po tayo sa grupo ni Master Arius. Hindi po sila basta-basta magpapatalo sa kahit sino,” ang sambit nito. 

Sumang-ayon naman si Lidagat sa sinabi ng spirit ni Arius. Sa ngayon ay wala naman akong magagawa dahil isa lamang akong pagala-galang kaluluwa. Napahinto naman kami ng pagtakas nang biglang tumigil ang pag-agos ng tubig sa paligid at ang mga puno ay tumigil sa pagsaliw sa dumadaang hangin. Nanatiling nakalutang ang mga dahon sa paligid na para bang pinahinto ang oras sa lugar na iyon. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang isang orasan na nakalutang sa ere. At sa halip n

Locked Chapter
Patuloy ang Pagbabasa sa GoodNovel
I-scan ang code upang i-download ang App

Kaugnay na kabanata

  • Adamantine's Eyes   Chapter 32- The Orphanage Memoir of Father Juan (Act 2)

    Matapos magpakilala sa akin ni Father Juan, nagbago ang pananaw ko sa mundo na hindi lahat ng tao ay masama at hindi lahat ng tao ay mabuti. Tinuruan niya ako kung paano mamumuhay ng normal sa kabila ng pagkakaroon ko ng hindi pangkaraniwan na mga mata. Kung tuwing umaga ay nakikita niya akong matatag at tahimik na bata, iba ang ugali ko tuwing gabi. Sa tuwing sumasapit ang gabi, nagpapakita ang mga nilalang na hindi nakikita ng mga mata. “Tasukete! ” ang sigaw ng kaluluwa ng isang sundalong Hapon. Nakakakilabot ang kanyang boses na siyang nagpapanindig ng aking mga balahibo sa katawan. Wala siyang mata at lumuluha siya ng itim na dugo. Yakap-yakap ko ang libro na hiniram ko sa library ng ampunan. Kahit na pilitin kong huwag pansinin ang kaluluwang nasa harapan ko ay naririndi ako sa kanyang salita na hindi ko maintindihan. Nagulat ako nang halos tumapat sa mukha ko ang kaluluwa ng sundalong hapon. “Watashi wa anata ga watashi o miru koto ga dekiru koto o shitteimasu!” ang sigaw

    Huling Na-update : 2022-04-12
  • Adamantine's Eyes   Special Chapter- Euthymius

    Nakaupo ako sa trono ko habang pinapanood ang mga reaper na kunin ang mga kaluluwang minsang nagpahirap sa anak ko. Kung hindi lang ako ang hari ng kabilang buhay sa mundo ng Vesmir malamang ay nasilayan kong lumaki ang anak ko nang matagal. Mula sa isang marmol na naglalaman ng tubig ay nasisilayan ko ang lahat ng kilos ng aking anak mula sa mundo ng mga mortal. Napatayo ako sa aking trono nang makita kong paulit-ulit na sinaksak ng water elves ang aking anak. “Clay,” ang pagtawag ko sa aking kanang-kamay na reaper. Mula sa anino ko ay lumabas ang isang reaper. Si Clay. Ang isa sa mga bihasang reaper na siyang sumundo sa akin sa mundo ng mga mortal noong minsan akong nagpanggap bilang si Father Juan. Lumuhod si Clay at nagbigay ng paggalang sa akin. “Kamahalan, ipinatawag niyo po ako. May kailangan po ba kayo?” ang tanong ni Clay. Nag-aalala ako sa anak ko. Kahit na kamukha siya ni Athaliah ay kasing ugali ko ang batang iyon. Nais kong masiguradong makakabalik siya sa kataw

    Huling Na-update : 2022-04-13
  • Adamantine's Eyes   Chapter 33-Lost Memory

    Nakasakay sa kanyang kalawit ang reaper na nais kumuha sa kaluluwa ni Ada. Halos habulin namin ang aming mga hininga dahil nasasabayan niya ang aming mga galaw.“Nakakatakot isipin na kayang pigilan ng kwebang ito ang kakayahan ng prinsesa. Hindi ko inakala na may ganitong klaseng lugar sa mundo ng mga mortal,” ang sambit ni Morrigan.Hinigpitan ko ang pagkapit sa aking wand. Hindi ko hahayaang makuha ni Morrigan si Ada! Lalo na’t nangako ako kay ama! Nagpakawala ako ng flame phoenix at agad pinalipad patungo sa direksyon ni Morrigan. Nagulat ako nang biglang may humati sa flame phoenix gamit ang espada. Kahit na si Morrigan ay hindi kayang hatiin iyon kaya isang tao lamang ang kilala kong may kakayahang humati nito.“Clay!” ang sigaw ko.Hindi ko inakalang makikita ko ang lalaking ito dito. Nakahinga naman nang maluwag si Morrigan nang hindi tumama sa kanya ang flame phoenix.“Akala

    Huling Na-update : 2022-04-14
  • Adamantine's Eyes   Chapter 34- Portal Vortex

    Nakatulog na si Ada dahil sa sakit ng kanyang ulo. Wala ni isa sa amin ang gustong bumasag ng katahimikan nang dahil sa biyahe. Ayon kay Amaranthine, nangyayari ang pagkawala ng alaala dahil sa trauma na idinulot ng isang pangyayari sa katawan ng tao. Nalaman rin namin na tumama sa ibabang parte ng stalagmite ang ulo ni Ada kaya nawalan ito ng alaala.Pumindot naman sa kanyang telepono si Arius at may tinawagan siya doon.“Hello, Lola. Magtungo kayo ngayon sa Pilipinas. Ngayon na! May masama akong balita tungkol kay Ada. Alam kong isa kayo sa makakatulong sa amin ngayon,” ang sambit ni Arius at nawala na ang komunikasyon niya sa kanyang kausap.Tiningnan naman siya ni Gray na kasalukuyang nagmamaneho. Alam kong nagagalit din siya sa sarili niya dahil sa nangyari kay Ada. Napalingon ako sa paligid at napansin kong hindi pamilyar sa akin ang daan.“Saan ba tayo pupunta?” ang tanong ko kay Gray.Tanging

    Huling Na-update : 2022-04-15
  • Adamantine's Eyes   Chapter 35-Madamoiselle With No Memory (Act 1)

    Nakaupo ako sa isang opisina. Ang kwento sa akin nina Arius ay dito namin kikitain ang tutulong sa amin. Hindi ko alam kung anong klaseng tulong ang kailangan namin. Nagtataka nga ako dahil wala akong maalala tungkol kay Arius o kahit sa ibang kasama namin. Wala akong maalala sa mga panahon na kasama sila. Kahit na ang sarili kong pangalan hindi ko maalala. “Ano bang nangyayari, Arius? Bakit kailangan nating hintayin si Seraphine?” ang tanong ng isang madre. “Ada, ano bang nangyayari?” ang tanong ng isa pang madre ngunit mas bata pa ito sa naunang madre na nagsalita. Napatingin ako sa kanila na tila hinihintay magsalita. Ada? Sino ba ang tinutukoy nila? Pangalan ko ba ang Ada? Naiiyak na ako dahil hindi ko alam ku

    Huling Na-update : 2022-04-16
  • Adamantine's Eyes   Chapter 36- Madamoiselle With No Memory (Act 2)

    Naglalakad ako sa kadiliman ng isang kweba. Ramdam ko ang lamig na nagmumula dito at halos matalakid ako ng mga batong nakapalibot dito. Nang maabot ko na ang liwanag ng kweba ay nakita ko ang isang ataul. Sumilip ako at laking gulat ko nang makita ko ang sarili ko doon. Niyakap ko ang sarili ko dahil sa natatakot ako. Nakakadena ang mga kamay at paa nito. Napalingon naman ako nang makita ko ang isang salamin. Nakita ko ang repleksyon ko sa salamin ngunit may kakaiba dito. Lila ang buhok nito at pula naman ang kulay ng kanyang mga mata. May umakbay sa balikat ko at unti-unti akong lumingon. Nagulat ako nang makita ko ang babaeng nahihimlay sa ataul ay nakatayo na sa tabi ko. “Kahit na anong mangyari, huwag mong pakakawalan ang nilalang na nasa salamin. Kamatayan lamang ang maghihintay sa

    Huling Na-update : 2022-04-17
  • Adamantine's Eyes   Chapter 37-The Spirit With Night Sky Eyes (Act 1)

    Muling nakatulog si Ada pagkatapos nang nangyari kanina. Nagiging lapitin talaga ng mga kaluluwa sa pagkakawala ng alaala niya. Napatingala naman ako sa langit at sinilip kung makikita ko ang senyales na nagbalik na si Reyna Athaliah. Ngunit wala akong makita marka sa buwan.“Nasaan ka na ba? Naghihintay na sa’yo ang anak mo,” ang sambit ko.Dinamdam ko ang hangin na siyang dumadampi sa aking balat. Muli kong kinuha ang octahedron crystal sa aking bulsa. Tinapik ko iyon ng dalawang beses at muli kong napakinggan ang musikang nilikha para sa akin ni Athaliah.Muling nanumbalik sa aking alaala ang naging pamumuhay sa mundo ng Vesmir. Nahahati sa dalawang kontinente ang Vesmir. Ang Edoris at ang Tobria. Sa Edoris, matatagpuan ang mga Celestial Mage at samantalang sa Tobria naman ang mga Astral Mage. Magkaiba ng prinsipyo ang dalawang lahi kaya ilang milenyo na ring naglalaban ang dalawang kontinente. Tanging si Athaliah lamang ang nakapagpatigil sa dalawang lahi.Isa siyang diyosa kahit n

    Huling Na-update : 2022-04-18
  • Adamantine's Eyes   Chapter 38-The Spirit With Night Sky Eyes (Act 2)

    Simula nang makilala ko ang reyna ay sumumpa ako nang katapatan sa kanya. Susundin ko siya kahit na anong mangyari. Sa bawat araw na kasama ko ang reyna ay pansamantala kong nalilimutan ang tungkol sa pagkamatay ko. Gaya nga ng sinabi ng reyna ay isinantabi ko ang pagkakaiba namin ng ibang spirit. Ngayong araw ay bumisita ang hari ng kabilang buhay. Si Haring Euthymius. Itim ang kanyang buhok na umaabot hanggang bewang kahit na nakatali ito. Lila naman ang kulay ng kanyang mga mata at matipuno ang pangangatawan nito. Baritono ang kanyang boses kaya damang-dama mo ang lamig at awtoridad sa tuwing nagsasalita siya. Bagamat malaki ang pagkakaiba ng hari at reyna, iisang layunin naman ang kanilang pinaiiral. Ang kapayapaan sa pagitan ng buhay at ng mga sumakabilang buhay. Sino

    Huling Na-update : 2022-04-20

Pinakabagong kabanata

  • Adamantine's Eyes   Epilogue

    Nakatayo sa isang helipad si Arius at lumapit sa kanya si Calix. Pinagmamasdan nila ang kagandahan ng siyudad sa kalaliman ng gabi bagamat hindi maipagkakaila na lumalaganap na naman ang organisasyon ng mga bampira na siyang tumutuligsa sa layunin ng mga spirit meisters at exorcists na panatilihin ang kaligtasan ng bawat lahi. Iniabot ni Calix ang isang crystal at tiningnan iyong maigi ni Arius. “Alam ba ni Ada ang ginagawa mo?”ang tanong ni Calix. “Wala ngayon si Ada. Nasa Singapore siya dahil sa may dinevelop siyang bagong program para sa mga exorcist,”ang sagot ni Arius at napailing si Calix sa sinagot nito. Nababagabag si Arius lalo na’t hindi pa handa ang mga naiwang miyembro ng Phantom Club upang labanan ang ganitong uri ng organisasyon. Para kay Arius ay ayaw na niyang maulit ang nakaraan dahil minsan na niyang nailagay sa kapahamakan ang buhay ni Ada. “Handa ka na ba, Arius?” ang tanong ni Calix. Ngumisi lamang si Arius at inilabas niya ang isang tarot card. Ang Ace

  • Adamantine's Eyes   Chapter 79-New Members of Phantom Club

    Huling taon na namin sa kolehiyo. Nagkahiwa-hiwalay kami ng klase dahil nga mga irregulars kami noong una kaming magkita nina Arius at Gray. Sino bang mag-aakala na ang mokong na si Gray ay isang mechanical engineering student at si Arius naman ay isang psychology student. Nahiya naman ako sa mga mokong dahil pang-ibang level ang kanilang mga utak. Hindi na ako magtataka kung bakit ganun na lamang ang kanilang mga pag-iisip. Kakatapos ko lang magpresent ng thesis at masasabi kong finally ang gradwaiting ay nag-level up na sa graduating! Totoo na talaga ito! Habang lutang pa ako sa dahil sa ilang buwan din akong puyat dulot ng revision ng thesis, bumangga ako sa isang pader. Mukhang wala nang epekto sa akin ang purong kape na iniinom ko. May nakakapa pa akong mala-pandesal na parte sa tiyan nito at nang lalayo na ako ay laking gulat ko nang bigla na lang siyang nagsalita. “You should looked on your way. I don’t know what Kuya Arius find interesting about you but you look plain,” ang s

  • Adamantine's Eyes   Chapter 78-The Last Embrace Of A Mother

    Bumabalik sa aking isipan ang mga nangyari sa Vesmir. Halos tatlong buwan na rin ang nakakalipas simula nang mabuo ang Phantom Club. Hindi ko lubos maisip na lilisanin na namin ang mundong iyon upang gawin ang aming tungkulin bilang member ng Phantom Club. Sa ilang buwan na pamamalagi namin sa Colegio De Santa Carmen ay maraming kaluluwa na rin ang natulungan naming makatawid sa kabilang buhay. Sa pagkakataong ito ay isang kaluluwa na lamang ang aming tutulungang makatawid sa kabilang buhay. Ang kaluluwang naging mahalaga para kay Gray. Si Tita Portia. Nakaupo kaming lahat sa sofa ng clubroom at hinihintay naming matapos ang pag-uusap ni Gray at Tita Portia. “Sigurado ka na ba, Gray? Kaya mo na ang mag-isa?” ang tanong ni Tita Portia habang umiiyak. Isa sa pinakamahirap na sitwasyon para sa isang ina ay ang iwan ang kanya’ng anak. Ngunit ito ang batas ng mundo. Kailangan niyang umalis upang makasama ang maykapal. Lalo na’t hindi dapat gumagala ang mga kaluluwang katulad niya. Tumun

  • Adamantine's Eyes   Chapter 77-Miss Amaranthine’s Farewell Letter

    Natulala ako sa sinabi ni Sebastian. Kung gan’on, hindi lang pala kami kay Calix magpapaalam? Nabalot ng katahimikan ang buong silid dahil sa hindi lang isa, kundi tatlong kaibigan pala ang magpapaalam sa amin. Mamimiss ko ang kaingayan ni Miss Amaranthine kapag lasing siya. Mamimiss ko ang pang-aasar ni Manong Curtis kay Miss Amaranthine. At higit sa lahat mamimiss ko ang pagiging masungit ni Calix sa araw-araw. Humihikbi ako dahil ang sakit sa pakiramdam na kailangan mong magpaalam sa kanila at hindi ko maisip ang isang araw na wala sila. “Ada, ilabas mo lang iyan. Alam kong masakit. Sana noon pa lamang ay may nagawa kami upang pigilan ang digmaan,. Ngunit may batas ang mundo ang ang aming sinusunod upang mapanatili ang balanse nito. Hindi lahat ng nagpapaalam ay malungkot. Isipin mo na lamang na ito ang simula ng panibagong yugto ng kanilang buhay,”ang sambit ni Mama. Pilit akong pinatatahan ni Mama. Nanumbalik sa akin ang mga panahon na kasama ko si Calix, si Miss Amaranthine

  • Adamantine's Eyes   Chapter 76- Farewell, Vesmir

    Nakaupo kaming lahat sa dining hall. Nakalapag sa harap namin ang isang red velvet cake. Katahimikan ang bumabalot sa paligid at ni isa sa amin ay walang gustong bumasag ng katahimikan. Hindi ako mahilig sa matamis dahil pinagcrecrave ko ngayon ay ang spicy omelette na laging niluluto ni Ada. Mahilig ako sa maanghang na pagkain.Pero sa sitwasyon ngayon hindi ko alam kung makaka Kumukulo ang dugo ni Haring Euthymius sa ginawa ni Arius kay Ada. Ikaw ba naman, mahuli mong maghahalikan ang anak mo at kanya’ng kaibigan. Pilit namang pinapakalma ni Cryon si Sebastian dahil nakarating sa kanya ang ginawa ni Arius na paghalik sa labi ni Ada. Tsk. Tsk. Iba talaga ang ganda ni Ada. “Kailan pa kayo may relasyon?”ang tanong ni Haring Euthymius. Nakapangingilabot ang boses ng papa ni Ada kaya hindi ko alam ang nararamdaman ni Arius. Pero kung sakaling mamatay si Arius dahil sa maaaring gawin ni Haring Euthymius sa kanya, good luck na lang sa kanya at bawi na lamang siya next life. Pero mukhang

  • Adamantine's Eyes   Chapter 75-I’m Back

    Nasa madilim na silid ako at nagmumukmok ako dahil pa rin sa pagkawala ni Calix. Hindi ko alam kung may lugar pa ba akong babalikan o makakaya ko bang harapin ang bukas kahit na wala na si Calix. Buong buhay ko ay lagi akong naka-depende kay Calix. Nakalimutan kong may pusong mortal si Calix at kailangan niya rin ng panahon para sa sarili niya. Nakarinig ako ng yabag at nakita ko ang isang magandang babae na may headdress na sungay. Maputla ang kanya’ng balat at mas mapula pa sa dugo ang kanya’ng labi. Purong itim ang kanya’ng kasuotan at may gintong tungkod siyang hawak. “Hanggang kailan mo balak magmukmok sa lugar na ito?”ang tanong niya sa akin. Napatingala ako ngunit muli akong napatungo sa tuwing naalala kong halos masaktan ko sina Arius. “Hindi ko alam. Dahil hanggang ngayon, hindi ko pa rin napapatawad ang sarili ko sa pagkawala ni Calix,” ang sagot ko. Sa totoo lang, nahihiya ako dahil sa muntik na akong mamatay dahil sa pagiging makasarili ko. Ginawa nila ang lahat upang

  • Adamantine's Eyes   Chapter 74-God of Restoration

    Ilang araw din ang lumipas matapos ang digmaan sa pagitan ng mga Celestial at Astral Mages. Hanggang ngayon ay wala pa ring malay si Ada. Nagsisimula nang ibangong muli ng mga Celestial Mages ang kontinente ng Edoris para sa bagong simula. Tumutulong naman ang walumpu’t pitong constellation sa pagtatayo ng mga gusali. Ngayong wala na si Calix, hindi ko na alam kung may pag-asa pa bang mabuong muli ang mga constellation. Ang espadang ginamit ni Spigel upang paslangin si Calix ay aking itinabi sa lugar na hindi maaabot ng sino mang taga-Vesmir. Alam kong balang-araw ay magagamit ko iyon sa tamang panahon. Dumating si Lola Seraphine sa mundo ng Vesmir ngunit hindi sa kanya’ng matandang kaayuan.Nakabusangot naman si Lolo Elion dahil pinagmamasdan ng mga lalaking Celestial Mages si Lola Seraphine. Nang makita niya si Ada na nagpapahinga ay napailing na lamang siya. Sinilip niya ang kalagayan ni Ada kaya naman tumingin siya sa magulang ni Ada. “Hindi ko inakalang muli kong makikita ang bat

  • Adamantine's Eyes   Chapter 73- Adamantine’s Eyes

    Matapos ipikit ni Calix ang kanya’ng mga mata, nakita ko ang unti-unting paglalaho ng kanya’ng katawan. Inalog-alog ko ang kanya’ng katawan baka sakaling niloloko lamang ako ni Calix. “Calix, hindi magandang biro ito! Gumising ka! Huwag mo akong iwan! Di ba malakas! Huwag mo akong iwan!”ang sigaw ko. Hindi na muling iminulat ni Calix ang kanya’ng mga mata hanggang sa huling sulyap ko sa kanya’ng maamong mukha kapag tulog. Muling pumatak ang luha ngunit alam kong kahit na ano’ng gawin ko ay hindi na nito maibabalik ang buhay ni Calix. “Hindi na ako maiinis sa mga sermon mo! Kaya please lang imulat mo ang mga mata mo, Calix!” ang sigaw ko. Kahit na ano’ng sigaw ko, alam kong hindi na ako naririnig ni Calix. Hindi ko na maririnig ang kanya’ng sermon sa tuwing nagpapalit ako ng damit kahit na nasa loob pa siya ng kwarto. Hindi ko na maririnig ang kanya’ng pagsusungit sa tuwing may ginagawa akong kalokohan. Hindi ko naisip na darating ang araw na ito. Akala ko walang hangganan ang buhay

  • Adamantine's Eyes   Chapter 72-Chalice Bearer

    Sa pagsigaw ni Athaliah ng Constellation Code Spell, Nagliwanag ang walumpu’t walong constellation na siyang itinalaga ni Athaliah. Napalitan ng battle attire ang aming mga kasuotan na siyang matagal nang pinaghandaan ni Athaliah. “Ipagtanggol ninyo ang naapi! Ipaglaban ninyo ang tama! Para sa kinabukasan ng Vesmir!” ang sigaw ni Athaliah. Nagsimula ang pakikipaglaban namin sa mga Astral Mages. Ginawa kong espada ang tubig na nagmula sa kopita. Nakangisi naman si Phoenix habang sinusunog niya ang mga Astral Mages. “Handa ka na bang ipagpatuloy ang naudlot nating kompetisyon?” ang tanong ni Nether. Ngumisi lamang ako dahil sa tingin niya ba ay masyado na akong matanda para malimutan ang nasimulan namin? “Hindi ako ulyanin upang malimutan ang ating paligsahan, Nether, ”ang paalala ko sa kanya. Tumalsik naman sa aming harapan ang isang malaking shield at hinarangan nito ang isang malakas na atake mula kay Spigel. “Kung may panahon kayo upang magpaligsahan, sana ay may panahon r

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status