Naglalakad ako sa kadiliman ng isang kweba. Ramdam ko ang lamig na nagmumula dito at halos matalakid ako ng mga batong nakapalibot dito. Nang maabot ko na ang liwanag ng kweba ay nakita ko ang isang ataul. Sumilip ako at laking gulat ko nang makita ko ang sarili ko doon. Niyakap ko ang sarili ko dahil sa natatakot ako. Nakakadena ang mga kamay at paa nito. Napalingon naman ako nang makita ko ang isang salamin. Nakita ko ang repleksyon ko sa salamin ngunit may kakaiba dito. Lila ang buhok nito at pula naman ang kulay ng kanyang mga mata.
May umakbay sa balikat ko at unti-unti akong lumingon. Nagulat ako nang makita ko ang babaeng nahihimlay sa ataul ay nakatayo na sa tabi ko.
“Kahit na anong mangyari, huwag mong pakakawalan ang nilalang na nasa salamin. Kamatayan lamang ang maghihintay sa
Baka po gusto ninyong tugtugin yung music na pinapakinggan nila. Ito po yung Music notes. PS. Kinompose ko po ito. Night Sky Eyes A1 B3 C4 C2 B4 A5 A3 A1 B3 C2 C4 C2 B1 B4 B4 B5 AS A3 B2 c3 B4 B2 C4 CS A1 B3 B4 C1 B4 B5 A5 A1 B2 c3 C4 B5 B1 B3 A4 A1 B1 A4 C3 B4 B2 C4 B1 A4 A3 A1 A5 B4 C2 C1 C4 B3 B4 C4 C3 C2 B5 B1 B3 C4 C2 B5 A5 A2 A1 B3 C3 B4 B1 A5 A4 B2 A3 C4 C2 C1 B4 B1 A2 A4 AS C4 C3 C1 B3 B5 C4 A1 B3 B4 BS B1 B2 C4 B4 A4 B5 B2 B2 A4 AS B1 C3 C4 C2 B2 A1 B3 A4 AS A1 B2 B4 C4 A2 A3 A4 A1 A3 C1 C2 A3
Muling nakatulog si Ada pagkatapos nang nangyari kanina. Nagiging lapitin talaga ng mga kaluluwa sa pagkakawala ng alaala niya. Napatingala naman ako sa langit at sinilip kung makikita ko ang senyales na nagbalik na si Reyna Athaliah. Ngunit wala akong makita marka sa buwan.“Nasaan ka na ba? Naghihintay na sa’yo ang anak mo,” ang sambit ko.Dinamdam ko ang hangin na siyang dumadampi sa aking balat. Muli kong kinuha ang octahedron crystal sa aking bulsa. Tinapik ko iyon ng dalawang beses at muli kong napakinggan ang musikang nilikha para sa akin ni Athaliah.Muling nanumbalik sa aking alaala ang naging pamumuhay sa mundo ng Vesmir. Nahahati sa dalawang kontinente ang Vesmir. Ang Edoris at ang Tobria. Sa Edoris, matatagpuan ang mga Celestial Mage at samantalang sa Tobria naman ang mga Astral Mage. Magkaiba ng prinsipyo ang dalawang lahi kaya ilang milenyo na ring naglalaban ang dalawang kontinente. Tanging si Athaliah lamang ang nakapagpatigil sa dalawang lahi.Isa siyang diyosa kahit n
Simula nang makilala ko ang reyna ay sumumpa ako nang katapatan sa kanya. Susundin ko siya kahit na anong mangyari. Sa bawat araw na kasama ko ang reyna ay pansamantala kong nalilimutan ang tungkol sa pagkamatay ko. Gaya nga ng sinabi ng reyna ay isinantabi ko ang pagkakaiba namin ng ibang spirit. Ngayong araw ay bumisita ang hari ng kabilang buhay. Si Haring Euthymius. Itim ang kanyang buhok na umaabot hanggang bewang kahit na nakatali ito. Lila naman ang kulay ng kanyang mga mata at matipuno ang pangangatawan nito. Baritono ang kanyang boses kaya damang-dama mo ang lamig at awtoridad sa tuwing nagsasalita siya. Bagamat malaki ang pagkakaiba ng hari at reyna, iisang layunin naman ang kanilang pinaiiral. Ang kapayapaan sa pagitan ng buhay at ng mga sumakabilang buhay. Sino
Napaluhod ako sa lupa at nawala ang barrier na nakapalibot sa amin. Mabilis kaming tumakas ni Ada patungo sa chapel. Naglaho din ang katawan ng Astral Mage na nakalaban ko kanina. Inihiga ko siya sa upuan ng chapel. Nagpatuloy sa pagdurugo ang kanyang braso kaya labis ang inis na naramdaman ko sa Astral Mage. Tumayo ako at lumayo ako ng kaunti. Itinapat ko ang palad ko sa ibabaw ng kopita at binanggit ang incantation. “Tubig na nagmumula sa kopita, Iyong ipagkaloob ang kagalingang dala Tubig na siyang dito nagmumula gamutin ang pinsala , Nakikiusap, nagsusumamo, pakinggan Ang lumalabang sugatan,” ang sambit ko. Kung ang kopita ay kaya kang ipaglaban, kaya rin nitong gamutin ang sugat na natamo sa laban. Lumutang naman ang bawat patak ng tubig na siyang nagmumula sa kopita at naglakbay iyon patungo sa sugat ni Ada. Nagliliw
Nakatakas ang prinsesa sa mga kamay ko at kinailangan ko pang iwasan ang mga kadena ng Celestial Spirit na nasa katawan ng mortal na kaharap ko ngayon. Ang mas nakakatakot pa ay napalakas ng mortal ng sampung beses ang kanyang lakas. Halos mabalian na ako ng buto dahil sa pagbalibag na ginawa niya sa akin. Tumigil na rin sa pag-ilaw ang singsing. Nakalayo na ang prinsesa. Sinamaan ko ng tingin ang babaeng nasa harap ko ngayon dahil panira siya ng plano. “Huwag mong gagalawin ang prinsesa! Kung ayaw mong kalimutan kong minsan akong naging parte ng lahi ninyo!” ang sigaw nito. Rosas na mga mata. Ayon sa kasaysayan na inilathala ng mga Astral Mages, isang babae ang nagtaksil sa lahi ng mga Astral Mage dahil sa napagod ito sa ilang siglo ng digmaan. Kaya naman pinatay siya ng aming lolo. Humalakhak naman ako sa napagtanto ko. Ang babaeng kaharap ko ngayon. Hindi lang siya basta spirit o kaya naman ay Astral mage. Siya ang makasaysayang babae na unang tumaligsa sa sarili niyang lahi.
Bumalik sa kuta ng mga Astral Mages si Spigel dala ang isang masamang balita sa kanyang ama. Humarap kay Spigel si Haring Pleiades at nagbigay galang naman si Spigel sa pamamagitan ng pagluhod. “Siguraduhin mong magandang balita ang ihahatid mo, Spigel. Ayaw kong kahihiyan ang dadalhin mo sa akin sa oras na ito,” ang sambit ni Haring Pleiades. Hindi pa man naibubuka ni Spigel ang kanyang bibig ay mababakas sa mukha nito ang pagkadismaya. Ganito na lamang niya ikahiya si Spigel sa lahi ng mga Astral Mages. “Natagpuan ko na po ang prinsesa sa mundo ng mga mortal, ama,” ang sambit ni Spigel. Mapakla itong tumawa at tinitigan nang matalim si Spigel sa mga mata nito. Alam niyang hindi nagtagumpay si Spigel sa pagkuha sa prinsesa. Lalo na't alam niyang hindi hahayaan ni Reyna Athaliah at Haring Euthymius ang makuha ng mga Astral Mages si Ada. “At hindi mo siya nadala dito, tama ba? Wala ka talagang kwenta!” ang sigaw ni Haring Pleiades. Mas lalo namang napatungo si Spigel sa sigaw ng
NAGISING ako sa isang hindi pamilyar na lugar. Napakapayapa ng lugar at tanging ulap at kalmadong tubig alat ang aking nakikita. Malinaw kong nakikita ang repleksyon ng aking sarili sa tubig. Nagtataka ako dahil ilang segundo lamang ay naging pula ang aking mata at lila ang aking buhok bago ito muling bumalik sa dati kong hitsura. Hinanap ko kung may iba pang tao sa paligid ngunit ni isa ay wala akong natatanaw. Niyakap ko ang aking sarili dahil nadadama ko ang malamig na simoy ng hangin sa aking balat. Naalala ko na kasama ko kanina si Calix. “Calix? Nasaan ka?” ang tanong ko. Naghintay ako na marinig ang sagot ni Calix ngunit wala akong narinig na sagot. Patuloy akong naglakad walang buhay na paraiso ngunit wala pa rin akong nakikita ni isang tao. “Nasaang lupalop na ba ako ng mundo? Baka naman patay na ako?” ang saad ko. Wala na akong pake kahit na mabasa ang puti kong damit kaya umupo na lamang ako sa tubig. Napabuntung-hininga na lang ako niyakap ko ang aking mga binti. Tumul
Nakarating na ako sa kailaliman ng lawa. Naipikit ko ang aking mga mata dulot ng kakapusan ng hangin. Pakiramdam ko ay humila sa akin na galamay. Pinilit kong makawala ngunit wala akong lakas upang kumawala. Nang imulat ko ang aking mga mata ay natagpuan ko ang aking sarili sa pampang ng lawa. Basang-basa ang aking kasuotan dulot ng pagtalon ko sa lawa. Hinabol ko ang aking hininga at humiga ako pansamantala sa damuhan. “Bakit ako bumalik sa pampang? Nasaan si Traümerei? Nagsimula na ba ang pagsubok ko?” ang tanong ko. Nang nagkaroon na ako ng lakas ay naglakad-lakad ako sa paligid upang hanapin ang lugar kung saan magsisimula ng aking pagsubok. Ilang oras na ang lumipas, sa aking paglalakad ay nakaramdam ako ng pagod at pinili ko na lamang munang magpahinga. Sumilong ako sa ilalim ng isang puno at bagnas pawis akong naupo sa da “Ano’ng ginagawa mo rito?” ang tanong ng isang binata. Napatayo naman si Ada at laking gulat niya nang makita niyang kamukha ito ni Arius. Nilapitan niy
Pinilit kong bumangon ngunit pinigilan ako ni Amaranthine. Naririnig ko ang malakas na pagsabog mula sa labas at alam kong may kinalaman sina Arius sa kaguluhan sa labas.“Ano ba talaga ang nangyayari sa labas? Kailangan kong puntahan sina Arius!” ang sambit ko kay Amaranthine.Umiling naman si Amaranthine. Alam kong sandamakmak na sermon ang kanyang pakakawalan. Napakapit naman ako sa aking braso dulot ng tamaan ako ng atake ng isang misteryosong lalaki kanina. Ano bang kailangan niya?“Kung lalabas ka, may maitutulong ka ba? Wala naman ‘di ba? Kaya mas magandang manatili ka na lamang dito sa loob. Isa pa, ikaw ang puntirya ng kanilang kinakalaban sa labas. Kaya huwag mong sayangin ang sakripisyo nila sa pakikipaglaban nila upang protektahan ka,” ang sambit ni Amaranthine. Naikuyom ko ang aking kamao. Gustung-gusto kong tumulong. Napakahina ko talagang nilalang. Gusto kong maigalaw ito pero tanging pagkuyom lamang ang aking nagagawa. Naiinis ako dahil ultimong simpleng gawain katula
Nakatayo sa isang helipad si Arius at lumapit sa kanya si Calix. Pinagmamasdan nila ang kagandahan ng siyudad sa kalaliman ng gabi bagamat hindi maipagkakaila na lumalaganap na naman ang organisasyon ng mga bampira na siyang tumutuligsa sa layunin ng mga spirit meisters at exorcists na panatilihin ang kaligtasan ng bawat lahi. Iniabot ni Calix ang isang crystal at tiningnan iyong maigi ni Arius. “Alam ba ni Ada ang ginagawa mo?”ang tanong ni Calix. “Wala ngayon si Ada. Nasa Singapore siya dahil sa may dinevelop siyang bagong program para sa mga exorcist,”ang sagot ni Arius at napailing si Calix sa sinagot nito. Nababagabag si Arius lalo na’t hindi pa handa ang mga naiwang miyembro ng Phantom Club upang labanan ang ganitong uri ng organisasyon. Para kay Arius ay ayaw na niyang maulit ang nakaraan dahil minsan na niyang nailagay sa kapahamakan ang buhay ni Ada. “Handa ka na ba, Arius?” ang tanong ni Calix. Ngumisi lamang si Arius at inilabas niya ang isang tarot card. Ang Ace
Huling taon na namin sa kolehiyo. Nagkahiwa-hiwalay kami ng klase dahil nga mga irregulars kami noong una kaming magkita nina Arius at Gray. Sino bang mag-aakala na ang mokong na si Gray ay isang mechanical engineering student at si Arius naman ay isang psychology student. Nahiya naman ako sa mga mokong dahil pang-ibang level ang kanilang mga utak. Hindi na ako magtataka kung bakit ganun na lamang ang kanilang mga pag-iisip. Kakatapos ko lang magpresent ng thesis at masasabi kong finally ang gradwaiting ay nag-level up na sa graduating! Totoo na talaga ito! Habang lutang pa ako sa dahil sa ilang buwan din akong puyat dulot ng revision ng thesis, bumangga ako sa isang pader. Mukhang wala nang epekto sa akin ang purong kape na iniinom ko. May nakakapa pa akong mala-pandesal na parte sa tiyan nito at nang lalayo na ako ay laking gulat ko nang bigla na lang siyang nagsalita. “You should looked on your way. I don’t know what Kuya Arius find interesting about you but you look plain,” ang s
Bumabalik sa aking isipan ang mga nangyari sa Vesmir. Halos tatlong buwan na rin ang nakakalipas simula nang mabuo ang Phantom Club. Hindi ko lubos maisip na lilisanin na namin ang mundong iyon upang gawin ang aming tungkulin bilang member ng Phantom Club. Sa ilang buwan na pamamalagi namin sa Colegio De Santa Carmen ay maraming kaluluwa na rin ang natulungan naming makatawid sa kabilang buhay. Sa pagkakataong ito ay isang kaluluwa na lamang ang aming tutulungang makatawid sa kabilang buhay. Ang kaluluwang naging mahalaga para kay Gray. Si Tita Portia. Nakaupo kaming lahat sa sofa ng clubroom at hinihintay naming matapos ang pag-uusap ni Gray at Tita Portia. “Sigurado ka na ba, Gray? Kaya mo na ang mag-isa?” ang tanong ni Tita Portia habang umiiyak. Isa sa pinakamahirap na sitwasyon para sa isang ina ay ang iwan ang kanya’ng anak. Ngunit ito ang batas ng mundo. Kailangan niyang umalis upang makasama ang maykapal. Lalo na’t hindi dapat gumagala ang mga kaluluwang katulad niya. Tumun
Natulala ako sa sinabi ni Sebastian. Kung gan’on, hindi lang pala kami kay Calix magpapaalam? Nabalot ng katahimikan ang buong silid dahil sa hindi lang isa, kundi tatlong kaibigan pala ang magpapaalam sa amin. Mamimiss ko ang kaingayan ni Miss Amaranthine kapag lasing siya. Mamimiss ko ang pang-aasar ni Manong Curtis kay Miss Amaranthine. At higit sa lahat mamimiss ko ang pagiging masungit ni Calix sa araw-araw. Humihikbi ako dahil ang sakit sa pakiramdam na kailangan mong magpaalam sa kanila at hindi ko maisip ang isang araw na wala sila. “Ada, ilabas mo lang iyan. Alam kong masakit. Sana noon pa lamang ay may nagawa kami upang pigilan ang digmaan,. Ngunit may batas ang mundo ang ang aming sinusunod upang mapanatili ang balanse nito. Hindi lahat ng nagpapaalam ay malungkot. Isipin mo na lamang na ito ang simula ng panibagong yugto ng kanilang buhay,”ang sambit ni Mama. Pilit akong pinatatahan ni Mama. Nanumbalik sa akin ang mga panahon na kasama ko si Calix, si Miss Amaranthine
Nakaupo kaming lahat sa dining hall. Nakalapag sa harap namin ang isang red velvet cake. Katahimikan ang bumabalot sa paligid at ni isa sa amin ay walang gustong bumasag ng katahimikan. Hindi ako mahilig sa matamis dahil pinagcrecrave ko ngayon ay ang spicy omelette na laging niluluto ni Ada. Mahilig ako sa maanghang na pagkain.Pero sa sitwasyon ngayon hindi ko alam kung makaka Kumukulo ang dugo ni Haring Euthymius sa ginawa ni Arius kay Ada. Ikaw ba naman, mahuli mong maghahalikan ang anak mo at kanya’ng kaibigan. Pilit namang pinapakalma ni Cryon si Sebastian dahil nakarating sa kanya ang ginawa ni Arius na paghalik sa labi ni Ada. Tsk. Tsk. Iba talaga ang ganda ni Ada. “Kailan pa kayo may relasyon?”ang tanong ni Haring Euthymius. Nakapangingilabot ang boses ng papa ni Ada kaya hindi ko alam ang nararamdaman ni Arius. Pero kung sakaling mamatay si Arius dahil sa maaaring gawin ni Haring Euthymius sa kanya, good luck na lang sa kanya at bawi na lamang siya next life. Pero mukhang
Nasa madilim na silid ako at nagmumukmok ako dahil pa rin sa pagkawala ni Calix. Hindi ko alam kung may lugar pa ba akong babalikan o makakaya ko bang harapin ang bukas kahit na wala na si Calix. Buong buhay ko ay lagi akong naka-depende kay Calix. Nakalimutan kong may pusong mortal si Calix at kailangan niya rin ng panahon para sa sarili niya. Nakarinig ako ng yabag at nakita ko ang isang magandang babae na may headdress na sungay. Maputla ang kanya’ng balat at mas mapula pa sa dugo ang kanya’ng labi. Purong itim ang kanya’ng kasuotan at may gintong tungkod siyang hawak. “Hanggang kailan mo balak magmukmok sa lugar na ito?”ang tanong niya sa akin. Napatingala ako ngunit muli akong napatungo sa tuwing naalala kong halos masaktan ko sina Arius. “Hindi ko alam. Dahil hanggang ngayon, hindi ko pa rin napapatawad ang sarili ko sa pagkawala ni Calix,” ang sagot ko. Sa totoo lang, nahihiya ako dahil sa muntik na akong mamatay dahil sa pagiging makasarili ko. Ginawa nila ang lahat upang
Ilang araw din ang lumipas matapos ang digmaan sa pagitan ng mga Celestial at Astral Mages. Hanggang ngayon ay wala pa ring malay si Ada. Nagsisimula nang ibangong muli ng mga Celestial Mages ang kontinente ng Edoris para sa bagong simula. Tumutulong naman ang walumpu’t pitong constellation sa pagtatayo ng mga gusali. Ngayong wala na si Calix, hindi ko na alam kung may pag-asa pa bang mabuong muli ang mga constellation. Ang espadang ginamit ni Spigel upang paslangin si Calix ay aking itinabi sa lugar na hindi maaabot ng sino mang taga-Vesmir. Alam kong balang-araw ay magagamit ko iyon sa tamang panahon. Dumating si Lola Seraphine sa mundo ng Vesmir ngunit hindi sa kanya’ng matandang kaayuan.Nakabusangot naman si Lolo Elion dahil pinagmamasdan ng mga lalaking Celestial Mages si Lola Seraphine. Nang makita niya si Ada na nagpapahinga ay napailing na lamang siya. Sinilip niya ang kalagayan ni Ada kaya naman tumingin siya sa magulang ni Ada. “Hindi ko inakalang muli kong makikita ang bat
Matapos ipikit ni Calix ang kanya’ng mga mata, nakita ko ang unti-unting paglalaho ng kanya’ng katawan. Inalog-alog ko ang kanya’ng katawan baka sakaling niloloko lamang ako ni Calix. “Calix, hindi magandang biro ito! Gumising ka! Huwag mo akong iwan! Di ba malakas! Huwag mo akong iwan!”ang sigaw ko. Hindi na muling iminulat ni Calix ang kanya’ng mga mata hanggang sa huling sulyap ko sa kanya’ng maamong mukha kapag tulog. Muling pumatak ang luha ngunit alam kong kahit na ano’ng gawin ko ay hindi na nito maibabalik ang buhay ni Calix. “Hindi na ako maiinis sa mga sermon mo! Kaya please lang imulat mo ang mga mata mo, Calix!” ang sigaw ko. Kahit na ano’ng sigaw ko, alam kong hindi na ako naririnig ni Calix. Hindi ko na maririnig ang kanya’ng sermon sa tuwing nagpapalit ako ng damit kahit na nasa loob pa siya ng kwarto. Hindi ko na maririnig ang kanya’ng pagsusungit sa tuwing may ginagawa akong kalokohan. Hindi ko naisip na darating ang araw na ito. Akala ko walang hangganan ang buhay
Sa pagsigaw ni Athaliah ng Constellation Code Spell, Nagliwanag ang walumpu’t walong constellation na siyang itinalaga ni Athaliah. Napalitan ng battle attire ang aming mga kasuotan na siyang matagal nang pinaghandaan ni Athaliah. “Ipagtanggol ninyo ang naapi! Ipaglaban ninyo ang tama! Para sa kinabukasan ng Vesmir!” ang sigaw ni Athaliah. Nagsimula ang pakikipaglaban namin sa mga Astral Mages. Ginawa kong espada ang tubig na nagmula sa kopita. Nakangisi naman si Phoenix habang sinusunog niya ang mga Astral Mages. “Handa ka na bang ipagpatuloy ang naudlot nating kompetisyon?” ang tanong ni Nether. Ngumisi lamang ako dahil sa tingin niya ba ay masyado na akong matanda para malimutan ang nasimulan namin? “Hindi ako ulyanin upang malimutan ang ating paligsahan, Nether, ”ang paalala ko sa kanya. Tumalsik naman sa aming harapan ang isang malaking shield at hinarangan nito ang isang malakas na atake mula kay Spigel. “Kung may panahon kayo upang magpaligsahan, sana ay may panahon r