Bumalik sa kuta ng mga Astral Mages si Spigel dala ang isang masamang balita sa kanyang ama. Humarap kay Spigel si Haring Pleiades at nagbigay galang naman si Spigel sa pamamagitan ng pagluhod. “Siguraduhin mong magandang balita ang ihahatid mo, Spigel. Ayaw kong kahihiyan ang dadalhin mo sa akin sa oras na ito,” ang sambit ni Haring Pleiades. Hindi pa man naibubuka ni Spigel ang kanyang bibig ay mababakas sa mukha nito ang pagkadismaya. Ganito na lamang niya ikahiya si Spigel sa lahi ng mga Astral Mages. “Natagpuan ko na po ang prinsesa sa mundo ng mga mortal, ama,” ang sambit ni Spigel. Mapakla itong tumawa at tinitigan nang matalim si Spigel sa mga mata nito. Alam niyang hindi nagtagumpay si Spigel sa pagkuha sa prinsesa. Lalo na't alam niyang hindi hahayaan ni Reyna Athaliah at Haring Euthymius ang makuha ng mga Astral Mages si Ada. “At hindi mo siya nadala dito, tama ba? Wala ka talagang kwenta!” ang sigaw ni Haring Pleiades. Mas lalo namang napatungo si Spigel sa sigaw ng
NAGISING ako sa isang hindi pamilyar na lugar. Napakapayapa ng lugar at tanging ulap at kalmadong tubig alat ang aking nakikita. Malinaw kong nakikita ang repleksyon ng aking sarili sa tubig. Nagtataka ako dahil ilang segundo lamang ay naging pula ang aking mata at lila ang aking buhok bago ito muling bumalik sa dati kong hitsura. Hinanap ko kung may iba pang tao sa paligid ngunit ni isa ay wala akong natatanaw. Niyakap ko ang aking sarili dahil nadadama ko ang malamig na simoy ng hangin sa aking balat. Naalala ko na kasama ko kanina si Calix. “Calix? Nasaan ka?” ang tanong ko. Naghintay ako na marinig ang sagot ni Calix ngunit wala akong narinig na sagot. Patuloy akong naglakad walang buhay na paraiso ngunit wala pa rin akong nakikita ni isang tao. “Nasaang lupalop na ba ako ng mundo? Baka naman patay na ako?” ang saad ko. Wala na akong pake kahit na mabasa ang puti kong damit kaya umupo na lamang ako sa tubig. Napabuntung-hininga na lang ako niyakap ko ang aking mga binti. Tumul
Nakarating na ako sa kailaliman ng lawa. Naipikit ko ang aking mga mata dulot ng kakapusan ng hangin. Pakiramdam ko ay humila sa akin na galamay. Pinilit kong makawala ngunit wala akong lakas upang kumawala. Nang imulat ko ang aking mga mata ay natagpuan ko ang aking sarili sa pampang ng lawa. Basang-basa ang aking kasuotan dulot ng pagtalon ko sa lawa. Hinabol ko ang aking hininga at humiga ako pansamantala sa damuhan. “Bakit ako bumalik sa pampang? Nasaan si Traümerei? Nagsimula na ba ang pagsubok ko?” ang tanong ko. Nang nagkaroon na ako ng lakas ay naglakad-lakad ako sa paligid upang hanapin ang lugar kung saan magsisimula ng aking pagsubok. Ilang oras na ang lumipas, sa aking paglalakad ay nakaramdam ako ng pagod at pinili ko na lamang munang magpahinga. Sumilong ako sa ilalim ng isang puno at bagnas pawis akong naupo sa da “Ano’ng ginagawa mo rito?” ang tanong ng isang binata. Napatayo naman si Ada at laking gulat niya nang makita niyang kamukha ito ni Arius. Nilapitan niy
Pinilit kong bumangon ngunit pinigilan ako ni Amaranthine. Naririnig ko ang malakas na pagsabog mula sa labas at alam kong may kinalaman sina Arius sa kaguluhan sa labas.“Ano ba talaga ang nangyayari sa labas? Kailangan kong puntahan sina Arius!” ang sambit ko kay Amaranthine.Umiling naman si Amaranthine. Alam kong sandamakmak na sermon ang kanyang pakakawalan. Napakapit naman ako sa aking braso dulot ng tamaan ako ng atake ng isang misteryosong lalaki kanina. Ano bang kailangan niya?“Kung lalabas ka, may maitutulong ka ba? Wala naman ‘di ba? Kaya mas magandang manatili ka na lamang dito sa loob. Isa pa, ikaw ang puntirya ng kanilang kinakalaban sa labas. Kaya huwag mong sayangin ang sakripisyo nila sa pakikipaglaban nila upang protektahan ka,” ang sambit ni Amaranthine. Naikuyom ko ang aking kamao. Gustung-gusto kong tumulong. Napakahina ko talagang nilalang. Gusto kong maigalaw ito pero tanging pagkuyom lamang ang aking nagagawa. Naiinis ako dahil ultimong simpleng gawain katula
Nagising ako na sinasampal ako ng sinag ng araw. Halos hindi ko pa nababawi ang lakas dahil sa nangyari kagabi. Pakiramdam ko tuloy ay para akong nag-marathon sa tindi ng pananakit ng aking katawan. Pero heto ang oras at umaga na agad? Bumangon ako at kinusot-kusot ko ang aking mga mata. Pinagmasdan ko ang aking paligid at napansin ko na wala ako sa ampunan. Para akong tinakasan ng sarili kong kaluluwa dahil sa kahihiyan. Napansin ko na nag-iba ang suot kong damit. Sino ang nagpalit ng damit ko? Napasigaw naman ako dahil pakiramdam ko ay minanyak ang aking katawan habang natutulog ako. Nakarinig ako ng mga yabag at bigla nilang binuksan ang pinto. Lahat sila ay nadapa at sumubsob sila sa isa't isa. “May kalaban ba?” ang sigaw ni Sebastian. Naka-sando at boxer shorts lamang si Sebastian. Nakasubo naman ng hotdog si Gray sa kanyang bibig samantalang si Arius ay nakayakap sa isang blue na bolster pillow. Mukhang nabulabog ko ang kanilang matiwasay na umaga. Nakataas naman ang kilay ni F
Pagkatapos kong maligo ay bumaba ako ng kusina upang magluto ng umagahan na siyang inaabangan ni Arius. Sinuot ko ang pink na apron at itinali ko ang aking buhok gamit ang pamuyod na Kumuha ako ng apat na itlog sa may counter at binasag iyon sa isang transparent na bowl. Nilagyan ko iyon ng fresh milk, asin, paminta, chili powder, paminta at vetsin at binati iyon. Pinainit ko muna ang non-stick pan bago ako naglagay ng olive oil. Pinagmasdan naman ako ni Papa sa aking ginagawa. Napahalukipkip naman siya at naluluha siya sa aking ginagawa.“Ang bilis ng panahon! Parang dati, sinusungitan mo pa ako dahil hindi tayo close pero tingnan mo ata dalagang-dalaga kang tingnan,” ang sambit ni Papa.Napatawa naman ako kay Papa dahil ang babaw ng kanya‘ng kaligayahan. Hindi ko naman inakala na ang papa ko ay ang hari ng kabilang buhay. “Papa, kumalma ka. Hindi pa ako nag-aasawa. Baka mas malala ang abutin ko kung sakaling ikasal pala ako?” ang pabiro kong saad kay Papa. Napasimangot naman siya
Naningkit naman ang aking mga mata sa sinabi ng batang kaharap namin ngayon. Matindi yata ang pagkahimatay namin ni Arius dahil mukhang nagdedeliryo kami sa aming naririnig. “Nagbibiro ka ba? Kasi kung joke ito hindi ito nakakatuwa!” ang sigaw ko sa batang nagngangalang Esme. Napahalukipkip naman si Arius. Kinuha niya ang pink na unan at humiga siya sa isang pink na carpet na maihahambing sa balahibo ng oso. “Gisingin mo na lang ako kapag tapos na kayong magbangayan,” ang sambit ni Arius at ipinikit niya ang kanyang mga mata. Nanggagalaiti naman si Esme sa ginawa ni Arius at halos dumagundong ang buong lugar sa sigaw niya. “Ha? Sira ulo ka ba? Ang lakas naman ng apog mong tulugan ako sa sarili kong lugar? Ginagago mo ba ako, Mortal?” ang dumadagundong na sigaw ni Arius. Napatakip naman ako ng aking tainga. Gusto ko man magalit sa batang nasa harapan ko ay hindi ko magawa dahil isa ‘tong diyosa. Hindi naman nagpatinag si Arius at nagtakip pa ito ng isang unan. “Hindi kita
Kaharap ko si Esme ngayon. Malalim na ang gabi at tulog na si Adamantine at kanya'ng mga kaibigan. Nasa veranda kami ng ikatlong palapag ng Villa Stellaluna at mula sa villa na ito ay matatanaw ang dalampasigan. Tumabi naman sa akin si Esme at naglapag siya ng isang mainit na tsokolate. Pambihira, alam niyang hindi-hindi ko mapapalampas ang inuming ito lalo na't sabay namin itong iniinom ni Ada noong bata pa siya. Agad kong hinawakan ang mainit na tsokolate pagkatapos lagyan ni Esme ng whipped cream na may marshmallow at chocolate syrup ang ibabaw nito. "Alam mo talaga ang hilig ko hanggang ngayon," ang sambit ko kay Esme. Napataas naman ang kilay ni Esme at hinigop niya ang mainit na tsokolate. “Kuya, ma balita ka na ba sa kinaroroonan ni Athaliah?” ang tanong ni Esme. Napatingala ako sa langit at naningkit ang mga mata ko. Hindi ko alam kung nasaan siya ngayon. Dahil sa mga hangal na kumalaban sa amin noon, napilitan akong ipabantay kay Calix si Ada. Hindi ko mapapatawad ang mga
Nakatayo sa isang helipad si Arius at lumapit sa kanya si Calix. Pinagmamasdan nila ang kagandahan ng siyudad sa kalaliman ng gabi bagamat hindi maipagkakaila na lumalaganap na naman ang organisasyon ng mga bampira na siyang tumutuligsa sa layunin ng mga spirit meisters at exorcists na panatilihin ang kaligtasan ng bawat lahi. Iniabot ni Calix ang isang crystal at tiningnan iyong maigi ni Arius. “Alam ba ni Ada ang ginagawa mo?”ang tanong ni Calix. “Wala ngayon si Ada. Nasa Singapore siya dahil sa may dinevelop siyang bagong program para sa mga exorcist,”ang sagot ni Arius at napailing si Calix sa sinagot nito. Nababagabag si Arius lalo na’t hindi pa handa ang mga naiwang miyembro ng Phantom Club upang labanan ang ganitong uri ng organisasyon. Para kay Arius ay ayaw na niyang maulit ang nakaraan dahil minsan na niyang nailagay sa kapahamakan ang buhay ni Ada. “Handa ka na ba, Arius?” ang tanong ni Calix. Ngumisi lamang si Arius at inilabas niya ang isang tarot card. Ang Ace
Huling taon na namin sa kolehiyo. Nagkahiwa-hiwalay kami ng klase dahil nga mga irregulars kami noong una kaming magkita nina Arius at Gray. Sino bang mag-aakala na ang mokong na si Gray ay isang mechanical engineering student at si Arius naman ay isang psychology student. Nahiya naman ako sa mga mokong dahil pang-ibang level ang kanilang mga utak. Hindi na ako magtataka kung bakit ganun na lamang ang kanilang mga pag-iisip. Kakatapos ko lang magpresent ng thesis at masasabi kong finally ang gradwaiting ay nag-level up na sa graduating! Totoo na talaga ito! Habang lutang pa ako sa dahil sa ilang buwan din akong puyat dulot ng revision ng thesis, bumangga ako sa isang pader. Mukhang wala nang epekto sa akin ang purong kape na iniinom ko. May nakakapa pa akong mala-pandesal na parte sa tiyan nito at nang lalayo na ako ay laking gulat ko nang bigla na lang siyang nagsalita. “You should looked on your way. I don’t know what Kuya Arius find interesting about you but you look plain,” ang s
Bumabalik sa aking isipan ang mga nangyari sa Vesmir. Halos tatlong buwan na rin ang nakakalipas simula nang mabuo ang Phantom Club. Hindi ko lubos maisip na lilisanin na namin ang mundong iyon upang gawin ang aming tungkulin bilang member ng Phantom Club. Sa ilang buwan na pamamalagi namin sa Colegio De Santa Carmen ay maraming kaluluwa na rin ang natulungan naming makatawid sa kabilang buhay. Sa pagkakataong ito ay isang kaluluwa na lamang ang aming tutulungang makatawid sa kabilang buhay. Ang kaluluwang naging mahalaga para kay Gray. Si Tita Portia. Nakaupo kaming lahat sa sofa ng clubroom at hinihintay naming matapos ang pag-uusap ni Gray at Tita Portia. “Sigurado ka na ba, Gray? Kaya mo na ang mag-isa?” ang tanong ni Tita Portia habang umiiyak. Isa sa pinakamahirap na sitwasyon para sa isang ina ay ang iwan ang kanya’ng anak. Ngunit ito ang batas ng mundo. Kailangan niyang umalis upang makasama ang maykapal. Lalo na’t hindi dapat gumagala ang mga kaluluwang katulad niya. Tumun
Natulala ako sa sinabi ni Sebastian. Kung gan’on, hindi lang pala kami kay Calix magpapaalam? Nabalot ng katahimikan ang buong silid dahil sa hindi lang isa, kundi tatlong kaibigan pala ang magpapaalam sa amin. Mamimiss ko ang kaingayan ni Miss Amaranthine kapag lasing siya. Mamimiss ko ang pang-aasar ni Manong Curtis kay Miss Amaranthine. At higit sa lahat mamimiss ko ang pagiging masungit ni Calix sa araw-araw. Humihikbi ako dahil ang sakit sa pakiramdam na kailangan mong magpaalam sa kanila at hindi ko maisip ang isang araw na wala sila. “Ada, ilabas mo lang iyan. Alam kong masakit. Sana noon pa lamang ay may nagawa kami upang pigilan ang digmaan,. Ngunit may batas ang mundo ang ang aming sinusunod upang mapanatili ang balanse nito. Hindi lahat ng nagpapaalam ay malungkot. Isipin mo na lamang na ito ang simula ng panibagong yugto ng kanilang buhay,”ang sambit ni Mama. Pilit akong pinatatahan ni Mama. Nanumbalik sa akin ang mga panahon na kasama ko si Calix, si Miss Amaranthine
Nakaupo kaming lahat sa dining hall. Nakalapag sa harap namin ang isang red velvet cake. Katahimikan ang bumabalot sa paligid at ni isa sa amin ay walang gustong bumasag ng katahimikan. Hindi ako mahilig sa matamis dahil pinagcrecrave ko ngayon ay ang spicy omelette na laging niluluto ni Ada. Mahilig ako sa maanghang na pagkain.Pero sa sitwasyon ngayon hindi ko alam kung makaka Kumukulo ang dugo ni Haring Euthymius sa ginawa ni Arius kay Ada. Ikaw ba naman, mahuli mong maghahalikan ang anak mo at kanya’ng kaibigan. Pilit namang pinapakalma ni Cryon si Sebastian dahil nakarating sa kanya ang ginawa ni Arius na paghalik sa labi ni Ada. Tsk. Tsk. Iba talaga ang ganda ni Ada. “Kailan pa kayo may relasyon?”ang tanong ni Haring Euthymius. Nakapangingilabot ang boses ng papa ni Ada kaya hindi ko alam ang nararamdaman ni Arius. Pero kung sakaling mamatay si Arius dahil sa maaaring gawin ni Haring Euthymius sa kanya, good luck na lang sa kanya at bawi na lamang siya next life. Pero mukhang
Nasa madilim na silid ako at nagmumukmok ako dahil pa rin sa pagkawala ni Calix. Hindi ko alam kung may lugar pa ba akong babalikan o makakaya ko bang harapin ang bukas kahit na wala na si Calix. Buong buhay ko ay lagi akong naka-depende kay Calix. Nakalimutan kong may pusong mortal si Calix at kailangan niya rin ng panahon para sa sarili niya. Nakarinig ako ng yabag at nakita ko ang isang magandang babae na may headdress na sungay. Maputla ang kanya’ng balat at mas mapula pa sa dugo ang kanya’ng labi. Purong itim ang kanya’ng kasuotan at may gintong tungkod siyang hawak. “Hanggang kailan mo balak magmukmok sa lugar na ito?”ang tanong niya sa akin. Napatingala ako ngunit muli akong napatungo sa tuwing naalala kong halos masaktan ko sina Arius. “Hindi ko alam. Dahil hanggang ngayon, hindi ko pa rin napapatawad ang sarili ko sa pagkawala ni Calix,” ang sagot ko. Sa totoo lang, nahihiya ako dahil sa muntik na akong mamatay dahil sa pagiging makasarili ko. Ginawa nila ang lahat upang
Ilang araw din ang lumipas matapos ang digmaan sa pagitan ng mga Celestial at Astral Mages. Hanggang ngayon ay wala pa ring malay si Ada. Nagsisimula nang ibangong muli ng mga Celestial Mages ang kontinente ng Edoris para sa bagong simula. Tumutulong naman ang walumpu’t pitong constellation sa pagtatayo ng mga gusali. Ngayong wala na si Calix, hindi ko na alam kung may pag-asa pa bang mabuong muli ang mga constellation. Ang espadang ginamit ni Spigel upang paslangin si Calix ay aking itinabi sa lugar na hindi maaabot ng sino mang taga-Vesmir. Alam kong balang-araw ay magagamit ko iyon sa tamang panahon. Dumating si Lola Seraphine sa mundo ng Vesmir ngunit hindi sa kanya’ng matandang kaayuan.Nakabusangot naman si Lolo Elion dahil pinagmamasdan ng mga lalaking Celestial Mages si Lola Seraphine. Nang makita niya si Ada na nagpapahinga ay napailing na lamang siya. Sinilip niya ang kalagayan ni Ada kaya naman tumingin siya sa magulang ni Ada. “Hindi ko inakalang muli kong makikita ang bat
Matapos ipikit ni Calix ang kanya’ng mga mata, nakita ko ang unti-unting paglalaho ng kanya’ng katawan. Inalog-alog ko ang kanya’ng katawan baka sakaling niloloko lamang ako ni Calix. “Calix, hindi magandang biro ito! Gumising ka! Huwag mo akong iwan! Di ba malakas! Huwag mo akong iwan!”ang sigaw ko. Hindi na muling iminulat ni Calix ang kanya’ng mga mata hanggang sa huling sulyap ko sa kanya’ng maamong mukha kapag tulog. Muling pumatak ang luha ngunit alam kong kahit na ano’ng gawin ko ay hindi na nito maibabalik ang buhay ni Calix. “Hindi na ako maiinis sa mga sermon mo! Kaya please lang imulat mo ang mga mata mo, Calix!” ang sigaw ko. Kahit na ano’ng sigaw ko, alam kong hindi na ako naririnig ni Calix. Hindi ko na maririnig ang kanya’ng sermon sa tuwing nagpapalit ako ng damit kahit na nasa loob pa siya ng kwarto. Hindi ko na maririnig ang kanya’ng pagsusungit sa tuwing may ginagawa akong kalokohan. Hindi ko naisip na darating ang araw na ito. Akala ko walang hangganan ang buhay
Sa pagsigaw ni Athaliah ng Constellation Code Spell, Nagliwanag ang walumpu’t walong constellation na siyang itinalaga ni Athaliah. Napalitan ng battle attire ang aming mga kasuotan na siyang matagal nang pinaghandaan ni Athaliah. “Ipagtanggol ninyo ang naapi! Ipaglaban ninyo ang tama! Para sa kinabukasan ng Vesmir!” ang sigaw ni Athaliah. Nagsimula ang pakikipaglaban namin sa mga Astral Mages. Ginawa kong espada ang tubig na nagmula sa kopita. Nakangisi naman si Phoenix habang sinusunog niya ang mga Astral Mages. “Handa ka na bang ipagpatuloy ang naudlot nating kompetisyon?” ang tanong ni Nether. Ngumisi lamang ako dahil sa tingin niya ba ay masyado na akong matanda para malimutan ang nasimulan namin? “Hindi ako ulyanin upang malimutan ang ating paligsahan, Nether, ”ang paalala ko sa kanya. Tumalsik naman sa aming harapan ang isang malaking shield at hinarangan nito ang isang malakas na atake mula kay Spigel. “Kung may panahon kayo upang magpaligsahan, sana ay may panahon r