Kaharap ko si Esme ngayon. Malalim na ang gabi at tulog na si Adamantine at kanya'ng mga kaibigan. Nasa veranda kami ng ikatlong palapag ng Villa Stellaluna at mula sa villa na ito ay matatanaw ang dalampasigan. Tumabi naman sa akin si Esme at naglapag siya ng isang mainit na tsokolate. Pambihira, alam niyang hindi-hindi ko mapapalampas ang inuming ito lalo na't sabay namin itong iniinom ni Ada noong bata pa siya. Agad kong hinawakan ang mainit na tsokolate pagkatapos lagyan ni Esme ng whipped cream na may marshmallow at chocolate syrup ang ibabaw nito. "Alam mo talaga ang hilig ko hanggang ngayon," ang sambit ko kay Esme. Napataas naman ang kilay ni Esme at hinigop niya ang mainit na tsokolate. “Kuya, ma balita ka na ba sa kinaroroonan ni Athaliah?” ang tanong ni Esme. Napatingala ako sa langit at naningkit ang mga mata ko. Hindi ko alam kung nasaan siya ngayon. Dahil sa mga hangal na kumalaban sa amin noon, napilitan akong ipabantay kay Calix si Ada. Hindi ko mapapatawad ang mga
Nakaupo ako sa aking trono at nanginginig na naglalakad si Clay patungo sa aking direksyon. Bagong reaper siya ng mundo ng mga kaluluwa at napansin ko na hawak niya ang isang kalatas. "Bakit ba nanginginig ka diyan? Lumapit ka dito! Ano bang problema?" ang inis kong sigaw kay Clay. Mabilis na lumapit sa akin si Clay at iniabot niya ang kalatas. Napataas ang kilay ko kay Clay. Sa pagkakaalala ko ay wala akong inaasahan na liham mula sa ibang diyos o diyosa. Kung sino man ang nilalang na ito ay napakalakas naman ng kanya'ng loob. Binuksan ko ang kalatas at laking gulat ko ng tumambad sa akin ang isang sulat kamay na mensahe. Ito na yata ang pinakamagandang sulat kamay na nakita ko sa buong buhay ko. Binasa ko iyon at nilalaman nito ang isang imbitasyon patungo sa bulwagan ni Athaliah. Pakiramdam ko ay umakyat paitaas ang aking dugo dahil sa pagkasabik. Ngunit nawala iyon nang maalala ko ang kahihiyang ginawa ko sa harap ni Athaliah kamakailan lamang. Itinakip ko sa mukha ko ang kalat
Nakasubsob ako sa harap ng aking hapag-kainan. Sumasakit ang ulo ko hindi dahil sa dami ng alak na nainom ko sa piging na aking dinaluhan ngunit dahil sa ginawa ni Athaliah. Hindi nga ako nalasing dulot ng alak, nalasing naman ako dahil sa halik ni Athaliah. Naglapag naman ng isang mainit na inumin si Osiris. Napalingon naman ako at nakita ko ang nakangiting si Osiris. "Kamahalan, uminom po muna kayo ng inumin ng mga mortal. Kung hindi ako nagkakamali ay kape ang tawag nila dito," ang sambit ni Osiris. "Salamat, Osiris," ang sambit ko at pinagmasdan ko ang itim na inumin na tinawag niyang kape. Ininom ko ang kape at inaamin kong masarap ang lasa nito. Isang hangal lamang ang tatanggi sa sarap ng inuming ito. Muntik ko nang maibuga ang kape nang biglang nagsalita si Osiris tungkol sa piging. Pilit ko na ngang kalimutan ang tungkol sa piging na iyon ngunit ipinaalala niya na naman ang tungkol dito. "Kamusta ang piging? Mukhang nasiyahan po kayo ah?" ang sambit ni Osiris. Kung ala
Hindi pa rin kami makatulog ni Esme. Masyado na kaming namomoroblema sa kaligtasan ni Ada. Tinapik ako ni Esme kaya napalingon ako sa kanya. "Kailangan na nating magpahinga. Hindi makakatulong sa katawan natin kung pati tayo ay mamamalmaan," ang sambit ni Esme. Napabuntung-hininga na lamang ako. Hindi ko alam kung kailan ako huling beses na nagpahinga. Nakakatulog lamang ako kapag nakikita ko ang mapayapang mukha ni Adamantine habang siya ay natutulog. Hahakbang na sana ako nang maramdaman ko ang isang malakas na enerhiya mula sa kwarto ni Adamantine. Nagkatinginan kami ni Esme at mabilis kaming nagtungo sa silid na kinaroonan ni Adamantine. Pagkabukas ko ng pinto ay bumungad sa amin ang pagbabagong-anyo ni Adamantine. Mula sa pagiging itim ng kanya'ng buhok ay naging pula ito. Nakaramdam ako ng pagkabahala dahil mukhang nag-uumpisa na ang kinatatakutan naming lahat. Humahangos naman na dumating si Sebastian sa silid ni Ada. "Nasaan ako? Ilang milenyo ba akong nahimbing sa aking p
Pagod na ako mabuhay. Ngunit mas nakakapagod na pagmasdan ang mga taong mahal mo na isa-isang namamatay sa harapan ko. Labing isang milenyo kong tinitiis ang paghihirap na ito. May darating sa buhay ko ngunit hindi nagtatagal ay iniiwan rin nila ako. Sa tagal ko nang nabubuhay, ilang beses ko na ring nasaksihan na mabuhay sa ibang katauhan ang taong pinakamamahal ko na si Phoenix. Sa ngayon, hindi niya pa alam kung sino talaga siya sa nakaraan ngunit masaya ako na nahanap ko na siya sa kasalukuyan. Ngunit isa sa bumabagabag sa akin ay ang pagkabuhay muli ni Keres. Nagulat ako nang biglang naglabas ng pluma at kalatas ang kamahalan. Nagsulat siya ng isang ulat tungkol sa paglabag ni Desdemona tungkol sa pagpapahirap sa akin. Bagamat wala kaming matibay na ebidensya, isang rebolusyon laban sa diyosa ng pagkawasak ang ginagawa ng kamahalan. "Magpahinga na kayo. Hindi madali ang pinagdaanan natin ngayong gabi. Sebastian, kayo na muna ang bahalang magbantay kay Adamantine. At ikaw, Amaran
Sa bawat araw, buwan at taon na lumilipas, nagpapalakas kami ni Morrigan. Alam ko na sa bawat araw na iyon ay hindi rin kami tatantanan ng grupo ni Claudia pagkatapos nang ginawa ko sa kanya noong nag-duwelo. Naubutan ko na naman siyang inaapi si Morrigan. Binuhusan niya ng mainit na sabaw si Morrigan ngunit hindi siya makalaban dahil sa estado ni Claudia sa bansang ito. Siya ay anak ng ministro ng kagawaran ng kayamanan ng Greimin. “Hindi ko alam kung bakit ka narito at ang kasama mong basura! Hindi kayo nababagay sa paaralang ito! Wala naman kayong estado kaya ang lakas ng loob ninyong umapak sa lupa ng mga maharlika!” ang sigaw ni Claudia. Sinipa niya ng sinipa si Morrigan hanggang sa magsuka siya ng dugo. Pinilit kong ang unang duelo namin ang huling beses na kakalabanin ko siya pero dahil hindi ko na kaya ang ginagawa ni Claudia ay sinuntok ko siyang muli nang malakas. Sumugod ang dalawa niyang alipores at sinipa ko sila sa kanilang mga sikmura. "Subukan niyong saktan si Mo
Napuno ng bulungan ang kampo dahil sa pagpapakilala sa akin ni Kuya Rowan. Tila isa akong hindi imbitadong panauhin na tila kinukutya. Sa pagmumuni-muni ko ay narinig ko ang pagsigaw ng isang pamilyar na tao. "Lady Amaranthine!" ang pagtawag ni Morrigan sa akin at nagulat ako pagtalon niya. Pinagtitinginan naman kami ng ibang mage at paladin dahil sa sobrang lapit namin ni Morrigan. Muli namang napasigaw si Morrigan nang malaman niyang maikli na ang buhok ko. Napabitaw siya sa pagkakayakap sa akin at napatakip siya ng kanya'ng bibig. "Ano'ng nangyari sa buhok mo, Lady Amaranthine?" ang pasigaw na tanong ni Morrigan. Napalingon naman ako sa ibang direksyon at ngumiti lang ako sa kanya. Kapag kinuwento ko sa kanya ang nangyari tiyak na papagalitan niya ako nang matindi. "Hindi kasi ako payagan ni ama at ina na lumahok sa darating na digmaan dahil ang nakikita nila sa akin ay isang mahinang babae kaya pinutol ko ang buhok ko. Pagkatapos n'on ay hinamon ko si Kuya Rowan, Kuya Fried
Biglang naglaho sa harap namin ang diyosa ng pagkawasak at sa unang pagkakataon ay pakiramdam ko ay nakaramdam ako ng pagkatalo. Hangal na kung iisipin ngunit ngayon ko lang naisip na hindi pa ako gan'on kalakas upang hamunin kahit na ang isang diyos. Sa lahat ng itinuro ng akademya may isang gintong alituntunin na sinusunod ang mga tao. Iyon ay magiging dahilan ng pagkawasak ng buhay mo ang paghamon sa alin mang diyos. Nagsimulang tumulo ang mga luha ko at ngayon lamang ako ginanahan na muling mag-ensayo. May isang paladin ang lumapit sa akin sa at sa unang pagkakataon ay tinulungan niya akong makatayo. "Salamat," ang sambit ko at hinila niya ako. Halos mawalan ako ng balanse ngunit mabilis niya akong nasalo. Nangangatog pa ang aking mga binti dahil sa dami ng kapangyarihang napakawalan ko kanina. "Ayos ka lang ba?" Namula naman ang aking mukha dahil sa kanya'ng tanong at nagulat ako nang bigla niya akong binuhat na parang isang ikakasal. "T-Teka! Ano'ng ginagawa mo?" Hindi ko al
Nakatayo sa isang helipad si Arius at lumapit sa kanya si Calix. Pinagmamasdan nila ang kagandahan ng siyudad sa kalaliman ng gabi bagamat hindi maipagkakaila na lumalaganap na naman ang organisasyon ng mga bampira na siyang tumutuligsa sa layunin ng mga spirit meisters at exorcists na panatilihin ang kaligtasan ng bawat lahi. Iniabot ni Calix ang isang crystal at tiningnan iyong maigi ni Arius. “Alam ba ni Ada ang ginagawa mo?”ang tanong ni Calix. “Wala ngayon si Ada. Nasa Singapore siya dahil sa may dinevelop siyang bagong program para sa mga exorcist,”ang sagot ni Arius at napailing si Calix sa sinagot nito. Nababagabag si Arius lalo na’t hindi pa handa ang mga naiwang miyembro ng Phantom Club upang labanan ang ganitong uri ng organisasyon. Para kay Arius ay ayaw na niyang maulit ang nakaraan dahil minsan na niyang nailagay sa kapahamakan ang buhay ni Ada. “Handa ka na ba, Arius?” ang tanong ni Calix. Ngumisi lamang si Arius at inilabas niya ang isang tarot card. Ang Ace
Huling taon na namin sa kolehiyo. Nagkahiwa-hiwalay kami ng klase dahil nga mga irregulars kami noong una kaming magkita nina Arius at Gray. Sino bang mag-aakala na ang mokong na si Gray ay isang mechanical engineering student at si Arius naman ay isang psychology student. Nahiya naman ako sa mga mokong dahil pang-ibang level ang kanilang mga utak. Hindi na ako magtataka kung bakit ganun na lamang ang kanilang mga pag-iisip. Kakatapos ko lang magpresent ng thesis at masasabi kong finally ang gradwaiting ay nag-level up na sa graduating! Totoo na talaga ito! Habang lutang pa ako sa dahil sa ilang buwan din akong puyat dulot ng revision ng thesis, bumangga ako sa isang pader. Mukhang wala nang epekto sa akin ang purong kape na iniinom ko. May nakakapa pa akong mala-pandesal na parte sa tiyan nito at nang lalayo na ako ay laking gulat ko nang bigla na lang siyang nagsalita. “You should looked on your way. I don’t know what Kuya Arius find interesting about you but you look plain,” ang s
Bumabalik sa aking isipan ang mga nangyari sa Vesmir. Halos tatlong buwan na rin ang nakakalipas simula nang mabuo ang Phantom Club. Hindi ko lubos maisip na lilisanin na namin ang mundong iyon upang gawin ang aming tungkulin bilang member ng Phantom Club. Sa ilang buwan na pamamalagi namin sa Colegio De Santa Carmen ay maraming kaluluwa na rin ang natulungan naming makatawid sa kabilang buhay. Sa pagkakataong ito ay isang kaluluwa na lamang ang aming tutulungang makatawid sa kabilang buhay. Ang kaluluwang naging mahalaga para kay Gray. Si Tita Portia. Nakaupo kaming lahat sa sofa ng clubroom at hinihintay naming matapos ang pag-uusap ni Gray at Tita Portia. “Sigurado ka na ba, Gray? Kaya mo na ang mag-isa?” ang tanong ni Tita Portia habang umiiyak. Isa sa pinakamahirap na sitwasyon para sa isang ina ay ang iwan ang kanya’ng anak. Ngunit ito ang batas ng mundo. Kailangan niyang umalis upang makasama ang maykapal. Lalo na’t hindi dapat gumagala ang mga kaluluwang katulad niya. Tumun
Natulala ako sa sinabi ni Sebastian. Kung gan’on, hindi lang pala kami kay Calix magpapaalam? Nabalot ng katahimikan ang buong silid dahil sa hindi lang isa, kundi tatlong kaibigan pala ang magpapaalam sa amin. Mamimiss ko ang kaingayan ni Miss Amaranthine kapag lasing siya. Mamimiss ko ang pang-aasar ni Manong Curtis kay Miss Amaranthine. At higit sa lahat mamimiss ko ang pagiging masungit ni Calix sa araw-araw. Humihikbi ako dahil ang sakit sa pakiramdam na kailangan mong magpaalam sa kanila at hindi ko maisip ang isang araw na wala sila. “Ada, ilabas mo lang iyan. Alam kong masakit. Sana noon pa lamang ay may nagawa kami upang pigilan ang digmaan,. Ngunit may batas ang mundo ang ang aming sinusunod upang mapanatili ang balanse nito. Hindi lahat ng nagpapaalam ay malungkot. Isipin mo na lamang na ito ang simula ng panibagong yugto ng kanilang buhay,”ang sambit ni Mama. Pilit akong pinatatahan ni Mama. Nanumbalik sa akin ang mga panahon na kasama ko si Calix, si Miss Amaranthine
Nakaupo kaming lahat sa dining hall. Nakalapag sa harap namin ang isang red velvet cake. Katahimikan ang bumabalot sa paligid at ni isa sa amin ay walang gustong bumasag ng katahimikan. Hindi ako mahilig sa matamis dahil pinagcrecrave ko ngayon ay ang spicy omelette na laging niluluto ni Ada. Mahilig ako sa maanghang na pagkain.Pero sa sitwasyon ngayon hindi ko alam kung makaka Kumukulo ang dugo ni Haring Euthymius sa ginawa ni Arius kay Ada. Ikaw ba naman, mahuli mong maghahalikan ang anak mo at kanya’ng kaibigan. Pilit namang pinapakalma ni Cryon si Sebastian dahil nakarating sa kanya ang ginawa ni Arius na paghalik sa labi ni Ada. Tsk. Tsk. Iba talaga ang ganda ni Ada. “Kailan pa kayo may relasyon?”ang tanong ni Haring Euthymius. Nakapangingilabot ang boses ng papa ni Ada kaya hindi ko alam ang nararamdaman ni Arius. Pero kung sakaling mamatay si Arius dahil sa maaaring gawin ni Haring Euthymius sa kanya, good luck na lang sa kanya at bawi na lamang siya next life. Pero mukhang
Nasa madilim na silid ako at nagmumukmok ako dahil pa rin sa pagkawala ni Calix. Hindi ko alam kung may lugar pa ba akong babalikan o makakaya ko bang harapin ang bukas kahit na wala na si Calix. Buong buhay ko ay lagi akong naka-depende kay Calix. Nakalimutan kong may pusong mortal si Calix at kailangan niya rin ng panahon para sa sarili niya. Nakarinig ako ng yabag at nakita ko ang isang magandang babae na may headdress na sungay. Maputla ang kanya’ng balat at mas mapula pa sa dugo ang kanya’ng labi. Purong itim ang kanya’ng kasuotan at may gintong tungkod siyang hawak. “Hanggang kailan mo balak magmukmok sa lugar na ito?”ang tanong niya sa akin. Napatingala ako ngunit muli akong napatungo sa tuwing naalala kong halos masaktan ko sina Arius. “Hindi ko alam. Dahil hanggang ngayon, hindi ko pa rin napapatawad ang sarili ko sa pagkawala ni Calix,” ang sagot ko. Sa totoo lang, nahihiya ako dahil sa muntik na akong mamatay dahil sa pagiging makasarili ko. Ginawa nila ang lahat upang
Ilang araw din ang lumipas matapos ang digmaan sa pagitan ng mga Celestial at Astral Mages. Hanggang ngayon ay wala pa ring malay si Ada. Nagsisimula nang ibangong muli ng mga Celestial Mages ang kontinente ng Edoris para sa bagong simula. Tumutulong naman ang walumpu’t pitong constellation sa pagtatayo ng mga gusali. Ngayong wala na si Calix, hindi ko na alam kung may pag-asa pa bang mabuong muli ang mga constellation. Ang espadang ginamit ni Spigel upang paslangin si Calix ay aking itinabi sa lugar na hindi maaabot ng sino mang taga-Vesmir. Alam kong balang-araw ay magagamit ko iyon sa tamang panahon. Dumating si Lola Seraphine sa mundo ng Vesmir ngunit hindi sa kanya’ng matandang kaayuan.Nakabusangot naman si Lolo Elion dahil pinagmamasdan ng mga lalaking Celestial Mages si Lola Seraphine. Nang makita niya si Ada na nagpapahinga ay napailing na lamang siya. Sinilip niya ang kalagayan ni Ada kaya naman tumingin siya sa magulang ni Ada. “Hindi ko inakalang muli kong makikita ang bat
Matapos ipikit ni Calix ang kanya’ng mga mata, nakita ko ang unti-unting paglalaho ng kanya’ng katawan. Inalog-alog ko ang kanya’ng katawan baka sakaling niloloko lamang ako ni Calix. “Calix, hindi magandang biro ito! Gumising ka! Huwag mo akong iwan! Di ba malakas! Huwag mo akong iwan!”ang sigaw ko. Hindi na muling iminulat ni Calix ang kanya’ng mga mata hanggang sa huling sulyap ko sa kanya’ng maamong mukha kapag tulog. Muling pumatak ang luha ngunit alam kong kahit na ano’ng gawin ko ay hindi na nito maibabalik ang buhay ni Calix. “Hindi na ako maiinis sa mga sermon mo! Kaya please lang imulat mo ang mga mata mo, Calix!” ang sigaw ko. Kahit na ano’ng sigaw ko, alam kong hindi na ako naririnig ni Calix. Hindi ko na maririnig ang kanya’ng sermon sa tuwing nagpapalit ako ng damit kahit na nasa loob pa siya ng kwarto. Hindi ko na maririnig ang kanya’ng pagsusungit sa tuwing may ginagawa akong kalokohan. Hindi ko naisip na darating ang araw na ito. Akala ko walang hangganan ang buhay
Sa pagsigaw ni Athaliah ng Constellation Code Spell, Nagliwanag ang walumpu’t walong constellation na siyang itinalaga ni Athaliah. Napalitan ng battle attire ang aming mga kasuotan na siyang matagal nang pinaghandaan ni Athaliah. “Ipagtanggol ninyo ang naapi! Ipaglaban ninyo ang tama! Para sa kinabukasan ng Vesmir!” ang sigaw ni Athaliah. Nagsimula ang pakikipaglaban namin sa mga Astral Mages. Ginawa kong espada ang tubig na nagmula sa kopita. Nakangisi naman si Phoenix habang sinusunog niya ang mga Astral Mages. “Handa ka na bang ipagpatuloy ang naudlot nating kompetisyon?” ang tanong ni Nether. Ngumisi lamang ako dahil sa tingin niya ba ay masyado na akong matanda para malimutan ang nasimulan namin? “Hindi ako ulyanin upang malimutan ang ating paligsahan, Nether, ”ang paalala ko sa kanya. Tumalsik naman sa aming harapan ang isang malaking shield at hinarangan nito ang isang malakas na atake mula kay Spigel. “Kung may panahon kayo upang magpaligsahan, sana ay may panahon r