Home / Paranormal / Adamantine's Eyes / Chapter 54-Blossoming Petals of the Battlefield

Share

Chapter 54-Blossoming Petals of the Battlefield

last update Huling Na-update: 2022-09-22 00:00:04
Napuno ng bulungan ang kampo dahil sa pagpapakilala sa akin ni Kuya Rowan. Tila isa akong hindi imbitadong panauhin na tila kinukutya. Sa pagmumuni-muni ko ay narinig ko ang pagsigaw ng isang pamilyar na tao.

"Lady Amaranthine!" ang pagtawag ni Morrigan sa akin at nagulat ako pagtalon niya.

Pinagtitinginan naman kami ng ibang mage at paladin dahil sa sobrang lapit namin ni Morrigan. Muli namang napasigaw si Morrigan nang malaman niyang maikli na ang buhok ko. Napabitaw siya sa pagkakayakap sa akin at napatakip siya ng kanya'ng bibig.

"Ano'ng nangyari sa buhok mo, Lady Amaranthine?" ang pasigaw na tanong ni Morrigan.

Napalingon naman ako sa ibang direksyon at ngumiti lang ako sa kanya. Kapag kinuwento ko sa kanya ang nangyari tiyak na papagalitan niya ako nang matindi.

"Hindi kasi ako payagan ni ama at ina na lumahok sa darating na digmaan dahil ang nakikita nila sa akin ay isang mahinang babae kaya pinutol ko ang buhok ko. Pagkatapos n'on ay hinamon ko si Kuya Rowan, Kuya Fried
Locked Chapter
Patuloy ang Pagbabasa sa GoodNovel
I-scan ang code upang i-download ang App

Kaugnay na kabanata

  • Adamantine's Eyes   Chapter 55-The Land Bless By The Moon Goddess (Part 1)

    Biglang naglaho sa harap namin ang diyosa ng pagkawasak at sa unang pagkakataon ay pakiramdam ko ay nakaramdam ako ng pagkatalo. Hangal na kung iisipin ngunit ngayon ko lang naisip na hindi pa ako gan'on kalakas upang hamunin kahit na ang isang diyos. Sa lahat ng itinuro ng akademya may isang gintong alituntunin na sinusunod ang mga tao. Iyon ay magiging dahilan ng pagkawasak ng buhay mo ang paghamon sa alin mang diyos. Nagsimulang tumulo ang mga luha ko at ngayon lamang ako ginanahan na muling mag-ensayo. May isang paladin ang lumapit sa akin sa at sa unang pagkakataon ay tinulungan niya akong makatayo. "Salamat," ang sambit ko at hinila niya ako. Halos mawalan ako ng balanse ngunit mabilis niya akong nasalo. Nangangatog pa ang aking mga binti dahil sa dami ng kapangyarihang napakawalan ko kanina. "Ayos ka lang ba?" Namula naman ang aking mukha dahil sa kanya'ng tanong at nagulat ako nang bigla niya akong binuhat na parang isang ikakasal. "T-Teka! Ano'ng ginagawa mo?" Hindi ko al

    Huling Na-update : 2022-09-23
  • Adamantine's Eyes   Chapter 55-The Land Bless By The Moon Goddess (Part 2)

    Alam ng lahat ng nakakasalamuha ko na ang pinaka-ayoko sa lahat ay ang pagiging hambog. Napansin kong napahilamos ng kanya'ng mukha si Sol at ang ibang miyembro ng kanilang pamilya. "K-Kuya! Humingi ka na ng tawad hangga't maaga! Hindi mo gugustuhin na magalit si Amaranthine'!" ang sigaw ni Sol. Ngunit halatang hindi nagpaawat ang unang prinsipe at naglabas din siya ng lilang aura. Napangisi naman ang unang prinsipe at halos nakipagsabayan ito sa akin. Ngunit napapansin ko ang pamumuo ng butil ng pawis sa kanya'ng mukha at halos habulin niya ang kanya'ng hininga. "Baliw lamang ang makikipagsabayan sa mga bihasa. Masasabi kong malayo ka pa sa kalingkingan ni Sol," ang sambit ko. Bakas sa mukha niya ang pagka-insulto at mas nilaksan niya ang pagpapalabas ng aura. Hindi siya maaaring makipaglaban nang ganito kung mananatili siyang hambog. Unti-unting humihina ang kanya'ng aura at napaluhod siya sa lupa. Tuluyang naglaho ang kanya'ng aura at inis niyang pinuwersa ang kanya'ng sarili na m

    Huling Na-update : 2022-09-26
  • Adamantine's Eyes   Chapter 56-Life Agreement

    Iminulat ko ang aking mga mata at natagpuan ko ang sarili ko sa gitna ng kawalan. Hindi ko maramdaman ang lupa o kahit sahig. Pakiramdam ko ay nakalutang ako sa ulap dahil sa gaan ng aking pakiramdam. Ano na nga bang nangyari kanina? Ipinilig ko ang aking ulo at nakita ko sa isang kwadrado ang nangyari sa Lunaire. Kung gan’on, nasawi pala ako? Nakaramdam ako ng lungkot nang makita ko si Prinsipe Sol na lumuluha sa walang buhay kong katawan? “Nasaan na ba ako? Nasa kabilang buhay na ba ako?” ang tanong ko sa aking sarili. Napatampal naman ako sa aking mukha dahil tinanong ko ang sarili ko na walang kaalam-alam sa lugar na ito. Siguro ito na yung tinutukoy sa paaralan namin na kabilang buhay? “Wala ka pa sa kabilang buhay,” ang sambit ng isang boses. Napalingon ako sa aking paligid at hinanap ko ang pinagmulan ng boses. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Keres na nakangiti sa aking harapan. Naikuyom ko ang aking mga kamao dahil hindi pa ako handa sa ano mang mangyayari sa akin.

    Huling Na-update : 2022-10-05
  • Adamantine's Eyes   Chapter 57-Adamantine and Keres

    Nagising ako sa hindi isang pamilyar na lugar. Nagtataka ako dahil pakiramdam ko ay nakalutang ako sa kung saan. Iginala ko ang aking paningin at halos malula ako dahil nasa loob ako ng kawalan. Tinawag ko sina papa at Tita Esme ngunit walang sumasagot sa kanila. Napayakap ako sa sarili ko dahil sa tindi ng kilabot na aking nararamdaman. "Nasaan na ba ako? Ano'ng ginagawa ko rito?" ang sigaw ko. Halos mapaigtad ako sa aking pwesto nang may marinig akong nagsasalita. "Para sa isang diyosa, napakaingay mo naman yata?" ang kanya'ng sambit at prente siyang umupo sa isang trono. Siya yung nakita ko noon! "Ikaw? Ano'ng ginagawa mo rito?" ang tanong ko. Napahalukipkip siya at bagot niya akong tiningnan. "Masyado kang masiyasat, munting diyosa? Nasa teritoryo kita. Huwag kang mag-alala hindi ko ugali ang manakit maliban na lamang kung kinakailangan," ang sambit niya. Kinilabutan ako sa kanya'ng sinabi. Mababaliw yata ako sa babaeng ito. Pero nakakapagtaka na diyosa ang tawag niya sa akin.

    Huling Na-update : 2022-10-08
  • Adamantine's Eyes   Chapter 58-On Our Way To Vesmir

    Nakatali sa isang upuan ang lalaking nagtangkang dumukot sa akin. Hindi ko lubos akalaing gagawa siya ng isang katangahan na magpapahamak sa kanya. Kasalukuyan kaming nagkakape dahil kahit na gabi na ngayon. Hindi maipagkakailang napakatakaw matulog ng lalaking nagtangkang dumukot sa akin. Kulang na nga lang ay magsalpak kami ng earplugs sa aming mga tenga. Iritado na si Arius sa lakas ng hilik at nagigising siya sa tuwing nagsasalita ito ng tulog. Napakamot ulo naman si Gray dahil sa tindi ng paghilik nito. Tumayo naman si Cryon at inalis sa kaluban ang kanya'ng espada. "P'wede bang patayin na lang natin ang lalaking ito? Masyado na siyang maingay! Hindi na nga ako pumili ng mga kasamang malalakas humilik tapos etong hayop na nagtangkang dumukot sa mahal na prinsesa kinupkop niyo? Nababaliw na ba kayo?" ang sigaw ni Cryon.Inawat naman siya ni Curtis at pinakalma. "Kumalma ka, Cryon. May mahalaga tayong pakay sa kanya at bilin ng mahal na prinsipe na huwag nating papaslangin ang lal

    Huling Na-update : 2022-11-13
  • Adamantine's Eyes   Chapter 59-Captured

    Natapos ang ilang buwan na pag-eensayo ko. Bagamat nakakainip ang ginagawa namin ay hindi rin namin maiiwasang mangamba na maaari akong maging pabigat kay Sebastian at sa iba kung magpapadalos-dalos ako ng kilos. Nang malaman ni Papa na magtutungo ako sa Vesmir ay ilang buwan niya rin akong hindi kinausap dahil sa magiging mapanganib sa akin ang paglalakbay sa Vesmir. Tinapik naman ako ni Tita Esme dahil sa bakas sa mukha niya ang pag-aalala. Tinulungan rin ako ni Tita Esme sa aking pagsasanay ng ilang buwan, "Sigurado ka na ba? Hindi na ba magbabago ang isip mo?" ang tanong ni Tita Esme. Umiling ako dahil ngayong nalaman kong buhay ang aking ina, hindi ko na hahayaang magtago sa kanlungan ni Papa nang hindi nag-aalala habang hinahanap niya si Mama. "Ngayong alam kong buhay si Mama, sa tingin niyo po ba mananahimik ako? Hindi po! Hindi po ako mananahimik habang nahihirapan si Papa sa paghahanap kay Mama," ang sagot ko kay Tita Esme. Nakasimangot naman si Amaranthine kay Esme ha

    Huling Na-update : 2022-11-18
  • Adamantine's Eyes   Chapter 60-Inside the Crystal

    Wala kaming sinayang na oras at nagtungo kami sa mundo ng Vesmir. Ang kaso hindi ko naman inakala na ganito pala ang paraan ng pagpunta sa lugar na ito. Halos isuka ko ang lahat ng aking kinain kanina. Humahagalpak naman si Curtis at Cryon sa pagsuka namin ni Gray. “Mga loko kayo! Hindi ba uso ang Meclizine sa inyo?” ang sigaw ni Gray habang kasabay ko siyang sumusuka sa may damuhan. Pakiramdam ko ay hinalukay ang aking sikmura dahil sa mas malala pa sa turbulence ang pagpasok sa loob ng portal. Nakikita ko pa ang kinain ni Gray na hotdog, sunny side up, at bacon. Dahil sa naamoy ko nga ang suka ni Gray ay na-trigger nito ang sikmura ko at muli na naman akong sumuka. Binatukan naman ni Rosalia si Cryon at Curtis. Isinandal naman kami ni Rosalia sa isang puno at binigyan kami ng isang mainit na tsaa na may halong medicinal herbs. Mabilis naming ininom iyon at nawala kaagad ang aming hilo dulot ng pagpasok sa portal. Napatayo kami sa aming kinatatayuan nang mapansin namin na ma

    Huling Na-update : 2022-11-21
  • Adamantine's Eyes   Chapter 61-King Pleiades

    Nakaharap ako ngayon sa isang malaking tipak ng crystal na siyang ginawa ng isang bagong diyosa. Ang anak ni Haring Euthymius at Reyna Athaliah. Kahit ni isang spell ay walang tumatalab dito upang mawasak ito. Mukhang protektado rin ito ng diyosa ng pagkawasak na si Keres. “Wala pa rin bang balita?” ang tanong ko kay Spigel. Napabuntung-hininga siya at umiling. Kahit kailan talaga ay wala akong maaasahan sa batang ito. Sinipa ko nang malakas ang kanyang sikmura kaya ngayon ay namimilipit ito sa sakit. “Wala kang silbi! Ano ang sinabi ko sa’yo? Hindi ba’t kabilin-bilinan ko na hindi mo sasaktan ang prinsesa?” ang sigaw ko kay Spigel. Namimilipit sa sakit si Spigel at katulad din ng kanyang ina, galit ang namumutawi ko sa kanyang mga mata. Muli kong pinagmasdan ang crystal. Katulad ito ng crystal kung saan nahihimbing ang diyosa ng tala at oras na si Athaliah. Kamukha siya ng unang babaeng minahal ko. “Akala ko kapag napasakamay ko na ang anak mo ay mawawasak ko na ang crystal

    Huling Na-update : 2022-11-23

Pinakabagong kabanata

  • Adamantine's Eyes   Epilogue

    Nakatayo sa isang helipad si Arius at lumapit sa kanya si Calix. Pinagmamasdan nila ang kagandahan ng siyudad sa kalaliman ng gabi bagamat hindi maipagkakaila na lumalaganap na naman ang organisasyon ng mga bampira na siyang tumutuligsa sa layunin ng mga spirit meisters at exorcists na panatilihin ang kaligtasan ng bawat lahi. Iniabot ni Calix ang isang crystal at tiningnan iyong maigi ni Arius. “Alam ba ni Ada ang ginagawa mo?”ang tanong ni Calix. “Wala ngayon si Ada. Nasa Singapore siya dahil sa may dinevelop siyang bagong program para sa mga exorcist,”ang sagot ni Arius at napailing si Calix sa sinagot nito. Nababagabag si Arius lalo na’t hindi pa handa ang mga naiwang miyembro ng Phantom Club upang labanan ang ganitong uri ng organisasyon. Para kay Arius ay ayaw na niyang maulit ang nakaraan dahil minsan na niyang nailagay sa kapahamakan ang buhay ni Ada. “Handa ka na ba, Arius?” ang tanong ni Calix. Ngumisi lamang si Arius at inilabas niya ang isang tarot card. Ang Ace

  • Adamantine's Eyes   Chapter 79-New Members of Phantom Club

    Huling taon na namin sa kolehiyo. Nagkahiwa-hiwalay kami ng klase dahil nga mga irregulars kami noong una kaming magkita nina Arius at Gray. Sino bang mag-aakala na ang mokong na si Gray ay isang mechanical engineering student at si Arius naman ay isang psychology student. Nahiya naman ako sa mga mokong dahil pang-ibang level ang kanilang mga utak. Hindi na ako magtataka kung bakit ganun na lamang ang kanilang mga pag-iisip. Kakatapos ko lang magpresent ng thesis at masasabi kong finally ang gradwaiting ay nag-level up na sa graduating! Totoo na talaga ito! Habang lutang pa ako sa dahil sa ilang buwan din akong puyat dulot ng revision ng thesis, bumangga ako sa isang pader. Mukhang wala nang epekto sa akin ang purong kape na iniinom ko. May nakakapa pa akong mala-pandesal na parte sa tiyan nito at nang lalayo na ako ay laking gulat ko nang bigla na lang siyang nagsalita. “You should looked on your way. I don’t know what Kuya Arius find interesting about you but you look plain,” ang s

  • Adamantine's Eyes   Chapter 78-The Last Embrace Of A Mother

    Bumabalik sa aking isipan ang mga nangyari sa Vesmir. Halos tatlong buwan na rin ang nakakalipas simula nang mabuo ang Phantom Club. Hindi ko lubos maisip na lilisanin na namin ang mundong iyon upang gawin ang aming tungkulin bilang member ng Phantom Club. Sa ilang buwan na pamamalagi namin sa Colegio De Santa Carmen ay maraming kaluluwa na rin ang natulungan naming makatawid sa kabilang buhay. Sa pagkakataong ito ay isang kaluluwa na lamang ang aming tutulungang makatawid sa kabilang buhay. Ang kaluluwang naging mahalaga para kay Gray. Si Tita Portia. Nakaupo kaming lahat sa sofa ng clubroom at hinihintay naming matapos ang pag-uusap ni Gray at Tita Portia. “Sigurado ka na ba, Gray? Kaya mo na ang mag-isa?” ang tanong ni Tita Portia habang umiiyak. Isa sa pinakamahirap na sitwasyon para sa isang ina ay ang iwan ang kanya’ng anak. Ngunit ito ang batas ng mundo. Kailangan niyang umalis upang makasama ang maykapal. Lalo na’t hindi dapat gumagala ang mga kaluluwang katulad niya. Tumun

  • Adamantine's Eyes   Chapter 77-Miss Amaranthine’s Farewell Letter

    Natulala ako sa sinabi ni Sebastian. Kung gan’on, hindi lang pala kami kay Calix magpapaalam? Nabalot ng katahimikan ang buong silid dahil sa hindi lang isa, kundi tatlong kaibigan pala ang magpapaalam sa amin. Mamimiss ko ang kaingayan ni Miss Amaranthine kapag lasing siya. Mamimiss ko ang pang-aasar ni Manong Curtis kay Miss Amaranthine. At higit sa lahat mamimiss ko ang pagiging masungit ni Calix sa araw-araw. Humihikbi ako dahil ang sakit sa pakiramdam na kailangan mong magpaalam sa kanila at hindi ko maisip ang isang araw na wala sila. “Ada, ilabas mo lang iyan. Alam kong masakit. Sana noon pa lamang ay may nagawa kami upang pigilan ang digmaan,. Ngunit may batas ang mundo ang ang aming sinusunod upang mapanatili ang balanse nito. Hindi lahat ng nagpapaalam ay malungkot. Isipin mo na lamang na ito ang simula ng panibagong yugto ng kanilang buhay,”ang sambit ni Mama. Pilit akong pinatatahan ni Mama. Nanumbalik sa akin ang mga panahon na kasama ko si Calix, si Miss Amaranthine

  • Adamantine's Eyes   Chapter 76- Farewell, Vesmir

    Nakaupo kaming lahat sa dining hall. Nakalapag sa harap namin ang isang red velvet cake. Katahimikan ang bumabalot sa paligid at ni isa sa amin ay walang gustong bumasag ng katahimikan. Hindi ako mahilig sa matamis dahil pinagcrecrave ko ngayon ay ang spicy omelette na laging niluluto ni Ada. Mahilig ako sa maanghang na pagkain.Pero sa sitwasyon ngayon hindi ko alam kung makaka Kumukulo ang dugo ni Haring Euthymius sa ginawa ni Arius kay Ada. Ikaw ba naman, mahuli mong maghahalikan ang anak mo at kanya’ng kaibigan. Pilit namang pinapakalma ni Cryon si Sebastian dahil nakarating sa kanya ang ginawa ni Arius na paghalik sa labi ni Ada. Tsk. Tsk. Iba talaga ang ganda ni Ada. “Kailan pa kayo may relasyon?”ang tanong ni Haring Euthymius. Nakapangingilabot ang boses ng papa ni Ada kaya hindi ko alam ang nararamdaman ni Arius. Pero kung sakaling mamatay si Arius dahil sa maaaring gawin ni Haring Euthymius sa kanya, good luck na lang sa kanya at bawi na lamang siya next life. Pero mukhang

  • Adamantine's Eyes   Chapter 75-I’m Back

    Nasa madilim na silid ako at nagmumukmok ako dahil pa rin sa pagkawala ni Calix. Hindi ko alam kung may lugar pa ba akong babalikan o makakaya ko bang harapin ang bukas kahit na wala na si Calix. Buong buhay ko ay lagi akong naka-depende kay Calix. Nakalimutan kong may pusong mortal si Calix at kailangan niya rin ng panahon para sa sarili niya. Nakarinig ako ng yabag at nakita ko ang isang magandang babae na may headdress na sungay. Maputla ang kanya’ng balat at mas mapula pa sa dugo ang kanya’ng labi. Purong itim ang kanya’ng kasuotan at may gintong tungkod siyang hawak. “Hanggang kailan mo balak magmukmok sa lugar na ito?”ang tanong niya sa akin. Napatingala ako ngunit muli akong napatungo sa tuwing naalala kong halos masaktan ko sina Arius. “Hindi ko alam. Dahil hanggang ngayon, hindi ko pa rin napapatawad ang sarili ko sa pagkawala ni Calix,” ang sagot ko. Sa totoo lang, nahihiya ako dahil sa muntik na akong mamatay dahil sa pagiging makasarili ko. Ginawa nila ang lahat upang

  • Adamantine's Eyes   Chapter 74-God of Restoration

    Ilang araw din ang lumipas matapos ang digmaan sa pagitan ng mga Celestial at Astral Mages. Hanggang ngayon ay wala pa ring malay si Ada. Nagsisimula nang ibangong muli ng mga Celestial Mages ang kontinente ng Edoris para sa bagong simula. Tumutulong naman ang walumpu’t pitong constellation sa pagtatayo ng mga gusali. Ngayong wala na si Calix, hindi ko na alam kung may pag-asa pa bang mabuong muli ang mga constellation. Ang espadang ginamit ni Spigel upang paslangin si Calix ay aking itinabi sa lugar na hindi maaabot ng sino mang taga-Vesmir. Alam kong balang-araw ay magagamit ko iyon sa tamang panahon. Dumating si Lola Seraphine sa mundo ng Vesmir ngunit hindi sa kanya’ng matandang kaayuan.Nakabusangot naman si Lolo Elion dahil pinagmamasdan ng mga lalaking Celestial Mages si Lola Seraphine. Nang makita niya si Ada na nagpapahinga ay napailing na lamang siya. Sinilip niya ang kalagayan ni Ada kaya naman tumingin siya sa magulang ni Ada. “Hindi ko inakalang muli kong makikita ang bat

  • Adamantine's Eyes   Chapter 73- Adamantine’s Eyes

    Matapos ipikit ni Calix ang kanya’ng mga mata, nakita ko ang unti-unting paglalaho ng kanya’ng katawan. Inalog-alog ko ang kanya’ng katawan baka sakaling niloloko lamang ako ni Calix. “Calix, hindi magandang biro ito! Gumising ka! Huwag mo akong iwan! Di ba malakas! Huwag mo akong iwan!”ang sigaw ko. Hindi na muling iminulat ni Calix ang kanya’ng mga mata hanggang sa huling sulyap ko sa kanya’ng maamong mukha kapag tulog. Muling pumatak ang luha ngunit alam kong kahit na ano’ng gawin ko ay hindi na nito maibabalik ang buhay ni Calix. “Hindi na ako maiinis sa mga sermon mo! Kaya please lang imulat mo ang mga mata mo, Calix!” ang sigaw ko. Kahit na ano’ng sigaw ko, alam kong hindi na ako naririnig ni Calix. Hindi ko na maririnig ang kanya’ng sermon sa tuwing nagpapalit ako ng damit kahit na nasa loob pa siya ng kwarto. Hindi ko na maririnig ang kanya’ng pagsusungit sa tuwing may ginagawa akong kalokohan. Hindi ko naisip na darating ang araw na ito. Akala ko walang hangganan ang buhay

  • Adamantine's Eyes   Chapter 72-Chalice Bearer

    Sa pagsigaw ni Athaliah ng Constellation Code Spell, Nagliwanag ang walumpu’t walong constellation na siyang itinalaga ni Athaliah. Napalitan ng battle attire ang aming mga kasuotan na siyang matagal nang pinaghandaan ni Athaliah. “Ipagtanggol ninyo ang naapi! Ipaglaban ninyo ang tama! Para sa kinabukasan ng Vesmir!” ang sigaw ni Athaliah. Nagsimula ang pakikipaglaban namin sa mga Astral Mages. Ginawa kong espada ang tubig na nagmula sa kopita. Nakangisi naman si Phoenix habang sinusunog niya ang mga Astral Mages. “Handa ka na bang ipagpatuloy ang naudlot nating kompetisyon?” ang tanong ni Nether. Ngumisi lamang ako dahil sa tingin niya ba ay masyado na akong matanda para malimutan ang nasimulan namin? “Hindi ako ulyanin upang malimutan ang ating paligsahan, Nether, ”ang paalala ko sa kanya. Tumalsik naman sa aming harapan ang isang malaking shield at hinarangan nito ang isang malakas na atake mula kay Spigel. “Kung may panahon kayo upang magpaligsahan, sana ay may panahon r

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status