Nakatali sa isang upuan ang lalaking nagtangkang dumukot sa akin. Hindi ko lubos akalaing gagawa siya ng isang katangahan na magpapahamak sa kanya. Kasalukuyan kaming nagkakape dahil kahit na gabi na ngayon. Hindi maipagkakailang napakatakaw matulog ng lalaking nagtangkang dumukot sa akin. Kulang na nga lang ay magsalpak kami ng earplugs sa aming mga tenga. Iritado na si Arius sa lakas ng hilik at nagigising siya sa tuwing nagsasalita ito ng tulog. Napakamot ulo naman si Gray dahil sa tindi ng paghilik nito. Tumayo naman si Cryon at inalis sa kaluban ang kanya'ng espada. "P'wede bang patayin na lang natin ang lalaking ito? Masyado na siyang maingay! Hindi na nga ako pumili ng mga kasamang malalakas humilik tapos etong hayop na nagtangkang dumukot sa mahal na prinsesa kinupkop niyo? Nababaliw na ba kayo?" ang sigaw ni Cryon.Inawat naman siya ni Curtis at pinakalma. "Kumalma ka, Cryon. May mahalaga tayong pakay sa kanya at bilin ng mahal na prinsipe na huwag nating papaslangin ang lal
Natapos ang ilang buwan na pag-eensayo ko. Bagamat nakakainip ang ginagawa namin ay hindi rin namin maiiwasang mangamba na maaari akong maging pabigat kay Sebastian at sa iba kung magpapadalos-dalos ako ng kilos. Nang malaman ni Papa na magtutungo ako sa Vesmir ay ilang buwan niya rin akong hindi kinausap dahil sa magiging mapanganib sa akin ang paglalakbay sa Vesmir. Tinapik naman ako ni Tita Esme dahil sa bakas sa mukha niya ang pag-aalala. Tinulungan rin ako ni Tita Esme sa aking pagsasanay ng ilang buwan, "Sigurado ka na ba? Hindi na ba magbabago ang isip mo?" ang tanong ni Tita Esme. Umiling ako dahil ngayong nalaman kong buhay ang aking ina, hindi ko na hahayaang magtago sa kanlungan ni Papa nang hindi nag-aalala habang hinahanap niya si Mama. "Ngayong alam kong buhay si Mama, sa tingin niyo po ba mananahimik ako? Hindi po! Hindi po ako mananahimik habang nahihirapan si Papa sa paghahanap kay Mama," ang sagot ko kay Tita Esme. Nakasimangot naman si Amaranthine kay Esme ha
Wala kaming sinayang na oras at nagtungo kami sa mundo ng Vesmir. Ang kaso hindi ko naman inakala na ganito pala ang paraan ng pagpunta sa lugar na ito. Halos isuka ko ang lahat ng aking kinain kanina. Humahagalpak naman si Curtis at Cryon sa pagsuka namin ni Gray. “Mga loko kayo! Hindi ba uso ang Meclizine sa inyo?” ang sigaw ni Gray habang kasabay ko siyang sumusuka sa may damuhan. Pakiramdam ko ay hinalukay ang aking sikmura dahil sa mas malala pa sa turbulence ang pagpasok sa loob ng portal. Nakikita ko pa ang kinain ni Gray na hotdog, sunny side up, at bacon. Dahil sa naamoy ko nga ang suka ni Gray ay na-trigger nito ang sikmura ko at muli na naman akong sumuka. Binatukan naman ni Rosalia si Cryon at Curtis. Isinandal naman kami ni Rosalia sa isang puno at binigyan kami ng isang mainit na tsaa na may halong medicinal herbs. Mabilis naming ininom iyon at nawala kaagad ang aming hilo dulot ng pagpasok sa portal. Napatayo kami sa aming kinatatayuan nang mapansin namin na ma
Nakaharap ako ngayon sa isang malaking tipak ng crystal na siyang ginawa ng isang bagong diyosa. Ang anak ni Haring Euthymius at Reyna Athaliah. Kahit ni isang spell ay walang tumatalab dito upang mawasak ito. Mukhang protektado rin ito ng diyosa ng pagkawasak na si Keres. “Wala pa rin bang balita?” ang tanong ko kay Spigel. Napabuntung-hininga siya at umiling. Kahit kailan talaga ay wala akong maaasahan sa batang ito. Sinipa ko nang malakas ang kanyang sikmura kaya ngayon ay namimilipit ito sa sakit. “Wala kang silbi! Ano ang sinabi ko sa’yo? Hindi ba’t kabilin-bilinan ko na hindi mo sasaktan ang prinsesa?” ang sigaw ko kay Spigel. Namimilipit sa sakit si Spigel at katulad din ng kanyang ina, galit ang namumutawi ko sa kanyang mga mata. Muli kong pinagmasdan ang crystal. Katulad ito ng crystal kung saan nahihimbing ang diyosa ng tala at oras na si Athaliah. Kamukha siya ng unang babaeng minahal ko. “Akala ko kapag napasakamay ko na ang anak mo ay mawawasak ko na ang crystal
Ngayon ko lamang nakita si ama na ganito magalit. Sa buong buhay ko akala ko sa akin siya pinakagalit. Hindi ko inakalang ang diyosa ng pagkawasak ang magdadala sa kanya sa pinakasukdulan ng galit nito. Inutusan ni ama ang mga mage upang hanapin ang prinsesa. Bumalik sa aking isipan ang mga rason kung bakit ko ginagawa ang mga bagay na ito. Sinariwa ng aking alaala ang mga nangyari sa nakaraan. Sa kanluran ng Vesmir ang kaharian ng Estrea, nabuo ang isang bunga ng digmaan. Hindi ko alam kung paano nangyari na nabuo ang isang tulad ko. Ang sabi noon ni ina, nahulog ang loob sa kanya ni ama sa pamamagitan ng pakikipaglaban sa kanya. Ang sabi noon ni ina, nakita daw ni ama sa kanya ang unang babaeng inibig niya. Ngunit sa kasamaang palad ay hindi siya minahal ng babaeng tinutukoy ni ama. Naguguluhan ako kung bakit kami lumayo noon kay ama kung mahal naman nila ang isa't isa. "Ina, bakit po tayo lumayo kay ama? Akala ko po ba mahal ninyo si ama? Bakit po tayo lumayo sa kanya?" ang tan
Nakahanda na ang lahat ng Celestial Mages upang lusubin ang mga Astral Mages kung nasaan naroroon si Ada. Hindi pa rin namin makausap nang matino si Calix dahil sa galit pa ito sa amin. Bumabalik sa alaala ko ang mga nangyari kanina nang malaman niya ang nangyari kay Ada. Kakagaling niya lang sa lugar na tinatawag nilang Tower of Constellations. Nakangiti pa si Calix nang sinalubong namin siya kanina. Ngunit nang mapansin niyang nawawala si Ada ay agad niyang hinanap sa amin si Ada. "Nasaan si Ada?" ang tanong ni Calix. Hindi namin alam kung paano sasabihin ang totoo kay Calix lalo na't maaaring isang delubyo ang mangyari sa amin kapag nalaman niya ang katotohanan. Narinig namin ang isang malakas na buntung-hininga ni Amaranthine at siya ang sumagot ng tanong ni Calix. "Nakuha ng mga Astral Mages si Ada. Sa sobrang bilis ng mga pangyayari, maging si Haring Euthymius ay nalusutan ng mga Astral Mages. Sa ngayon ay bumubuo pa kami ng plano kung paano lulusubin ang kampo ng mga Astral
Kasalukuyan kaming nakatayo sa pinakatuktok na gusali. Tinatangay ng malakas na hangin ang nakalugay na buhok ni Keres sa katauhan ng mahal na prinsesa na si Adamantine Lightwood. “Ano bang tumatakbo sa isipan mo at naisipan mong bumalik pa rito? Natakasan mo na si ama. Hindi ko lubos maisip na isang hangal ang diyosa ng pagkawasak,” ang sambit ko. Malamig akong tinitigan ni Keres at sinagot niya ang aking agam-agam. “Sa tingin mo ba ay hahayaan kong saktan mo ang lahat nang nabubuhay sa mundong ito? Hindi ako hangal upang iwan ang mga taong ito,” ang sambit ni Keres. Tumawa ako nang malakas at tinitigan nang matalim si Keres. Kaya ko ginagawa ang lahat nang ito ay dahil sa masalimuot ang binuo niyang mundo. Hindi patas. Walang pagkakaisa. At higit sa lahat, ang mundong nilikha niya ay nag-iwan nang matinding lamat sa katulad kong hindi pinagkalooban nang pagkakataong mamuhay ng normal. Dahil sa isa akong kalahating Celestial at kalahating Astral."Hindi mo ba nakikita ang mundong
Habang kami ay naghihintay ng balita tungkol sa preparasyon ng pagsugod sa kampo ng mga Astral, biglang nagkagulo sa labas kaya napalabas kami sa aming tent. Nakita namin ang isang ipo-ipong may pulang hangin. Naglaho ang ipo-ipo at tumambad sa amin si Ada na napaluhod pa sa lupa. Nakita ko ang kanya’ng pagngiti bago siya tuluyang mawalan ng malay. Bakas sa kanya’ng katawan ang pasa at galos na kanya’ng tinamo dulot ng pagpapahirap sa kanya ng mga Astral. Baliw talaga si Spigel. Pati si Ada hindi niya sinanto. Agad namin siyang nilapitan at binuhat ko siya na tila isang bagong kasal. Kung may isang emosyon akong nararamdaman ngayon, iyon ay galit dahil hindi ko nagawang protektahan si Ada. Mahigpit kong niyakap si Ada bago tuluyang inihiga sa kamang yari sa dayami. Akala ko malakas ako dahil sa isa akong spirit meister at exorcist. Masaklap ang mundong ginagalawan namin ngayon. Pumasok sa tent si Calix at itinapat niya ang kanyang kopita kay Ada. Mula sa kanya’ng kopita ay dumaloy an
Nakatayo sa isang helipad si Arius at lumapit sa kanya si Calix. Pinagmamasdan nila ang kagandahan ng siyudad sa kalaliman ng gabi bagamat hindi maipagkakaila na lumalaganap na naman ang organisasyon ng mga bampira na siyang tumutuligsa sa layunin ng mga spirit meisters at exorcists na panatilihin ang kaligtasan ng bawat lahi. Iniabot ni Calix ang isang crystal at tiningnan iyong maigi ni Arius. “Alam ba ni Ada ang ginagawa mo?”ang tanong ni Calix. “Wala ngayon si Ada. Nasa Singapore siya dahil sa may dinevelop siyang bagong program para sa mga exorcist,”ang sagot ni Arius at napailing si Calix sa sinagot nito. Nababagabag si Arius lalo na’t hindi pa handa ang mga naiwang miyembro ng Phantom Club upang labanan ang ganitong uri ng organisasyon. Para kay Arius ay ayaw na niyang maulit ang nakaraan dahil minsan na niyang nailagay sa kapahamakan ang buhay ni Ada. “Handa ka na ba, Arius?” ang tanong ni Calix. Ngumisi lamang si Arius at inilabas niya ang isang tarot card. Ang Ace
Huling taon na namin sa kolehiyo. Nagkahiwa-hiwalay kami ng klase dahil nga mga irregulars kami noong una kaming magkita nina Arius at Gray. Sino bang mag-aakala na ang mokong na si Gray ay isang mechanical engineering student at si Arius naman ay isang psychology student. Nahiya naman ako sa mga mokong dahil pang-ibang level ang kanilang mga utak. Hindi na ako magtataka kung bakit ganun na lamang ang kanilang mga pag-iisip. Kakatapos ko lang magpresent ng thesis at masasabi kong finally ang gradwaiting ay nag-level up na sa graduating! Totoo na talaga ito! Habang lutang pa ako sa dahil sa ilang buwan din akong puyat dulot ng revision ng thesis, bumangga ako sa isang pader. Mukhang wala nang epekto sa akin ang purong kape na iniinom ko. May nakakapa pa akong mala-pandesal na parte sa tiyan nito at nang lalayo na ako ay laking gulat ko nang bigla na lang siyang nagsalita. “You should looked on your way. I don’t know what Kuya Arius find interesting about you but you look plain,” ang s
Bumabalik sa aking isipan ang mga nangyari sa Vesmir. Halos tatlong buwan na rin ang nakakalipas simula nang mabuo ang Phantom Club. Hindi ko lubos maisip na lilisanin na namin ang mundong iyon upang gawin ang aming tungkulin bilang member ng Phantom Club. Sa ilang buwan na pamamalagi namin sa Colegio De Santa Carmen ay maraming kaluluwa na rin ang natulungan naming makatawid sa kabilang buhay. Sa pagkakataong ito ay isang kaluluwa na lamang ang aming tutulungang makatawid sa kabilang buhay. Ang kaluluwang naging mahalaga para kay Gray. Si Tita Portia. Nakaupo kaming lahat sa sofa ng clubroom at hinihintay naming matapos ang pag-uusap ni Gray at Tita Portia. “Sigurado ka na ba, Gray? Kaya mo na ang mag-isa?” ang tanong ni Tita Portia habang umiiyak. Isa sa pinakamahirap na sitwasyon para sa isang ina ay ang iwan ang kanya’ng anak. Ngunit ito ang batas ng mundo. Kailangan niyang umalis upang makasama ang maykapal. Lalo na’t hindi dapat gumagala ang mga kaluluwang katulad niya. Tumun
Natulala ako sa sinabi ni Sebastian. Kung gan’on, hindi lang pala kami kay Calix magpapaalam? Nabalot ng katahimikan ang buong silid dahil sa hindi lang isa, kundi tatlong kaibigan pala ang magpapaalam sa amin. Mamimiss ko ang kaingayan ni Miss Amaranthine kapag lasing siya. Mamimiss ko ang pang-aasar ni Manong Curtis kay Miss Amaranthine. At higit sa lahat mamimiss ko ang pagiging masungit ni Calix sa araw-araw. Humihikbi ako dahil ang sakit sa pakiramdam na kailangan mong magpaalam sa kanila at hindi ko maisip ang isang araw na wala sila. “Ada, ilabas mo lang iyan. Alam kong masakit. Sana noon pa lamang ay may nagawa kami upang pigilan ang digmaan,. Ngunit may batas ang mundo ang ang aming sinusunod upang mapanatili ang balanse nito. Hindi lahat ng nagpapaalam ay malungkot. Isipin mo na lamang na ito ang simula ng panibagong yugto ng kanilang buhay,”ang sambit ni Mama. Pilit akong pinatatahan ni Mama. Nanumbalik sa akin ang mga panahon na kasama ko si Calix, si Miss Amaranthine
Nakaupo kaming lahat sa dining hall. Nakalapag sa harap namin ang isang red velvet cake. Katahimikan ang bumabalot sa paligid at ni isa sa amin ay walang gustong bumasag ng katahimikan. Hindi ako mahilig sa matamis dahil pinagcrecrave ko ngayon ay ang spicy omelette na laging niluluto ni Ada. Mahilig ako sa maanghang na pagkain.Pero sa sitwasyon ngayon hindi ko alam kung makaka Kumukulo ang dugo ni Haring Euthymius sa ginawa ni Arius kay Ada. Ikaw ba naman, mahuli mong maghahalikan ang anak mo at kanya’ng kaibigan. Pilit namang pinapakalma ni Cryon si Sebastian dahil nakarating sa kanya ang ginawa ni Arius na paghalik sa labi ni Ada. Tsk. Tsk. Iba talaga ang ganda ni Ada. “Kailan pa kayo may relasyon?”ang tanong ni Haring Euthymius. Nakapangingilabot ang boses ng papa ni Ada kaya hindi ko alam ang nararamdaman ni Arius. Pero kung sakaling mamatay si Arius dahil sa maaaring gawin ni Haring Euthymius sa kanya, good luck na lang sa kanya at bawi na lamang siya next life. Pero mukhang
Nasa madilim na silid ako at nagmumukmok ako dahil pa rin sa pagkawala ni Calix. Hindi ko alam kung may lugar pa ba akong babalikan o makakaya ko bang harapin ang bukas kahit na wala na si Calix. Buong buhay ko ay lagi akong naka-depende kay Calix. Nakalimutan kong may pusong mortal si Calix at kailangan niya rin ng panahon para sa sarili niya. Nakarinig ako ng yabag at nakita ko ang isang magandang babae na may headdress na sungay. Maputla ang kanya’ng balat at mas mapula pa sa dugo ang kanya’ng labi. Purong itim ang kanya’ng kasuotan at may gintong tungkod siyang hawak. “Hanggang kailan mo balak magmukmok sa lugar na ito?”ang tanong niya sa akin. Napatingala ako ngunit muli akong napatungo sa tuwing naalala kong halos masaktan ko sina Arius. “Hindi ko alam. Dahil hanggang ngayon, hindi ko pa rin napapatawad ang sarili ko sa pagkawala ni Calix,” ang sagot ko. Sa totoo lang, nahihiya ako dahil sa muntik na akong mamatay dahil sa pagiging makasarili ko. Ginawa nila ang lahat upang
Ilang araw din ang lumipas matapos ang digmaan sa pagitan ng mga Celestial at Astral Mages. Hanggang ngayon ay wala pa ring malay si Ada. Nagsisimula nang ibangong muli ng mga Celestial Mages ang kontinente ng Edoris para sa bagong simula. Tumutulong naman ang walumpu’t pitong constellation sa pagtatayo ng mga gusali. Ngayong wala na si Calix, hindi ko na alam kung may pag-asa pa bang mabuong muli ang mga constellation. Ang espadang ginamit ni Spigel upang paslangin si Calix ay aking itinabi sa lugar na hindi maaabot ng sino mang taga-Vesmir. Alam kong balang-araw ay magagamit ko iyon sa tamang panahon. Dumating si Lola Seraphine sa mundo ng Vesmir ngunit hindi sa kanya’ng matandang kaayuan.Nakabusangot naman si Lolo Elion dahil pinagmamasdan ng mga lalaking Celestial Mages si Lola Seraphine. Nang makita niya si Ada na nagpapahinga ay napailing na lamang siya. Sinilip niya ang kalagayan ni Ada kaya naman tumingin siya sa magulang ni Ada. “Hindi ko inakalang muli kong makikita ang bat
Matapos ipikit ni Calix ang kanya’ng mga mata, nakita ko ang unti-unting paglalaho ng kanya’ng katawan. Inalog-alog ko ang kanya’ng katawan baka sakaling niloloko lamang ako ni Calix. “Calix, hindi magandang biro ito! Gumising ka! Huwag mo akong iwan! Di ba malakas! Huwag mo akong iwan!”ang sigaw ko. Hindi na muling iminulat ni Calix ang kanya’ng mga mata hanggang sa huling sulyap ko sa kanya’ng maamong mukha kapag tulog. Muling pumatak ang luha ngunit alam kong kahit na ano’ng gawin ko ay hindi na nito maibabalik ang buhay ni Calix. “Hindi na ako maiinis sa mga sermon mo! Kaya please lang imulat mo ang mga mata mo, Calix!” ang sigaw ko. Kahit na ano’ng sigaw ko, alam kong hindi na ako naririnig ni Calix. Hindi ko na maririnig ang kanya’ng sermon sa tuwing nagpapalit ako ng damit kahit na nasa loob pa siya ng kwarto. Hindi ko na maririnig ang kanya’ng pagsusungit sa tuwing may ginagawa akong kalokohan. Hindi ko naisip na darating ang araw na ito. Akala ko walang hangganan ang buhay
Sa pagsigaw ni Athaliah ng Constellation Code Spell, Nagliwanag ang walumpu’t walong constellation na siyang itinalaga ni Athaliah. Napalitan ng battle attire ang aming mga kasuotan na siyang matagal nang pinaghandaan ni Athaliah. “Ipagtanggol ninyo ang naapi! Ipaglaban ninyo ang tama! Para sa kinabukasan ng Vesmir!” ang sigaw ni Athaliah. Nagsimula ang pakikipaglaban namin sa mga Astral Mages. Ginawa kong espada ang tubig na nagmula sa kopita. Nakangisi naman si Phoenix habang sinusunog niya ang mga Astral Mages. “Handa ka na bang ipagpatuloy ang naudlot nating kompetisyon?” ang tanong ni Nether. Ngumisi lamang ako dahil sa tingin niya ba ay masyado na akong matanda para malimutan ang nasimulan namin? “Hindi ako ulyanin upang malimutan ang ating paligsahan, Nether, ”ang paalala ko sa kanya. Tumalsik naman sa aming harapan ang isang malaking shield at hinarangan nito ang isang malakas na atake mula kay Spigel. “Kung may panahon kayo upang magpaligsahan, sana ay may panahon r