Napatawa naman nang malakas si Calix sa sinabi ni Sebastian. Inilabas ni Calix ang kanyang kopita at itinutok iyon kay Sebastian. Naguguluhan ako sa nangyayari at nagulat ako nang ilabas ni Sebastian ang isang wand.
“Nakalimutan kong magpakilala. Ako si Sebastian Von Lunastella,” ang sambit ni Sebastian.
Ibinaba naman ni Calix ang kanyang kopita at pinaglaho iyon. Humarap siya kay Arius at tinapik ang balikat niya.
“Huwag kang mag-alala. Hindi siya kalaban. Nais lang nilang protektahan si Ada,” ang sambit ni Calix.
Naglaho sa kanyang kinatatayuan si Calix at muli akong napatingin sa dalawang kaharap ko ngayon. Ano na naman ba itong araw na ito? Lumapit ako kay Sebastian at hinila ang kwelyo niya.
“Sino ka ba talaga? Bakit mo kilala si Calix?” ang tanong ko sa kanila.
Inawat naman ako ni Cryon kaya agad akong bumitaw. Tumikhim naman si Cryon kaya natigil sila kami sa pag-aaway.
&ldq
Pinunasan ko ang aking mga mata nang makita ko ang dalawang litrato sa white board. Hindi ko alam pero parang kilala ko ang dalawang babaeng nasa litrato? Saan ko nga ba sila huling nakita? Napasigaw naman ako nang maalala ko kung sino sila! Napakapit naman sa kamay ko si Sebastian at nag-aalala niya akong tiningnan. Ano na naman ba ang trip ng isang ito? “Anong bang ginagawa mo?” ang tanong ko. Agad naman siyang binatukan ni Cryon. Napaaray naman si Sebastian at sinamaan niya nang tingin si Cryon. Sumenyas naman si Cryon na makinig sa sinasabi ni Arius. Nasa seryosong sitwasyon kami pero hindi ko alam kung paano nagagawa ni Sebastian ang manantsing sa mga oras na ito. Nagsorry naman ako at muli kong ibinalik ang atensyon ko sa white board. Napasimangot naman si Arius sa ginawa ni Sebastian at pilit na nagpatuloy sa pagpapaliwanag. “Bakit Ada? Kilala mo ba sila?” ang tanong ni Arius. Napataas naman ang kilay ko dahil sa tanong ni Arius. Se
Iminulat ko ang aking mga mata at natagpuan ko ang sarili ko sa loob ng isang kulungan na yari sa tubig. Akmang hahawakan ko ang tubig nang bigla akong pinigilan ng katulad na nilalang na dumukot sa akin kanina.“Kung ako sa iyo, hindi ko gagawin yan. Masasaktan ka lamang. Dumadaloy sa tubig na iyan ang milyon-milyong boltahe ng kuryente,” ang sambit ng nilalang na nasa labas ng kulungan.Agad kong inilayo ang aking kamay dahil kung hindi magiging barbeqcue ako. Lumingon-lingon ako sa paligid. Hindi ko alam kung parte pa din ba ito ng Mortem Falls. Sinubukan kong tawagin si Aquarius ngunit sumakit lamang ang kanan kong mata ng gawin ko iyon. Ano bang nangyayari?“Inabisuhan ako ni Amang Talon na ang katulad mo ay may kakayahang makatawag ng mga nilalang mula sa ibang mundo kaya hindi mo sila matatawag. Isa pa, pinipigilan ng kulungan mo ang kakayahan mong tawagin sila,” ang paliwanag niya.Halos panghinaan a
Napalingon kami sa may talon nang may bigla kaming narinig na umahon dito at tila hinahabol nila ang kanilang mga hininga. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong iyon ang dalawang babae na hinahanap namin. Agad kaming tumakbo sa pag-asang kasama nila si Ada. Tinulungan ko silang makaahon sa talon at agad kong ibinigay ang coat ko. “Anong nangyari? Nasaan si Ada?” ang tanong ko sa kanila. Naiiyak sila malamang ay dulot ng mga naranasan nila sa mundo ng mga duwendeng manunubig. Umiiling naman yung isang babae at nagkayakapan na lamang sila ng kasama niya. Yung kasama niyang babae ang naglakas loob na nagkwento sa amin. “N—Naiwan mag-isa sa kweba sa taas ng talon si Adamantine. Itinulak niya kami sa talon para makatakas. Tatalon na sana siya nang hatakin siya ng mga nilalang na nakasagupa namin. M—Malamang ay nilalaban niya pa rin hanggang ngayon ang mga nilalang na iyon!” ang kwento nito sa amin. Naikuyom ko ang mga kamao ko. Hindi ko alam kung
Napupuno ng sigaw ang kweba dulot ng aming mga kapangyarihan. Hindi namin dapat hinayaang mangyari ito. Hinigpitan ko ang pagkakayakap ko kay Ada. Iisang salita ang aking binibigkas sa bawat paghabol ni Ada sa kanyang hininga. “Pakiusap, huwag kang bibitaw!” ang sigaw ko. Lumapit si Sebastian sa amin pagkatapos niyang sunugin ang bawat duwendeng manunubig. Itinutok niya ang kanyang wand sa sugat ni Ada. “Nakikiusap ako! Kahit sa pagkakataong ito, makisama ka! Huwag mong hayaang mawala si Ada!” ang sigaw ni Sebastian na halatang pinipilit niya ang wand niya na gamutin si Ada. Narinig namin ang mga yabag na papalapit at nang tingnan ko kung sino ang mga dumating ay tuluyan nang umagos ang mga luha ko. Sana hindi ko na lang ginawang pagsubok ang kabaliwang ito. “Anong nangyari kay Ada?” ang sigaw ni Gray. Napaluhod naman lalo si Sebastian sa tindi ng pagod. Hindi ko alam kung makakatulong ba sa sitwasyon ni A
Patuloy kami sa pagtakas ni Lidagat. Pagdating namin sa labas ng talon ay halos habulin namin ang mga hininga namin. Kasunod naman namin ang spirit ni Arius, ang isa sa dalawampu't dalawang major arcana cards at buhat nito ang katawan kong nag-aagaw buhay lamang kanina. “Lidagat, anong gagawin natin? Nasa loob pa sina Arius!” ang tanong ko. “Binibining Ada, magtiwala po tayo sa grupo ni Master Arius. Hindi po sila basta-basta magpapatalo sa kahit sino,” ang sambit nito. Sumang-ayon naman si Lidagat sa sinabi ng spirit ni Arius. Sa ngayon ay wala naman akong magagawa dahil isa lamang akong pagala-galang kaluluwa. Napahinto naman kami ng pagtakas nang biglang tumigil ang pag-agos ng tubig sa paligid at ang mga puno ay tumigil sa pagsaliw sa dumadaang hangin. Nanatiling nakalutang ang mga dahon sa paligid na para bang pinahinto ang oras sa lugar na iyon. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang isang orasan na nakalutang sa ere. At sa halip n
Matapos magpakilala sa akin ni Father Juan, nagbago ang pananaw ko sa mundo na hindi lahat ng tao ay masama at hindi lahat ng tao ay mabuti. Tinuruan niya ako kung paano mamumuhay ng normal sa kabila ng pagkakaroon ko ng hindi pangkaraniwan na mga mata. Kung tuwing umaga ay nakikita niya akong matatag at tahimik na bata, iba ang ugali ko tuwing gabi. Sa tuwing sumasapit ang gabi, nagpapakita ang mga nilalang na hindi nakikita ng mga mata. “Tasukete! ” ang sigaw ng kaluluwa ng isang sundalong Hapon. Nakakakilabot ang kanyang boses na siyang nagpapanindig ng aking mga balahibo sa katawan. Wala siyang mata at lumuluha siya ng itim na dugo. Yakap-yakap ko ang libro na hiniram ko sa library ng ampunan. Kahit na pilitin kong huwag pansinin ang kaluluwang nasa harapan ko ay naririndi ako sa kanyang salita na hindi ko maintindihan. Nagulat ako nang halos tumapat sa mukha ko ang kaluluwa ng sundalong hapon. “Watashi wa anata ga watashi o miru koto ga dekiru koto o shitteimasu!” ang sigaw
Nakaupo ako sa trono ko habang pinapanood ang mga reaper na kunin ang mga kaluluwang minsang nagpahirap sa anak ko. Kung hindi lang ako ang hari ng kabilang buhay sa mundo ng Vesmir malamang ay nasilayan kong lumaki ang anak ko nang matagal. Mula sa isang marmol na naglalaman ng tubig ay nasisilayan ko ang lahat ng kilos ng aking anak mula sa mundo ng mga mortal. Napatayo ako sa aking trono nang makita kong paulit-ulit na sinaksak ng water elves ang aking anak. “Clay,” ang pagtawag ko sa aking kanang-kamay na reaper. Mula sa anino ko ay lumabas ang isang reaper. Si Clay. Ang isa sa mga bihasang reaper na siyang sumundo sa akin sa mundo ng mga mortal noong minsan akong nagpanggap bilang si Father Juan. Lumuhod si Clay at nagbigay ng paggalang sa akin. “Kamahalan, ipinatawag niyo po ako. May kailangan po ba kayo?” ang tanong ni Clay. Nag-aalala ako sa anak ko. Kahit na kamukha siya ni Athaliah ay kasing ugali ko ang batang iyon. Nais kong masiguradong makakabalik siya sa kataw
Nakasakay sa kanyang kalawit ang reaper na nais kumuha sa kaluluwa ni Ada. Halos habulin namin ang aming mga hininga dahil nasasabayan niya ang aming mga galaw.“Nakakatakot isipin na kayang pigilan ng kwebang ito ang kakayahan ng prinsesa. Hindi ko inakala na may ganitong klaseng lugar sa mundo ng mga mortal,” ang sambit ni Morrigan.Hinigpitan ko ang pagkapit sa aking wand. Hindi ko hahayaang makuha ni Morrigan si Ada! Lalo na’t nangako ako kay ama! Nagpakawala ako ng flame phoenix at agad pinalipad patungo sa direksyon ni Morrigan. Nagulat ako nang biglang may humati sa flame phoenix gamit ang espada. Kahit na si Morrigan ay hindi kayang hatiin iyon kaya isang tao lamang ang kilala kong may kakayahang humati nito.“Clay!” ang sigaw ko.Hindi ko inakalang makikita ko ang lalaking ito dito. Nakahinga naman nang maluwag si Morrigan nang hindi tumama sa kanya ang flame phoenix.“Akala
Nakatayo sa isang helipad si Arius at lumapit sa kanya si Calix. Pinagmamasdan nila ang kagandahan ng siyudad sa kalaliman ng gabi bagamat hindi maipagkakaila na lumalaganap na naman ang organisasyon ng mga bampira na siyang tumutuligsa sa layunin ng mga spirit meisters at exorcists na panatilihin ang kaligtasan ng bawat lahi. Iniabot ni Calix ang isang crystal at tiningnan iyong maigi ni Arius. “Alam ba ni Ada ang ginagawa mo?”ang tanong ni Calix. “Wala ngayon si Ada. Nasa Singapore siya dahil sa may dinevelop siyang bagong program para sa mga exorcist,”ang sagot ni Arius at napailing si Calix sa sinagot nito. Nababagabag si Arius lalo na’t hindi pa handa ang mga naiwang miyembro ng Phantom Club upang labanan ang ganitong uri ng organisasyon. Para kay Arius ay ayaw na niyang maulit ang nakaraan dahil minsan na niyang nailagay sa kapahamakan ang buhay ni Ada. “Handa ka na ba, Arius?” ang tanong ni Calix. Ngumisi lamang si Arius at inilabas niya ang isang tarot card. Ang Ace
Huling taon na namin sa kolehiyo. Nagkahiwa-hiwalay kami ng klase dahil nga mga irregulars kami noong una kaming magkita nina Arius at Gray. Sino bang mag-aakala na ang mokong na si Gray ay isang mechanical engineering student at si Arius naman ay isang psychology student. Nahiya naman ako sa mga mokong dahil pang-ibang level ang kanilang mga utak. Hindi na ako magtataka kung bakit ganun na lamang ang kanilang mga pag-iisip. Kakatapos ko lang magpresent ng thesis at masasabi kong finally ang gradwaiting ay nag-level up na sa graduating! Totoo na talaga ito! Habang lutang pa ako sa dahil sa ilang buwan din akong puyat dulot ng revision ng thesis, bumangga ako sa isang pader. Mukhang wala nang epekto sa akin ang purong kape na iniinom ko. May nakakapa pa akong mala-pandesal na parte sa tiyan nito at nang lalayo na ako ay laking gulat ko nang bigla na lang siyang nagsalita. “You should looked on your way. I don’t know what Kuya Arius find interesting about you but you look plain,” ang s
Bumabalik sa aking isipan ang mga nangyari sa Vesmir. Halos tatlong buwan na rin ang nakakalipas simula nang mabuo ang Phantom Club. Hindi ko lubos maisip na lilisanin na namin ang mundong iyon upang gawin ang aming tungkulin bilang member ng Phantom Club. Sa ilang buwan na pamamalagi namin sa Colegio De Santa Carmen ay maraming kaluluwa na rin ang natulungan naming makatawid sa kabilang buhay. Sa pagkakataong ito ay isang kaluluwa na lamang ang aming tutulungang makatawid sa kabilang buhay. Ang kaluluwang naging mahalaga para kay Gray. Si Tita Portia. Nakaupo kaming lahat sa sofa ng clubroom at hinihintay naming matapos ang pag-uusap ni Gray at Tita Portia. “Sigurado ka na ba, Gray? Kaya mo na ang mag-isa?” ang tanong ni Tita Portia habang umiiyak. Isa sa pinakamahirap na sitwasyon para sa isang ina ay ang iwan ang kanya’ng anak. Ngunit ito ang batas ng mundo. Kailangan niyang umalis upang makasama ang maykapal. Lalo na’t hindi dapat gumagala ang mga kaluluwang katulad niya. Tumun
Natulala ako sa sinabi ni Sebastian. Kung gan’on, hindi lang pala kami kay Calix magpapaalam? Nabalot ng katahimikan ang buong silid dahil sa hindi lang isa, kundi tatlong kaibigan pala ang magpapaalam sa amin. Mamimiss ko ang kaingayan ni Miss Amaranthine kapag lasing siya. Mamimiss ko ang pang-aasar ni Manong Curtis kay Miss Amaranthine. At higit sa lahat mamimiss ko ang pagiging masungit ni Calix sa araw-araw. Humihikbi ako dahil ang sakit sa pakiramdam na kailangan mong magpaalam sa kanila at hindi ko maisip ang isang araw na wala sila. “Ada, ilabas mo lang iyan. Alam kong masakit. Sana noon pa lamang ay may nagawa kami upang pigilan ang digmaan,. Ngunit may batas ang mundo ang ang aming sinusunod upang mapanatili ang balanse nito. Hindi lahat ng nagpapaalam ay malungkot. Isipin mo na lamang na ito ang simula ng panibagong yugto ng kanilang buhay,”ang sambit ni Mama. Pilit akong pinatatahan ni Mama. Nanumbalik sa akin ang mga panahon na kasama ko si Calix, si Miss Amaranthine
Nakaupo kaming lahat sa dining hall. Nakalapag sa harap namin ang isang red velvet cake. Katahimikan ang bumabalot sa paligid at ni isa sa amin ay walang gustong bumasag ng katahimikan. Hindi ako mahilig sa matamis dahil pinagcrecrave ko ngayon ay ang spicy omelette na laging niluluto ni Ada. Mahilig ako sa maanghang na pagkain.Pero sa sitwasyon ngayon hindi ko alam kung makaka Kumukulo ang dugo ni Haring Euthymius sa ginawa ni Arius kay Ada. Ikaw ba naman, mahuli mong maghahalikan ang anak mo at kanya’ng kaibigan. Pilit namang pinapakalma ni Cryon si Sebastian dahil nakarating sa kanya ang ginawa ni Arius na paghalik sa labi ni Ada. Tsk. Tsk. Iba talaga ang ganda ni Ada. “Kailan pa kayo may relasyon?”ang tanong ni Haring Euthymius. Nakapangingilabot ang boses ng papa ni Ada kaya hindi ko alam ang nararamdaman ni Arius. Pero kung sakaling mamatay si Arius dahil sa maaaring gawin ni Haring Euthymius sa kanya, good luck na lang sa kanya at bawi na lamang siya next life. Pero mukhang
Nasa madilim na silid ako at nagmumukmok ako dahil pa rin sa pagkawala ni Calix. Hindi ko alam kung may lugar pa ba akong babalikan o makakaya ko bang harapin ang bukas kahit na wala na si Calix. Buong buhay ko ay lagi akong naka-depende kay Calix. Nakalimutan kong may pusong mortal si Calix at kailangan niya rin ng panahon para sa sarili niya. Nakarinig ako ng yabag at nakita ko ang isang magandang babae na may headdress na sungay. Maputla ang kanya’ng balat at mas mapula pa sa dugo ang kanya’ng labi. Purong itim ang kanya’ng kasuotan at may gintong tungkod siyang hawak. “Hanggang kailan mo balak magmukmok sa lugar na ito?”ang tanong niya sa akin. Napatingala ako ngunit muli akong napatungo sa tuwing naalala kong halos masaktan ko sina Arius. “Hindi ko alam. Dahil hanggang ngayon, hindi ko pa rin napapatawad ang sarili ko sa pagkawala ni Calix,” ang sagot ko. Sa totoo lang, nahihiya ako dahil sa muntik na akong mamatay dahil sa pagiging makasarili ko. Ginawa nila ang lahat upang
Ilang araw din ang lumipas matapos ang digmaan sa pagitan ng mga Celestial at Astral Mages. Hanggang ngayon ay wala pa ring malay si Ada. Nagsisimula nang ibangong muli ng mga Celestial Mages ang kontinente ng Edoris para sa bagong simula. Tumutulong naman ang walumpu’t pitong constellation sa pagtatayo ng mga gusali. Ngayong wala na si Calix, hindi ko na alam kung may pag-asa pa bang mabuong muli ang mga constellation. Ang espadang ginamit ni Spigel upang paslangin si Calix ay aking itinabi sa lugar na hindi maaabot ng sino mang taga-Vesmir. Alam kong balang-araw ay magagamit ko iyon sa tamang panahon. Dumating si Lola Seraphine sa mundo ng Vesmir ngunit hindi sa kanya’ng matandang kaayuan.Nakabusangot naman si Lolo Elion dahil pinagmamasdan ng mga lalaking Celestial Mages si Lola Seraphine. Nang makita niya si Ada na nagpapahinga ay napailing na lamang siya. Sinilip niya ang kalagayan ni Ada kaya naman tumingin siya sa magulang ni Ada. “Hindi ko inakalang muli kong makikita ang bat
Matapos ipikit ni Calix ang kanya’ng mga mata, nakita ko ang unti-unting paglalaho ng kanya’ng katawan. Inalog-alog ko ang kanya’ng katawan baka sakaling niloloko lamang ako ni Calix. “Calix, hindi magandang biro ito! Gumising ka! Huwag mo akong iwan! Di ba malakas! Huwag mo akong iwan!”ang sigaw ko. Hindi na muling iminulat ni Calix ang kanya’ng mga mata hanggang sa huling sulyap ko sa kanya’ng maamong mukha kapag tulog. Muling pumatak ang luha ngunit alam kong kahit na ano’ng gawin ko ay hindi na nito maibabalik ang buhay ni Calix. “Hindi na ako maiinis sa mga sermon mo! Kaya please lang imulat mo ang mga mata mo, Calix!” ang sigaw ko. Kahit na ano’ng sigaw ko, alam kong hindi na ako naririnig ni Calix. Hindi ko na maririnig ang kanya’ng sermon sa tuwing nagpapalit ako ng damit kahit na nasa loob pa siya ng kwarto. Hindi ko na maririnig ang kanya’ng pagsusungit sa tuwing may ginagawa akong kalokohan. Hindi ko naisip na darating ang araw na ito. Akala ko walang hangganan ang buhay
Sa pagsigaw ni Athaliah ng Constellation Code Spell, Nagliwanag ang walumpu’t walong constellation na siyang itinalaga ni Athaliah. Napalitan ng battle attire ang aming mga kasuotan na siyang matagal nang pinaghandaan ni Athaliah. “Ipagtanggol ninyo ang naapi! Ipaglaban ninyo ang tama! Para sa kinabukasan ng Vesmir!” ang sigaw ni Athaliah. Nagsimula ang pakikipaglaban namin sa mga Astral Mages. Ginawa kong espada ang tubig na nagmula sa kopita. Nakangisi naman si Phoenix habang sinusunog niya ang mga Astral Mages. “Handa ka na bang ipagpatuloy ang naudlot nating kompetisyon?” ang tanong ni Nether. Ngumisi lamang ako dahil sa tingin niya ba ay masyado na akong matanda para malimutan ang nasimulan namin? “Hindi ako ulyanin upang malimutan ang ating paligsahan, Nether, ”ang paalala ko sa kanya. Tumalsik naman sa aming harapan ang isang malaking shield at hinarangan nito ang isang malakas na atake mula kay Spigel. “Kung may panahon kayo upang magpaligsahan, sana ay may panahon r