Home / Paranormal / Adamantine's Eyes / Chapter 31 - Chapter 40

All Chapters of Adamantine's Eyes: Chapter 31 - Chapter 40

98 Chapters

Chapter 16-Manliligaw (Act 1)

  Kasalukuyang nasa clubroom kami at patuloy ko pa din iniisip ang mga nangyari sa mga nakalipas na buwan. Hindi ako makapaniwala na hanggang ngayon ay buhay pa ako at masaya ako na makikita kong lalago pa ang nasimulan ng Phantom Club. Nawala naman ako sa aking pagmumuni nang masagi ako ng siko ni Seren.       Patuloy na nag-aaway si Serendipity at Gray dahil sa isang pirasong karne na aking niluto. Napahalumbaba na lamang ako habang pinagmamasdan ang pagtatalo nilang dalawa. Tanging pagbuntung-hininga na lamang ang nagawa ni Gray habang hinihigop ang kape na Kalinga Robusta na dark roast na siyang nilagyan ng sariwang gatas ng kalabaw na siyang ibinigay ng may-ari ng Villa Illumina.       “Ano ba, Gray? Ako ang nauna! Kaya pwede ba bitiwan mo na ang karneng ito!” ang sigaw ni Serendipity.  
last updateLast Updated : 2022-03-12
Read more

Chapter 17-Manliligaw (Act 2)

Nag-impake na ako ng mga dadalhin kong gamit para sa camping trip. Bumili na din kami ni Arius at Gray ng Butane gas upang hindi kami mapasubo kung sakaling hindi kami makapaggawa ng bonfire upang magluto ng aming kakainin. Bumili na din sila ng tent at cooler dahil doon kami magpapalipas ng gabi. Nagpaalam na ako kay Mother Superior na mawawala ako ng ilang gabi. At pumayag naman siya katulad nang dati. Nagulat pa nga ako ng bigyan niya ako ng isang maliit na pouch na pwedeng gawing protection charm. Ang alam ko may tawag ito eh. Lomamiri? Amamiro? Ah! Omamori charm! Sabi ni Mother Superior, bukod sa paniniwala ko kay Lord, bibigyan din daw ako nito ng proteksyon. Hindi ko nga lang alam kung paano. “Handa na ba ang lahat?” ang tanong ko kay Gray. Nagthumbs up naman si Gray at itinaas nito ang trapal na siyang nakabalot sa generator na aming dala. Akala ko ba camping gagawin namin? Bakit may generator siyang dala? Napailing na lang si Arius. Alam kong walang ideya si Gray sa ibig
last updateLast Updated : 2022-03-18
Read more

Chapter 18-Diwata (Act 1)

Bumuo naman ng isang palayok na gawa sa putik. Kinuha naman ni Arius ang kanyang talisman. Hindi ko naman maintindihan ang nakasulat doon dahil hindi ko alam kung Japanese o Chinese character ba ang nakasulat sa papel. Sinindihan niya iyon at biglang lumaki ang apoy. Pinalibutan nito ang bagong gawang palayok at pagkalipas ng ilang minuto ay nagawa nitong patigasin at lutuin ang palayok. Agad naglagay ng uling si Gray at doon nagtungo ang apoy mula sa talisman ni Arius. Nang maupos na ang papel ay humina na ang apoy na nagmumula sa talisman ni Arius. Inilagay ni Arius ang insenso at kamangyan sa baga na nasa loob ng palayok. Pinasundan naman iyon ng rock salt at agad kumalat ang usok sa paligid. Nakita namin kung paano lumipad paitaas ang mga kaluluwa ng mga manliligaw. Nagsimula naman kaming magdasal upang ipagdasal ang kanilang mga nabiktima. Nagulat ako nang makita ko ang kaluluwa ni Mr. Gerard na siyang kumakaway sa amin. “Mga bata, pwede bang makiusap ako sa inyo? ” ang tanong n
last updateLast Updated : 2022-03-20
Read more

Chapter 19- Diwata (Act 2)

Natigilan naman si Lapunaya sa rebelasyong ginawa ni Arius. Napatinigin naman ako kay Lapunaya. Bakit niya tinulungan si Mr. Gerard  kung papatayin niya rin lamang ito? Naikuyom ni Lapunaya ang mga kamay niya. Mababakas sa mukha niya ang galit kaya naman pinilit niyang pakalmahin ang kanyang sarili.   “Ipinagtanggol ko lamang ang sarili ko! Kung hindi ko ipinagtanggol ang sarili ko malamang ako naman ang mamamatay! Hindi ko ginustong patayin ang mortal na iyon!” ang sigaw ni Lapunaya.   Halos mangatal ang sarili kong katawan sa narinig ko. Nanlambot ang mga tuhod ko dahil sa rason kung bakit nangyari ang lahat ng ito.   “Oo! Alam kong mali! Pero mamamatay ako at ang gubat! Prinotektahan ko lamang ang puso ng kagubatang ito!” ang sigaw ni Lapunaya.   Oo. Maling-mali. Dahil sa padalos-dalos na desisyon, nalimutan niyang walang naniniwala sa kanya at walang nakakakita sa kanila. Miski ang kanilang
last updateLast Updated : 2022-03-26
Read more

Chapter 20-Family And Miscommunication

Pagkatapos ng nangyari sa gubat ay nakarating rin ako sa wakas sa ampunan. Nagpaalam na ako kay Arius at Gray. Hindi ko inakala na ang camping site na aming pinuntahan ay isang abandonadong gubat. Napabuntung-hininga naman ako dahil sa tindi ng pagod na inabot ko sa kasong nilutas namin. Sumalubong naman sa akin si Mother Superior at agad akong niyakap.“Salamat sa Diyos at ligtas kang nakabalik, Adamantine. Kumain ka na ba?” ang tanong ni Mother Superior. Tumungo naman ako dahil sa totoo lang ay wala akong ganang kumain. Sa mga nasilayan ko sa araw na ito, ay nagbago ang pananaw ko ng kaunti. Ang mundong ginagalawan natin ay maganda ngunit ang ibang bahagi nito ay masalimuot. Hindi lahat ng magagandang bagay ay pumapabor sa iyo at hindi lahat ng masasamang bagay ay dapat mo pang dalahin sa ating buhay. Pumasok na ako sa kwarto ko at naabutan ko si Calix na may kausap. Nagtago muna ako upang pakinggan ang kanilang usapan.“Na
last updateLast Updated : 2022-03-27
Read more

Chapter 21-The Fortune Teller

Hindi na muna ako umuwi ng ampunan dahil naaalala ko na naman ang nangyari kanina. Pilit kong ikinalma ang aking sarili at umupo muna ako sa isang bench na matatagpuan sa loob ng palengke. kung tutuusin ay mukha nga itong park kaysa sa palengke, Nasa gitna naman nito ang fountain kung saan makikita ang patron ng bayan na ito, si St. Jude Thaddeus. Napabuntung-hininga na lamang ako habang iniisip kung ano nga ba ang dapat kong gawin.“Ano po ba ang dapat konng gawin? Tatanggapin ko po ba sila sa buhay ko o patuloy ba akong lalayo? Alam ko naman na hinihintay ko sila buong buhay ko. Pero napagtanto ko na hindi madaling magpatawad ng taong nag-abandona sa akin,” ang sambit ko.Ginulo-gulo ko ang buhok ko dahil naguguluhan na ako sa sarili ko. Nagulat ako nang may yumakap sa braso ko na isang batang paslit. Nakaramdam naman ako ng pagkahabag sa bata dahil sa murang edad pa lamang ay naghahanap na ito ng kalinga ng pamilya. “Bata, nasaan ang m
last updateLast Updated : 2022-03-28
Read more

Chapter 22-Saving A Stranger

Nakalipas na ang ilang araw pero hindi pa din ako makapaniwala sa nangyari sa akin sa palengke. Hindi ko alam kung tunay ba talaga iyong nangyari dahil ang alam ko talaga ay bumaba ako ng palengke upang mag-isip. Kaya isang malaking palaisipan pa din sa akin kung paano ako napunta sa kotse ni Gray. At ang sabi pa nila ay hindi naman daw ako bumababa ng kotse dahil muntik na nga daw si Gray makabangga ng matandang pulubi.  Napahiga ako sa kama ko dahil sa totoo lang ay nawiwindang na ako sa aking buhay. Halos magpagulong-gulong ako dahil hindi ko na alam kung ano na ba talaga ang nangyayari sa buhay ko. Napabangon naman ako nang makaisip ako ng magandang ideya. Bakit nga ba hindi ko na lamang puntahan sa mismong palengke si Manay Bertha? Agad akong nagready papuntang palengke. Suot ko ang checkered na flannel na may combination ng pink at blue. Sa loob naman ay isang black na sando. Sa pang-ibaba naman ay ripped jeans na dark blue at suot ko ang isang puting sneakers.&nb
last updateLast Updated : 2022-04-01
Read more

Chapter 23-Sebastian Von Lunastella

Napaturo naman ako sa painting nang makita ko ang mga pamilyar na mukha. Agad naman akong lumingon sa paligid upang itanong kung sino ang nasa painting ngunit biglang nawala si Manong Curtis. Napabuntung-hininga na lamang ako at dahil sa tindi ng kahihiyan at pagod na nadam ko kanina ay napaupo na lamang ako sa couch. Kahit na antigo na ang hitsura ng villa ay napanatili nila ang kagandahan nito. muling bumalik sa akin ang alaalang nilulutas namin ang kaso ng Villa Ilumina. Muli namang sumagi sa isipan ko ang kalagayan ni Magwayen. kamusta na kaya ang diyosang iyon? Ilang buwan ko na rin hindi naririnig ang nakakairitang boses ng diyosang iyon.  “Kung ganun, nakakairita pala ang boses ko para sa iyo?” ang tanong ni Magwayen na biglang lumitaw sa tabi ko. Napalingon ako at nakita ko ang isang babae sa gilid niya. Bughaw ang kanyang kasuotan at napapalamutian siya ng mga perlas at kabibe. Napahalukipkip naman ako habang pinagmamasdan si Magwayen.  “Hi
last updateLast Updated : 2022-04-02
Read more

Chapter 24-Mesmerized

Iminulat ko ang aking mga mata. Napakapit naman ako sa aking ulo matapos kong kainin ang mainit na sabaw na niluto ni Rosalia. Bumabalik tuloy sa aking isipan ang maamong mukha ng Mahal na Prinsesa. Sa pangalawang pagakakataon ay muli kong natampal ang pagmumukha ko dahil naalala kong nahawakan ko ang dibdib niya. Pero iyon na yata ang pinakamalabot na nahawakan ko. Sinubukan kong bumangon sa aking kama ngunit muli akong bumagsak dahil sobrang masakit ang ulo ko.“Sa susunod talaga ay hindi ko na hahayaan si Rosalia na magluto,” ang sambit ko.Narinig ko na tumatawa si Cryon sa gilid. Dahan-dahan niya akong inalalayan na makabangon sa kama at inabutan niya ako ng isang baso ng malamig na tubig. Tinungga ko iyon at bahagya nitong nabawasan ang sakit ng ulo ko. “Kamusta ang pakiramdam mo?” ang tanong ni Cryon.Tinaasan ko naman siya ng kilay. Alam niya naman siguro ang sagot base sa aking reaksyon. Bigla naman siyang humaglapak
last updateLast Updated : 2022-04-03
Read more

Chapter 25-The Transferees

 Para akong tanga na nakatitig sa kisame. Iniisip ko pa rin ang mga huli niyang sinabi bago siya umalis sa villa kanina. “Baka hindi na muna ako makabisita sa iyo. May activity ako sa club at nag-aaral ako sa Colegio De Santa Carmen. Kailangan kong magfocus sa aking pag-aaral,” ang sambit ng prinsesa. Kung ganun mawawalan ako nang pag-asang bantayan siya nang masinsinan. Nangako ako sa Ethereal Queen na babantayan ko ang anak niya. Alam kong hindi siya sang-ayon sa plano ng mga Astral Mages. Kaya sana wala silang ideya sa kinaroroonan ng prinsesa. Nagkaideya na ako na siya ang prinsesa dahil sa umilaw ang kwintas na suot ko noong araw na nakita ko siya sa palengke. Nagkataon lang na tumakas ako kay Curtis upang hanapin ang prinsesa. Ang kwintas na suot ko ay binigay ng Mahal na reyna upang hanapin ang kanyang anak. Lumabas ako sa kwarto at natagpuan ko sa sala si Cryo
last updateLast Updated : 2022-04-04
Read more
PREV
123456
...
10
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status