Home / Paranormal / Adamantine's Eyes / Chapter 81 - Chapter 90

All Chapters of Adamantine's Eyes: Chapter 81 - Chapter 90

98 Chapters

Chapter 63-The Tarot Card of Strength

Nakahanda na ang lahat ng Celestial Mages upang lusubin ang mga Astral Mages kung nasaan naroroon si Ada. Hindi pa rin namin makausap nang matino si Calix dahil sa galit pa ito sa amin. Bumabalik sa alaala ko ang mga nangyari kanina nang malaman niya ang nangyari kay Ada. Kakagaling niya lang sa lugar na tinatawag nilang Tower of Constellations. Nakangiti pa si Calix nang sinalubong namin siya kanina. Ngunit nang mapansin niyang nawawala si Ada ay agad niyang hinanap sa amin si Ada. "Nasaan si Ada?" ang tanong ni Calix. Hindi namin alam kung paano sasabihin ang totoo kay Calix lalo na't maaaring isang delubyo ang mangyari sa amin kapag nalaman niya ang katotohanan. Narinig namin ang isang malakas na buntung-hininga ni Amaranthine at siya ang sumagot ng tanong ni Calix. "Nakuha ng mga Astral Mages si Ada. Sa sobrang bilis ng mga pangyayari, maging si Haring Euthymius ay nalusutan ng mga Astral Mages. Sa ngayon ay bumubuo pa kami ng plano kung paano lulusubin ang kampo ng mga Astral
Read more

Chapter 64-Escape in Astral’s Prison

Kasalukuyan kaming nakatayo sa pinakatuktok na gusali. Tinatangay ng malakas na hangin ang nakalugay na buhok ni Keres sa katauhan ng mahal na prinsesa na si Adamantine Lightwood. “Ano bang tumatakbo sa isipan mo at naisipan mong bumalik pa rito? Natakasan mo na si ama. Hindi ko lubos maisip na isang hangal ang diyosa ng pagkawasak,” ang sambit ko. Malamig akong tinitigan ni Keres at sinagot niya ang aking agam-agam. “Sa tingin mo ba ay hahayaan kong saktan mo ang lahat nang nabubuhay sa mundong ito? Hindi ako hangal upang iwan ang mga taong ito,” ang sambit ni Keres. Tumawa ako nang malakas at tinitigan nang matalim si Keres. Kaya ko ginagawa ang lahat nang ito ay dahil sa masalimuot ang binuo niyang mundo. Hindi patas. Walang pagkakaisa. At higit sa lahat, ang mundong nilikha niya ay nag-iwan nang matinding lamat sa katulad kong hindi pinagkalooban nang pagkakataong mamuhay ng normal. Dahil sa isa akong kalahating Celestial at kalahating Astral."Hindi mo ba nakikita ang mundong
Read more

Chapter 65-Levia and the Reincarnations of The Two Gods

Habang kami ay naghihintay ng balita tungkol sa preparasyon ng pagsugod sa kampo ng mga Astral, biglang nagkagulo sa labas kaya napalabas kami sa aming tent. Nakita namin ang isang ipo-ipong may pulang hangin. Naglaho ang ipo-ipo at tumambad sa amin si Ada na napaluhod pa sa lupa. Nakita ko ang kanya’ng pagngiti bago siya tuluyang mawalan ng malay. Bakas sa kanya’ng katawan ang pasa at galos na kanya’ng tinamo dulot ng pagpapahirap sa kanya ng mga Astral. Baliw talaga si Spigel. Pati si Ada hindi niya sinanto. Agad namin siyang nilapitan at binuhat ko siya na tila isang bagong kasal. Kung may isang emosyon akong nararamdaman ngayon, iyon ay galit dahil hindi ko nagawang protektahan si Ada. Mahigpit kong niyakap si Ada bago tuluyang inihiga sa kamang yari sa dayami. Akala ko malakas ako dahil sa isa akong spirit meister at exorcist. Masaklap ang mundong ginagalawan namin ngayon. Pumasok sa tent si Calix at itinapat niya ang kanyang kopita kay Ada. Mula sa kanya’ng kopita ay dumaloy an
Read more

Chapter 66- Keres’ Past

Natagpuan ko ang aking sarili sa gitna ng kaparangan. Napupuno ito ng paru-paro at mga bulaklak. Mula sa malayo ay natatanaw ko ang isang lalaking nakikipaglaro sa mga hayop at nakita kong tumingin siya sa akin. “Keres, saan ka ba nanggaling?” ang tanong ng lalaki. Halos tumalon ang puso ko nang makita ko kung sino iyon. Ano’ng ginagawa dito ni Arius? “Keres, bakit nakatayo ka lamang diyan? Hindi mo ba hahawakan ang usang ito?” ang tanong ng lalaking kamukha ni Arius. Nakita kong lumapit si Keres sa lalaki at tumagos lamang sa akin si Keres. “Huwag kang magpatawa, Zereus. Alam ng lahat na hindi ko maaaring hawakan ang mga nilalang sa paligid. Kamatayan lamang ang naghihintay sa kanilang lahat kahit na sa tulad nating diyos,”ang sambit ni Keres. Nalungkot naman ang lalaking nagngangalang Zereus at sumagot ito na may halong lumbay, “Sana sa susunod nating buhay ay mahawakan na kita at mahagkan. Isang sumpa ang pagiging diyosa ng pagkawasak, Keres.” Ngumiti si Keres at sumagot, “Kap
Read more

Chapter 67-Reunion of the Reincarnations

Tiningnan ko ang mortal na kaharap ko ngayon. Nagising na sa katawan niya si Keres ngunit hindi ko nararamdaman ang presensya niya sa katawan niya ngayon. Binanggit nito ang pangalan ko ngunit parang nahihiya pa ito pagkatapos ko siyang halikan. “Ano. Ginoong Zereus, nagpapahinga pa sa aking katawan si Keres kaya maaari niyo bang ipagpaliban ang paghalik ninyo sa akin lalo na’t katawan ng kaibigan ko ang gamit ninyo ngayon. Sumagot si Letemis na natatawa nang mahina, “May punto ang binibining mortal, Zereus. Alam kong nasasabik kang makita si Keres sa loob ng ilang milenyo ngunit isaalang-alang mo na nasa makabagong panahon.”Kung gan’on, hindi si Keres ang nahalikan ko? Napahiya ako at saka tumalikod sa kanya. Ipagpatawad mo, Keres. Kamukha mo ang babaeng kaharap ko ngayon. Biglang nagsalita ang babaeng kaharap namin ngayon. “Ipagpaumanhin po ninyo, Ginoong Zereus. Ako po si Adamantine Lightwood. Ako po si Keres sa makabagong panahon. Ngunit maaari ninyo akong tawaging Ada,”ang sam
Read more

Chapter 68- The Agreement of the Three Gods

Inihanda ni Anastacius ang mga putik na hugis tao. Tapos ko nang iguhit ang magic circle na siyang kakailanganin sa paglipat namin sa maging katawan namin. “Nababaliw na talaga kayo? Desidido na ba kayo? Kasi kahit ako ay hindi ko alam ang gagawin ko sa oras na mahuli ako ni Yvaris. Bagamat ako ang mas matanda kaysa kay Yvaris, hindi ko kayang maging pasaway sa isang iyon lalo na’t boses pa lang niya mangingilabot ka na,” ang sambit ni Anastacius.Napataas naman ang kilay ni Euthymius lalo na’t ina niya ang pinag-uusapan namin sa ngayon. Napahalukipkip naman si Euthymius sa sinabi ni Anastacius. Mukhang inihahanda na nito ang mga salita na kanya’ng sasabihin lalo’t alam namin na masyadong madamdamin ang diyos ng buhay. Magkasalungat ang kanilang ugali lalo na’t magkaiba ang kanilang pamamalakad. “Isang himala na natatakot ang diyos ng buhay sa diyosa ng kadiliman? Akala ko ay wala kang kinatatakutan?” ang sambit ni Euthymius. Tinaasan siya ng kilay ni Euthymius. “Hindi porke’t ina mo
Read more

Chapter 69-The God of Fire

Pumatak ang luha mula sa aking mga mata. Kay tagal kong hinintay ang makitang muli si Athaliah. Akala ko hindi na darating pa ang pagkakataong ito. Ayon kay Letemis, matatagpuan si Athaliah sa kabundukan ng Carleheim. Ngunit masyadong mahina ang nararamdaman niyang kapangyarihan senyales na nakakulong sa loob ng isang harang. Ngunit kung ano man ang harang na iyon ay sinadyang itago ang ano mang kapangyarihan na siyang hindi matutukyan ng kahit sino mang mages. Napabusangot na lamang si Anastacius lalo na’t masama pa rin ang kanya’ng loob dahil sa mas nauna pang matukyan ni Letemis ang kinaroroonan ni Athaliah kaysa sa kanya. “Ang daya mo talaga, Letemis! Paano mo nagagawang matunton ang kinaroroonan ni Athaliah ng hindi pinagpapawisan? Sabihin mo nga sa akin, siguro may ginamit kang itim na salamangka, ‘no?”ang inis na tanong ni Anastacius. Napataas naman ang kilay ni Letemis at sinagot niya ang akusasyon ni Anastacius. “Hindi ako tanga para maglakad patungo sa landas ng kasama
Read more

Chapter 70-Ethereal Queen

Hindi ko maintindihan kung bakit hinahanap ni Lolo Zyione si Adamantine. Ngunit kailangan kong ituloy ang aking nasimulan. Napalingon ako kay Lolo Zyione, “Lolo, bakit niyo hinahanap si Adamantine?” ang tanong ko. Naningkit ang kanya’ng mga mata sa aking tanong. “Sinong diyos ang iniwan niyo kasama ni Adamantine?”ang tanong ni Lolo Zyione. Nagkatinginan kaming apat dahil tiyak akong hindi maganda ang kutob ko sa mga tanong ni Lolo Zyione. “Walang silang kasama. Tanging ang mga constellation lamang ang kasama nila,” ang sagot ko kay Lolo. Tumalikod si Lolo Zyione at naglakad patungo sa landas palabas ng kweba. “Kailangan kong pigilan ang nakatakdang mangyari. Hindi ko gugustuhing saktan ng apo ko ang kanya’ng sarili. Kailangan ko siyang mapuntahan bago mahuli ang lahat,” ang sambit ni Lolo Zyione. Tumingin naman si Zyione kay Keres. Tinaliman siya ng tingin ni Lolo Zyione. “Alam mong darating ang araw na ito, hindi ba? Alam mong si Adamantine ang diyosa ng katotohanan at alam na
Read more

Chapter 71- Insignia of the Ethereal Queen

Nagsimula ang pagdanak ng dugo nang magsimulang umatake ang mga Astral Mages. Hindi ko alam kung paano tatapusin ang iba sa kanila lalo na’t ang ibang constellations ay nagmula sa angkan ng mga Astral mages. Noong una, hindi ko maintindihan si Reyna Athaliah, hanggang sa isang araw ipinaliwanag sa akin ni Horus na ang tintitingala kong reyna ay hindi ordinaryong tao kundi isang diyosa. Kung sabagay sino nga ba ang mamuhay sa isang mundong puno ng pighati. Totoo ngang nakakapagtaka ang daloy ng mundong ito. Nagpanggap siyang tao upang makita nang malapitan ang pagkakabuklod-buklod ng mundong ito ngunit may mga tao talagang sinusubok ng kasamaan. “Ibigay niyo sa amin ang prinsesa!”ang sambit ng isang Astral mage at pinaulanan niya ako ng sandamakmak na bolang apoy. Gumawa ako ng isang water barrier upang pigilan iyon. Natupok ang apoy nang lumapat ito sa tubig at napabuntung-hininga na lamang ako sa kanya’ng ginawa. Naririnig ko ang ibang Astral mages na nagtatakbuhan upang hanapin sa
Read more

Chapter 72-Chalice Bearer

Sa pagsigaw ni Athaliah ng Constellation Code Spell, Nagliwanag ang walumpu’t walong constellation na siyang itinalaga ni Athaliah. Napalitan ng battle attire ang aming mga kasuotan na siyang matagal nang pinaghandaan ni Athaliah. “Ipagtanggol ninyo ang naapi! Ipaglaban ninyo ang tama! Para sa kinabukasan ng Vesmir!” ang sigaw ni Athaliah. Nagsimula ang pakikipaglaban namin sa mga Astral Mages. Ginawa kong espada ang tubig na nagmula sa kopita. Nakangisi naman si Phoenix habang sinusunog niya ang mga Astral Mages. “Handa ka na bang ipagpatuloy ang naudlot nating kompetisyon?” ang tanong ni Nether. Ngumisi lamang ako dahil sa tingin niya ba ay masyado na akong matanda para malimutan ang nasimulan namin? “Hindi ako ulyanin upang malimutan ang ating paligsahan, Nether, ”ang paalala ko sa kanya. Tumalsik naman sa aming harapan ang isang malaking shield at hinarangan nito ang isang malakas na atake mula kay Spigel. “Kung may panahon kayo upang magpaligsahan, sana ay may panahon r
Read more
PREV
1
...
5678910
DMCA.com Protection Status