Home / Romance / ANG TAKAS / Chapter 91 - Chapter 100

All Chapters of ANG TAKAS: Chapter 91 - Chapter 100

118 Chapters

CHAPTER 91 : ASAL BATA

  Maraming ulit nang napasyalan ni Senyor Gaspar at Amanda ang Underground River na ‘yon sa Puerto Princesa, na tinatawag ding Puerto Princesa Subterranean River, kung saan matatagpuan ang kahanga-hangang formations ng stalactites and stalagmites., nang hindi sila magkasama.Maraming pagkakataon nang ipinasyal ni Amanda doon ang kanyang mga naging kakilala at mga kaibigan. Nagmimistula siyang tourist guide ng mga kamag-anak na dumadalaw sa kanya sa Palawan, na nagnanais makiita ang ganda ng Underground River ng Puerto Princesa. Hindi nawawala ang kanyang paghanga sa lugar sa iyon, lalo pa at idini-describe niya ang bawat bahagi at sulok ng lugar na iyon sa kung sino mang kasama niya.Ngunit higit na bukas ang mga mata niya ng mga sandaling iyon, habang katabi niya sa Bangka ang kanyang fiancé. Kakaibang ganda ang namamasid niya sa bawat mga halaman at bulaklak na kanyang nakikita. Mas overwhelmed siya sa nagtataasang mga puno, mga
last updateLast Updated : 2022-02-25
Read more

CHAPTER 92 : PAMAMANHIKAN

  Hindi inaasahan ni Amanda ang pagdating ni Victor at Sophie. Masayang sinalubong niya ang mga ito, na masayang, sabay na humalik sa magkabila niyang pisngi.Ano’ng mabuting hangin ang nagtaboy sa inyo dito sa Palawan?” Tanong ni Amanda sa dalawa.“Hihingin na daw ni Sophie ang kamay ko sa inyo, Ma.” Pagbibiro ng kanyang anak.“Ganoon ba? Ano naman ang maio-offer niyang dowry?” Ganting biro ng ina.“Hindi po, Ma’am Amanda,” singit ni Sophie sa pag-uusap ng mag-ina, “kukunin ko lang po ‘yong kotseng pangarera ni Victor. ‘Yung Mustang na pula.”Nagtawa si Amanda.“Malabong mangyari ‘yan,” saad niya, “kunin mo na ang lahat ng pag-aari niyan, pero huwag-huwag mong gagalawin ang kanyang mustang at tiyak na magkakagulo.”Sumunod ang dalawa kay Amanda nang pumasok ito ng kabahayan. Nagpatuloy sa masayang pag-
last updateLast Updated : 2022-02-26
Read more

CHAPTER 93 MAY SIKRETO SI VICTOR

  Ang pamamanhikan ay isang kaugaliang Pilipino. Ito ay ang paghingi ng permiso ng mga magulang ng lalake sa mga magulang babae sa pagpapakasal ng magkasintahan.Awkward ang pakiramdam ni Tony sa pagkakataong iyon, na siyang anak ni Senyor Gaspar ang siyang makikipag-usap para sa ama, upang hingin ang kapahintulutan ni Victor na mapakasalan ng papa niya ang mama nito.Lumunok muna siya bago nagsalita.“Isang magandang kaugalian natin ang pamamanhikan,” pahayag ni Tony, “but the truth of the matter is, I feel awkward, na akong anak ang siyang hihingi sa kamay ni Ms. Amanda para sa aking ama,” tumawa ito, para bawasan ang embarrassment na nararamdaman.“Parang baligtad nga, ano,” saad ni Victor, “tayong mga anak ang mag-uusap para sa pagpapakasal ng mga magulang natin. Parang awkward talaga!”Nagtawanan ang mga naroon.“Well, buong puso kong pinapayagan ang aking m
last updateLast Updated : 2022-03-03
Read more

CHAPTER 94 : BITTERSWEET REUNION

  Matagal na pinagmamasdan ni Amanda ang sarili sa harapan ng malaking salamin na nakakabit sa dingding. Iyon ay silid na kadugtong ng kanyang silid tulugan, na tinawag niyang Vanity room. Naroon sa silid na iyon ang lahat ng kanyang gamit sa pag-aayos ng sarili. Nasa silid ring iyon ang kanyang walk in closet.May dalawang cabinet sa silid na iyon, kung saan ang isa ay lalagyan ng kanyang mga pabango at ang isa naman ay para sa kanyang mga pang-make-up. Lahat ng nasa mga cabinet na iyon ay pawang mga mamahalin at branded. Lahat ng kanyang mga pang-make-up ay kanyang pinapalitan tuwing ikaanim na buwan at hindi niya pinanghihinayangang itapon ang mga lumang pampaganda niya  na karaniwan ay halos hindi naman nagamit.Maingat siya sa mga ginagamit niya sa kanyang balat, kaya hindi kataka-takang mukha siyang bata ng sampung taon kaysa sa kanyang tunay na idad.Maganda siya, at hindi siya ipokrita para hindi aminin ‘
last updateLast Updated : 2022-03-04
Read more

CHAPTER 95 : FRIENDS

  KRRIINNGG…BLACKOUT.Walang naririnig si Victor.  Hindi rin niya namamalayan ang nagaganap sa kanyang paligid.Nakatuwaan nilang mag-ama na mag-bar-hopping ng nagdaang gabi, upang burahin ang kanilang kalungkutan at sakit ng kaloobang nararamdamanNasasaktan sila dahil tiyak na nilang hindi kailanman magkakaroon ng katuparan ang pangarap nilang mag-ama, na muling mabuo ang kanilang tahanan. Walang pag-asa na iyon ay mangyari pa. Hindi rin  nila hindi matanggap ang ningning ng kaligayahang, lalong nagpatingkad sa kagandahan ni Amanda noong kasal nito. Kaligayahang hindi nila nakita sa babae noong ito ay asawa pa ni Byron.Nakaramdam ng malaking pagkukulang sa dating asawa si Byron. At ang inggit kay Senyor Gaspar ay hindi niya naiwasan, sa kadahilanang mahal ito ni Amanda at suklam naman ang alam niyang nararamdaman nito para sa kanya.Nagdaramdam naman si Victor, dahil tila nag-aapura ang mama niy
last updateLast Updated : 2022-03-06
Read more

CHAPTER 96 : DILEMMA

   Dalawang oras nang naghihintay, sina Victor, ngunit wala pa ring pasabi ang airline tungkol sa paglipad ng eroplanong kanilang sasakyan.May bomb threat na natanggap ang telephonist, na agad ini-relay sa supervisor nito, na agad namang ipinarating sa mga bomb assesors. Na naging dahilan upang ma-hold ang lahat ng paalis na eroplano. Na-hold din sa wating area sina Victor at ang kanyang papa at mama.Ginawa ng management ang paraan upang hindi mamalayan ng mga taong nasa airport terminal ang tungkol sa tawag na bomb threat. May tinig na nagmula sa loudspeaker, humihingi ng paumanhin na madi-delay ang paglipad ng mga eroplanong nakatakdang umalis sa oras na iyon. Iniwasan ng mga namamahala ang magkaroon ng takot sa isip at damdamin ng bawat isang naroon, upang hindi mag-panic ang mga tao at maiwasan ang pagkakagulo na posibleng humantong sa pag-uunahan ng mga naroon sa paglabas, na maaaring magresulta sa stampede, kung saan marami ang ma
last updateLast Updated : 2022-03-08
Read more

CHAPTER 97 : THIS IS LOVE

  Pinagkakaguluhan ng mga usyoso ang taong walang malay na nakahandusay sa bangketa. Wari ay isa itong specimen na sinisipat at pinag-aarralan ang bawat parte ng katawan."Ang ganda ng katawan. Macho.""Masel na masel pa lamang..."“Ang guwapo!”“Tipong yayamanin!”“Buhay pa ba ‘yan?”Mga salitang iniuukol sa lalaking walang kamalay-malay na siya ay parang pagkaing nakahain na pang boodle fight.Nakisiksik si Nadine. Pinagmasdan ang kabuuan ng taong walang malay. At hindi niya naiwasan ang humanga sa kanyang pinagmamasdan.“Mukhang mapera,” naibulong sa sarili, “puwedeng pagkaperahan."Hinawi niya ang mga taong nasa kanyang harapan, "excuse me, paraan…paraan! Pinsan ko ‘yan.”Nahawi ang mga tao, binigyan siya ng daan.Nilapitan niya ang walang malay na nilalang. Kinapa ang mga bulsa ng pantalong s
last updateLast Updated : 2022-03-09
Read more

CHAPTER 98 : PAG-AHON SA PUTIKAN

  SURPRISE GIFTKunot ang noong pinirmahan ni Amanda ang katunayan ng pagkatanggap niya ng regalo mula sa delivery man na nag-abot niyon sa kanya. “Saan galing ‘yan?” Tanong ni Senyor Gaspar sa asawa, na kanyang sinalubong pagpasok nito sa kabahayan.Sa mansiyon ng mga Sandoval ipinasya ng mag-asawa ang pansamantalang tumigil habang hinihntay nilang matapos ang bahay na ipinagagawa ni Senyor Gaspar sa kanilang mag-asawa.“Hindi ko alam,”sagot ni Amanda sa tanong ni Senyor Gaspar, “walang nakalagay kung saan nanggaling, e. Pero may nakasulat na belated best wishes.”Nasisiyahang pinagmasdan ng Senyor ang asawang , ilang araw ng panay ang iyak dahil sa pagkawala ng anak nito.Wari’y isang patak ng kaligayahan sa disyerto ng kalungkutan ang regalong iyon na nagmula kung saan.Sa wakas, nakita niyang muli ang ngiti sa mga labi ng babaing kanyang pinakasalan.
last updateLast Updated : 2022-03-10
Read more

CHAPTER 99 : NADINE

  Sumapit na ang takdang araw oras nang pagdadala ng sampung miyong pisong ransom sa mall. Si Byron ang nagprisinta upang dalhin ang bag ng pera sa lugar na pinag-usapan.Malilikot ang mga matang iginala niya ang tingin sa kapaligiran ng mall. Naghanap ng nakapaghihinalang hitsura ng tao sa mga naroon.Wala. Normal ang lahat.Nasa di kalayuan sa kanya ay nagmamatyag din sa kapaligiran si Nadine. Naka-skin jeans ito at t-shirt. Naka-rubber shoes, may suot na cap, naka-dark sunglasses at may malaking backpack na nakasakbat sa likod nito.Patay malisyang sinundan nito ng tingin si Byron.Nasa loob na ng mall si Sheryl. Naka-wig ng kulay itim, maikli at walang bangs. May suot itong salamin sa mata, na nagbigay dito ng tila kagalang-galang na personalidad.Araw ng Linggo at marami ang nagpapalipas ng oras at nagpapalamig sa air conditioned na lugar na iyon. Bawat isa ay abala sa pagwi-window shopping, habang ang iba ay b
last updateLast Updated : 2022-03-11
Read more

CHAPTER 100 : PATAYIN MO MAN AKO

  “HINDI KAMI KIDNAPER! “Walang naniniwala sa sinabi ni Alijohn.Nasa interrogation room siya at pilit pinaamin sa kasalanang hindi niya ginawa.Isang malakas na sampal ang lumagapak sa mukha ng inuusig.  Naramdaman nito ang pagyanig ng kanyang utak sa tindi ng malakas na sampal na iyon. Wari ay may sandamukal na bubuyog ang biglang humuni sa loob ng kanyang tainga. At may nakita siyang kislap ng mga mumunting liwanag sa ilang saglit na pagdidilim ng kanyang kanyang paningin.Namanhid ang kanyang mukha, kaya’t wala siyang naramdamang sakit nang pumutok at magsugat ang sulok ng kanyang bibig. Umagos ang dugo.Mukha ng napopoot na pulis ang kanyang nakita nang muling bumalik sa normal ang tingin niya.Buong panggigil, patulak na sabunot nito ang kanyang buhok, puwersahang itingala siya,  na halos ikabale na ng leeg niya.Wala siyang naramdamang takot, kahit pa alam niyang puwede siy
last updateLast Updated : 2022-03-12
Read more
PREV
1
...
789101112
DMCA.com Protection Status