Matagal na pinagmamasdan ni Amanda ang sarili sa harapan ng malaking salamin na nakakabit sa dingding. Iyon ay silid na kadugtong ng kanyang silid tulugan, na tinawag niyang Vanity room. Naroon sa silid na iyon ang lahat ng kanyang gamit sa pag-aayos ng sarili. Nasa silid ring iyon ang kanyang walk in closet.
May dalawang cabinet sa silid na iyon, kung saan ang isa ay lalagyan ng kanyang mga pabango at ang isa naman ay para sa kanyang mga pang-make-up. Lahat ng nasa mga cabinet na iyon ay pawang mga mamahalin at branded.
Lahat ng kanyang mga pang-make-up ay kanyang pinapalitan tuwing ikaanim na buwan at hindi niya pinanghihinayangang itapon ang mga lumang pampaganda niya na karaniwan ay halos hindi naman nagamit.
Maingat siya sa mga ginagamit niya sa kanyang balat, kaya hindi kataka-takang mukha siyang bata ng sampung taon kaysa sa kanyang tunay na idad.
Maganda siya, at hindi siya ipokrita para hindi aminin ‘
KRRIINNGG…BLACKOUT.Walang naririnig si Victor. Hindi rin niya namamalayan ang nagaganap sa kanyang paligid.Nakatuwaan nilang mag-ama na mag-bar-hopping ng nagdaang gabi, upang burahin ang kanilang kalungkutan at sakit ng kaloobang nararamdamanNasasaktan sila dahil tiyak na nilang hindi kailanman magkakaroon ng katuparan ang pangarap nilang mag-ama, na muling mabuo ang kanilang tahanan. Walang pag-asa na iyon ay mangyari pa. Hindi rin nila hindi matanggap ang ningning ng kaligayahang, lalong nagpatingkad sa kagandahan ni Amanda noong kasal nito. Kaligayahang hindi nila nakita sa babae noong ito ay asawa pa ni Byron.Nakaramdam ng malaking pagkukulang sa dating asawa si Byron. At ang inggit kay Senyor Gaspar ay hindi niya naiwasan, sa kadahilanang mahal ito ni Amanda at suklam naman ang alam niyang nararamdaman nito para sa kanya.Nagdaramdam naman si Victor, dahil tila nag-aapura ang mama niy
Dalawang oras nang naghihintay, sina Victor, ngunit wala pa ring pasabi ang airline tungkol sa paglipad ng eroplanong kanilang sasakyan.May bomb threat na natanggap ang telephonist, na agad ini-relay sa supervisor nito, na agad namang ipinarating sa mga bomb assesors. Na naging dahilan upang ma-hold ang lahat ng paalis na eroplano. Na-hold din sa wating area sina Victor at ang kanyang papa at mama.Ginawa ng management ang paraan upang hindi mamalayan ng mga taong nasa airport terminal ang tungkol sa tawag na bomb threat. May tinig na nagmula sa loudspeaker, humihingi ng paumanhin na madi-delay ang paglipad ng mga eroplanong nakatakdang umalis sa oras na iyon. Iniwasan ng mga namamahala ang magkaroon ng takot sa isip at damdamin ng bawat isang naroon, upang hindi mag-panic ang mga tao at maiwasan ang pagkakagulo na posibleng humantong sa pag-uunahan ng mga naroon sa paglabas, na maaaring magresulta sa stampede, kung saan marami ang ma
Pinagkakaguluhan ng mga usyoso ang taong walang malay na nakahandusay sa bangketa. Wari ay isa itong specimen na sinisipat at pinag-aarralan ang bawat parte ng katawan."Ang ganda ng katawan. Macho.""Masel na masel pa lamang..."“Ang guwapo!”“Tipong yayamanin!”“Buhay pa ba ‘yan?”Mga salitang iniuukol sa lalaking walang kamalay-malay na siya ay parang pagkaing nakahain na pang boodle fight.Nakisiksik si Nadine. Pinagmasdan ang kabuuan ng taong walang malay. At hindi niya naiwasan ang humanga sa kanyang pinagmamasdan.“Mukhang mapera,” naibulong sa sarili, “puwedeng pagkaperahan."Hinawi niya ang mga taong nasa kanyang harapan, "excuse me, paraan…paraan! Pinsan ko ‘yan.”Nahawi ang mga tao, binigyan siya ng daan.Nilapitan niya ang walang malay na nilalang. Kinapa ang mga bulsa ng pantalong s
SURPRISE GIFTKunot ang noong pinirmahan ni Amanda ang katunayan ng pagkatanggap niya ng regalo mula sa delivery man na nag-abot niyon sa kanya.“Saan galing ‘yan?” Tanong ni Senyor Gaspar sa asawa, na kanyang sinalubong pagpasok nito sa kabahayan.Sa mansiyon ng mga Sandoval ipinasya ng mag-asawa ang pansamantalang tumigil habang hinihntay nilang matapos ang bahay na ipinagagawa ni Senyor Gaspar sa kanilang mag-asawa.“Hindi ko alam,”sagot ni Amanda sa tanong ni Senyor Gaspar, “walang nakalagay kung saan nanggaling, e. Pero may nakasulat na belated best wishes.”Nasisiyahang pinagmasdan ng Senyor ang asawang , ilang araw ng panay ang iyak dahil sa pagkawala ng anak nito.Wari’y isang patak ng kaligayahan sa disyerto ng kalungkutan ang regalong iyon na nagmula kung saan.Sa wakas, nakita niyang muli ang ngiti sa mga labi ng babaing kanyang pinakasalan.
Sumapit na ang takdang araw oras nang pagdadala ng sampung miyong pisong ransom sa mall. Si Byron ang nagprisinta upang dalhin ang bag ng pera sa lugar na pinag-usapan.Malilikot ang mga matang iginala niya ang tingin sa kapaligiran ng mall. Naghanap ng nakapaghihinalang hitsura ng tao sa mga naroon.Wala. Normal ang lahat.Nasa di kalayuan sa kanya ay nagmamatyag din sa kapaligiran si Nadine. Naka-skin jeans ito at t-shirt. Naka-rubber shoes, may suot na cap, naka-dark sunglasses at may malaking backpack na nakasakbat sa likod nito.Patay malisyang sinundan nito ng tingin si Byron.Nasa loob na ng mall si Sheryl. Naka-wig ng kulay itim, maikli at walang bangs. May suot itong salamin sa mata, na nagbigay dito ng tila kagalang-galang na personalidad.Araw ng Linggo at marami ang nagpapalipas ng oras at nagpapalamig sa air conditioned na lugar na iyon. Bawat isa ay abala sa pagwi-window shopping, habang ang iba ay b
“HINDI KAMI KIDNAPER! “Walang naniniwala sa sinabi ni Alijohn.Nasa interrogation room siya at pilit pinaamin sa kasalanang hindi niya ginawa.Isang malakas na sampal ang lumagapak sa mukha ng inuusig. Naramdaman nito ang pagyanig ng kanyang utak sa tindi ng malakas na sampal na iyon. Wari ay may sandamukal na bubuyog ang biglang humuni sa loob ng kanyang tainga. At may nakita siyang kislap ng mga mumunting liwanag sa ilang saglit na pagdidilim ng kanyang kanyang paningin.Namanhid ang kanyang mukha, kaya’t wala siyang naramdamang sakit nang pumutok at magsugat ang sulok ng kanyang bibig. Umagos ang dugo.Mukha ng napopoot na pulis ang kanyang nakita nang muling bumalik sa normal ang tingin niya.Buong panggigil, patulak na sabunot nito ang kanyang buhok, puwersahang itingala siya, na halos ikabale na ng leeg niya.Wala siyang naramdamang takot, kahit pa alam niyang puwede siy
Detalyadong isinalaysay ni Nadine at Alijohn kay Senyor Gaspar ang buong pangyayari na kanilang isinagawa sa pagkuha ng ransom money. Itinuro rin nila ang probinsiyang kinaroroonan ni Sheryl at kung kaninong kamag-anak ito nakikituloy doon.“Bakit binalikan n’yo pa si Victor, gayong dala n’yo a ang ransom money,” tanong ng Senyor na nagtataka, “Kung pinabayaan n’yo na lang siyang nasunog, di sana’y marami na kayong pera. Bakit itinaya pa ninyo ang buhay n’yo? ‘Yan tuloy nahuli kayo at nabugbog pa itong si Alijohn. At malamang sa hindi ay makulong pa kayo.”Hindi makapagsalita si Nadine. Hindi rin niya ganap na maunawaan ang sarili, kung bakit itinaya niya ang sariling buhay para sa kaligtasan ni Victor Madrid.“Kung hinayaan n’yo na lang na nasunog si Victor, di walang makapagsasabi kung sino kayo. Bakit itinaya pa ninyo ang buhay n'yo para ililgtas ang anak
PInakikiusapan ni Senyor Gaspar si Amanda.“Hindi ka ba nahahabag kay Nadine,” tanong niya, “nagkalapnos-lapnos ang mukha at katawan ng babaing ‘yon sa pagliligtas sa anak mo. Kung hindi nila binalikan si Victor, malamang sa hindi ay nasunog nang buhay ang anak mo!”“Siya ang nagkulong sa anak ko sa bahay na ‘yon,” ganting paliwanag ni Amanda, “she deserves what happened to her. Kung hindi niya kinidnap ang anak ko, hindi sana nangyari ang mga pangyayaring naganap.”Tumayo mula sa pagkakaupo sa gilid ng kama, sa tabi ni Amanda ang Senyor. Lumayo nang ilang hakbang sa asawa bago humarap at muling nagsalita.“Ilang ulilt bang kailangang sabihin sa iyo ni Victor na hindi siya kinidnap ni Nadine? Na natagpuan siyang walang malay ng babae at dinala sa bahay nila.”“At pagkatapos ay pinadalhan niya ako ng ransom note! Sampung milyong piso ang hiningi
Tahimik ang paligid. Namamahinga at natutulog na sa kanilang mga hotel room ang mga bisita ng hotel. May iilan na naglalanguyan sa pool, na hindi ganap na naiilawan. At hindi makikilalang ganap ang sino mang naglalakad sa palibot kung hindi lalapitan at ang mukha ay pagmamasdan. May isa na naglilibot, nakikiramdam sa paligid. Ninamnam ang kasiyahan ng paglalakad nang malaya. Si Moira. “Sayang hindi ko nakita ang kasal ni Victor at ng nurse na ‘yon,” inilibot niya ang tingin sa paligid, “saan kaya dito ang suite na kinaroroonan nila,” naku-curious na tanong sa wala. Wala siyang tangkang manggulo. Kuryusidad lang ang nagtulak sa kanya upang habulin ang kasalan na hindi naman inabutan. “Gusto ko ring makita kung masaya ang magpakasal,” pakikipag-usap niya sa sarili, “nang sa gayon ay malaman ko kung ano ang dapat kong maramdaman sa oras ng kasal namin ng boyfriend kong German.” Salapi ang tanging dahilan kung
Payapa ang isip at damadamin, kausap ni Senyor Gaspar si Nadine sa telepono. Masaya siyang nagbibigay ng payo sa babae at mga kasama nito, na nakikinig sa kanya sa pamamagitan ng loudspeaker ng phone.Nagdadabog na biglang pumasok ang stressed na si Amanda.Ilang oras na lang at magsisimula na ang kasal, ngunit wala pa ang bride.“Ano ba namang babae ‘yon,” ang sabi, kasabay sa pagbagsak ng katawan paupo sa kama, “napaka-inconsiderate!”Hinihintay niyang magbigay ng komento ang Senyor, ngunit nagpatuloy lang ito sa pakikipag-usap sa phone.Napatingin ang babae sa asawa. Sumama ang loob, inisip na hindi siya pinapansin nito, at mas binibigyang halaga ang kausap sa telepono.“Sino na naman ba ‘yang kausap mo?“ Ang tanong na paangil.“Si Nadine. Makakasama na raw nila sa kanilang tropa si Marcel.” Sagot ni Senyor Gaspar, na halata ang saya sa ki
Inip na si Moira. Kinakabahan at nagdududa na rin. Nabubuo na sa kanyang utak ang hinalang niloko lang siya ni Atty. Jasmine Martin, upang mapapirma sa blankong dokumento.Kumakalat na ang takot sa buo niyang pagkatao. Nakakaramdam ng kawalang pag-asa.“Hindi ko dapat pinaniwalaan ang abogagang ‘yon,”naibulong ni Moira nang may pagsisisi, “hindi ko dapat pinirmahan ang blankong papel na ‘yon. Para ko na ring inihulog ang sarili ko sa impiyerno kapag nagkataon.”Umaga pa niya pinirmahan ang blank document na pinapirmahan sa kanya ng abogada, at sinabi nito na agad aasikasuhin ang pagpapalaya sa kanya, pagkatapos niyang mapirmahan ang pinapipirmahan sa kanya.“Tatakas ako, oras na hindi nila ako pinalaya,” pagpaplano nya, “gagantihan ko ang lintik na abogadang ‘yon once na makalabas ako piitang ito. Pagsisisihan niyang niloko niya si Moira Corpuz.”Halo-halong damdamin ang umiiko
Hindi nagugustuhan ni Moira ang mga pangyayaring nagaganap. Ilang araw na siyang naghihintay sa tawag ni Victor, ngunit hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin ito nagpaparamdam.“Walanghiya kang Victor ka. Gagawin kong impiyerno ang buhay n’yo ng magiging asawa mo kapag hindi mo naipaatras ang demanda sa akin ni Ella at ng mga barkada niya!”Nag-iisip na nagpalakad-lakad siya sa piitang kanyang kinakukulungan.“Buwisit naman kasi ang mga nagbigay ng stag party na 'yon,e,” gigil na naisip niya, “hindi man lang ako winarningan na asawa pala ni Tony Sandoval ang best friend ng pakakasalan ni Victor.”Kilala niya ang pangalang Tony Sandoval, bilang anak ng isa sa pinakamayamang tao sa buong Asia na si Senyor Gaspar Sandoval. Maraming koneksyon ang taong 'yon. Powerful!Sabi nga ng mga kakilala niya, wala sa matinong pag-iisip ang sino man, na magtatangkang kalabanin ang sino ma
CHAPTER 114 : TO FORGIVE IS TO FORGETGumala ang tingin ni Ella sa paligid ng restaurant na kanyang pinasok. Iyon ang lugar na pinili ni Victor upang makipagkita sa kanya.Hindi niya gusto ang pakikipagtagpong iyon sa lalaking pakakasalan ng kanyang kaibigan. Ngunit curious siya sa sasabihin nito na hindi magawang sabihin sa telepono.Natanaw niya ang sulok na kinaroroonan ni Victor. Nakangiting kumaway ito sa kanya.Umakyat ang kanyang dugo sa ulo.Gustong sumabog ni Ella sa galit.Nagmamadali siyang lumapit kay Victor, sa paghahangad na matapos na agad ang magiging pag-uusap nila.“Ano’ng gusto mong orderin?” Tanong nito sa kanya nang makalapit siya.“Wala,” sagot niya na nanggigigil sa inis, “sabihin mo na, ano man ang sasabihin mo at nang makaalis na agad ako,” angil niyang inis na inis.“Init naman ng ulo!” Komento ni Victor.
Simple white wedding gown ang isusuot ni Sophie sa araw ng kanyang kasal, na si Amanda ang pumili ng design at designer.Mababa ang neckline ng wedding gown, ngunit may lining na kulay balat. Sa biglang tingin ay aakalaing balat mismo ng ikakasal ang kumikislap na nakalantad sa malalim na leeg ng damit. Ngunit kung muling pagmamasdan ay mahahalatang may lining itong nakakapit sa balat ng ikakasal.Handmaid ang mga burda sa pang-itaas na bahagi ng pangkasal na iyon, na gawa sa manipis, mamahaling telang ramie.Manipis, malambot na uri ng tela ang ginamit sa ibabang bahagi ng wedding gown, na sumusunod sa bawat galaw ng may suot nito. May lining din itong kulay balat. Mapapansin ang tila gintong mga butones sa likod ng wedding gown na backless hanggang baywang. Kumikinang sa makintab na tila gold powder ang guwantes, na hanggang lampas sa siko ng ikakasal.“You look so stunning!” Paghanga ni Amanda sa mama
Pakiramdam ni Victor ay masisiraan na siya ng bait. Lahat ng paraan ay ginawa na niya upang makausap si Sophie. Ngunit pinanatili nito ang invisible na pader, na inilagay nito sa pagitan nila.Matigas ang loob ng kanyang kasintahan. Nakipag-break na ito sa kanya, sa pamamagitan ng text, bagay na hindi niya matanggap.“Pag-usapan natin ito, Sophie. Ilang araw na lamang ay ikakasal na tayo.” Sagot niya sa text ng pakikipagkalas ng babae sa kanya.KRRIIINNNNGGGG…Hindi na niya tiningnan sa screen kung sino ang tumatawag, agad na sinagot ni Victor ang kanyang phone.“Babe, thanks at tumawag ka rin sa wakas!”“Victor, tulungan mo ako!” ang sabi agad ng tumawag sa kanya, “patung-patong na demanda ang inihain ni Ella at ng mga kaibigan niya sa korte laban sa akin. ‘Yong simpleng trespassing ay dinagdagan ng robbery, pagbabasag ng mga gamit at naglagay daw ako ng drug
Dala ang tray ng pagkain, marahang kinatok ni Gener ang pintuan ng silid tulugan ni Sophie. Halos maghapon nang nakakulong sa silid tulugan nito ang kanyang anak, at ang mag-alala’y hindi na niya maiwasan.“Sophie, anak,” pagtawag niya, “may dala akong pananghalian mo,“ pagbibigay alam niya, “hindi ka nag-almusal kaninang umaga, baka kung mapaano ka na kung hindi ka pa manananghali.”Walang sagot. Wala ring nagbubukas ng pintuan.“Pagbuksan mo si papa, anak,” pakiusap na ng ama, “nangangawit na ang kamay ko sa pagbuhat nitong tray ng pagkain mo.”Narinig niya ang mahihinang yabag na papalapit sa pintuan, na nabuksan, makaraan ang ilang sandali.“Hindi na sana kayo nag-abala sa paghahanda ng pagkain ko, Papa,” saad ng anak, “hindi naman ako nagugutom, e.”“Ano bang hindi nagugutom ang sinasabi mo, e, kaninang umaga ka pa
Hindi mapakali si Victor.KRIIIIINNG…KRIIIIINNGG…Paulit-ulit niyang tinatawagan si Sophie, ngunit hindi nito sinasagot ang kanyang tawag.KRIINNGGG…KRIINNGGG…“Pick up, Sophie… pick up!”Nag-aalala siya kay Sophie. Ibig niyang matiyak na nasa ayos itong kalagayan at hindi nalalagay sa ano mang uri ng kapahamakan.“Nasaan ka ba, Sophie? Bakit hindi mo sinasagot ang iyong phone.”Bigla ay nakadama siya ng takot.“Baka kinausap siya ni Moira, ah,” naisip niya, “baka nalaman na niya ang totoo at gusto na niyang layuan ako.”Muli niyang idinayal ang numero ng cellphone ni Sophie. Paulit-ulit.…….Naririnig, ngunit hindi pinapansin ni Sophie ang pag-iingay ng kanyang telepono. Hindi siya interesadong makipag-usap kanino man, higit at lalo kay Victor. Ang nais niya ay mapag-isa. Hanapin at