Share

CHAPTER 98 : PAG-AHON SA PUTIKAN

SURPRISE GIFT

Kunot ang noong pinirmahan ni Amanda ang katunayan ng pagkatanggap niya ng regalo mula sa delivery man na nag-abot niyon sa kanya. 

“Saan galing ‘yan?” Tanong ni Senyor Gaspar sa asawa, na kanyang sinalubong pagpasok nito sa kabahayan.

Sa mansiyon ng mga Sandoval ipinasya ng mag-asawa ang pansamantalang tumigil habang hinihntay nilang matapos ang bahay na ipinagagawa ni Senyor Gaspar sa kanilang mag-asawa.

“Hindi ko alam,”sagot ni Amanda sa tanong ni Senyor Gaspar, “walang nakalagay kung saan nanggaling, e. Pero may nakasulat na belated best wishes.”

Nasisiyahang pinagmasdan ng Senyor ang asawang , ilang araw ng panay ang iyak dahil sa pagkawala ng anak nito.

Wari’y isang patak ng kaligayahan sa disyerto ng kalungkutan ang regalong iyon na nagmula kung saan.

Sa wakas, nakita niyang muli ang ngiti sa mga labi ng babaing kanyang pinakasalan.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status