Pinagkakaguluhan ng mga usyoso ang taong walang malay na nakahandusay sa bangketa. Wari ay isa itong specimen na sinisipat at pinag-aarralan ang bawat parte ng katawan.
"Ang ganda ng katawan. Macho."
"Masel na masel pa lamang..."
“Ang guwapo!”
“Tipong yayamanin!”
“Buhay pa ba ‘yan?”
Mga salitang iniuukol sa lalaking walang kamalay-malay na siya ay parang pagkaing nakahain na pang boodle fight.
Nakisiksik si Nadine. Pinagmasdan ang kabuuan ng taong walang malay. At hindi niya naiwasan ang humanga sa kanyang pinagmamasdan.
“Mukhang mapera,” naibulong sa sarili, “puwedeng pagkaperahan."
Hinawi niya ang mga taong nasa kanyang harapan, "excuse me, paraan…paraan! Pinsan ko ‘yan.”
Nahawi ang mga tao, binigyan siya ng daan.
Nilapitan niya ang walang malay na nilalang. Kinapa ang mga bulsa ng pantalong s
SURPRISE GIFTKunot ang noong pinirmahan ni Amanda ang katunayan ng pagkatanggap niya ng regalo mula sa delivery man na nag-abot niyon sa kanya.“Saan galing ‘yan?” Tanong ni Senyor Gaspar sa asawa, na kanyang sinalubong pagpasok nito sa kabahayan.Sa mansiyon ng mga Sandoval ipinasya ng mag-asawa ang pansamantalang tumigil habang hinihntay nilang matapos ang bahay na ipinagagawa ni Senyor Gaspar sa kanilang mag-asawa.“Hindi ko alam,”sagot ni Amanda sa tanong ni Senyor Gaspar, “walang nakalagay kung saan nanggaling, e. Pero may nakasulat na belated best wishes.”Nasisiyahang pinagmasdan ng Senyor ang asawang , ilang araw ng panay ang iyak dahil sa pagkawala ng anak nito.Wari’y isang patak ng kaligayahan sa disyerto ng kalungkutan ang regalong iyon na nagmula kung saan.Sa wakas, nakita niyang muli ang ngiti sa mga labi ng babaing kanyang pinakasalan.
Sumapit na ang takdang araw oras nang pagdadala ng sampung miyong pisong ransom sa mall. Si Byron ang nagprisinta upang dalhin ang bag ng pera sa lugar na pinag-usapan.Malilikot ang mga matang iginala niya ang tingin sa kapaligiran ng mall. Naghanap ng nakapaghihinalang hitsura ng tao sa mga naroon.Wala. Normal ang lahat.Nasa di kalayuan sa kanya ay nagmamatyag din sa kapaligiran si Nadine. Naka-skin jeans ito at t-shirt. Naka-rubber shoes, may suot na cap, naka-dark sunglasses at may malaking backpack na nakasakbat sa likod nito.Patay malisyang sinundan nito ng tingin si Byron.Nasa loob na ng mall si Sheryl. Naka-wig ng kulay itim, maikli at walang bangs. May suot itong salamin sa mata, na nagbigay dito ng tila kagalang-galang na personalidad.Araw ng Linggo at marami ang nagpapalipas ng oras at nagpapalamig sa air conditioned na lugar na iyon. Bawat isa ay abala sa pagwi-window shopping, habang ang iba ay b
“HINDI KAMI KIDNAPER! “Walang naniniwala sa sinabi ni Alijohn.Nasa interrogation room siya at pilit pinaamin sa kasalanang hindi niya ginawa.Isang malakas na sampal ang lumagapak sa mukha ng inuusig. Naramdaman nito ang pagyanig ng kanyang utak sa tindi ng malakas na sampal na iyon. Wari ay may sandamukal na bubuyog ang biglang humuni sa loob ng kanyang tainga. At may nakita siyang kislap ng mga mumunting liwanag sa ilang saglit na pagdidilim ng kanyang kanyang paningin.Namanhid ang kanyang mukha, kaya’t wala siyang naramdamang sakit nang pumutok at magsugat ang sulok ng kanyang bibig. Umagos ang dugo.Mukha ng napopoot na pulis ang kanyang nakita nang muling bumalik sa normal ang tingin niya.Buong panggigil, patulak na sabunot nito ang kanyang buhok, puwersahang itingala siya, na halos ikabale na ng leeg niya.Wala siyang naramdamang takot, kahit pa alam niyang puwede siy
Detalyadong isinalaysay ni Nadine at Alijohn kay Senyor Gaspar ang buong pangyayari na kanilang isinagawa sa pagkuha ng ransom money. Itinuro rin nila ang probinsiyang kinaroroonan ni Sheryl at kung kaninong kamag-anak ito nakikituloy doon.“Bakit binalikan n’yo pa si Victor, gayong dala n’yo a ang ransom money,” tanong ng Senyor na nagtataka, “Kung pinabayaan n’yo na lang siyang nasunog, di sana’y marami na kayong pera. Bakit itinaya pa ninyo ang buhay n’yo? ‘Yan tuloy nahuli kayo at nabugbog pa itong si Alijohn. At malamang sa hindi ay makulong pa kayo.”Hindi makapagsalita si Nadine. Hindi rin niya ganap na maunawaan ang sarili, kung bakit itinaya niya ang sariling buhay para sa kaligtasan ni Victor Madrid.“Kung hinayaan n’yo na lang na nasunog si Victor, di walang makapagsasabi kung sino kayo. Bakit itinaya pa ninyo ang buhay n'yo para ililgtas ang anak
PInakikiusapan ni Senyor Gaspar si Amanda.“Hindi ka ba nahahabag kay Nadine,” tanong niya, “nagkalapnos-lapnos ang mukha at katawan ng babaing ‘yon sa pagliligtas sa anak mo. Kung hindi nila binalikan si Victor, malamang sa hindi ay nasunog nang buhay ang anak mo!”“Siya ang nagkulong sa anak ko sa bahay na ‘yon,” ganting paliwanag ni Amanda, “she deserves what happened to her. Kung hindi niya kinidnap ang anak ko, hindi sana nangyari ang mga pangyayaring naganap.”Tumayo mula sa pagkakaupo sa gilid ng kama, sa tabi ni Amanda ang Senyor. Lumayo nang ilang hakbang sa asawa bago humarap at muling nagsalita.“Ilang ulilt bang kailangang sabihin sa iyo ni Victor na hindi siya kinidnap ni Nadine? Na natagpuan siyang walang malay ng babae at dinala sa bahay nila.”“At pagkatapos ay pinadalhan niya ako ng ransom note! Sampung milyong piso ang hiningi
DING-DONG! DING-DONG!Ayaw maabala sa panonood ng TV, hindi tuminag sa kinauupuan si Sheryl, kahit paulit-ulit na ang pagtunog ng door bell sa labas ng bakuran ng apartment na kanilang tinitirahan.“Hoy, Sheryl, bingi ka ba,” bulyaw ni Nadine sa kanya, “kanina pa tumutunog ‘yong doorbell hindi ka pa kumikilos para buksan!”“Nanonood ako, e, bakit hindi ikaw ang magbukas?”“Naghahain ako ng hapunan natin. Nasa CR naman si Alijohn at nakaupo sa trono.”Inis, nagdadabog na tumayo mula sa kinauupuan si Sheryl. Lumabas para alamin kung sino ang nagdo-doorbel.“Istorbo!”Isang teen-ager na lalake ang nakatayo sa harapan ng gate ang nakita ni Sheryl. Nakasuot ito ng luma, may ilang butas na t-shirt at lumang shorts naman ang suot na pang-ibaba.“Sino ka? Ano’ng kailangan mo?” Tanong ni Sheryl dito.“Nandiyan po
Mabigat ang damdaming nag-impake ng mga damit at gamit niya si Amanda. Hindi niya nais na dumating ang sandaling si Senyor Gaspar pa mismo ang magpaalis sa kanya, na iniisip niyang posibleng mangyari kung may iba ng napupusuan ang kanyang asawa.“Sa hitsura ng pustura niya kanina at sa saya ng expression ng mukha niya, ay hindi malayo na napalitan na nga niya agad ako.”Pakiramdam niya’y pinalo ng maso ang kanyang puso. Durog. At pakiwari niya’y hindi na ito mapagkakabit-kabit pa. Walang ano mang uri ng glue o pandikit ang makapagbubuong muli ng nagka-piraso niyang puso.“Hi, Ma!”Napalingon si Amanda sa pintuan ng silid na kanyang kinaroroonan.“Victor!”Patakbong niyakap niya ang anak. Hindi niya napigil ang maiyak.“Sus, ang mama ko,” wika ni Victor, “akala mo naman kay tagal naming hindi nagkita. “Sa pakiramdam n
Halos hindi makahinga si Nadine. Nararamdaman niya ang galit na nasa mga mata ng babaing kanyang kaharap. Gusto niyang itago ang takot na kanyang nararamdaman, ngunit lantad na lantad iyion sa panginginig ng kanyang mga kamay.Pinagmamasdan ni Amanda ang mukha ng babaing kaharap. May pitik ng awa siyang naramdaman sa puso, sa nakitang malaking peklat na nakaalsa sa mukha nito. Kinilabutan nang maglaro sa kanyang isip ang hitsura nito sa pagpasok sa bahay na nagliliyab upang iligtas ang kanyang anak. Waring naramdaman niya ang init ng apoy na sumasalab sa mukha nito habang pinapasok ang nag-aapoy na bahay.“Ikaw si Nadine?” Tanong niya sa tinitingnan.“Yes po.” Sagot nito.“Kilala mo ‘ko?”“Kayo po si Amanda Madrid na nagpakasal kay Senyor Gaspar Sandoval, ina ni Victor Madrid.”Sarcastic ang ngiting naglaro sa mga sulok ng bibig ni Amanda.