Home / Romance / Body Shot / Kabanata 111 - Kabanata 120

Lahat ng Kabanata ng Body Shot: Kabanata 111 - Kabanata 120

146 Kabanata

Chapter 111

 “Lola Cedes!” Malakas na sabi ko pagkakita ko sa kanya. Naabutan ko siya sa loob ng kitchen ng bahay ni Richard. Agad ko siyang nilapitan at saka nagmano, habang ang boyfriend ko naman ay humalik sa pisngi ni Lola.“Stacy, iha.” Malambing niyang bati sa akin.“Kanina pa po kayo Lola? At ano po ang ginagawa ninyo dito sa kitchen?”“Medyo kanina pa ako rito. Ang sabi kasi sa akin niyang si Ricardo ay susunduin ka lang raw niya sa school. Sandali lang daw siyang mawawala. Aba eh halos tubuan na ako ng talaba ay wala pa rin kayong dalawa. Kaya heto, naisipan ko na lang na magluto.”Pagkasabi niyang iyon ay agad kong naamoy ang mabangong amoy ng niluluto niya, “Sinigang po ba iyan La?”“Oo, apo. Sinigang na baboy, nagprito na rin ako ng isda para may partner ang sinigang. Mabuti na lang at dumating na kayo, akala ko ay lalamig na itong pagkain nang hindi kayo dumarating.&rdq
last updateHuling Na-update : 2022-01-31
Magbasa pa

Chapter 112

 “Sir may nabili po kasi akong isang resort sa Batangas. Kung gusto ninyo ay doon po muna kayo magbakasyon.” Alok ko kay Mr. Mendoza.Yes, dito ako tumuloy sa bahay nila instead sa meeting ko with Danny. Lingid sa kaalaman ni Stacy ay noong araw na nagpunta kami sa Batangas ay iyon din ang araw na inabot ko kay Danny ang tseke na naglalaman ng paunang bayad ko sa resort. Nang makita ko na nagustuhan niya iyong lugar ay agad ko nang binayaran ang kalahati noon. Iyong balance ay binayaran ko na kanina, nag bank transfer na lang ako dahil nagka emergency siya ngayon at hindi nga makakapunta sa meeting namin.“Niyayabangan mo ba ako, magaling na lalaki? Hindi porket buntis na ang anak ko ay pwede ka nang magmalaki sa akin. Tandaan mo na pwedeng pwede ko pa ring ilayo sa iyo ang anak ko kung gugustuhin ko.”“Pero syempre ay hindi n’yo po iyan gagawin dahil masasaktan si Stacy.”“Sabi ko nga.” P
last updateHuling Na-update : 2022-01-31
Magbasa pa

Chapter 113

 “Anak, kailan ang umpisa ng semestral break ninyo?” Tanong sa akin ni Dad habang kumakain kami ng agahan. Siya, ako at si Tita Amanda ang magkasalo ngayon. Kagabi nang hinatid ako ni Richard ay gusto niya sanang magsabi na kami kay dad ng kalagayan ko, na buntis ako. Pero hindi ako pumayag. Baka kasi matagalan kami, baka matagalan siya sa pagbalik sa bahay niya. Hindi ako sigurado kung pakakawalan ba siya agad ni daddy pagkatapos nitong malaman ang totoo. Pinagmamadali ko pa man din si Richard na makauwi sa bahay niya dahil nag aalala nga ako kay Lola Cedes, naiwan namin siyang mag isa sa bahay.Gusto ko man siyang isama ay hindi nama pwepwede, sabi ng boyfriend ko. Ang sabi niya ay baka iba ang isipin ng tatay ko kapag nagdala na siya ng kamag anak. Baka daw lalo itong magalit sa kanya at maging dahilan ng pagbabawal sa aming magkita. May posibilidad daw na isipin ni dad na nagmamadali na siyang kuhanin ako, na angkinin ako bilang kanya. Ayaw niya d
last updateHuling Na-update : 2022-02-03
Magbasa pa

Chapter 114

 “Rekdi, nasaan si Stacy? Agad na tanong sa akin ni Eric the moment na makaupo ako sa harapan nila. Lumingon pa siya sa pinanggalingan ko. “Bakit hindi mo yata kasama si buntis ngayon?”  Kadarating ko lang ng location, feeling empty na naman ako pagpunta ko rito dahil wala akong pasahero. Nakakapanibago man ay dapat na rin akong masanay, malapit nang dumating ang oras na hindi na pwedeng sumama sa akin sa shoot si Stacy. Kapag lumaki na ang tiyan niya ay hindi na ako papayag na magpunta pa siya rito at tumulong. Ang minsang pagdalaw ay pwepwede naman siguro o kaya naman kung talagang namimiss na niya ang mga kolokoy na ito, mas mabuti na sila na lang ang bumisita kay Stacy sa bahay. Doon na lang nila puntahan para mas safe.“Final exams na nila eh. Hindi na muna siya magpupunta rito.” Paliwanag ko.“Ay, aayain pa naman sana naming manood ng basketball sa Friday.” Nangunot ang noo ko, pasakalye niya pa lang. &l
last updateHuling Na-update : 2022-02-04
Magbasa pa

Chapter 115

 “Sigurado ka na bang talaga diyan Rekdi?” Tanong sa akin ni Eric pagkatapos nilang kumalma mula sa sinabi ko. “Baka nabibigla ka lang, pwede pa naman yatang umurong.”“Oo nga naman Rekdi. Baka ma-miss mo niyan ang buhay binata ha.” Si Mike naman ngayon.“Kilala n’yo ako guys, kapag ginusto ko ang isang bagay, ang ibig sabihin noon ay desidido na ako. At saka buntis na si Stacy, ilang buwan na lang ay lalabas na ang baby namin. Dapat lang naman siguro na isipin ko na ang pagpapamilya. Hindi na rin naman ako bumabata. Isa pa ay naiinggit ako sa inyo.”“Naiinggit ka sa amin?” Tila gulat na tanong ni tatay Matt sa akin. “Aba’y ano ang kinaiinggitan mo sa amin? Ikaw nga diyan eh. Pwede mong gawin ang lahat ng gusto mo.”“Nakakasawa din naman Tay Matt ang pagiging binata. Syempre tumatanda na rin ako, gusto ko rin na paggising ko sa umaga ay may makikita akon
last updateHuling Na-update : 2022-02-06
Magbasa pa

Chapter 116

 “Sam.” Tawag ko sa pansin ni Sam, ang matalik kong kaibigan since high school.“Yes, Rekdi?” Nang angat siya ng paningin sa akin. Kasalukuyan kasi siyang nagbabasa ng bagong dating na script. Muli ay pinaalalahanan ko angs arili ko. Si Sam ito, ang matalik kong kaibigan since high school. Kahit na ano ay pwede kong sabihin sa kanya. Kahit na ano ay pwede kong ikonsulta. Karamay ko siya sa lahat. Mula sa kalokohan hanggang sa madilim na sandali ng buhay ko. Siya, sila ni Luke ang karamay at kasama ko nang sabay na amwala ang parents ko. Sa kanila ay pwede akong magsabi ng totoo, hindi ko kinakaialnagn na magkunwari. Hindi ko kailangan na magtago ng nararamdaman.“Natatakot ako, sa totoo lang. Kinakabahan ako sa gagawin ko.”Pagkarinig sa sinabi kong iyon ay tumayo siya mula sa kinauupuan at saka lumapit sa akin.“Ano ang sinabi mo?”“Natatako at Sam, paano kung ayawan na naman ako n
last updateHuling Na-update : 2022-02-07
Magbasa pa

Chapter 117

 “Kailan nga itong binabalak mong proposal Rekdi?” Tanong sa akin ni Tay Matt habang pareho na kaming nasa loob ng ObVan.Katatapos lang ng isang eksena kaya nagse-set up pa ngayon sa floor. Hindi ko na naman kinakailangang bumaba pa at magpunta roon dahil nakapag blocking na rin ako kanina para sa susunod na eksenang kukunan. Dahil nga sa continuation lang naman ang susunod na eksena kaya hindi magbabago ang artistang kailangan sa next sequence. Set up lang ang pinabago ko sa kanila kaya ang punong abala ngayon sa floor ay ang lighting at art department. At nandoon naman si Juls, tiwala ako na nasu-supervise niya ang gusto kong mangyari para sa kukunang eksena.“Sa twenty-four sana Tay Matt. Tamang tama kasi dahil wala rin tayong trabaho noon dahil nga may shoot sa Morocco ang mga artista natin. Kaya sana makikiusap ako sa inyo, alam n’yo naman na kailangang kailangan ko ang suporta ng mga taong malalapit sa akin at kayo iyon. Kayo
last updateHuling Na-update : 2022-02-08
Magbasa pa

Chapter 118

 “I love you too Babe. Huwag na malungkot ha, aayusin ko iyong problema mo. Goodluck sa exam mo.”Pagkarinig ko sa sinabing iyon ni Richard sa kabilang linya agad ko nang pinutol ang tawag. Huminga muna ako ng malalim saka tumingin sa paligid. Nandito ako ngayon sa isa sa mga gazebo dito sa school, nag iisa. Hindi ko alam kung nasaan sina Ida at Apz, I’ve been texting them pero hindi naman sila sumasagot, siguro ay nagtatampo pa rin sila sa akin ngayon. Malamang ay nagagalit at masama pa rin ang loob nila dahil ang pakiramdam nila ay pinaglihiman ko sila.Hindi ko rin naman sila masisisi kung nakakaramdam sila ng ganoon sa akin. May karapatan silang magalit. May usapan kami bilang matalik na magkakaibigan na walang lihiman hanggang sa dulo pero anong ginawa ko? Hindi katwiran na dahil hindi kami madalas na nagkikita kaya hindi ako nakakapagkwento sa kanila. Hindi dahilan na halos wala kaming oras sa isa’t isa para hindi ko ipaalam s
last updateHuling Na-update : 2022-02-09
Magbasa pa

Chapter 119

 “Rekdi, nag kaaberya si A sa guesting niya.” Imporma sa akin ni Juls. Umakyat pa siya sa ObVan para sabihin sa akin ng personal. Hangga’t maaari kasi ay aayw kong ipaalam ang mga ganitong aberya sa iba ko pang artista at crew. “After lunch pa raw maibibigay sa atin. Magpapa-lunchbreak na lang muna ako.”“Mabuti pa nga kaysa pare pareho tayong nakatengga rito. Wala naman tayong magagawa dahil para rin sa promo ng show natin nag pagpunta niya doon. Kaya langnakakainis na naaberya tayo. Sayang ang oeas natin, kung alam ko lang na ganyan nag mangyayari ay sana iyong second location na lang ang inuna natin.”“Kaya nga eh, hindi rin naman gusto ng bata iyon. Sigurado na pagdating noon dito ay kuntodo paghingi ng sorry.” Iyon lang at bumaba na rin agad si Juls kasunod si Tatay.Naiwan akong mag isa dito sa ObVan. Namomroblema na naman kasi ako. Paano ba naman ay nagtext ang big boss sa akin na dadalaw
last updateHuling Na-update : 2022-02-10
Magbasa pa

Chapter 120

 “Kumain na kayo ni Lola?” Tanong ko kay Stacy sa kabilang linya. Kasalukyan akong nakaupo sa labas ng ObVan ngayon dahil nagseset-up pa. Isa pa ay may hinihintay pa kaming artista kaya hindi pa kami makapag-take.“Yes, pagdating ko ay nakapagluto na siya ng pochero. Grabe, namiss ko ang ganoong luto.” Halata ko na sobrang na-amaze siya base sa tono ng boses niya. “Since namatay si Mommy ay hindi na ako nakakain ng ganoong kasarap.” Pagkwekwento pa niya. Oo nga pala, noong nasa Batangas kami ay hindi naipagluto ni Lola si Stacy dahil teritoryo ni Mang Celia iyon, ang matagal nang kusinera ni Lola.“Favorite niyang lutuin sa akin iyan eh. Ano ba naman iyang si Lola, kung kailan may trabaho ako ay saka pa nagluto niyan.”“Ako na kasi ang paborito niya eh, hindi na raw ikaw.” Pang aasar pa niya saka binuntutan ng malakas na tawa.“Hay naku, magjo-joint force na naman kayo ni Lola.
last updateHuling Na-update : 2022-02-11
Magbasa pa
PREV
1
...
101112131415
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status