Hindi niya napigilang tumulo ang luha habang nakatayo sa harapan ng puntod ng kanyang mga mahal sa buhay. "Pasensiya na po kayo ngayon lang uli ako nakadalaw. Troy, Elizabeth, katatapos lang ng first birthday ni Elisha niyo. Alam niyo ang saya niya noong i-blow niya 'yong candle. Sayang wala kayo, nakita niyo sana kung gaano kasaya ang anak niyo. Huwag kayong mag-aalala, mahal na mahal siya namin dito. Nay, Tay, heto nga po pala ang pangalawa niyong apo," tukoy niya sa anak na nasa loob pa ng sinapupunan. "Mahal na mahal ko kayo," sambit niya at muling dumaloy ang luha sa kanyang mga mata. Pinunasan niya ito gamit ang kanyang palad. Nakalimutan niya kasing magdala ng panyo. Hindi niya kasi akalain na iiyak pa siya. Buong akala niya ay tanggap na niya ang trahedya na nangyari sa mga ito ilang buwan na ang nakakaraan."I know you would still cry," seryosong wika ng asawa na nasa likuran niya. Umikot ito sa harapan niya at pinunas ang kanyang luha gamit ang mga hinlalaki nito. "
Baca selengkapnya