Napabalikwas ako ng bangon pagkatapos ng isang masamang panaginip. Umaga na pala. May mumunting liwanag na pumapasok mula sa mga siwang ng bahay. Hindi ko alam kung paanong nakatulog kami nang mahinbing ni Sam. Halos sabay rin lang kaming nagising. "Good morning, George," humihikab na bati ni Sam sa akin. "Morning must be very good if we're not in this situation," pagmamaktol ko sabay bangon. Ilang sandali pa ay may narinig kaming paparating lulan ng kabayo. "Ha!" "May tao," wika ni Sam. "Baka si Russell," sagot ko sabay labas ng bahay. Tama ang hinuha ko. It was Russell at mayroon siyang dalawang kasama na nakasakay rin sa kabayo. "I hope you had a good sleep," wika ng lalaki habang pababa sa kanyang kabayo. "I planned of getting back last night para sunduin kayo lamang ay wala ang isa kong tauhan para magdala ng isa pang kabayo. Minabuti kong ngayong umaga nalang kayo puntahan," anito."It's alrig
Read more