Home / All / Love Me Simply / Chapter 11 - Chapter 20

All Chapters of Love Me Simply: Chapter 11 - Chapter 20

56 Chapters

Chapter 11: First Kiss

Christmas day...Ipinagdiriwang ng lahat ang kapaskuhan. Maraming bata ang masayang nagbabahay-bahay upang manghingi ng pamasko. May mga kabahayan rin na nag-vivideoke. Sa bahay naman nila ay may iilang mga inaanak, maging ang mga pamangkin sa pinsan ang naroon. Si Nanay Lourdes ay abala sa pakikipag-usap kay Troy sa cellphone. Si Roxanne naman ay nakikipagkwentuhan sa mga pinsang kasing-edad nito. Matapos niyang ipamigay sa mga inaanak ang mga inihandang regalo ay agad namang nagpasalamat ang mga ito sa kanya."Maraming salamat po ninang!" Ang sabi
last updateLast Updated : 2021-09-26
Read more

Chapter 12: Welcoming The New Family Member

Since the day that they have kissed ay madalas na tumawag si George. Enero na ngayon at kabuwanan na ni Elizabeth kaya lumuwas ng Maynila ang nanay niya para maasikaso ang manugang."O Estella mag-iingat ka dito ha? Huwag mong kakalimutang i-lock ang mga pinto bago matulog." Bilin nito sa kanya."Ang inay naman ginawa akong bata." Nakatawang sabi niya."Aba natural, nag-iisa ka lang dito. Sabado at Linggo ka lang masasamahan dito nitong si Roxanne." May pag-aalalang sagot nito."Nay, big girl na 'yang si Ate. May jowa na nga eh," biro naman ng kapatid niya."Anong jowa ang pinagsasabi mo diyan Roxanne?" Saway niya rito."Asus nagmaang-maangan pa 'tong future Mrs. Del Castillo na ito." Nang-iinis na turan nito sabay kiliti pa sa tagiliran niya.Agad siyang pinamulahan ng mukha at hinampas ito ng magazine na agad niyang napulot sa mesa. "Tumigil ka riyan ha!" Singhal niya rito."Sus ang pikon naman nitong---" mang-aasar pa sana i
last updateLast Updated : 2021-09-26
Read more

Chapter 13: Flashback

Sa isang bench sa ilalim ng mayabong na punong mangga niya naisipang umupo. "Ang hirap naman nito," Nahilot niya nang bahagya ang sentido sabay tiklop sa notebook. Kanina pa niya sinusubukang i-solve ang assignment nila sa physics. Parang ang dali lang naman nito kapag idini-discuss ng professor nila, pero bakit ngayon parang nagrambolonan na yata ang isip niya. Hinihintay niya si Odette dahil magaling ito pagdating sa numbers, kaya lang ay wala pa rin ito. "Focus Estella, ilang minuto na lang ipapasa mo na 'to. Nakalimutan niya kasi itong sagutan kagabi. Sinubukan niya ulit ngunit ewan at parang walang pumapasok sa isip niya kaya sumuko na siya. Mabuti sana kung grammar ito, baka natapos niya kaagad. Ititiklop na sana niya ito nang may nagsalita sa likuran niya."Just follow the formula and you'll get the correct answer," anito.Lumingon siya para tingnan kung sino ang nagsalita. "Sino ba 'to?" tanong niya sa isip."Here, let me h
last updateLast Updated : 2021-09-26
Read more

Chapter 14: Meeting An Old Friend

"So bumalik siya ngayon para tuparin iyong sinabi niya?" Nanlalaki ang mga matang tanong ni Roxanne."S-Siguro," nauutal niyang sagot."Paano si Kuya George?" Pang-uusisa nito sa kanya. Hindi niya inaasahan ang tanong na iyon ng kapatid. Nanahimik na lang siya at naupo dahil hindi rin naman niya alam ang isasagot. Kung tutuusin ay wala siyang dapat na ikabahala dahil hindi naman niya naging nobyo si Simon."Ate, mahal mo ba si Kuya George?" Nagtatanong ang mga mata ni Roxanne ng tingnan niya."H-Ha?" naguguluhan niyang tanong.Napailing ito, pagkuwa'y nagsalita, "Dapat ngayon pa lang na hindi pa nagpapakita sa'yo 'yang Simon na 'yan ay magdesisyon ka na. Mamili ka na kung siya ba na matagal nang wala, o si Kuya George na kararating lang." Payo nito sa kanya. Parang matured na ito kung magsalita ngayon.Napabuntong-hininga siya. Pumikit siya at isinandal ang likod sa upuan. "Hindi naman naging kami ni Simon." Sabi niya."Hindi naging k
last updateLast Updated : 2021-09-26
Read more

Chapter 15: Jealousy

George's POV:Pasado alas onse na nang makauwi ako galing sa bar na pagmamay-ari ng pinsan kong si Arthur. Sa tuwing pagod galing opisina ay doon ako dumudiritso. Pinagbuksan naman agad ako ng gate ng mga gwardiya. Nakapagtatakang bukas pa ang ilaw sa may sala ng mansiyon. Hindi ko natatandaang may pagkakataon na nakalimutan itong isara ng mga kasambahay. "Then, baka ito ang una," sagot ng isang bahagi ng isip ko.Binuksan ko ang front door gamit ang duplicate key. Mayroon akong susi nito upang hindi makaistorbo kapag late na akong umuuwi. Kahit may mga gwardiya ay nakaugalian na ng mga magulang ko, lalo na noong nabubuhay pa ang mommy na i-lock lahat ng mga pinto at bintana ng mansiyon. Pinihit ko ang seradora at dahan-dahang binuksan ang pinto. Nagtaka ako nang may maaninag na tao sa single sofa. Agad ko itong nilapitan upang tingnan kung sino."Elizabeth?" Nagsalubong ang mga kilay ko nang makilala ito. Tinapik ko nang bahagya ang balikat nito hangga
last updateLast Updated : 2021-09-26
Read more

Chapter 16: Passionate Lover

Tahimik ang lahat habang nasa kumidor at nag-aalmusal. Nagpapakiramdaman sila. Maging ang ama ay hindi nagsasalita."Sorry for what happened last night," hingi niya ng paumanhin sa nobyo ng kapatid nang hindi ito tinintingnan.Nakatuon man ang paningin sa sariling pinggan ay batid niyang napatingin ang mga ito sa kanya."Ako ho ang dapat humingi ng pasensiya, kuya. Tama lang naman na magalit kayo. Imbis na tulungan ko si Elizabeth sa pag-aalaga ng anak namin ay kung ano-ano ang inaatupag ko. Isa pa, hindi kita dapat pinagtaasan ng boses." Pagpapakumbaba nito. "Kung narito pa si Inay, malamang pinalo na ako noon," pagpapatuloy nito. Kauuwi lang kasi ng nanay nito noong isang araw."It's good that both of you are admitting your flaws," anang ama. "Ayaw kong may nag-aalitan dito sa bahay, that is a bad luck. We are family and we should listen to one another all the time." Pagpapatuloy nito."Thanks Dad for being so understanding," maluha-luhang sabi n
last updateLast Updated : 2021-09-26
Read more

Chapter 17: Doubting Their Love

George's POV:Kahit nakapikit pa ay kinapa na niya ang higaan. Nagtaka siya nang walang maapuhap ang kanyang mga kamay. Iminulat niya ang kanyang mga mata at napakunot- noo nang hindi makita sa tabi si Estella. Agad siyang bumangon at napangiti nang makita ang bahid ng dugo na nasa kobre-kama. Bumalik sa kanyang balintataw ang nangyari nang nakaraang gabi."My Estella," bulong niya sa sarili.Kinuha niya ang unan na ginamit ng dalaga. Naroon pa ang mabango nitong amoy. Dinala niya ito sa kanyang mga bisig at inilapat sa kanyang dibdib at hinagkan. Mabilis siyang naligo at nagbihis. Naiiling siya sa sarili. Para na ulit siyang teenager na nagsisimula pa lang magbinata. Pagkatapos tiyaking maayos na ang sarili ay agad na siyang bumaba. Nakasalubong niya sa hagdan ang paakyat na kasambahay."Good morning Señorito George!" masiglang bati nito."Good morning Adelfa!" Ganting bati niya rito."Papunta na sana ako sa inyo para sabihi
last updateLast Updated : 2021-09-26
Read more

Chapter 18: Promises of Hearts

Two months later...Hindi na sila nagkita o nag-usap man lang ni George simula noong kasal ng mga kapatid nila. Hindi na rin kasi ito tumawag Sa totoo lang ay namimiss na niya ito ngunit mas mabuti na rin na maagang naputol ang kanilang relasyon upang mas madali niya itong makalimutan.Nakatulong ang pagiging abala niya sa trabaho upang hindi na gaanong isipin pa ang binata. Sa susunod na linggo na ang kasal ng bestfriend kaya nadagdagan ang pinagkakaabalahan niya.Tinapos niya muna ang paggawa ng lesson plan bago nagpasyang umuwi. Pasado alas singko na kaya nasisiguro niyang nasa labas na ng paaralan si Mang Larry. Pagkatapos ligpitin ang mga gamit ay lumabas na siya ng school campus. Tinanaw niya ang lugar kung saan laging pumaparada ang matanda ngunit wala roon ang tricycle nito. Sa halip ay may nakaparada roong isang itim na Ford SUV. "Baka may pasahero pang inihatid," aniya sa sarili.Lumabas mula sa sasakyan ang isang pamilyar na pigura at
last updateLast Updated : 2021-09-26
Read more

Chapter 19: The Video

Simula noong nagkaayos sila ni George ay lagi na itong tumatawag o nag-vivideo call. Ikalawang linggo na ngayon simula nang magka-ayos sila. Sinikap din niyang huwag nang mapalapit pa kay Simon sa kabila ng pagpupursigi nito."It's too early to give up, Estella. Mawawala lang ako saglit but I would surely come back," anito. "...then I will continue courting you." Malungkot na sabi nito."Please Simon, huwag mo nang pahirapan ang sarili mo." Sumamo niya rito.
last updateLast Updated : 2021-09-29
Read more

Chapter 20: Death of Loved Ones

Nagising siyang masama ang pakiramdam. Masakit pa rin ang dibdib niya dahil sa natuklasan noong nakaraang gabi."Umiyak ka ba ate?" Nag-aalalang tanong ni Roxanne habang nakatingin sa kanya. Sa iisang silid sila natutulog kapag narito ang nakababatang kapatid at pamilya nito. Nakaupo ito sa upuang malapit sa katre habang may tinitingnang papel. Narito ang kapatid dahil sa bakasyon na nito sa klase.Hindi siya sumagot. Bumangon na siya at iniligpit ang higaan.
last updateLast Updated : 2021-09-29
Read more
PREV
123456
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status