Tahimik ang lahat habang nasa kumidor at nag-aalmusal. Nagpapakiramdaman sila. Maging ang ama ay hindi nagsasalita.
"Sorry for what happened last night," hingi niya ng paumanhin sa nobyo ng kapatid nang hindi ito tinintingnan.
Nakatuon man ang paningin sa sariling pinggan ay batid niyang napatingin ang mga ito sa kanya.
"Ako ho ang dapat humingi ng pasensiya, kuya. Tama lang naman na magalit kayo. Imbis na tulungan ko si Elizabeth sa pag-aalaga ng anak namin ay kung ano-ano ang inaatupag ko. Isa pa, hindi kita dapat pinagtaasan ng boses." Pagpapakumbaba nito. "Kung narito pa si Inay, malamang pinalo na ako noon," pagpapatuloy nito. Kauuwi lang kasi ng nanay nito noong isang araw.
"It's good that both of you are admitting your flaws," anang ama. "Ayaw kong may nag-aalitan dito sa bahay, that is a bad luck. We are family and we should listen to one another all the time." Pagpapatuloy nito.
"Thanks Dad for being so understanding," maluha-luhang sabi n
George's POV:Kahit nakapikit pa ay kinapa na niya ang higaan. Nagtaka siya nang walang maapuhap ang kanyang mga kamay. Iminulat niya ang kanyang mga mata at napakunot- noo nang hindi makita sa tabi si Estella. Agad siyang bumangon at napangiti nang makita ang bahid ng dugo na nasa kobre-kama. Bumalik sa kanyang balintataw ang nangyari nang nakaraang gabi."My Estella," bulong niya sa sarili.Kinuha niya ang unan na ginamit ng dalaga. Naroon pa ang mabango nitong amoy. Dinala niya ito sa kanyang mga bisig at inilapat sa kanyang dibdib at hinagkan. Mabilis siyang naligo at nagbihis. Naiiling siya sa sarili. Para na ulit siyang teenager na nagsisimula pa lang magbinata. Pagkatapos tiyaking maayos na ang sarili ay agad na siyang bumaba. Nakasalubong niya sa hagdan ang paakyat na kasambahay."Good morning Señorito George!" masiglang bati nito."Good morning Adelfa!" Ganting bati niya rito."Papunta na sana ako sa inyo para sabihi
Two months later...Hindi na sila nagkita o nag-usap man lang ni George simula noong kasal ng mga kapatid nila. Hindi na rin kasi ito tumawag Sa totoo lang ay namimiss na niya ito ngunit mas mabuti na rin na maagang naputol ang kanilang relasyon upang mas madali niya itong makalimutan.Nakatulong ang pagiging abala niya sa trabaho upang hindi na gaanong isipin pa ang binata. Sa susunod na linggo na ang kasal ng bestfriend kaya nadagdagan ang pinagkakaabalahan niya.Tinapos niya muna ang paggawa ng lesson plan bago nagpasyang umuwi. Pasado alas singko na kaya nasisiguro niyang nasa labas na ng paaralan si Mang Larry. Pagkatapos ligpitin ang mga gamit ay lumabas na siya ng school campus. Tinanaw niya ang lugar kung saan laging pumaparada ang matanda ngunit wala roon ang tricycle nito. Sa halip ay may nakaparada roong isang itim na Ford SUV. "Baka may pasahero pang inihatid," aniya sa sarili.Lumabas mula sa sasakyan ang isang pamilyar na pigura at
Simula noong nagkaayos sila ni George ay lagi na itong tumatawag o nag-vivideo call. Ikalawang linggo na ngayon simula nang magka-ayos sila. Sinikap din niyang huwag nang mapalapit pa kay Simon sa kabila ng pagpupursigi nito."It's too early to give up, Estella. Mawawala lang ako saglit but I would surely come back," anito. "...then I will continue courting you." Malungkot na sabi nito."Please Simon, huwag mo nang pahirapan ang sarili mo." Sumamo niya rito.
Nagising siyang masama ang pakiramdam. Masakit pa rin ang dibdib niya dahil sa natuklasan noong nakaraang gabi."Umiyak ka ba ate?" Nag-aalalang tanong ni Roxanne habang nakatingin sa kanya. Sa iisang silid sila natutulog kapag narito ang nakababatang kapatid at pamilya nito. Nakaupo ito sa upuang malapit sa katre habang may tinitingnang papel. Narito ang kapatid dahil sa bakasyon na nito sa klase.Hindi siya sumagot. Bumangon na siya at iniligpit ang higaan.
Ipinaalam nila sa pamilya ni Elizabeth ang nangyari. Katulad nila ay labis din ang hinagpis ng mga ito. Matapos ang labing dalawang araw na burol ay inihatid na nila ang mga ito sa huling hantungan. Bumalik na rin sa Maynila ang mga kaanak ni Elizabeth. Nagbago ang lahat sa buhay nila. Naging tahimik ang dati ay masaya nilang tahanan. Tatlo na lang sila ngayon, siya, si Roxanne at ang tatlong buwan na si Elisha.Tatlong araw makaraang ilibing ang mga mahal sa buhay ay bumalik sa kanilang bahay si Don Manolo."Nais ko sanang kunin ang aking apo upang doon palakihin," anang matanda.Inaasahan niya na ang ganitong usapan ngunit hindi niya inakala na ganoon kadali itong mangyayari.Huminga siya ng malalim, "Tulad niyo ho ay gusto ho naming makasama at maalagaan si Elisha.""Alam ko hija," malungkot na sabi nito."Ngunit doon ay mas maalagaan namin siya." Sabad ni George habang nakatayo at nakapamulsa ang dalawang kamay.Tiningnan niya ito
Kinabukasan nga ay lumuwas si George papunta sa kanilang probinsiya. Mga bandang tanghali na ito dumating sa kanila. Karga niya si Elisha nang dumating ito. Nakahanda na rin ang mga gamit ng bata. Inilabas na niya ang mga ito sa sala upang madaling mabitbit kung sakaling aalis na.Nag-angat siya ng mukha ng maramdaman na may tumititig sa kanya. Naroon na pala ang binata at noon ay nakamasid sa kanya habang nakatayo sa may pintuan."Andiyan ka na pala," matamlay niyang sabi.
Hindi niya inaasahan ang araw na ito. Noong mga naunang araw lang ay halos kamuhian niya si George dahil sa inakalang panloloko nito. Pero ngayon, hito at magkahawak kamay sila habang ikinakasal sa huwis. Dahil sa mga koneksiyon nito ay nagawa nitong maayos ang lahat para sa kasal nila ng hindi niya namamalayan. Naroon si Roxanne na karga si Baby Elisha. Naroon din sina Odette at Josh at sina Delfin at girlfriend nitong si Judy upang tumayong witness."I now pronounce you husband and wife. You may now kiss your wife." Masayang wika ng huwis pagkatapos ng kanilang wedding vows at magpalitan ng singsing.
Tatlong buwan na ang nakalilipas simula ng ikasal sila ni George. Tinupad naman nito ang pangako na ibabalik si Elisha pagkaraan ng ilang Linggo. Walong buwan na ito ngayon at talagang malikot at bibong-bibo na. Hindi pa man nakapagsasalita ay maingay at madaldal na ito. Masarap itong yakapin lalo na't nagkakalaman na. Marunong na rin itong gumapang.Isang umaga..."M-mmamama" anito habang nakasubo ang mga daliri sa bibig. Nakaupo ito sa kuna.
Napabalikwas ako ng bangon pagkatapos ng isang masamang panaginip. Umaga na pala. May mumunting liwanag na pumapasok mula sa mga siwang ng bahay. Hindi ko alam kung paanong nakatulog kami nang mahinbing ni Sam. Halos sabay rin lang kaming nagising."Good morning, George," humihikab na bati ni Sam sa akin."Morning must be very good if we're not in this situation," pagmamaktol ko sabay bangon.Ilang sandali pa ay may narinig kaming paparating lulan ng kabayo. "Ha!""May tao," wika ni Sam."Baka si Russell," sagot ko sabay labas ng bahay. Tama ang hinuha ko. It was Russell at mayroon siyang dalawang kasama na nakasakay rin sa kabayo."I hope you had a good sleep," wika ng lalaki habang pababa sa kanyang kabayo. "I planned of getting back last night para sunduin kayo lamang ay wala ang isa kong tauhan para magdala ng isa pang kabayo. Minabuti kong ngayong umaga nalang kayo puntahan," anito."It's alrig
George's POVMadilim na ang paligid. Nagpatuloy kami ni Samantha sa aming paglalakad sa masukal na kagubatan. Medyo malayo na rin ang aming nalakad at totoong masakit na rin sa paa. May natanawan kami na maliit na dampa sa di kalayuan. May liwanag na nanggagaling dito na sa tingin ko ay galing sa ilaw ng lampara."George may bahay," wika ni Samantha na kinalabit pa ako."May nakatira sa ganito kaliblib na lugar?" May pagdududa kong tanong."Bakit, hindi naman impossible iyon di ba?" Ani Sam na nagpatiuna nang lumakad palapit sa bahay.Wala akong nagawa kundi ang sumunod na lamang."Tao po! Tao po!" Tawag nito.Batid kong may tao sa loob dahil sa may mumunting kaluskos akong naririnig. Pagkaraan ng ilang sandali ay bumukas ang kahoy na pintuan."Sino iyan!?" Pasigaw na tanong ng isang matandang lalaki na may bitbit na sa hula ko ay itak."Magandang gabi ho, Manong. Makikisilong ho sana kami,"
Mabilis ang ginawa kong pagtakbo. Hindi ko na pinapansin ang mga matutulis na mga bagay na naaapakan ko."George!" Patakbong sumalubong si Samantha sa akin."Takbo, Samantha!"Mabilis kong hinawakan ang kanyang kamay at agad na hinila siya palayo habang patuloy naman sa pagpapaputok at paghabol ang mga armadong kalalakihan."Keep going, we can't afford to be caught again. Baka patayin na nila tayo." Paalala ko kay Samantha sa kabila ng aming pagtakbo."I know," Kaagad naman nitong tugon sa kabila ng paghahabol ng hininga.Hinahawi namin ang mga dahon at sanga ng mga halaman na nakaharang sa aming daraanan. Nagpasikot-sikot kami sa ilalim ng naglalakihang mga punongkahoy at mga malalagong palumpong."Huwag niyong hayaang mawala sa paningin niyo kundi lagot tayo kay boss!" Sigaw ng isa sa mga lalaki."Naku, hindi makakalayo iyang mga iyan. Walang alam sa gubat ang mga iyan." Ngisi ng isa.Patuloy la
"May problema ba Roxanne?" Tanong ko sa aking kapatid pagkaalis ni Simon."Hindi ka ba nagtataka ate?" Anito."Ano naman ang dapat kong ipagtaka?" Kunot-noong tanong ko sa kanya."Coincidence lang ba na kung kailan nawala si Kuya George ay tsaka naman dumating ang asungot na Simon na iyan?" Ani Roxanne na bakas ang paghihinala sa boses.Saglit akong natigilan. Maaari nga kaya? Pero bakit naman nito gagawin iyon? Kausap ko sa sarili."Roxanne, mahirap magbintang ng tao. Baka naman talaga nagkataon lang," Saway ni Pauline sa pinsan."Oo nga naman,"Sang-ayon ko."E di mabuti kung ganoon." Lumabi ito at nagyaya nang bumalik sa loob."Pinsan, mabuti pa pumanhik ka na. Kagabi ka pa walang pahinga." Nag-aalalang wika ni Pauline."Oo nga naman ate, si Don Manolo at Kuya Harold na muna ang bahala sa paghahanap kay Kuya." Segunda ni Roxanne.Wala akong nagawa kundi ang sumunod. Nararamdaman ko na rin
Estella's POVKagabi pa ako walang tigil sa pag-iyak. Labis na pag-aalala ang nararamdaman ko ngayon para sa aking asawa. Ano kaya ang kalagayan niya ngayon? Kagabi matapos ang insidente ay hiningan ako ng statement ng mga pulis. Tinanong nila kung sino ang posibleng gumawa nito sa amin. Wala akong ideya maliban kay Samantha na alam kong matindi pa rin ang pagkakagusto kay George. Ngunit wala raw ito sa condo unit nito nang puntahan ng mga alagad ng batas. Mas lalong tumindi ang aming hinala na ito nga ang nagpakidnap kay George. Subalit, nitong umaga lang ay tumawag ang pulis na humahawak sa kaso. Ipinaaalam nito na nakita raw sa CCTV footage na tinangay ng mga armadong kalalakihan si Samantha ilang minuto lang ang nakalipas matapos ang nangyaring pananambang sa amin. Dumulog na rin daw sa kanilang himpilan ang pamilya nito upang ipaalam ang pagkawala nito. Kasalukuyan nilang pinagtutuunan ang dalawang magkaparehong kaso na tingin raw nila ay may koneksiyon sa isa't-isa.
Masakit ang buong katawan niya dahil sa pambubogbog na natamo buhat sa mga kidnappers niya ngunit mas masakit ang isiping malayo sa asawa. Akala niya sa pelikula lang nangyayari ang mga katulad nito. But here he is, tied in a metal chair in the middle of a dark room. He doesn't have enemies. He had not wronged anyone in the business world because he is fair and just. He's sure that this thing has nothing to do with business. Isa lang ang alam niyang nagawan niya ng mali. Si Samantha. That simple girl he has loved and adored years ago. He can still remember her simplicity that charmed him, ngunit lahat iyon ay nagbago. Samantha came to a change, from a simple to a sophisticated yet jealous woman. It wasn't a problem though. He liked her transmission especially her being clingy to him, but not until that incident in Palawan. That mistake he did. But why would Samantha sort to this kind of game? Why should she have him kidnapped? Napakababaw na rason naman iyong may nangyari sa kanila
"Pagod ka na ba?" Tanong sa kanya ng asawa."Medyo, at inaantok na rin ako." sagot ni Estella."We'll go home," anito at tumayo na upang magpaalam sa ama at sa iba pang guests.Nagsimula na ring magsiuwian ang iba. It's already eleven forty-five in the evening. Nauna nang umuwi sina Roxanne at mga kasambahay.Tahimik ang kalsada na binabaybay ng kanilang sasakyan. Bagama't may mga kasabayang sasakyan pakiwari niya ay kay tahimik ng paligid. Kakaiba rin ang hatid na lamig ng air-conditioning ng sasakyan. She can't understand the intense nervousness that she feels. If not for his warm palms against hers, she think she could pass out."Are you okay?" Tanong ng asawa sa kanya.Tumingin siya sa mga mata nito at nakita niya ang pag-aalala nito."I'm okay," aniya. "Thanks George for making this night extraordinary."Hanggang ngayon ay parang nananaginip pa rin siya. She never thought that her husban
He let go of her lips and looked straight into her eyes. His eyes are burning with so much affection.Hindi pa man humuhupa ang hiyawan ng mga naroon ay tsaka naman nila narinig ang malakas na paputok. Nasundan iyon ng ilan pang putok. All eyes were turned to that side where the sound came. As though in a romantic scene in a movie, the wide curtains of the banquet hall flew open giving a perfect view of the Manila Bay and the jaw dropping sight of the fireworks as they exploded in the night sky and filled it with majestic lights. It was quite dazzling as the fireworks shot straight up before exploding while others quickly shattered into thousands of sparks."Wow!" Hindi mapigilang paghanga ng mga naroon.Suddenly, there was a sizzling sound as the rocket shot upwards and burst into flames of vivid red, orange, and gold colors. They created pattern in the air and forming letters. Just like magic, 'Happy birthday!' was written in the lovely night
Nginitian niya ang asawa at tumikhim, "How do you find me in this gown?""You look astonishingly beautiful, my Estella. I knew you would really look great tonight," Malapad ang ngiti nito habang humahakbang papalapit sa kanya."Teka, ano bang meron?" Kunot-noong tanong niya.Nang makalapit ay agad siya nitong hinapit sa baywang at inangkin ang mga labi. His kiss was deep and passionate. She pushed him lightly when she heard giggles from the people around. Doon lang niya napansin na naroon na pala lahat ng kasambahay sa sala. Nasa may gitna na rin ng hagdanan si Don Manolo na ngiting-ngiti habang nakamasid sa kanila. Ang ipinagtataka niya ay tulad nila ng asawa, nakabihis rin ang mga ito. Ngayon lang din niya napansin na pati si Adelfa na sumundo sa kanya sa kanilang silid ay bihis na bihis rin. Nagtatanong ang mga mata niya nang ibaling ang tingin sa asawa."You'll see what is up to, later." Nakangising wika nito."So, are w