Dumating ang pinakahihintay nilang araw. Ngayon ang araw na bibiyahe sila para sa kanilang bakasyon sa probinsiya.
"Hon, wala ka na bang nakakalimutan?" tanong ni Estella sa asawa.
"I guess, wala na." sagot naman nito habang sinusuri ang mga dalahin. "Let's go downstairs now, baka hinihintay na nila tayo." Anito.
"Sige, tayo na." Sang-ayon niya at binitbit na ang kanyang shoulder bag. Dala naman ng asawa ang mga maleta na kinalalagyan ng kanilang mga damit at ilan pang mga gamit. Medyo marami rin silang dalang gamit dahil napagpasyahan nilang gawing isang linggo ang kanilang bakasyon. Nadatnan nila na masayang nag-uusap usap sila Roxanne, Pauline at ilang kasambahay sa sala.
"O narito na pala sila Ate Estella," Nakangiting wika ni Roxanne.
"Mukhang handa na kayo," sabi niya sa kapatid at pinsan.
"Talagang handa na ate, kanina pa." Nakatawang sagot ni Roxanne.
"Well then, tayo na nang makapagpahinga muna tayo saglit sa airp
Estella's POV: Gabi na nang matapos ang pag-iinuman ng asawa at mga kamag-anak niya. Natapos na rin sa pagliligpit ng pinagkainan ang kanyang tiyahin. Nagpaalam na rin ang mag-asawang Josh at Odette. Nang magsiuwian na ang mga ito ay pumasok na sila sa kani-kanilang silid. Sa kabilang silid sina Roxanne at Pauline kasama si Elisha at sa dating silid naman niya silang mag-asawa. Hindi siya nahiga agad dahil may ilang gamit sila na nakalimutan niyang iligpit kanina. Inilagay niya muna ito sa lagayan. Pinagmamasdan siya ng asawa sa bawat galaw niya habang nakaupo ito sa gilid ng kama. Nilingon niya ito at tinanong, "Hindi ka pa ba matutulog?" "Paano ako makakatulog kung hindi kita katabi?" Malamlam ang mga matang tanong nito. "Bukas mo na gawin iyan, please come here now and let's get some rest." Anito habang nakalahad sa kanya ang isang kamay habang ang isa ay nakatukod sa higaan. Sa hitsura nito na halatang lasing ay hindi pa rin nawawala ang kagwapuhang
Hindi niya napigilang tumulo ang luha habang nakatayo sa harapan ng puntod ng kanyang mga mahal sa buhay. "Pasensiya na po kayo ngayon lang uli ako nakadalaw. Troy, Elizabeth, katatapos lang ng first birthday ni Elisha niyo. Alam niyo ang saya niya noong i-blow niya 'yong candle. Sayang wala kayo, nakita niyo sana kung gaano kasaya ang anak niyo. Huwag kayong mag-aalala, mahal na mahal siya namin dito. Nay, Tay, heto nga po pala ang pangalawa niyong apo," tukoy niya sa anak na nasa loob pa ng sinapupunan. "Mahal na mahal ko kayo," sambit niya at muling dumaloy ang luha sa kanyang mga mata. Pinunasan niya ito gamit ang kanyang palad. Nakalimutan niya kasing magdala ng panyo. Hindi niya kasi akalain na iiyak pa siya. Buong akala niya ay tanggap na niya ang trahedya na nangyari sa mga ito ilang buwan na ang nakakaraan."I know you would still cry," seryosong wika ng asawa na nasa likuran niya. Umikot ito sa harapan niya at pinunas ang kanyang luha gamit ang mga hinlalaki nito. "
"Matatapos na ang bakasyon ninyo, baka naman gusto mo munang gumala besh." Ani Odette habang magkausap sila sa labas ng bahay. Pinanonood niya kasi si Pauline at Roxanne na nagdidilig ng halaman. Si Elisha naman ay naglalaro kasama ang ilang bata, siyempre nakabantay ang yaya nito. At ang asawa naman ay nasa sala at seryosong nakaharap sa laptop nito."Naiisip ko rin iyan besh. Saan ba pwede?" tanong niya rito."Lalayo pa ba tayo? Eh di siyempre sa majestic Lulugayan Falls ng ating mahal na bayan!" Pumitik pa ang mga daliri nito.Sumang-ayon siya sa sinabi nito ngunit nag-alangan ng maalala ang matarik na kalsada papunta roon, at heto't buntis siya. Sinabi niya iyon sa kanyang kaibigan."Ano ka ba besh, hindi ka ba updated? Maganda na ang kalsada papunta roon. Thanks sa build, build, build project ng gobyerno." Maarteng wika nito na may pahampas pa sa hangin ang mga kamay."Eh, mabuti kung ganoon. I'll tell George about this..."
George's POV:Two weeks after their vacation in the province..."Thanks, honey." Aniya sabay dampi ng mga labi sa noo matapos nitong ayusin ang kanyang necktie."There, you look more attractive. Tingin ko mas lalong maraming matang maa-attract nito sa'yo," nakangiting turan nito habang sinisipat siya ng tingin."But my eyes are all set on you," masuyo niyang wika at hinaplos ang makinis nitong pisngi. "Only for you," he winked his eyes at her and lowered his head to meet her warm lips. Napakapit naman ang mga kamay nito sa mga balikat niya at marahang tinugon ang kanyang halik. "I love you, my Estella." Wika niya nang maghiwalay ang kanilang mga labi."I love you too," buong suyo na sagot nito.Her soft voice is like a music to his ears. Ang maningning na mga mata nito ay lagi niyang gustong titigan. God knows how much he love this woman. Especially now that she's bearing their child. He always want to give her everything. He always wa
He was still standing by the glass window with the empty glass wine in his hand when the door opened. Nagulat siya nang makita ang ama. Agad siyang lumapit dito at niyakap ito bago nagtanong."What brought you here Dad?" Pilit ang ngiti na tanong niya."Well as far as I remember, I am still the President of the Del Castillo Hotel and Restaurant." Sagot ng ama.Pagak siyang napatawa. "Of course, you are." Naiiling na wika niya. Sometimes his Dad sounds sarcastic. Well, he should admit that he's an idiot for asking his Dad that question when the fact that the latter is the president of the hotel."Well, I was just kidding son." He patted his shoulder."Have a seat," He shurrged and invited him to sit. Agad naman itong umupo sa upuang katapat ng table niya.Napagawi ang tingin nito sa hawak niyang baso. "Isn't it so early for a drink?" May halong pang-uusisa sa mga mata nito."Ah this, well I was just too ti
Napanganga siya sa sinabi ni Simon. Kahit alam na niya noon pa man ang tungkol sa nararamdaman nito ay hindi niya naiwasang maasiwa. Napabuntong-hininga na lamang siya. Dahan-dahan siyang nahiga sa kama at napatingin sa kawalan. Iniisip niya pa rin ang mga sinabi ni Sam. Posible nga kaya na ito pa rin ang mahal ng asawa niya?Nagbalik-tanaw siya sa mga pangyayari sa buhay niya. Nagsimula ang lahat sa kanila ni George noong pumunta siya dito sa Maynila para sa seminar. Nabangga niya ang binata sa may elevator at sa may Pasalubong Center. Hindi inaasahan na kapatid ito ng girlfriend ng bunso niyang kapatid. Sa maikling panahon na nakilala niya ito ay agad na nahulog ang kanyang loob dito. Mabilis ang naging pangyayari at heto, isa na siyang Mrs. Estella Del Castillo. Marami nang pagsubok ang dumaan sa kanilang relasyon. Hindi siya magpapatalo. Naalala niya ang sinabi noon sa kanya ni Pauline. Maging matapang siya. Tama ito. Sa ngalan ng pag-ibig ay magpapakatatag siya. Para
“Sige Odette hihintayin ko ang pagdating mo.”“Okay, basta darating ako Estella anytime this week,” masayang turan nito.Tumawag sa kanya ang kaibigan upang ipaalam sa kanya ang balak nitong pagluwas ng Manila. Mukhang tototohanin nga nito ang sinabi nitong pagdalaw sa kanya. Natutuwa naman siya sa isiping ito. Medyo matagal na rin kasi siyang hindi nakakalabas dahil laging busy sa trabaho ang asawa. Ayaw naman niyang magpasama sa mga kasambahay dahil baka makaabala pa siya sa trabaho ng mga ito. Si Judy naman ay madalang na rin na pumupunta sa mansiyon dahil sa abala ito sa paghahanda sa kasal nito at ni Delfin. Nasa ikawalong buwan na rin ang tiyan niya. Inihahanda na rin nila ang nursery room ng baby boy nila. Wala pa siyang maisip na ipapangalan sa kanyang panganay kaya naman nang maputol ang tawag nila ng kaibigan ay agad siyang naghanap sa google ng mga pwedeng ipangalan sa anak. “Napakamodern naman masiyado ng is
Matiyaga niyang hinintay ang asawa. Kasalukuyan siyang nakaupo sa front porch kung saan ay tanaw ang gate. Batid niyang maaga itong uuwi katulad ng nakagawian nito simula nang tumira siya sa mansiyon. Napatayo siya nang marinig ang busina ng sasakyan sa labas ng mataas na gate ngunit agad ding nanlumo nang makita ang pagpasok ng sasakyan ng biyenan. Hindi pa pala ang asawa ang dumating. Bumaba mula rito si Don Manolo at masaya siyang binati.“Estella, hija.” Nakangiting bungad ng matanda.Lumapit siya rito upang magmano. “Magandang hapon ho Dad,” magalang niyang bati.“Kaawaan ka ng Diyos,” anito. “Hindi na kita tatanungin kung ano ang ginagawa mo rito. Papanhik na rin ako sa taas.” Wika nito.“Sige ho Dad,” nakangiti niyang sagot sa matanda.Ilang minuto pa ang itinagal niya roon. Papadilim na ngunit wala pa si George. Medyo napapagod na rin siya sa kakaupo. Napagpasyahan niya na sa kanilang