Share

Chapter 33: Ang Kwento Ni Pauline

Estella's POV:

Pagod na pagod ako sa maghapong preparasyon at pagdiriwang ng kaarawan ni Elisha. Salamat at natapos ito nang maayos. Kanina ko pa hinahanap ang asawa ko ngunit hindi siya maapuhap ng mga mata ko. Napansin marahil ako ni Daddy Manolo kaya kinausap niya ako at pinayuhang pumanhik na upang makapagpahinga. Inutusan pa nito si Pauline na samahan ako sa silid naming mag-asawa. 

"Pinsan, okay ka lang ba?" Tanong ni Pauline sa akin.

"Ha? Ah, oo okay lang ako," pagsisinungaling ko pa.

"Kanina ka pa kasi hindi mapakali. Kung iniisip mo ang asawa mo, dahil napansin ko rin na kanina pa siya wala, eh baka may importante lang na pinuntahan." Mahabang wika nito. "Huwag kang masyadong mag-iisip, makakasama iyan sa pinagbubuntis mo." Pahabol pang paalala nito.

Huminga ako nang malalim bago nagsalita. "Hindi niya ugaling hindi magpaalam sa'kin," wika ko. "Kino-contact ko siya, hindi niya naman sinasagot ang tawag ko." May himig na inis na sa bos

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status