All Chapters of Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko: Chapter 1991 - Chapter 2000

3080 Chapters

Kabanata 1991

Buo ang kontrol ni Charlotte kay Jim, at himala na nga na bumalik ang pagiging rasyonal ni Jim at pumayag pa si Jim na makipagkasundo para sa kanila ni Shelly. Kaya naman, alam ni Harvey na hindi niya pwedeng madaliin ang mga bagay. Kaya naman, huminga ng malalim si Harvey, tumingin siya kila Bonnie, Joshua, at Luna, at sinabi niya, “Hindi naman sa ayaw kong sumama sayo, Mr. Jim.” “Tutal, ang bahay na ito ay kay Aunt Luna at Uncle Joshua, at hindi dapat kami magtagal ni Shelly dito.” “Ang Landry Mansion ang tunay na tirahan ko, at natural lang na gusto kong umuwi, ngayon at nakatira ako doon ng anim na taon ng buhay ko, pero…” Lumingon siya at tumingin siya ng malungkot kay Bonnie. “Nag aalala ako kay Bonnie. May sugat ang kamay niya, sumailalim siya sa surgery, at may sugat siya sa tiyan… Kaya naman, gusto kong manatili sa tabi niya para alagaan siya.” Lumingon siya para tumitig kay Jim gamit ang maliwanag na mga mata niyang puno ng pag asa. “Kung gusto mong bumalik kami ni
Read more

Kabanata 1992

“Kasi…” Nabigla si Charlotte sa mga akusasyon nila Luna at Joshua at wala siyang masagot. Kinagat niya ang labi niya, hinawakan niya ang braso ni Jim, at tumitig siya ng luhaan dito. “Jim, hindi ako nagdududa sa pagmamahal mo sa akin o sa relasyon natin. Kaya nga lang…” Suminghot siya at pinunasan niya ang luha sa kanyang mukha. “Mas maganda si Bonnie sa akin, at masama ang loob ko dahil dito…” Nang sabhin niya ito, dumila si Harvey ng mapaglaro at sinabi niya, “Umamin ka na katotohanan, huh?”Tumingin siya sa madilim na ekspresyon sa mukha ni Jim at sinabi niya, “Mr. Jim, umamin ang mahal na Charlotte mo na mas maganda si Bonnie kaysa sa kanya.” “Kaya naman, ang lahat ng sinabi ko tungkol sa itsura niya nang pumasok siya ay isang tapat na paglalarawan lang, at hindi ito isang pagpuna sa kanya.” “Kaya sa tingin mo ba ay binago ni Bonnie nag isip ko at sinabi ko ang lahat ng ito para lang pasayahin siya?” Pagkatapos, kumindat siya kay Charlotte. “Tutal, umamin ang mahal mon
Read more

Kabanata 1993

“Sinabi ko na ayaw kong sumama sayo pauwi.” Ngumisi si Bonnie at binigkas niya ng maingat ang bawat salita, “Ayaw kong lumipat sa Landry Mansion para tumira kasama mo, at ayaw kong gawin din ito nila Harvey at Shelly.” “Mga anak ko sila, at responsibilidad ko para protektahan sila.” Alam ni Bonnie na kahit na lumipat siya sa Landry Mansion, titira lang siya sa isang maliit na bahay sa yard kung saan hindi niya makikita si Jim. Kaya naman, ayaw niyang pumunta doon, at ayaw niya rin na gawin ito nila Harvey at Shelly. “Hangga’t nakatira si Charlotte doon, hindi ako titira sa parehong bahay kasama siya, at hindi ko rin hahayaan na gawin ito ng mga anak ko.” Masyadong tuso ang babaeng ‘yun, at nag aalala si Bonnie na sasaktan ni Charlotte sina Harvey at Shelly. Tutal, kahit ang isang lalaking tulad ni Jim ay napunta sa patibong ni Charlotte at nakontrol siya nito. Wala na kay Bonnie si Jim; tumanggi siya na mawala sa kanya sina Harvey at Shelly. Kaya naman, ang tanging plan
Read more

Kabanata 1994

“Sige, gagawin ko.” Lumingon si Jim para tumitig kay Bonnie at sinabi niya, “Gagawin ko ang gusto mo, Bonnie. Mag empake ka na ngayon at ihanda mo sina Harvey at Shelly.” “Hahanap ako ng lugar na tutuluyan ni Charlotte, at aalis na siya ng Landry Mansion bukas.” Tumahimik ang buong kwarto. Gulat na tumitig ang lahat kay Jim. Ang mga mata ni Charlotte ay kasing laki ng plato habang nakatitig siya kay Jim at hindi siya makapaniwala. “Nababaliw ka na ba, Jim?” Paano pumayag si Jim sa mga kondisyon ni Bonnie para palayasin si Charlotte ng bahay para lang makasama ang dalawang bwisit na bata sa bahay? Siya ang fiancee ni Jim! Paano nagawa ito ni Jim sa kanya? “Baliw ako kung hindi ko pipiliin na hayaan ang mga anak ko na sumama sa bahay kasama ko.” Nagbuntong hininga si Jim, hinila niya palapit si Charlotte at sinabi niya, “‘Wag kang mag alala, Charlotte. Pangako na ako na ang bahala sa lahat.” Pagkatapos, lumingon siya at tumingin siya sa nalilitong si Bonnie. “Pumayag na
Read more

Kabanata 1995

Ngumiti na ng malaki si Harvey, hinawakan niya ang kamay ni Bonnie, at dinala niya ito sa itaas. Hindi mapigilan ni Luna na matuwa habang pinapanood niyang umalis sila. Hindi niya inaasahan na mauuwi ang lahat sa ganito. Kahit na hindi talaga magkadugo sina Harvey at Bonnie, ang relasyon nila ay malapit talaga na para bang mag-ina talaga sila. Nag aalala si Harvey para kay Bonnie, at ito ang rason kung bakit hiniling niya kay Jim na tumira sila sa Landry Mansion. Samantala, nag aalala naman si Bonnie sa kaligtasan ni Harvey, kaya’t hiniling niya na palayasin si Charlotte ng bahay… Nang maisip ito ni Luna, tumingin siya kay Joshua. “Kung si Bonnie lang ang tunay na nanay ni Harvey, magiging perpektong istorya na ito.” Sumingkit ang mga mata ni Joshua at hindi niya mapigilan na isipin ang sinabi ni Luna. “Hindi naman imposible ito.” Tutal, pinsan ni Joshua si Jim, at dahil alam niya na hinahanap ni Jim ang piping babae na nabuntis ni Jim sa Banyan City, nagpatulong si Jos
Read more

Kabanata 1996

“I… Isang bomba?” Agad na napaatras si Luna at tumitig siya ng hindi makapaniwala sa box sa harap niya. “Isang bomba… ang bagay na ito?” “Oo.” Ngumiti si Nigel at kalmado niyang bubuksan sana ang box nang pigilan siya ni Luna. Mabilis ng pumunta ng kusina si Luna para silipin kung nakapatay ang gas stove, pagkatapos ay sinara niya ang pinto ng kusina sa likod niya. Kinuha niya rin ang lahat ng lighter at mga bagay na madaling umapoy sa kwarto at tinago niya ito sa ibang lugar. Pagkatapos gawin ang lahat ng ito, tumingin siya sa box at sinabi niya, “Okay, pwede mo nang buksan yan ngayon.” Ngumiti si Nigel, ngunit hindi siya nagsalita. Samantala, hinila ni Joshua si Luna palapit at sinabi niya, “Isang bomba lang naman ito; hindi mo kailangan maging paranoid.” Tumingin ng masama si Luna kay Joshua. “Anong ibig sabihin mo na paranoid ako? Hindi mo ba alam kung gaano kalakas ang mga bomba?” Ang isang pagsabog ay kaya sirain ang buong bahay nila! Siguradong mas mabuti nang ligt
Read more

Kabanata 1997

“Dapat niyo po itong imbestigahan, Daddy.” Tumango si Joshua. “‘Wag kang mag alala; gagawin ko ‘yun.” Si Bonnie ang bestfriend ni Luna at ang girlfriend ni Jim bago nawala ang mga alaala nito. Pamangkin din ni Joshua si Harvey, at bukod pa dito, ang anak niyang si Nigel ay nasa eroplano kung saan tinanim ang bomba. Para sa pinsan niyang si Jim, pati na rin sa debosyon at responsibilidad niya kila Luna at Nigel… hahanapin ni Joshua ang may sala sa lahat ng ito, kahit anong mangyari. Suminghot si Luna at galit niyang sinabi, “Ano pa ba ang kailangan imbestigahan? Halatang kagagawan ito ni Charlotte!” Ang tao na tanging natatakot sa pagbalik ni Harvey ay si Charlotte. Kaya naman, ang tao na tanging magtatanim ng bomba sa eroplano para patayin ang mga bata ay walang iba kundi siya! “Alam ko.” Tumingin si Joshua kay Luna. “Pero, alam mo naman na malaki ang tiwala ni Jim kay Charlotte, at kapag inakusahan natin si Charlotte ng walang matibay na ebidensya, hindi tayo paniniwalaa
Read more

Kabanata 1998

Samantala, sa Landry Mansion, nakaupo si Charlotte sa sofa sa sala habang tumutulo ang mga luha sa mukha niya. “Sabihin mo sa akin ang totoo, Jim: Ayaw mo na ba sa akin dahil sa tingin mo ay mas maganda si Ms. Bonnie kaysa sa akin?” Hinimas niya ang mukha niya habang umiiyak siya. “Kung hindi ako nahulog sa pakana ni Heather at naipit ako sa sunog, hindi sana magiging ganito ang mukha ko ngayon. Tutal, maganda rin ako dati, bago nasira ang mukha ko dahil sa aksidente!” “Pero ngayon, ako ay isang pangit na bruha sa mga mata ng anak mo…” Nanginginig ang boses niya habang umiiyak siya, “Kahit na nagbago na ang isip mo sa pagpapakasal sa akin, Jim, hindi kita masisisi. Tutal, hindi tumutupad ng pangako ang mga lalaki, at isa ka ring lalaki.” “HIndi ko dapat naisip na iba ka; hindi ko dapat naisip na tutuparin mo ang pangako na ginawa mo noong bata pa tayo…” “Ayos lang, Jim. Kahit na nakipaghiwalay ka sa akin, hindi kita masisisi.” Huminga ng malalim si Jim nang marinig niya ito
Read more

Kabanata 1999

Pagkatapos, tinaas ni Jim ang kamay niya para hagurin ang buhok ni Charlotte. “‘Wag kang mag alala. Ang tanging rason kung bakit pumayag ako sa kondisyon ni Bonnie ay para sa mga bata, hindi dahil may gusto ako sa kanya o dahil ayaw ko sayo.” “Ngayon at mahal siya ng bata, hindi ko sila pwedeng ilayo sa kanya agad. Tutal, nawala ang mga alaala ko sa kanila, kaya’t kailangan ko munang ibalik ang relasyon namin.” “HIndi ko hahayaan na palakihin ng ibang tao ang mga anak ko.” Sa huli, inalis niya ang kamay niya sa kamay ni Charlotte at sinabi niya, “Kapag nagustuhan ka na nga mga bata, papalayasin ko na si Bonnie at pababalikin na kita.” Hindi mapigilan ni Charlotte na palihim na umismid nang marinig niya ito. Ngayon at may villa na siya sa pinakamagandang parte ng bayan, hindi na siya babalik at titira sa isang rural na lugar na tulad ng Landry Mansion. Gayunpaman, nagpanggap pa rin siya na malungkot niyang tinanggap ang alok ni Jim. “Sige, Jim, mangako ka akin na kapag nagus
Read more

Kabanata 2000

“Jim?” Nang makita na nakatitig si Jim kela Bonnie at Sean, tumingin din si Charlotte sa lalaking ito ng namumungay. “Kamukha mo ang lalaking ito noong dalawampung taong gulang ka pa lang.” Bumalik na sa sarili si Jim. “Sa tingin mo ba?” “Oo.” Kumapit si Charlotte sa braso ni Jim. “Pero masasabi ko, mas mukhang mature at matalino ka kaysa sa kanya.” Lumingon siya para ngumiti kay Jim at idinagdag niya, “Hindi ba’t parang bagay sila ni Bonnie sa isa’t isa? Sa tingin ko ay pwede silang maging magkasintahan. Tutal, kamukha mo ang lalaking ito na kapag nagsama sila ni Bonnie, matutupad ang pangarap ni Bonnie na makasama ka. Hindi ba?” Nang sabihin ito ni Charlotte, sinuri niya ang mukha ni Jim sa kahit anong pagbabago ng ekspresyon. Sumingkit ang mga mata ni Jim at ngumisi siya habang nakatitig siya kay Bonnie, na siyang masayang nakikipag usap kay Sean. “Hindi dapat sila magsama.” Humigpit ang hawak ni Charlotte kay Jim. “Sino pala sa tingin mo ang dapat maging kasama ni Bonni
Read more
PREV
1
...
198199200201202
...
308
DMCA.com Protection Status