All Chapters of Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko: Chapter 1971 - Chapter 1980

3080 Chapters

Kabanata 1971

“Paano nangyari ito…” Kasing edad lang ni Christopher si Jim, at bata pa lang siya noong 20 taon na ang nakalipas. Gayunpaman, ang lalaking nasa video ay kamukhang kamukha niya! Kumunot ang noo ni Joshua at tumitig siya sa screen. Kahit na kamukha ng lalaking nakasuot ng itim si Christopher, ang tingin at kilos niya ay mas nakakakilabot kumpara kay Christopher. “Ito ang leksyon mo para hindi mo na akitin ang ibang lalaki. Ang lakas ng loob mo para agawin ang fiance ng Rosie ko mula sa kanya.” Ngumisi ang lalaki at sinabi nito ng malamig habang nakahawak sa baba ni Lucy. “May ideya ka ba kung ano ang pinagdaanan ni Rosie sa dalawang taon na kasal kayo ni Charles?” “Nagkaroon siya ng depresyon dahil sa inyong dalawa! Kasalanan niyo ang lahat ng ito!” Habang nakaluhod sa kama, lumingon si Lucy para tumitig ng malamig sa lalaki. “Alam ba ni Rosalyn ang tungkol dito? Sa tingin mo ba ay papatawarin ka niya kapag natuklasan niya kung ano ang ginawa mo para sa kanya?” Tumayo ng d
Read more

Kabanata 1972

Sa sobrang nakakakilabot ng video ay pumikit si Luna dahil hindi niya na magawang ituloy na manood. Gayunpaman, patuloy sa panonood si Joshua at hininto niya pa ito para isulat ang mga pangalan ng mga tao na nagpahirap kay Lucy sa video. Pagkatapos nito, pinindot niya ulit ang play at tinuloy ang video. Kung tama ang hula niya, ang lalaking kamukha ni Christopher na umapi kay Lucy sa simula ay walang iba kundi ang classmate ni Lucy at ang tatay ni Christopher, si Larry, ang lalaking nakakulong pa rin sa mental asylum hanggang sa araw na ito. Para naman sa lalaking may pangalan na ‘Star’... Ang hula ni Joshua ay isa rin itong classmate nila Rosalyn at Larry. Hindi siya makapaniwala na inapi ng dalawang ito si Lucy dahil sa galit, inisip nila na inagaw ni Lucy si Charles mula kay Rosalyn! Naningkit ang mga mata ni Joshua at humigpit ang mga kamao niya habang iniisip ito. Hindi niya inaasahan na ito ang paraan kung paano namatay ang Aunt Lucy niya. Hindi siya makapaniwal
Read more

Kabanata 1973

Kinagat ni Luna ang labi niya nang marinig niya ang boses ng dalawang lalaki. Tama si Joshua. Ayon sa pag uusap nila, walang ideya si Rosalyn na ginagawa nila ito. Gayunpaman, kahit na hindi ito alam ni Rosalyn, ginawa pa rin nila ito para sa kanya. Kahit walang alam si Rosalyn, parte pa rin siya ng pagdurusa at pagpatay kay Lucy. “Hindi, iba yun.” Alam ni Joshua ang iniisip ni Luna. Huminga siya ng malalim at sinabi niya ng may kaba sa kanyang boses, “Alam mo na sinaktan ng mga taong ito si Lucy para sa nanay mo, pero sa tingin mo ba ay ito talaga ang gusto niya?” “Sa tingin mo ba ay ginagawa nila ito para sa nanay mo o ginagawa lang nila ito bilang dahilan para ilabas nila ang galit nila kay Lucy?” Tumahimik si Luna nang marinig niya ito. Tama si Joshua. Isang mabait na tao si Rosalyn, at kung ang mga taong ito ay itinuturing talaga na kaibigan si Rosalyn at iniisip nila ang nararamdaman nito, hindi nila ito gagawin ng hindi nalalaman ni Rosalyn! Nang maisip niya it
Read more

Kabanata 1974

Pagkatapos kumain ng tanghalian, mabilis na pumunta sina Luna at Joshua sa simbahan ni Samuel, na matatagpuan sa labas ng bayan. Pagkatapos ng buong umaga ng pag uusap, sang ayon sila na si Samuel siguro ang tanging saksi sa pagkamatay ni Lucy, maliban sa mga pumatay dito. Kaya naman, basta’t mahanap nila si Samuel, malalaman nila ang tungkol sa pagkamatay ni Lucy. Pinatay ba siya ng mga tao na inutusan na pagdusahin siya? Pinatay ba siya ni Larry? O hindi kaya ay pinatay siya ni Star, na siyang hindi pa rin sigurado sina Joshua at Luna kung ano ang relasyon ng taong ito sa pamilya Quinn. Hindi nagtagal, dumating ang kotse sa bahay ni Samuel sa likod ng simbahan. Gayunpaman, nang makarating na sila, nakasalubong nila ang isang tao. May mga kotse na lumagpas sa kanila ay huminto sa harap ng bahay. Bumukas ang pinto ng kotse na nasa harap, at may lalaking matanda na may suot ng puting suit na eleganteng lumabas ng kotse at naglakad papunta sa bahay, nakangiti. Makalipas
Read more

Kabanata 1975

Tama si Joshua; hindi aalis ng Merchant City si Malcolm ng mag isa sa puntong ito. Kaya naman, sa halip na desperado siyang tumakas at mahuli ni Quentin, mas mabuti kung lalapit siya sa tatay niya. Tutal, relihiyoso sina Granny Quinn at Quentin, at siguradong hindi nila sisirain ang kapayapaan sa isang banal na santwaryo. Nang maisip ito ni Luna, hindi niya mapigilan na sabihin, “Hindi ko inaasahan na ganito katalino si Malcolm.” “Hindi siya ang nakaisip ito; ako.” Ngumisi si Joshua, niyakap niya si Luna, at sinabi niya, “Ako ang nagbigay sa kanya ng ideya na ito.” Huminto ng ilang sandali si Luna, pagkatapos ay kumunot ang noo niya. “Bakit mo siya tinulungan?” Naging klaro na si Luna kay Malcolm na hindi niya na tutulungan ito, ngunit bakit palihim na tinulungan ni Joshua si Malcolm at binigyan niya pa ng ideya ito na lumapit sa tatay nito? Sa totoo lang, hindi na mahintay ni Luna na mahuli ng pamilya Quinn si Malcolm. Gusto niyang masira ang buong buhay ni Malcolm.
Read more

Kabanata 1976

Hindi gusto ni Luna si Quentin. Kumunot ang noo niya at tumingin siya ng malamig dito. “Hindi ako papakitaan ng awa ng pamilya Landry kahit na lumayo ako kay Joshua.” Ngumisi siya at tinanong niya, “Ano ang ginagawa mo dito, Mr. Simms? Nandito ka rin ba para magdasal para sa minamahal mo?” “Magdasal?” Sumingkit ang mga mata ni Quentin at tumingin siya ng nakangisi kila Joshua at Luna. “Sinasabi mo ba na pumunta kayong dalawa dito para hanapin ang kapatid ko at magdasal?” “Anong masama doon?” Hinila ni Joshua palapit si Luna at lumingon siya para tumingin kay Quentin. “Isa sa pinaka kilalang mga pari si Father Samuel sa Merchant City, kaya’t anong problema kung pumunta kami dito para ipagdasal ang pumanaw kong Auntie at ang pumanaw na Uncle ni Luna?” Sumingkit ang mga mata ni Quentin nang marinig niya ito. Makalipas ang ilang sandali, bigla siyang may naalala at tumawa siya ng malakas. “Dahil nandito kayo para magdasal, sa tingin ko ay ito rin ang gagawin ko.” Kumunot ang no
Read more

Kabanata 1977

Makalipas ang ilang sandali, ngumiti si Samuel at sumagot siya, “Makakalimutan ko na sana ito ko hindi mo ito binanggit. Oo, may utang ka pa rin sa akin.” Ngumiti si Quentin. “Alam ko na nakalimutan mo na siguro ito dahil sa busy mong schedule, pero hindi ko ito kinalimutan kahit kailan.” Pagkatapos, tinanggal niya ang krus na nakasabit sa leeg niya at nilagay niya ito sa mesa sa pagitan nila. “Dahil balak mong gamitin ang pabor na ito para protektahan si Malcolm, susundin ko ang gusto mo.” “Heto. Pwede na itong kunin.” Tatayo na siya nang huminto siya na para bang may naalala siya. Pagkatapos ay naglabas siya ng pera sa bulsa niya at nilapag niya ito sa mesa. Tumingin si Samuel dito ng nakakunot ang noo. “Ano ito?” “Isang gantimpala sa pagtulong sa akin na ipagdasal ang mga pumanaw.” Tumuro si Quentin kila Joshua at Luna, parehong nakaupo sa bench sa labas, at nagpaliwanag siya, “Ang isa sa kanila ay gustong magdasal para kay Lucy, ang isa ay para kay Collin Landry. At par
Read more

Kabanata 1978

Hindi napansin ni Luna ang pagbabago sa mukha ni Samuel. Sa halip, huminga siya ng malalim at nagpatuloy siya, “Nakita po namin ang mga tao sa loob ng video, kaya’t gusto po naming itanong sa inyo kung paano niyo nakuha ang mga video na ito at… kung sino ang lalaking may pangalan na Star.” Anim na taong nakatira si Luna sa Quinn Mansion, at naging malapit siya kay Malcolm dati, gayunpaman, hindi niya pa naririnig ang kahit sino na may pangalan na Star. Base sa video, dapat ay nasa 40-taong gulang na si Star ngayon, at tila siya ang mastermind ng pagpapahirap at pagkamatay ni Lucy. Kahit na ang lalaking nasa video ay kamukha ni Christopher at pinahirapan ng malupit si Lucy, naging masunurin siya sa sandali na dumating si Star. Ang lalaking ito ay ang classmate ni Rosalyn at tatay ni Christopher, si Larry. Kung gumising si Rosalyn mula sa coma, malalaman nila ang tungkol sa tunay na pagkakakilanlan ni Star. Gayunpaman, dahil hindi masasagot ni Rosalyn ang pagdududa nila, wala
Read more

Kabanata 1979

“Ang taong may pinakamalaking utang ako simula noong umalis ako ng bahay ay si Malcolm. Kahit na ako ang tatay niya, hindi ko pinakita ang pagmamahal na nararapat sa kanya, pero ngayon, may pagkakataon na ako para gawin ito.” “Kaya naman, para protektahan ang kaligtasan ng anak ko, hindi na ako magsasalita pa tungkol sa nangyari sa nakaraan.” “Pasensya pumunta kayo dito ng para sa wala.” Pagkatapos, kumuha ng dalawang kopya si Samuel ng The Bible mula sa malapit na kabinet at nilagay niya ito sa harap ni Luna. “Nabalitaan ko na namatay ang anak mo, kaya’t ito ang para sa inyo.” “Ang pagdarasal para sa mga pumanaw ay makakatulong para maging payapa sila sa langit.” Si Joshua, na kanina pa tahimik, ay hindi mapigilan na ngumisi nang marinig niya ito. “Sa tingin mo ba ay sa pagdarasal lang, makakabawi ka sa mga pagkakamali mo dati, Father?” Pagkatapos sabihin ito, lumapit si Joshua kay Samuel at binulong niya ng malamig, “Bakit ayaw mong pag usapan ang nakaraan, Father? Sinasa
Read more

Kabanata 1980

Sinabi ni Charles kay Luna dati na hindi palakaibigan si Lucy, kaya’t wala siya masyadong kilala na mga tao. Ang huling beses na lumapit sina Luna at Gwen kay Samuel, binanggit ni Samuel na sa isang punto, halos naging third wheel siya sa pagitan nila Lucy at Charles. Ito ay dahil bestfriends sila dati ni Charles, at bago ito, napagkamalan ni Lucy na ang lahat ng ginawa ni Charles para sa kanya ay kagagawan ni Samuel, kaya’t halos magkatuluyan na sila ni Samuel. Kung ituturo ang tao na rason kaya’t pinagtaksilan ni Lucy si Charles… ito ay si Samuel. Nang maisip niya ito, mas lalong sumakit ang ulo ni Luna. Lumingon siya at tumingin siya kay Joshua. “Pero, ayaw pa rin tayong bigyan ng impormasyon ni Samuel ngayon, at bukod pa dito, hindi natin makumpirma ang pagkakakilanlan ng taong si Star. Ang tanging alam lang natin tungkol sa kanya ay classmate siya ng nanay ko at ni Larry…” Ang teacher ni Rosalyn ay matagal nang pumanaw. Bukod pa dito, nabaliw na si Larry, at nasa isang c
Read more
PREV
1
...
196197198199200
...
308
DMCA.com Protection Status