Bumalik si Luna sa bahay ni Joshua habang marami siyang iniisip. Sa sandali na pumasok siya sa bahay, naamoy ni Luna ang mabangong pagkain na lutong-bahay. Sinundan niya ang amoy papunta sa kusina at natuklasan niya na naghanda ng maraming pagkain sa mesa sina Bonnie at Theo. Napahinto si Luna nang makita niya ito. Hindi ba’t bad mood si Bonnie ngayong araw? Umiiyak siya simula nang bumisita sina Christopher at Jim nitong umaga, kaya’t bakit maayos na agad siya at nakakapagluto na siya ng mga pagkain na ganito? “Tara dito, tulungan mo kami.” Habang dala ang mga umuusok na plato ng pagkain palabas ng kusina, nakita ni Theo si Luna na nakatitig ng nalilito kay Bonnie. Mabilis niyang tinawag si Luna papunta sa kusina para tulungan sila. Tinanggal ni Luna ang coat, kumunot ang noo niya, nilagay ito sa mga kamay ni Joshua, at pumasok na siya ng kusina. Tinanong niya ng may mahinang boses habang kumukuha siya ng isa pang plato mula kay Theo, “Ano ang nangyari kay Bonnie? Sinu
Habang iniisip ni Luna na sasabihin ni Sean ang masamang balita, may tumunog na boses ng isang batang lalaki mula sa phone, “Papunta na po kami! Aunt Bonnie, ang taong pinadala niyo po para sunduin kami ay isang henyo!” “Magaling po siya magmaneho at nagawa niyang halos matakasan agad ang mga tauhan ni Mr. Jim! Hindi po ako makapaniwala na nasa isang habulan po ako na tulad nito!” Ngumiti si Bonnie nang marinig niya ang masiglang boses ni Harvey, “Mabuti naman! Hinihintay ka namin ng Aunt Luna mo, kaya’t bilisan mo ang pag uwi!” Tumango si Harvey. “Okay po! Pati may sorpresa po ako kay Aunt Luna!” Pagkatapos, ibinaba niya na ang phone. Ibinaba ni Bonnie ang phone niya at bumalik na siya sa kusina para magluto pa ng pagkain. Samantala, medyo naguluhan si Luna sa pag uusap na ito. Hindi niya inaasahan na makukuha ni Sean sina Harvey at Shelly bago ang mga tauhan ni Jim at halos natakasan niya pa ang mga ito sa habulan. Tutal, isang batang mekaniko lang si Sean na nasa 20
Habang nahihiya sa reaksyon ni Luna, lumingon si Nigel at tumingin siya kay Joshua, na siyang nakatayo sa tabi ng pinto. “Manonood ka lang ba, Mr. Lynch?” Ngumiti si Joshua, sumandal siya sa frame ng pinto, at sumagot siya ng mapang asar, “Ikaw ang nagpaiyak sa kanya, kaya’t responsibilidad mo na pangitiin ulit siya. Hindi ako makikialam dito.” Umikot ang mga mata ni Nigel at dahan dahan niyang hinimas ang balikat ni Luna. “Tama na po, Ms. Luna. Nagugutom na po ako.” Napahinto ng ilang sandali si Luna, pagkatapos ay binitawan niya si Nigel. Lumingon siya at napansin niya rin na umiiyak din si Bonnie habang yakap si Harvey. Nagbuntong hininga si Harvey at dahan dahan niyang hinaplos ang likod ni Bonnie para gumaan ang loob nito. “Ayos lang po kung umiyak kayo. Na…” Tumingin siya sa direksyon ni Nigel at nagpaliwanag siya, “Natuklasan ko lang po ang nangyari sa Merchant City pagkatapos ipakita sa akin ni Nigel ang impormasyon habang nasa eroplano kami. Hindi po ako makapaniwa
Kumunot ang noo ni Joshua habang lumapit siya kay Luna at yumuko siya para tumingin kay Shelly. Hindi niya pa nakita si Nellie noong sanggol pa ito, kaya naman, hindi niya maintindihan kung bakit tila sabik si Luna sa mga sandaling ito. Tumingin siya sa bata at ngumiti siya. “Kasing cute niya si Nellie.” “‘Yun lang ba ang masasabi mo tungkol sa kanya?” Kumunot ang noo ni Luna at may sasabihin pa sana siya nang makita niya na umiiyak si Bonnie. Biglang naipit ang mga salita sa kanyang lalamunan. Alam niya na mahal ni Bonnie ang sanggol na ito, at hindi niya magawang sabihin kay Joshua na baka sa kanila ang batang ito sa harap ni Bonnie. “Ako na ang bahala sa kanya.” Pinunasan ni Bonnie ang mga luha niya, lumapit siya kay Luna, at kinuha ang sanggol. Pagkatapos, tumuro siya sa mesa na puno ng pagkain sa hapagkainan at tumingin siya kela Joshua at Luna, nakangiti. “Gutom siguro kayong dalawa, buong araw kayong nasa labas. Bakit hindi kayo kumain kasama sina Harvey, June, at Ni
Posible kaya na ang babaeng nabuntis ni Jim sa batang ito ay hindi totoo? Hindi kaya’t siya at si Joshua ang tunay na magulang ni Shelly? Habang iniisip ito ni Luna, naisip niya na baka nga totoo ito. Kung hindi, walang paraan kung paano ipaliwanag ang sobrang pagkakahawig ni Shelly kay Joshua. “Luna?” Bumalik sa katotohanan si Luna dahil sa boses ni Joshua. Lumingon siya sa pagkalito. “Ano ‘yun?” Nang maisip niya ito, napagtanto niya na ang tatlong bata at si Theo ay tapos na kumain at nakaupo na sa sofa, nag uusap tungkol sa balita sa TV. Ang dalawang tao na natira sa hapagkainan ay si Joshua at siya. Tumingin si Joshua sa kanya, pagkatapos ay naglagay pa ng pagkain ito sa plato niya. “May iniisip ka ba?” Tumigil ng ilang sandali si Luna, umiling siya, pagkatapos ay tumango siya. Wala siyang intensyon na ipaalam kay Joshua kung ano ang iniisip niya. Nag aalala siya na pagkatapos niyang sabihin kay Joshua ang pagdududa niya, lalapit si Joshua sa bata at mas madalas
Huminto si Luna, pagkatapos ay tumingin siya kay Bonnie. Sabi na nga ba. Siguradong ang lalaking tinutukoy ni Sean ay si Jim. “Mag isa lang ba siyang pumunta?” Ang tanong ni Luna, nakasimangot. Umiling si Sean. “May kasama po siyang babae… Magkahawak po sila ng kamay, at mukhang in love po talaga sila!” Pagkatapos, tumingin siya kay Bonnie at tinanong niya, “Gusto mo… bang magtago muna?” Ngumisi si Bonnie. “Bakit ko kailangan magtago?” Nandito sila para sa kanya, hindi ba? Walang sagot dito si Sean, kaya’t lumingon siya para tumingin kay Harvey. “Ikaw ba?” Kahit na dalawang araw pa lang nagtrabaho si Sean para kay Joshua at hindi pa siya sigurado sa mga komplikadong relasyon sa mga taong ito, alam niya na ang lalaking dumating nitong umaga ay si Jim Landry, ang young master ng pamilya Landry. Bilang isang simpleng mekaniko sa pinakamababang pwesto sa lipunan, hindi niya dapat alam ang tungkol sa mga taong nasa itaas ng lipunan, ngunit kahawig niya talaga si Jim.
“Mabango ang buong bahay; may nagaganap siguro na piyesta.” Makalipas ang ilang sandali, bumukas ang front door, at tumunog ang matining na boses ng isang babae mula sa labas ng bahay, “May nagaganap ba na selebrasyon? Hindi ako makapaniwala na may taong gagawa ng selebrasyon sa pagkidnap ng anak ng ibang tao.” Kumunot ang noo ni Luna nang marinig niya ito. May sasabihin sana siya nang ngumiti si Harvey at sinabi niya, “Halos isang linggo ko nang hindi nakikita si Mommy Bonnie, kaya’t gumawa siya ng piyesta para magdiwang sa pagsasama namin. May masama ba dito?” Tumalikod ang bata at sinuri niya ang babaeng pumasok ng kwarto habang nakakapit ito sa braso ni Jim. “Lumalala na ang panlasa mo, Mr. Jim. Hindi ako makapaniwala na sumuko ka sa isang magandang babae na tulad ng Mommy ko at sumama ka sa pangit na babaeng ‘yun.” Lumaki ang mga mata ni Charlotte sa gulat, pagkatapos ay tumingin siya ng malamig kay Harvey. Hindi talaga nalalayo ang isang anak sa kanyang magulang; ang an
Nalungkot si Bonnie nang marinig niya ito. Tumitig siya sa mukha ni Jim, puno ito ng galit at sama ng loob, at umismid si Bonnie. “Hinusgahan mo ang isang tao ng hindi mo man lang iniintindi ang buong sitwasyon. Ganito ba ang klase ng tao ka, Jim Landry.” Humalukipkip si Bonnie at sinabi niya ng nakangisi, “May mga nakilala na akong mga tao na tulad ng ganito, tumuturo sa ibang tao tuwing may nangyayaring mali sa halip na pag isipan nila ito ng mabuti.” “Ngayon at sinabi ito ni Harvey, bakit hindi mo isipin ang rason kung bakit masama ang ugali niya sa inyo ni Charlotte sa halip na sisihin mo ako sa lahat ng bagay?” “Jim, hindi ka naiiba sa mga makasarili at mayabang na mga taong ito.” Naningkit ang mga mata ni Jim nang marinig niya ito. Tumitig siya ng malamig kay Bonnie at sumagot siya, “Pero sinabi ni Charlotte—” “Sinabi ito ni Charlotte; Sinabi ‘yan ni Charlotte.” Ngumisi si Bonnie at tumingin siya sa braso ni Jim na nakabandange. Sa mga sandaling ito, pakiramdam niya n