Nalungkot si Bonnie nang marinig niya ito. Tumitig siya sa mukha ni Jim, puno ito ng galit at sama ng loob, at umismid si Bonnie. “Hinusgahan mo ang isang tao ng hindi mo man lang iniintindi ang buong sitwasyon. Ganito ba ang klase ng tao ka, Jim Landry.” Humalukipkip si Bonnie at sinabi niya ng nakangisi, “May mga nakilala na akong mga tao na tulad ng ganito, tumuturo sa ibang tao tuwing may nangyayaring mali sa halip na pag isipan nila ito ng mabuti.” “Ngayon at sinabi ito ni Harvey, bakit hindi mo isipin ang rason kung bakit masama ang ugali niya sa inyo ni Charlotte sa halip na sisihin mo ako sa lahat ng bagay?” “Jim, hindi ka naiiba sa mga makasarili at mayabang na mga taong ito.” Naningkit ang mga mata ni Jim nang marinig niya ito. Tumitig siya ng malamig kay Bonnie at sumagot siya, “Pero sinabi ni Charlotte—” “Sinabi ito ni Charlotte; Sinabi ‘yan ni Charlotte.” Ngumisi si Bonnie at tumingin siya sa braso ni Jim na nakabandange. Sa mga sandaling ito, pakiramdam niya n
Pagkatapos, humiga si Harvey sa upuan na malapit sa kanya at tinaas niya ang paa niya, inalok niya ito kay Jim. “Sige na. Kahit na mawawalan na ako ng paa, hindi ako makakatakas sa kapalaran ko dahil sinaktan ko ang paa ng babaeng mahal mo.” “Ano ngayon kung magiging pilay na ang anak mo? Ang pinakamahalaga sa lahat ay ang babaeng yakap mo ngayon!” Naningkit ang mga mata ni Jim nang makita niya kung paano kumilos ng sobra ang anak niya. Hindi siya makapaniwala na anak niya ang makulit at matigas na ulong batang ito. Hindi minana ng batang ito ang kahit isang bahid ng pagiging kalmado at mature ni Jim! “Sige na,” Nagsalita si Harvey nang makita niya na hindi nagsasalita si Jim. “Nagdadalawang isip ka ba, Mr. Jim? Bakit mo kailangan magdalawang isip? Hindi ba’t ang babaeng ito ang pinakamahalaga para sayo?” Huminga siya ng malalim, umupo siya ng mas komportable sa upuan niya, at tumingin siya sa malamig at determinadong mukha ni Jim. “Alam ko na nawala ang mga alaala mo, kaya n
“Bakit hindi?” Kinagat ni Harvey ang labi niya at kumapit siya sa braso ni Bonnie. “Gusto kong sumama kay Mommy Bonnie! Nakahanap ka na ng bagong girlfriend, pero ayaw ko sa kanya, Mr. Jim!” Sumingkit ang mga mata ni Jim dahil sa mga sinabi ni Harvey. Alam niya na kapag hindi niya nadala sa bahay si Harvey ngayong gabi, talagang hindi na talaga siya ituturing na tatay ng batang ito! Kung nasa ibang lugar si Harvey, kaya ni Jim na pwersahang kunin si Harvey mula kay Bonnie, ngunit bahay ito ni Joshua, kaya’t ito ang teritoryo ni Joshua. Pwede niyang hindi pansinin ang damdamin ni Bonnie, ngunit hindi si Joshua. Kung magalit si Joshua dahil dito, pipiliin niya na pabagsakin ng mabilis ang Landry Group. Hindi maisip ni Jim ang magiging kahihinatnan nito. “Jim.” Nagbuntong hininga si Charlotte, na para bang alam niya kung bakit nagdadalawang isip si Jim, at sinabi niya ng may mahinang boses, “Bakit hindi muna tayo umuwi para pag isipan ito? Ngayon at determinado si Harvey, hi
Buo ang kontrol ni Charlotte kay Jim, at himala na nga na bumalik ang pagiging rasyonal ni Jim at pumayag pa si Jim na makipagkasundo para sa kanila ni Shelly. Kaya naman, alam ni Harvey na hindi niya pwedeng madaliin ang mga bagay. Kaya naman, huminga ng malalim si Harvey, tumingin siya kila Bonnie, Joshua, at Luna, at sinabi niya, “Hindi naman sa ayaw kong sumama sayo, Mr. Jim.” “Tutal, ang bahay na ito ay kay Aunt Luna at Uncle Joshua, at hindi dapat kami magtagal ni Shelly dito.” “Ang Landry Mansion ang tunay na tirahan ko, at natural lang na gusto kong umuwi, ngayon at nakatira ako doon ng anim na taon ng buhay ko, pero…” Lumingon siya at tumingin siya ng malungkot kay Bonnie. “Nag aalala ako kay Bonnie. May sugat ang kamay niya, sumailalim siya sa surgery, at may sugat siya sa tiyan… Kaya naman, gusto kong manatili sa tabi niya para alagaan siya.” Lumingon siya para tumitig kay Jim gamit ang maliwanag na mga mata niyang puno ng pag asa. “Kung gusto mong bumalik kami ni
“Kasi…” Nabigla si Charlotte sa mga akusasyon nila Luna at Joshua at wala siyang masagot. Kinagat niya ang labi niya, hinawakan niya ang braso ni Jim, at tumitig siya ng luhaan dito. “Jim, hindi ako nagdududa sa pagmamahal mo sa akin o sa relasyon natin. Kaya nga lang…” Suminghot siya at pinunasan niya ang luha sa kanyang mukha. “Mas maganda si Bonnie sa akin, at masama ang loob ko dahil dito…” Nang sabhin niya ito, dumila si Harvey ng mapaglaro at sinabi niya, “Umamin ka na katotohanan, huh?”Tumingin siya sa madilim na ekspresyon sa mukha ni Jim at sinabi niya, “Mr. Jim, umamin ang mahal na Charlotte mo na mas maganda si Bonnie kaysa sa kanya.” “Kaya naman, ang lahat ng sinabi ko tungkol sa itsura niya nang pumasok siya ay isang tapat na paglalarawan lang, at hindi ito isang pagpuna sa kanya.” “Kaya sa tingin mo ba ay binago ni Bonnie nag isip ko at sinabi ko ang lahat ng ito para lang pasayahin siya?” Pagkatapos, kumindat siya kay Charlotte. “Tutal, umamin ang mahal mon
“Sinabi ko na ayaw kong sumama sayo pauwi.” Ngumisi si Bonnie at binigkas niya ng maingat ang bawat salita, “Ayaw kong lumipat sa Landry Mansion para tumira kasama mo, at ayaw kong gawin din ito nila Harvey at Shelly.” “Mga anak ko sila, at responsibilidad ko para protektahan sila.” Alam ni Bonnie na kahit na lumipat siya sa Landry Mansion, titira lang siya sa isang maliit na bahay sa yard kung saan hindi niya makikita si Jim. Kaya naman, ayaw niyang pumunta doon, at ayaw niya rin na gawin ito nila Harvey at Shelly. “Hangga’t nakatira si Charlotte doon, hindi ako titira sa parehong bahay kasama siya, at hindi ko rin hahayaan na gawin ito ng mga anak ko.” Masyadong tuso ang babaeng ‘yun, at nag aalala si Bonnie na sasaktan ni Charlotte sina Harvey at Shelly. Tutal, kahit ang isang lalaking tulad ni Jim ay napunta sa patibong ni Charlotte at nakontrol siya nito. Wala na kay Bonnie si Jim; tumanggi siya na mawala sa kanya sina Harvey at Shelly. Kaya naman, ang tanging plan
“Sige, gagawin ko.” Lumingon si Jim para tumitig kay Bonnie at sinabi niya, “Gagawin ko ang gusto mo, Bonnie. Mag empake ka na ngayon at ihanda mo sina Harvey at Shelly.” “Hahanap ako ng lugar na tutuluyan ni Charlotte, at aalis na siya ng Landry Mansion bukas.” Tumahimik ang buong kwarto. Gulat na tumitig ang lahat kay Jim. Ang mga mata ni Charlotte ay kasing laki ng plato habang nakatitig siya kay Jim at hindi siya makapaniwala. “Nababaliw ka na ba, Jim?” Paano pumayag si Jim sa mga kondisyon ni Bonnie para palayasin si Charlotte ng bahay para lang makasama ang dalawang bwisit na bata sa bahay? Siya ang fiancee ni Jim! Paano nagawa ito ni Jim sa kanya? “Baliw ako kung hindi ko pipiliin na hayaan ang mga anak ko na sumama sa bahay kasama ko.” Nagbuntong hininga si Jim, hinila niya palapit si Charlotte at sinabi niya, “‘Wag kang mag alala, Charlotte. Pangako na ako na ang bahala sa lahat.” Pagkatapos, lumingon siya at tumingin siya sa nalilitong si Bonnie. “Pumayag na
Ngumiti na ng malaki si Harvey, hinawakan niya ang kamay ni Bonnie, at dinala niya ito sa itaas. Hindi mapigilan ni Luna na matuwa habang pinapanood niyang umalis sila. Hindi niya inaasahan na mauuwi ang lahat sa ganito. Kahit na hindi talaga magkadugo sina Harvey at Bonnie, ang relasyon nila ay malapit talaga na para bang mag-ina talaga sila. Nag aalala si Harvey para kay Bonnie, at ito ang rason kung bakit hiniling niya kay Jim na tumira sila sa Landry Mansion. Samantala, nag aalala naman si Bonnie sa kaligtasan ni Harvey, kaya’t hiniling niya na palayasin si Charlotte ng bahay… Nang maisip ito ni Luna, tumingin siya kay Joshua. “Kung si Bonnie lang ang tunay na nanay ni Harvey, magiging perpektong istorya na ito.” Sumingkit ang mga mata ni Joshua at hindi niya mapigilan na isipin ang sinabi ni Luna. “Hindi naman imposible ito.” Tutal, pinsan ni Joshua si Jim, at dahil alam niya na hinahanap ni Jim ang piping babae na nabuntis ni Jim sa Banyan City, nagpatulong si Jos