Lahat ng Kabanata ng Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko: Kabanata 1821 - Kabanata 1830

3080 Kabanata

Kabanata 1821

Nabigla si Jim sa mga pagtatanong ni Charlotte. Kumunot ang noo niya, ngunit kahit na inis ang nararamdaman niya sa puso niya, sinabi niya pa rin ang katotohanan. “May tumawag sa akin na may kakaibang number at inimbitahan niya ako na makipagkita sa kanya. Dahil puro trabaho na ako, nagdesisyon ako na makipagkita sa kanya para magpahangin na rin.” Hindi mapigilan ni Charlotte na ngumiti nang marinig niya ang tapat na tono ni Jim. :Sige pala. ‘Wag kang magpagabi.” Pagkatapos, ibinaba niya ng matagumpay ang phone. Hindi siguro nagsisinungaling si Jim sa kanya. Tutal, blinock niya ang number nila Luna at Bonnie sa phone ni Jim, at kahit sina Harvey, Christopher, o kahit sino sa pamilya Landry ay hindi makakatawag kay Jim. Kaya naman, posible na may isa sa mga taong ito na nakausap si Jim gamit ang bagong numero. Umupo ng mas komportable si Charlotte sa backseat. Pinanood niya ang palayo na kotse ni Jim, may matagumpay na ngiti sa kanyang mukha. Sa huli, ang lason na pinaghi
Magbasa pa

Kabanata 1822

“Ang pinakamalaking kalaban ko ngayon ay si Luna at ang best friend niya, si Bonnie.”… Huminto ang kotse ni Jim sa harap ng Tea Cottage. Nang huminto na ang kotse at lumabas na si Jim, nakita niya ang isang itim na kotse na nakapark sa ilalim ng malaking puno sa malayo. Kung tama ang pagkakaalala niya, mula sa pamilya Landry ang kotse na ito. Kumunot ang noo niya, napuno ng sama ng loob ang puso niya. Kausap niya lang kanina si Charlotte, kaya’t kung sinundan siya nito mula sa Landry Mansion, hindi naman pwedeng nakasunod na ito sa kanya ng ganito kabilis. Kaya naman, klaro na sinundan siya ni Charlotte sa sandali na lumabas siya ng bahay. Kasama ng phone call… Halata na sinusundan siya ni Charlotte sa buong biyahe niya, at ang phone call ay para lang magpanggap si Charlotte na napansin na nawawala si Jim sa Landry Mansion at nagtanong lang tungkol sa kinaroroonan niya. Nang maisip niya ito, napuno ng inis ang kanyang puso. Kinamuhian ni Jim sa loob niya kung paan
Magbasa pa

Kabanata 1823

Sino ang babaeng ito? Samantala, hindi mapigilan ni Bonnie na ngumisi nang sabihin ito ni Jim. “Hindi mo ba ako kilala?” Lumapit siya kay Jim at niyakap niya ang baywang ni Jim nang makalapit na siya. “Ako ang magiging fiancee mo, syempre.” Sa simula na nagpapahiwatig si Jim na pakakasalan niya si Bonnie, hindi na maitago ni Bonnie ang pagkasabik at tuwa niya. Kahit na blinock ni Jim ang number ni Bonnie pagkatapos nito, iniisip ni Bonnie na dahil ito sa hindi niya pagbalik ng Merchant City kasama si Luna. Ito ang rason kung bakit pinili niya na pumunta ng Merchant City ng hindi man lang sinabihan si Luna at nagsend siya ng message kay Jim gamit ang bagong number na ito. Ngunit, sa ikinagulat niya, tinanong ni Jim kung sino siya? Sino pa ba siya? Siya ang magiging stepmother nila Harvey at Shelly, ang magiging asawa ni Jim! Kumunot lalo ang noo ni Jim dahil sa pagiging malapit at matapang ni Bonnie. Ngayon naman, hindi siya nagpakita ng awa at pwersahan niyang ina
Magbasa pa

Kabanata 1824

Hindi. Niloloko siguro siya ni Jim! Hindi naman siguro makakahanap ng ibang fiancee si Jim. Siya lang ang mahal ni Jim! Pagkatapos huminga ng malalim, tumayo si Bonnie at hinabol niya si Jim. Nang makalabas na ng bahay, napagtanto niya na dumilim na rin ang kalangitan, na para bang uulan mamaya. Tumakbo siya papunta kay Jim at kumapit siya sa braso nito. “Nagsisinungaling ka sa akin, hindi ba?” Mahigpit ang hawak niya sa braso ni Bonnie at galit niyang sinabi, “Jim Landry, hindi nakakatawa ang biro na ito!” Kumunot ang noo ni Jim. Lumingon siya at isa isa niyang inalis ang mga daliri ni Bonnie at inalis niya na ang kamay nito. “Miss, sinabi ko na ang dapat kong sabihin, kaya’t pakiusap, magbigay ka ng respeto sa sarili mo.” Pagkatapos, lumingon siya at naglakad siya palayo. Habang pinapanood na umalis si Jim, tumanggi pa rin si Bonnie na maniwala na totoo ito. “Jim!” Kinagat niya ang labi niya at muli niyang hinabol si Jim. Gayunpaman, dahil masyado siyang desperado
Magbasa pa

Kabanata 1825

Tinakpan ni Bonnie ang sugat sa tiyan niya gamit ang kamay niya habang nakatingin siya ng masama kay Charlotte, ang titig niya ay puno ng galit at pagkamuhi. “Hindi naman kita kaaway…” Nang unang dumating si Bonnie sa Merchant City, pinili niya na bilhin ang Tea Cottage dahil isang tahimik na lugar ito. Nasa isang tagong lugar ang Tea Cottage, at walang malapit na gusali, kaya’t walang ibang dadaan sa lugar na ito. Hindi lang ‘yun, nagdesisyon pa siya na ‘wag magdala ng driver o assistant para silang dalawa lang ni Jim ang nasa bahay. Ngayon at sira na ang phone niya, wala nang paraan si Bonnie para humingi ng tulong. Ito ang rason kung bakit alam ni Bonnie na ang babaeng nakatayo sa harap niya ay sinusubukan siyang patayin. “Hindi mo ako kaaway?” Ngumisi si Charlotte. Tumitig siya kay Bonnie mula sa kinakatayuan niya, pinapanood niya habang lumalabas ang dugo sa pagitan ng mga daliri ni Bonnie.”Bonnie Craig, ikaw at ako ay nagbalik.” Muli siyang umupo, tinaas nya ng el
Magbasa pa

Kabanata 1826

Kaya naman… Hindi nagsisinungaling ang babaeng ito sa kanya. Tumulo ang mga luha sa mukha ni Bonnie. Kinagat niya ang labi niya at tumitig siya sa babaeng nasa harap niya, ngunit wala siyang masabi. Ano pa ang kailangan niyang sabihin? Sa huli, ang mapagmahal na relasyon nila ay isang kalokohan lang pala. Hindi lang sa hindi tunay ang pagmamahal ni Jim, isang third wheel lang pala siya. Nang makita na nawala ang liwanag sa mga mata ni Bonnie, hindi mapigilan ni Charlotte na lumaki ang ngiti niya. Tumayo siya at sinabi niya, “Sa tingin ko ay alam mo na ang ginagawa ko ngayon, kahit na inimbita mo lang siya.” “Si Jim ang may gustong pumunta ako. Gusto niyang sabihin ko sayo ang katotohanan para hindi mo na siya guguluhin sa susunod.” Pagkatapos, tumingin siya sa basa at duguan na damit ni Bonnie at nagbuntong hininga siya. “Sa totoo lang, isa akong mabait na tao, at kung nakita ko ang isang malungkot at sugatan na babaeng tulad mo, tutulungan sana kita.” “Pero, isa ka
Magbasa pa

Kabanata 1827

“Lumayo ka sa akin…” Kinagat ni Bonnie ang labi niya at tumitig siya sa lalaking nasa harap niya ng puno ng kamuhian at sama ng loob. “Lumayo ka sa akin, Jim Landry!” “Ayaw na kitang makita kahit kailan!” Nagbuntong hininga si Christopher habang nakatitig siya sa nagdurugo at hirap na babaeng nasa harap niya. Hindi siya makapaniwala na sa kondisyon ni Bonnie, si Jim lang ang tanging nasa isip ni Bonnie. Binaba ni Christopher ang payong, binuhat niya si Bonnie, at naglakad siya papunta sa bahay. Habang ginagawa niya ito, sinubukan na tumakas ni Bonnie. “Bitawan mo ako! Bitawan mo ako, Jim! Hanapin mo na lang ang mahal na fiancee mo!” Habang tumatakas siya, mas maraming lumabas na dugo sa sugat niya. Gayunpaman, tila wala siyang maramdaman na sakit. Baka dahil sa sobrang sakit ng puso niya ay hindi niya na maramdaman ang pisikal na sakit na nararamdaman niya. Mahigpit ang hawak ni Bonnie sa kamay ni Christopher, at pagkatapos murahin ng ilang beses si Jim, umiyak na siy
Magbasa pa

Kabanata 1828

“Pakiusap, bigyan mo ng respeto ang sarili mo.” Tama si Jim; dahil mas mahalaga si Jim para kay Bonnie kaysa sa sarili ni Bonnie at marami siyang binuhos sa relasyon nila kaya’t nasaktan siya. Hindi lang siya nasaktan ng emosyonal, naranasan niya pa ang napakasakit na pisikal na sugat. Mas lalong sumasakit ang sugat sa tiyan nya, sa punto na malapit na siyang mawalan ng malay. Kinakausap siya ni Christopher habang nililinis nito ang sugat niya, ngunit hindi niya marinig ang kahit ano dito. Ang tanging bagay na narinig niya ay, “Kung masakit, tandaan mo na si Jim ang gumawa sayo nito.” Pumikit si Bonnie at inulit niya ang mga salitang ito sa isip niya habang tumulo ang mga luha sa pisngi niya. Tama si Christopher. Si Jim ang dahilan kung bakit nasaktan ng ganito si Bonnie. Tatandaan ito ni Bonnie ng buong buhay niya!… Pagkatapos tahiin ni Christopher ang sugat ni Bonnie, nawalan na ng malay si Bonnie dahil sa sakit. Nagbuntong hininga si Christopher, dahan dahan
Magbasa pa

Kabanata 1829

Sa sobrang gulat na marinig ni Luna ang mga salitang ito ay hindi siya makasagot. Hindi niya inaasahan na… may gusto si Christopher kay Bonnie. Akala ni Luna ay si Christopher ay isang 40 taong gulang na lalaki sa loob ng katawan ng isang 20 taong gulang na lalaki, isang matino at mature na lalaki na walang kagustuhan sa mundong ito. Hindi lang ‘yun, inisip pa nila Bonnie na kung may naging kasintahan dati si Christopher at iniisip nila kung anong klaseng babae ito. Sa ikinagulat ni Luna, sa huli pala ay ang babaeng gusto ni Christopher… ay si Bonnie. Nang makita ang gulat na mukha ni Luna, ngumiti ng mapait si Christopher. “Anong problema? Sa tingin mo ay hindi ako nararapat para sa isang babaeng tulad ni Bonnie?” Pagkatapos, lumingon siya at tumingin siya kay Bonnie, na siyang nakahiga sa kama at nakapikit. Kahit na kalmado ang ekspresyon sa mukha ni Bonnie, nakakunot ang noo niya. Mukhang sa panaginip niya, hindi siya masaya. Tumawa ng mapait si Christopher at lumi
Magbasa pa

Kabanata 1830

Walang anesthesia, walang painkiller… Kahit ang paggamit ng alcohol para linisin ang sugat ng isang tao ay masakit kapag walang anesthesia, paano pa kaya ang pagtahi sa sugat ni Bonnie. Noong una, akala ni Luna ay nawalan ng malay si Bonnie dahil sa nawalang dugo, ngunit tila… Tila nawalan ng malay si Bonnie dahil sa sobrang sakit. Kinagat ni Luna ang labi niya at nag aala niyang sinabi, “Dinala mo sana siya sa pinakamalapit na clinic sa sandali na matapos ang pagdurugo niya…” Kahit na umuulan sa labas, ang isang clinic ay may mga equipment na kailangan ni Christopher, pati na rin ang anesthesia. Kahit na nasa tagong lugar ang Tea Cottage, kailangan lang ni Christopher ng isang oras para dalhin si Bonnie sa pinakamalapit na clinic. Ayon sa pagkakakilala niya kay Christopher, hindi naniniwala si Luna na hindi kayang tulungan ni Christopher si Bonnie sa loob ng isang oras bago dumating sa clinic. Dumilim ang ekspresyon ni Christopher nang marinig niya ito. “Hindi ako maru
Magbasa pa
PREV
1
...
181182183184185
...
308
DMCA.com Protection Status