Tinakpan ni Bonnie ang sugat sa tiyan niya gamit ang kamay niya habang nakatingin siya ng masama kay Charlotte, ang titig niya ay puno ng galit at pagkamuhi. âHindi naman kita kaawayâĶâ Nang unang dumating si Bonnie sa Merchant City, pinili niya na bilhin ang Tea Cottage dahil isang tahimik na lugar ito. Nasa isang tagong lugar ang Tea Cottage, at walang malapit na gusali, kayaât walang ibang dadaan sa lugar na ito. Hindi lang âyun, nagdesisyon pa siya na âwag magdala ng driver o assistant para silang dalawa lang ni Jim ang nasa bahay. Ngayon at sira na ang phone niya, wala nang paraan si Bonnie para humingi ng tulong. Ito ang rason kung bakit alam ni Bonnie na ang babaeng nakatayo sa harap niya ay sinusubukan siyang patayin. âHindi mo ako kaaway?â Ngumisi si Charlotte. Tumitig siya kay Bonnie mula sa kinakatayuan niya, pinapanood niya habang lumalabas ang dugo sa pagitan ng mga daliri ni Bonnie.âBonnie Craig, ikaw at ako ay nagbalik.â Muli siyang umupo, tinaas nya ng el
Kaya namanâĶ Hindi nagsisinungaling ang babaeng ito sa kanya. Tumulo ang mga luha sa mukha ni Bonnie. Kinagat niya ang labi niya at tumitig siya sa babaeng nasa harap niya, ngunit wala siyang masabi. Ano pa ang kailangan niyang sabihin? Sa huli, ang mapagmahal na relasyon nila ay isang kalokohan lang pala. Hindi lang sa hindi tunay ang pagmamahal ni Jim, isang third wheel lang pala siya. Nang makita na nawala ang liwanag sa mga mata ni Bonnie, hindi mapigilan ni Charlotte na lumaki ang ngiti niya. Tumayo siya at sinabi niya, âSa tingin ko ay alam mo na ang ginagawa ko ngayon, kahit na inimbita mo lang siya.â âSi Jim ang may gustong pumunta ako. Gusto niyang sabihin ko sayo ang katotohanan para hindi mo na siya guguluhin sa susunod.â Pagkatapos, tumingin siya sa basa at duguan na damit ni Bonnie at nagbuntong hininga siya. âSa totoo lang, isa akong mabait na tao, at kung nakita ko ang isang malungkot at sugatan na babaeng tulad mo, tutulungan sana kita.â âPero, isa ka
âLumayo ka sa akinâĶâ Kinagat ni Bonnie ang labi niya at tumitig siya sa lalaking nasa harap niya ng puno ng kamuhian at sama ng loob. âLumayo ka sa akin, Jim Landry!â âAyaw na kitang makita kahit kailan!â Nagbuntong hininga si Christopher habang nakatitig siya sa nagdurugo at hirap na babaeng nasa harap niya. Hindi siya makapaniwala na sa kondisyon ni Bonnie, si Jim lang ang tanging nasa isip ni Bonnie. Binaba ni Christopher ang payong, binuhat niya si Bonnie, at naglakad siya papunta sa bahay. Habang ginagawa niya ito, sinubukan na tumakas ni Bonnie. âBitawan mo ako! Bitawan mo ako, Jim! Hanapin mo na lang ang mahal na fiancee mo!â Habang tumatakas siya, mas maraming lumabas na dugo sa sugat niya. Gayunpaman, tila wala siyang maramdaman na sakit. Baka dahil sa sobrang sakit ng puso niya ay hindi niya na maramdaman ang pisikal na sakit na nararamdaman niya. Mahigpit ang hawak ni Bonnie sa kamay ni Christopher, at pagkatapos murahin ng ilang beses si Jim, umiyak na siy
âPakiusap, bigyan mo ng respeto ang sarili mo.â Tama si Jim; dahil mas mahalaga si Jim para kay Bonnie kaysa sa sarili ni Bonnie at marami siyang binuhos sa relasyon nila kayaât nasaktan siya. Hindi lang siya nasaktan ng emosyonal, naranasan niya pa ang napakasakit na pisikal na sugat. Mas lalong sumasakit ang sugat sa tiyan nya, sa punto na malapit na siyang mawalan ng malay. Kinakausap siya ni Christopher habang nililinis nito ang sugat niya, ngunit hindi niya marinig ang kahit ano dito. Ang tanging bagay na narinig niya ay, âKung masakit, tandaan mo na si Jim ang gumawa sayo nito.â Pumikit si Bonnie at inulit niya ang mga salitang ito sa isip niya habang tumulo ang mga luha sa pisngi niya. Tama si Christopher. Si Jim ang dahilan kung bakit nasaktan ng ganito si Bonnie. Tatandaan ito ni Bonnie ng buong buhay niya!âĶ Pagkatapos tahiin ni Christopher ang sugat ni Bonnie, nawalan na ng malay si Bonnie dahil sa sakit. Nagbuntong hininga si Christopher, dahan dahan
Sa sobrang gulat na marinig ni Luna ang mga salitang ito ay hindi siya makasagot. Hindi niya inaasahan naâĶ may gusto si Christopher kay Bonnie. Akala ni Luna ay si Christopher ay isang 40 taong gulang na lalaki sa loob ng katawan ng isang 20 taong gulang na lalaki, isang matino at mature na lalaki na walang kagustuhan sa mundong ito. Hindi lang âyun, inisip pa nila Bonnie na kung may naging kasintahan dati si Christopher at iniisip nila kung anong klaseng babae ito. Sa ikinagulat ni Luna, sa huli pala ay ang babaeng gusto ni ChristopherâĶ ay si Bonnie. Nang makita ang gulat na mukha ni Luna, ngumiti ng mapait si Christopher. âAnong problema? Sa tingin mo ay hindi ako nararapat para sa isang babaeng tulad ni Bonnie?â Pagkatapos, lumingon siya at tumingin siya kay Bonnie, na siyang nakahiga sa kama at nakapikit. Kahit na kalmado ang ekspresyon sa mukha ni Bonnie, nakakunot ang noo niya. Mukhang sa panaginip niya, hindi siya masaya. Tumawa ng mapait si Christopher at lumi
Walang anesthesia, walang painkillerâĶ Kahit ang paggamit ng alcohol para linisin ang sugat ng isang tao ay masakit kapag walang anesthesia, paano pa kaya ang pagtahi sa sugat ni Bonnie. Noong una, akala ni Luna ay nawalan ng malay si Bonnie dahil sa nawalang dugo, ngunit tilaâĶ Tila nawalan ng malay si Bonnie dahil sa sobrang sakit. Kinagat ni Luna ang labi niya at nag aala niyang sinabi, âDinala mo sana siya sa pinakamalapit na clinic sa sandali na matapos ang pagdurugo niyaâĶâ Kahit na umuulan sa labas, ang isang clinic ay may mga equipment na kailangan ni Christopher, pati na rin ang anesthesia. Kahit na nasa tagong lugar ang Tea Cottage, kailangan lang ni Christopher ng isang oras para dalhin si Bonnie sa pinakamalapit na clinic. Ayon sa pagkakakilala niya kay Christopher, hindi naniniwala si Luna na hindi kayang tulungan ni Christopher si Bonnie sa loob ng isang oras bago dumating sa clinic. Dumilim ang ekspresyon ni Christopher nang marinig niya ito. âHindi ako maru
Sa bedroom sa itaasâĶ Binuksan ni Luna ang pinto at humiga siya sa kama. âSinasabi ni Christopher na gusto niya si Bonnie, pero sa tingin ko ay totoo âyun!â Sumunod si Joshua kay Luna sa kwarto at sinara niya ang pinto. âPero mukhang tapat siya, at mukhang mabuti rin ang pagtrato niya kay Bonnie.â Kinagat ni Luna ang labi niya, kinuha niya ang blanket, at galit niyang sinabi, âKung gusto niya talaga si Bonnie, hindi niya dapat pinaranas kay Bonnie ang ganitong sakit!â âHindi sana naranasan ni Bonnie ang ganitong pagdurusa, pero si Christopher ang nagdesisyon na gawin ito kay Bonnie. Alam ko na gusto niyang ipaalala kay Bonnie ang sakit na pinagdaanan ni Bonnie para lumayo na si Bonnie sa kapatid ko, at pagkatapos ay magkakaroon ng mas malaking pagkakataon si Christopher na makuha ang puso ni Bonnie.â âPero sobrang makasarili ang ginawa niya!â Tumingin si Joshua kay Luna, pagkatapos ay sumingkit ang mga mata niya. âSa tingin ko ay hindi lubos na mali ang gumawa ng ganito p
âMagkaroon ng mga anak, sabi mo?â âHindi baâat may apat na anak na tayo? Ilan pa ba ang gusto mo?â Sumingkit ang mga mata ni Joshua at lumingon siya para tumitig kay Luna. âHindi baât tatlo lang?â Ilang sandali na hindi naintindihan ni Luna ang sinasabi ni Joshua. âApat; hindi namatay ang pang apat na anak natinâĶâ Gayunpaman, sa sandali na sabihin niya ito, tumigil siya sa pagsasalita. Sa sumunod na sandali, mabilis niyang iinalis ang sarili niya sa hawak ni Joshua at tumalikod siya para umiwas sa titig ni Joshua. âKalokohan lang ang sinasabi ko. Ang anak natinââ âAng anak natin ay buhay pa.â Sumingit si Joshua sa kanya. Humawak siya sa balikat ni Luna at pinatalikod niya ito para mapilitan na humarap sa kanya si Luna. Ang titig ni Joshua ay tila tumagos at nakita ang lahat ng kasinungalingan ni Luna hanggang sa dulo ng kaluluwa ni Luna. Kinagat ni Luna ang labi nia at tumahimik siya ng ilang sandali. Tutal, ayaw niyang makipagtalo kay Joshua tungkol sa bata sa mga
Kumunot ang noo ni Luna nang marinig niya ito.Kailangan niyang itago si Gwen kapag bumisita si John sa kanila. Kasabay nito, kailangan niya ng ibang tao para magpanggap na si âAndie Larsonâ.Habang iniisip ito, nagbuntong hininga si Luna at tumingin siya ng makahulugan kay Tara.Naintindihan ito ni Tara at tumango siya, pagkatapos ay naglakad siya pabalik ng elevator kasama si Luna.Nang sumara ang pinto, nagbuntong hininga si Tara at sinabi niya ng pagod na tono, âSalamat sa Diyos at nabigo si Robyn ng memorya niya. Kung hindi, sira na ang lahat ng plano natin.âTumango si Luna. Pagkatapos, tumingin siya kay Tara at tinanong niya, âOo nga pala, paano nagkakilala si John at ang tatay ni Gwen?âKahit na si Andy ay dinala ng mga tauhan ni Tyson sa Sharnwick City. Paano napunta sa parehong kwarto si John at sumalo pa siya ng bala para dito?Kinidnap rin ba si John ng mga taong ito? Kung ganun, bakit nila ito ginawa?Nang mabanggit ito, nagbuntong hininga si Tara at nagpaliwang si
Sumilip si Luna sa crack mula sa pinto.May suot na hospital gown si John, nakaupo ito sa kama at kumakain habang kausap si Robyn. âSinabi ba talaga âyun ni Miss Moore?âTumango si Robyn. âNakasalubong ko rin sa elevator âyung babae na bumili ng tanghalian na ito kanina. Hindi ka maniniwala, konektado din siya kay Miss Moore! Magpinsan sila sa kasal!âHuminto ang kamay ni John, halata na nabigla siya. Tumawa siya at tinanong niya, âTalaga? Nagkataon nga naman.ââTama ka! Maliit ang mundo natin!â Tumango si Robyn. âHindi lang âyun, pero dahil magpinsan sila sa kasal, may koneksyon din siya sa lalaking niligtas mo kagabi. Sa tingin ko ay ang pangalan niya ayâĶâNapatalon ang puso ni Luna sa lalamunan niya nang marinig niya ito.Nagkaroon siya ng isang malaking pagkakamali. Hindi niya sana babanggitin ang pangalan ni Gwen kung alam niya lang na si John ang lalaking nagligtas sa tatay ni Gwen!Malapit na masira ang sikreto nila!Habang iniisip ito, hindi niya mapigilan na tumingin k
Tumaas ang mga kilay ni Luna kay Tara. âSinasabi mo ba na anim na buwan mo nang alam ang tungkol kay Anne at John?âTahimik ng ilang sandali si Tara bago siya tumango. âOo.âHuminga siya ng malalim at tumitig siya ng seryoso kay Luna. âDati, ang lahat lang ng alam ko tungkol sayo ay pinakasalan mo ang pinsan ko at biniyayaan kayo ng triplets. Nabalitaan ko rin na sa isang punto, naging malapit ka kay Christian, pero wala na akong ibang impormasyon maliban dito. Isang araw, sinabi ng tita ko sa akin na ikaw, ang asawa ng pinsan ko, ay walang iba kundi si Moon, ang paboritong jewelry designer ko.ââSimula nang matuklasan ko ito, napunta ang atensyon ko sayo at naghanap ako ng mga balita tungkol sayo. Dahil dito, alam ko ang tungkol sa murder at trial mo, kaya alam ko ang tungkol kela Anne at John.âLumaki ang mga mata ni Luna sa gulat.Hindi siya makapaniwala na si Tara ay palihim na isa sa mga fans niya, sa punto na binabantayan nito ang balita tungkol kay Luna kahit na nakatira si
Matagal na natulala si Luna.Sa huli, bumalik siya sa sarili at humawak siya ng sabik sa braso ni Robyn. âSinasabi mo ba na ang kapatid mo ang nagligtas sa lalaki na hinahanap ng lahat sa buong bayan?âHindi inaasahan ni Robyn ang reaksyon ni Luna. Napaatras siya sa takot at tumango siya. âOâĶ Oo.âBakit sabik si Luna na marinig ito?Kumunot ang noo niya at tinanong niya, âMiss, kilalaâĶ mo ba ang kapatid ko? O may koneksyon kayo sa matandang lalaki kagabi?âSasagot sana ng oo si Luna sa mga tanong na ito nang sumingit si Tara. âSyempre may koneksyon siya sa matandang lalaki. Asawa siya ng pinsan ko, kaya may koneksyon siya sa matandang lalaki na niligtas ng kapatid mo. Sabik lang siya na makilala ang lalaki na lumigtas sa buhay ng matandang lalaki.âPagkatapos, tumingin siya kay Luna. âHindi ba, Luna?âNapahinto ng ilang sandali si Luna, pagkatapos ay tumango siya. âOo, masaya lang ako na ligtas siya ngayon.âPagkatapos, lumingon siya para tumitig ulit kay Robyn. âKamusta na ang
âUmâĶâNgunit, bago pa sumagot si Tara, sumingit si Robyn. âHindi baât sinabi ko sayo na ang kapatid ko ay nabaril? Ito ay dahil pinoprotektahan niya ang isang matandang lalaki kagabi.ââNakidnap silang pareho, at ang lalaki na âyun ay papatayin dapat ng kidnapper. Kung hindi humarang ang kapatid ko para iligtas ang lalaking âyun, patay na dapat siya ngayon.ââSi Miss Moore ay ang kamag anak ng lalaki at pumunta siya dito para pasalamatan kami.âPagkatapos, pinakita niya ang card kay Luna at sinabi niya, âGusto niya kaming bigyan ng gantimpala kapalit ng kabaitan ng kapatid ko. Desperado kami sa pera, pero ayaw itong tanggapin ng kapatid ko. Ayaw niyang isipin ng iba na may ibang rason ang kabaitan niya.âNapahinto si Luna nang marinig niya ito. Kumunot ang noo niya, tumingin siya kay Tara. âAng âkamag-anak; na ito ay ang tatay ni Gwen, hindi ba?âAlam ni Luna ang tungkol sa nangyari kagabi. Dahil niligtas ng mga tauhan ni Joshua si Andy kagabi at ang kapatid ni Robyn ay nabaril d
âHindi ko kailangan ng special treatment.â Ngumiti si John kay Tara. âAng gusto ko lang ay ang isang oportunidad para sumama.âKumunot ang noo ni Tara dahil dito, ngunit wala siyang sinabi. Sa huli, tumalikod siya at umalis na siya ng kwarto.Sa kanyang ikinagulat, nakasalubong niya si Luna, na siyang kakalabas lang ng elevator.Nabigla din si Luna na makita si Tara.Siguradong si Tara, na siyang obsessed kay Joshua, ay nasa Moore Group dapat kasama si Joshua, nagpapalipas ng oras kasama ang paboritong âpinsanâ nito. Bakit pala nasa hospital si Tara?âHello, Luna.â Ngumiti ng nahihiya si Tara nang makita niya si Luna.Kumunot ang noo ni Luna at tumingin siya ng malamig kay Tara. âAno ang ginagawa mo dito?âNandito ba si Tara para makita si Gwen? Hindi niya maintindihan; hindi kilala nila Tara at Gwen ang isaât isa. Bakit bibisita si Tara kay Gwen?Huminto si Tara, ngunit bago pa siya makagawa ng dahilan, tumunog ang boses ni Robyn sa likod niya. âMiss Moore!âTumakbo si Robyn
Bumangon si John mula sa kama nang mabanggit ang matandang lalaki. Pagkatapos ay tumitig siya ng nakakunot ang noo kay Tara. âAyos lang ba siya? Nawalan ako ng malay pagkatapos akong mabaril kagabi, kaya hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya. Naaalala ko na dumating ang mga tauhan niyo sa orasâĶ Ayos lang ba siya ngayon?âKahit na ang ginawa ng matandang lalaki ang rason kung bakit nabaril si John, naiintindihan ni John ang pananaw ng lalaking ito. Pagkatapos makulong ng maraming araw, hindi nakakapagtaka na magiging balisa ito na makatakas.Hindi mapigilan ni John na isipin na kung ang lalaking ito ay nakakuha ng sakit mula sa pagkakakulong, lalo na at matanda at mahina na ito.Kumunot ang noo ni Tara nang mapansin niya na nag aalala si John. Mukhang hindi nagpapanggap si John sa pag aalala niya.Ayon kay Joshua, hindi alam ni John na ang lalaking niligtas niya ay ang tatay ni Gwen. Base sa reaksyon ni John, alam na ni Tara na tama si Joshua.Ngumiti si Tara at sumagot siya
Hindi kayaât sinasabi ni John ang katotohanan?Habang iniisip ito, tumingin ulit si Tara kay Robyn.Medyo kinakabahan si Robyn habang sinusuri ng ganito. Nahihiya siyang tumawa at sinabi niya, âNice to meet you, Miss Moore. Ako ang kapatid ni John, si Robyn.âPagkatapos, tinaas niya ang kamay niya kay Tara.Kumunot ang noo ni Tara habang kinamayan niya si Robyn. âNabalitaan ko na may sakit ka?âTumigas ang kamay ni Robyn. Nakalimutan niya ang tungkol sa instructions ni John!Ngumiti siya, sinubukan niyang maging kalmado. âOpo. Nagkaroon ako ng kakaibang sakit at humihina ang katawan ko, at kailangan ko ng surgery para mabuhay.âPagkatapos, lumingon siya para tumingin ng masama kay John. âSinabi mo ba ito sa lahat? Hindi baât sinabi ko sayo na âwag mo ipagkalat ang tungkol sa sakit ko?âTumawa si John. âMalalaman din naman ni Miss Moore ang tungkol dito dahil magkakasama kami sa trabaho.âMedyo naabala si Tara dahil dito. Pinadala siya ni Joshua para bantayan si John at malaman
âAyos lang. Hindi ko siya niligtas para sa pera.â Ngumiti si John habang tinaas niya ang kamay niya para kunin ang kutsara at tinidor mula kay Robyn.Nagtataka rin siya tungkol sa binanggit ni Robyn, ngunit sa katotohanan, hindi siya nagsisi sa desisyon niya. Kahit na pumunta siya doon para sa pera, hindi ito ang motibasyon niya noong tumalon siya sa harap ng bala.Ginawa niya ito ng hindi nag iisip. Kahit na ibalik niya ang oras, ililigtas niya pa rin ang lalaking âyun ng hindi nagdadalawang isip.Nagbuntong hininga si Robyn at tumingin siya kay John. âPero JohnâĶ makakapunta ka pa ba sa public bid sa katayuan mo ngayon?âNamutla si John dahil dito. Makalipas ang ilang sandali, ngumiti siya kay Robyn at sinabi niya, âSyempre naman. Ang balikat ko lang ang nasaktan, hindi ang utak ko, kaya makakapag trabaho pa rin ako tulad ng dati at makapag handa ako para sa bid. âWag kang mag alala. Alagaan mo na lang sina Anne at Sammie, at ako na ang bahala sa lahat.âPagkatapos, tumingin siya