Kaya naman… Hindi nagsisinungaling ang babaeng ito sa kanya. Tumulo ang mga luha sa mukha ni Bonnie. Kinagat niya ang labi niya at tumitig siya sa babaeng nasa harap niya, ngunit wala siyang masabi. Ano pa ang kailangan niyang sabihin? Sa huli, ang mapagmahal na relasyon nila ay isang kalokohan lang pala. Hindi lang sa hindi tunay ang pagmamahal ni Jim, isang third wheel lang pala siya. Nang makita na nawala ang liwanag sa mga mata ni Bonnie, hindi mapigilan ni Charlotte na lumaki ang ngiti niya. Tumayo siya at sinabi niya, “Sa tingin ko ay alam mo na ang ginagawa ko ngayon, kahit na inimbita mo lang siya.” “Si Jim ang may gustong pumunta ako. Gusto niyang sabihin ko sayo ang katotohanan para hindi mo na siya guguluhin sa susunod.” Pagkatapos, tumingin siya sa basa at duguan na damit ni Bonnie at nagbuntong hininga siya. “Sa totoo lang, isa akong mabait na tao, at kung nakita ko ang isang malungkot at sugatan na babaeng tulad mo, tutulungan sana kita.” “Pero, isa ka
“Lumayo ka sa akin…” Kinagat ni Bonnie ang labi niya at tumitig siya sa lalaking nasa harap niya ng puno ng kamuhian at sama ng loob. “Lumayo ka sa akin, Jim Landry!” “Ayaw na kitang makita kahit kailan!” Nagbuntong hininga si Christopher habang nakatitig siya sa nagdurugo at hirap na babaeng nasa harap niya. Hindi siya makapaniwala na sa kondisyon ni Bonnie, si Jim lang ang tanging nasa isip ni Bonnie. Binaba ni Christopher ang payong, binuhat niya si Bonnie, at naglakad siya papunta sa bahay. Habang ginagawa niya ito, sinubukan na tumakas ni Bonnie. “Bitawan mo ako! Bitawan mo ako, Jim! Hanapin mo na lang ang mahal na fiancee mo!” Habang tumatakas siya, mas maraming lumabas na dugo sa sugat niya. Gayunpaman, tila wala siyang maramdaman na sakit. Baka dahil sa sobrang sakit ng puso niya ay hindi niya na maramdaman ang pisikal na sakit na nararamdaman niya. Mahigpit ang hawak ni Bonnie sa kamay ni Christopher, at pagkatapos murahin ng ilang beses si Jim, umiyak na siy
“Pakiusap, bigyan mo ng respeto ang sarili mo.” Tama si Jim; dahil mas mahalaga si Jim para kay Bonnie kaysa sa sarili ni Bonnie at marami siyang binuhos sa relasyon nila kaya’t nasaktan siya. Hindi lang siya nasaktan ng emosyonal, naranasan niya pa ang napakasakit na pisikal na sugat. Mas lalong sumasakit ang sugat sa tiyan nya, sa punto na malapit na siyang mawalan ng malay. Kinakausap siya ni Christopher habang nililinis nito ang sugat niya, ngunit hindi niya marinig ang kahit ano dito. Ang tanging bagay na narinig niya ay, “Kung masakit, tandaan mo na si Jim ang gumawa sayo nito.” Pumikit si Bonnie at inulit niya ang mga salitang ito sa isip niya habang tumulo ang mga luha sa pisngi niya. Tama si Christopher. Si Jim ang dahilan kung bakit nasaktan ng ganito si Bonnie. Tatandaan ito ni Bonnie ng buong buhay niya!… Pagkatapos tahiin ni Christopher ang sugat ni Bonnie, nawalan na ng malay si Bonnie dahil sa sakit. Nagbuntong hininga si Christopher, dahan dahan
Sa sobrang gulat na marinig ni Luna ang mga salitang ito ay hindi siya makasagot. Hindi niya inaasahan na… may gusto si Christopher kay Bonnie. Akala ni Luna ay si Christopher ay isang 40 taong gulang na lalaki sa loob ng katawan ng isang 20 taong gulang na lalaki, isang matino at mature na lalaki na walang kagustuhan sa mundong ito. Hindi lang ‘yun, inisip pa nila Bonnie na kung may naging kasintahan dati si Christopher at iniisip nila kung anong klaseng babae ito. Sa ikinagulat ni Luna, sa huli pala ay ang babaeng gusto ni Christopher… ay si Bonnie. Nang makita ang gulat na mukha ni Luna, ngumiti ng mapait si Christopher. “Anong problema? Sa tingin mo ay hindi ako nararapat para sa isang babaeng tulad ni Bonnie?” Pagkatapos, lumingon siya at tumingin siya kay Bonnie, na siyang nakahiga sa kama at nakapikit. Kahit na kalmado ang ekspresyon sa mukha ni Bonnie, nakakunot ang noo niya. Mukhang sa panaginip niya, hindi siya masaya. Tumawa ng mapait si Christopher at lumi
Walang anesthesia, walang painkiller… Kahit ang paggamit ng alcohol para linisin ang sugat ng isang tao ay masakit kapag walang anesthesia, paano pa kaya ang pagtahi sa sugat ni Bonnie. Noong una, akala ni Luna ay nawalan ng malay si Bonnie dahil sa nawalang dugo, ngunit tila… Tila nawalan ng malay si Bonnie dahil sa sobrang sakit. Kinagat ni Luna ang labi niya at nag aala niyang sinabi, “Dinala mo sana siya sa pinakamalapit na clinic sa sandali na matapos ang pagdurugo niya…” Kahit na umuulan sa labas, ang isang clinic ay may mga equipment na kailangan ni Christopher, pati na rin ang anesthesia. Kahit na nasa tagong lugar ang Tea Cottage, kailangan lang ni Christopher ng isang oras para dalhin si Bonnie sa pinakamalapit na clinic. Ayon sa pagkakakilala niya kay Christopher, hindi naniniwala si Luna na hindi kayang tulungan ni Christopher si Bonnie sa loob ng isang oras bago dumating sa clinic. Dumilim ang ekspresyon ni Christopher nang marinig niya ito. “Hindi ako maru
Sa bedroom sa itaas… Binuksan ni Luna ang pinto at humiga siya sa kama. “Sinasabi ni Christopher na gusto niya si Bonnie, pero sa tingin ko ay totoo ‘yun!” Sumunod si Joshua kay Luna sa kwarto at sinara niya ang pinto. “Pero mukhang tapat siya, at mukhang mabuti rin ang pagtrato niya kay Bonnie.” Kinagat ni Luna ang labi niya, kinuha niya ang blanket, at galit niyang sinabi, “Kung gusto niya talaga si Bonnie, hindi niya dapat pinaranas kay Bonnie ang ganitong sakit!” “Hindi sana naranasan ni Bonnie ang ganitong pagdurusa, pero si Christopher ang nagdesisyon na gawin ito kay Bonnie. Alam ko na gusto niyang ipaalala kay Bonnie ang sakit na pinagdaanan ni Bonnie para lumayo na si Bonnie sa kapatid ko, at pagkatapos ay magkakaroon ng mas malaking pagkakataon si Christopher na makuha ang puso ni Bonnie.” “Pero sobrang makasarili ang ginawa niya!” Tumingin si Joshua kay Luna, pagkatapos ay sumingkit ang mga mata niya. “Sa tingin ko ay hindi lubos na mali ang gumawa ng ganito p
“Magkaroon ng mga anak, sabi mo?” “Hindi ba’at may apat na anak na tayo? Ilan pa ba ang gusto mo?” Sumingkit ang mga mata ni Joshua at lumingon siya para tumitig kay Luna. “Hindi ba’t tatlo lang?” Ilang sandali na hindi naintindihan ni Luna ang sinasabi ni Joshua. “Apat; hindi namatay ang pang apat na anak natin…” Gayunpaman, sa sandali na sabihin niya ito, tumigil siya sa pagsasalita. Sa sumunod na sandali, mabilis niyang iinalis ang sarili niya sa hawak ni Joshua at tumalikod siya para umiwas sa titig ni Joshua. “Kalokohan lang ang sinasabi ko. Ang anak natin—” “Ang anak natin ay buhay pa.” Sumingit si Joshua sa kanya. Humawak siya sa balikat ni Luna at pinatalikod niya ito para mapilitan na humarap sa kanya si Luna. Ang titig ni Joshua ay tila tumagos at nakita ang lahat ng kasinungalingan ni Luna hanggang sa dulo ng kaluluwa ni Luna. Kinagat ni Luna ang labi nia at tumahimik siya ng ilang sandali. Tutal, ayaw niyang makipagtalo kay Joshua tungkol sa bata sa mga
Kumunot ang noo ni Joshua nang marinig niya ito. “Ano naman ang kinalaman ng anak natin kay Charlotte?” Naramdaman ni Luna na para bang binuhusan siya ng timba ng nagyeyelong tubig. Kinagat niya ang labi niya at pilit niyang tinanong, “Tinatanong ko… may kinalaman ba ang pagkawala ng anak natin kay Charlotte?” Kung sa huli ay may kinalaman si Charlotte sa pagkidnap sa anak nila ng kahit kaunti, mas magiging magaan ang loob niya sa pagtulong kay Charlotte na makuha ang mga gamot. Tumitig si Luna kay Joshua na puno ng pagasa, makikita sa mga mata niya ang pananabik.Kumunot ang noo ni Joshua nang makita niya ang nagmamakaawang tingin sa mukha ni Luna. “Ano ang sinabi niya sayo?” Sa sobrang halata ng kilos ni Luna ay isang tanga lang ang hindi makakapansin. Kinagat ni Luna ang labi. “Gusto ko lang na sabihin mo sa akin… kung ang pagkawala ng anak natin ay may kinalaman kay Charlotte, ‘yun lang.” “Hinahanap niya rin ba ang anak natin?” Tumahimik ng ilang sandali si Joshua,