Sa sobrang gulat na marinig ni Luna ang mga salitang ito ay hindi siya makasagot. Hindi niya inaasahan na… may gusto si Christopher kay Bonnie. Akala ni Luna ay si Christopher ay isang 40 taong gulang na lalaki sa loob ng katawan ng isang 20 taong gulang na lalaki, isang matino at mature na lalaki na walang kagustuhan sa mundong ito. Hindi lang ‘yun, inisip pa nila Bonnie na kung may naging kasintahan dati si Christopher at iniisip nila kung anong klaseng babae ito. Sa ikinagulat ni Luna, sa huli pala ay ang babaeng gusto ni Christopher… ay si Bonnie. Nang makita ang gulat na mukha ni Luna, ngumiti ng mapait si Christopher. “Anong problema? Sa tingin mo ay hindi ako nararapat para sa isang babaeng tulad ni Bonnie?” Pagkatapos, lumingon siya at tumingin siya kay Bonnie, na siyang nakahiga sa kama at nakapikit. Kahit na kalmado ang ekspresyon sa mukha ni Bonnie, nakakunot ang noo niya. Mukhang sa panaginip niya, hindi siya masaya. Tumawa ng mapait si Christopher at lumi
Walang anesthesia, walang painkiller… Kahit ang paggamit ng alcohol para linisin ang sugat ng isang tao ay masakit kapag walang anesthesia, paano pa kaya ang pagtahi sa sugat ni Bonnie. Noong una, akala ni Luna ay nawalan ng malay si Bonnie dahil sa nawalang dugo, ngunit tila… Tila nawalan ng malay si Bonnie dahil sa sobrang sakit. Kinagat ni Luna ang labi niya at nag aala niyang sinabi, “Dinala mo sana siya sa pinakamalapit na clinic sa sandali na matapos ang pagdurugo niya…” Kahit na umuulan sa labas, ang isang clinic ay may mga equipment na kailangan ni Christopher, pati na rin ang anesthesia. Kahit na nasa tagong lugar ang Tea Cottage, kailangan lang ni Christopher ng isang oras para dalhin si Bonnie sa pinakamalapit na clinic. Ayon sa pagkakakilala niya kay Christopher, hindi naniniwala si Luna na hindi kayang tulungan ni Christopher si Bonnie sa loob ng isang oras bago dumating sa clinic. Dumilim ang ekspresyon ni Christopher nang marinig niya ito. “Hindi ako maru
Sa bedroom sa itaas… Binuksan ni Luna ang pinto at humiga siya sa kama. “Sinasabi ni Christopher na gusto niya si Bonnie, pero sa tingin ko ay totoo ‘yun!” Sumunod si Joshua kay Luna sa kwarto at sinara niya ang pinto. “Pero mukhang tapat siya, at mukhang mabuti rin ang pagtrato niya kay Bonnie.” Kinagat ni Luna ang labi niya, kinuha niya ang blanket, at galit niyang sinabi, “Kung gusto niya talaga si Bonnie, hindi niya dapat pinaranas kay Bonnie ang ganitong sakit!” “Hindi sana naranasan ni Bonnie ang ganitong pagdurusa, pero si Christopher ang nagdesisyon na gawin ito kay Bonnie. Alam ko na gusto niyang ipaalala kay Bonnie ang sakit na pinagdaanan ni Bonnie para lumayo na si Bonnie sa kapatid ko, at pagkatapos ay magkakaroon ng mas malaking pagkakataon si Christopher na makuha ang puso ni Bonnie.” “Pero sobrang makasarili ang ginawa niya!” Tumingin si Joshua kay Luna, pagkatapos ay sumingkit ang mga mata niya. “Sa tingin ko ay hindi lubos na mali ang gumawa ng ganito p
“Magkaroon ng mga anak, sabi mo?” “Hindi ba’at may apat na anak na tayo? Ilan pa ba ang gusto mo?” Sumingkit ang mga mata ni Joshua at lumingon siya para tumitig kay Luna. “Hindi ba’t tatlo lang?” Ilang sandali na hindi naintindihan ni Luna ang sinasabi ni Joshua. “Apat; hindi namatay ang pang apat na anak natin…” Gayunpaman, sa sandali na sabihin niya ito, tumigil siya sa pagsasalita. Sa sumunod na sandali, mabilis niyang iinalis ang sarili niya sa hawak ni Joshua at tumalikod siya para umiwas sa titig ni Joshua. “Kalokohan lang ang sinasabi ko. Ang anak natin—” “Ang anak natin ay buhay pa.” Sumingit si Joshua sa kanya. Humawak siya sa balikat ni Luna at pinatalikod niya ito para mapilitan na humarap sa kanya si Luna. Ang titig ni Joshua ay tila tumagos at nakita ang lahat ng kasinungalingan ni Luna hanggang sa dulo ng kaluluwa ni Luna. Kinagat ni Luna ang labi nia at tumahimik siya ng ilang sandali. Tutal, ayaw niyang makipagtalo kay Joshua tungkol sa bata sa mga
Kumunot ang noo ni Joshua nang marinig niya ito. “Ano naman ang kinalaman ng anak natin kay Charlotte?” Naramdaman ni Luna na para bang binuhusan siya ng timba ng nagyeyelong tubig. Kinagat niya ang labi niya at pilit niyang tinanong, “Tinatanong ko… may kinalaman ba ang pagkawala ng anak natin kay Charlotte?” Kung sa huli ay may kinalaman si Charlotte sa pagkidnap sa anak nila ng kahit kaunti, mas magiging magaan ang loob niya sa pagtulong kay Charlotte na makuha ang mga gamot. Tumitig si Luna kay Joshua na puno ng pagasa, makikita sa mga mata niya ang pananabik.Kumunot ang noo ni Joshua nang makita niya ang nagmamakaawang tingin sa mukha ni Luna. “Ano ang sinabi niya sayo?” Sa sobrang halata ng kilos ni Luna ay isang tanga lang ang hindi makakapansin. Kinagat ni Luna ang labi. “Gusto ko lang na sabihin mo sa akin… kung ang pagkawala ng anak natin ay may kinalaman kay Charlotte, ‘yun lang.” “Hinahanap niya rin ba ang anak natin?” Tumahimik ng ilang sandali si Joshua,
“Alam mo na ba noon na may ganung klaseng gamot sa warehouse ang nanay mo?” Umiling ng mabilis si Luna. “Hindi ko alam…” Noong araw na ‘yun, dinala niya si Charlotte sa warehouse ng mga gamot, inutusan ni Luna ang butler na tanungin si Mickey kung may nakakamatay na gamot o lason sa warehouse. Sa mga oras na ‘yun, klaro ang sagot ng butler; ang sinabi ni Mickey na ang pinaka mapanganib na gamot sa loob ng warehouse ay ang gamot na ginawa ni Rosalyn para kay Charles. Para naman sa iba, hindi ito makakabanta sa buhay ng kahit sino, at least hindi ayon sa mga record ni Mickey. Nag aalala pa rin si Luna kahit na narinig niya ito, at sinabi niya pa sa butler na dalhin siya sa kwarto ni Mickey, kung saan sumilip siya sa record book ng mga gamot. Sa huli, pagkatapos masigurado na ang pinaka mapanganib na gamot sa warehouse ay kaya lang magbigay ng pantal sa katawan nila at hindi pumatay ng isang tao, sumuko na si Luna at dinala niya na si Charlotte sa warehouse. Sa mga oras na ‘
Huminto na ang tag ulan. Sa loob ng sala sa Landry Mansion, nakaupo si Jim sa sofa habang nakatitig siya sa laptop sa kandungan niya. Biglang bumukas ang pinto. Pumasok ang isang galit na Charlotte mula sa labas, basa mula ulo hanggang paa. Nang marinig ni Jim ang tunog ng pinto at ng mga yapak ni Charlotte, lumingon si Jim para tumingin kay Charlotte. Nasira ang makeup ni Charlotte dahil sa ulan. Nahulog na ang pekeng pilikmata niya, at magulo na ang eyeliner niya, kaya’t may itim na mga linya sa mukha niya at mukha siyang nakakatakot. Basa rin ng ulan ang puting dress niya, nakadikit ito sa katawan niya at mas nagmukha siyang madungis. Tumaas ang mga kilay ni Jim at nagtanong siya. “Anong nangyari?” Tinanggal ni Charlotte ang jacket niya at pinunasan niya ang mukha niya gamit ang tuwalya na binigay sa kanya ng isa sa mga katulong. “Sa hindi malamang rason, maraming kotse sa kalsada sa ganitong masamang klima, at lahat ng mga ito ay nasa kalsada kung saan ako dumadaan!
Lumubog ang puso ni Charlotte dahil sa masamang kilos at tono ni Jim. Kinagat niya ang labi niya at sinabi niya ng may nanginginig na boses, “Na… Natuklasan mo?” “Ano sa tingin mo?” Binitawan ni Jim ang balikat ni Charlotte, nakaluhod siya, at lumingon siya para tumingin ng seryoso kay Charlotte. “Bilang tagapagmana ng pamilya Landry, ang isa sa mga bagay na tinuro sakin noong bata pa ako ay ang maging alerto kapag may sumusunod sa akin.” “Ang pagtuklas na may sumusunod sa akin ang isa sa pinakamahalagang kakayahan sa buhay ko.” “Bukod pa dito, sa tingin mo ba talaga ay magaling kang magtago?” May konting pagbabanta sa boses ni Jim. Habang kagat ang labi, naramdaman ni Charlotte na tumibok ng mabilis ang puso niya at sinabi niya, “Jim, kasi…” “Alam ko na nag aalala ka sa akin, pero sana ay hindi na ito mangyari ulit.” Ngumiti siya at lumingon siya para tumitig kay Charlotte. “Ang traffic, ang pagbangga ng kotse, at ang kakulangan ng mga taxi ay isang maliit na leksyon par