Huminto na ang tag ulan. Sa loob ng sala sa Landry Mansion, nakaupo si Jim sa sofa habang nakatitig siya sa laptop sa kandungan niya. Biglang bumukas ang pinto. Pumasok ang isang galit na Charlotte mula sa labas, basa mula ulo hanggang paa. Nang marinig ni Jim ang tunog ng pinto at ng mga yapak ni Charlotte, lumingon si Jim para tumingin kay Charlotte. Nasira ang makeup ni Charlotte dahil sa ulan. Nahulog na ang pekeng pilikmata niya, at magulo na ang eyeliner niya, kaya’t may itim na mga linya sa mukha niya at mukha siyang nakakatakot. Basa rin ng ulan ang puting dress niya, nakadikit ito sa katawan niya at mas nagmukha siyang madungis. Tumaas ang mga kilay ni Jim at nagtanong siya. “Anong nangyari?” Tinanggal ni Charlotte ang jacket niya at pinunasan niya ang mukha niya gamit ang tuwalya na binigay sa kanya ng isa sa mga katulong. “Sa hindi malamang rason, maraming kotse sa kalsada sa ganitong masamang klima, at lahat ng mga ito ay nasa kalsada kung saan ako dumadaan!
Lumubog ang puso ni Charlotte dahil sa masamang kilos at tono ni Jim. Kinagat niya ang labi niya at sinabi niya ng may nanginginig na boses, “Na… Natuklasan mo?” “Ano sa tingin mo?” Binitawan ni Jim ang balikat ni Charlotte, nakaluhod siya, at lumingon siya para tumingin ng seryoso kay Charlotte. “Bilang tagapagmana ng pamilya Landry, ang isa sa mga bagay na tinuro sakin noong bata pa ako ay ang maging alerto kapag may sumusunod sa akin.” “Ang pagtuklas na may sumusunod sa akin ang isa sa pinakamahalagang kakayahan sa buhay ko.” “Bukod pa dito, sa tingin mo ba talaga ay magaling kang magtago?” May konting pagbabanta sa boses ni Jim. Habang kagat ang labi, naramdaman ni Charlotte na tumibok ng mabilis ang puso niya at sinabi niya, “Jim, kasi…” “Alam ko na nag aalala ka sa akin, pero sana ay hindi na ito mangyari ulit.” Ngumiti siya at lumingon siya para tumitig kay Charlotte. “Ang traffic, ang pagbangga ng kotse, at ang kakulangan ng mga taxi ay isang maliit na leksyon par
Pagkatapos bumalik ng kwarto, naligo si Charlotte. Habang nakatayo siya sa ilalim ng shower at naramdaman niya ang init ng tubig sa balat niya, sumimangot siya at naa naalala ang nangyari. Ang tingin sa mga mata ni Jim, pati na rin ang pag hawak niya kay Charlotte kanina, natakot si Charlotte tuwing naiisip niya ito. Ang lalaking ito… ay masyadong mapanganib. Ang gamot na ginamit ni Rosalyn ay gumana ng perpekto. Kung hindi, hindi tatratuhin ni Jim si Luna ng tulad ng ginawa niya, at hindi rin tatratuhin ni Jim si Bonnie ng malupit ngayong araw. Gayunpaman, kaya ipaniwala ni Charlotte ang bawat salita niya kay Jim dahil sa gamot pagkatapos mawala ang mga alaala, hindi mababago ng gamot ang pagkatao ni Jim. Ang ginawa ni Jim kay Charlotte kanina ay dahil sa tunay na pagkatao ni Jim. Habang iniisip ito ni Charlotte, mas natakot siya. Nagkabalikan na sila ni Jim nitong mga nakaraang araw, kaya’t hindi niya pwedeng hayaan na masira ang relasyon nila dahil lang sa isang mali
Ang kalahating ubos na bote ng likido na nasa shelf ay ang gamot na ninakaw ni Charlotte mula sa warehouse ni Rosalyn. Ngumisi si Roanne nang makita niya ito. Sa katotohanan, one-third lang ng bote na ginamit ni Charlotte kay Jim, ngunit sinabi ni Roanne kay Charlotte na two-thirds ang ginamit niya. Kaya naman, hindi maghihinala si Charlotte sa kahit ano kahit na kaunti lang ang ginamit niya. Kung sabagay, hindi maniniwala si Charlotte na pagtataksilan siya ni Roanne. Ngumiti si Roanne at binuhos niya ang maliit na halaga ng gamot sa isa pang bote. Pagkatapos maging utusan ni Charlotte ng maraming taon, alam ni Roanne na binayaran niya na ang pabor niya. Simula ngayon, oras na para mabuhay siya para sa sarili niya.… Pagsapit ng gabi, nagmaneho si Roanne papunta sa Landry Mansion para ibigay ang maliit na bote ng gamot kay Charlotte. Noong una, gusto niya na agad umalis, ngunit habang palabas na siya ng pinto, nakasalubong niya si Jim, na siyang kakabalik lang mula s
Kumunot ang noo ni Jim habang nakatingin siya kay Charlotte. “Hindi ba’t ayaw mo ang karne ng tupa?” Klaro ang pagkakaalala niya na ito ang rason kung bakit si Number-9 at Number-12 ay naging malapit na magkakaibigan. Ayaw ni Number-9 sa karne ng tupa, ngunit sa kasamaang palad, madalas itong hinahain ng bahay ampunan, kaya’t naging magkaibigan sila ni Number-12, na siyang mahilig sa bahay ampunan at pumayag ito na ibigay ang gulay at tinapay kapalit ng karne ng tupa. Sa mga panahong ‘yun, nalilito si Jim dahil dito at tinanong niya pa si Number-9 kung bakit pumayag siya na ibigay ang karne kapalit ng gulay at tinapay. Halata sa kahit sino na hindi ito isang patas na kasunduan. Gayunpaman, sa mga panahon na ‘yun, sinabi ni Number-9 ang katotohanan na dahil hindi niya ito kailangan, kaya niyang magsakripisyo at ibigay ito sa ibang tao na mas nangangailangan nito. Dahil dito, mas nainlove si Jim sa batang babae na may mabait at masayahin na ugali at nanatili sa puso niya ang alaa
“Kahit na may sumira ng relasyon natin, hindi ako mahuhulog para sa mga pakana nila.” Pagkatapos, naglagay pa ng isang piraso ng karne si Jim sa plato ni Charlotte; ang pag uugali ni Jim kay Charlotte ay halatang mas mabuti na kaysa kanina. Ginamit ni Charlotte ang pagkakataong ito at nilagay niya ang bowl ng soup, na nilagyan niya ng gamot para kontrolin si Jim, sa harap ni Jim. “Gumawa ako ng soup para sayo; dapat mong inumin habang mainit pa.” Nakonsensya na si Jim sa paguugali niya kay Charlotte, kaya’t nang ibigay ni Charlotte ang bowl ng soup sa kanya, hindi siya naghinala ng kahit ano at ininom niya na agad ito. Hindi nagtagal, gumana na ang epekto ng gamot. Humikab si Jim, ibinaba niya ang kutsara at tinidor, at nagpaalam siya para umalis ng mesa at magpahinga. Nang mawala na sa paningin si Jim, nakahinga na ng maluwag si Charlotte. “Dahil natulog na si Master Landry, ngayon ay…” Kahit na hindi pa tapos kumain si Roanne, naramdaman niya pa rin ang malamig na aura
Nabigla si Roanne sa biglang agresibo na pag uugali ni Charlotte. Kinagat niya ang labi niya at tumitig siya kay Charlotte, may dugo sa dulo ng mga labi niya. “Charlotte, wala akong ideya kung bakit ka galit.” Sinasabi lang ni Roanne ang katotohanan; hindi niya maintindihan kung bakit naiirita si Charlotte. Kahit na sa bahay ampunan o pagkatapos nilang tumakas sa lugar na ‘yun, si Charlotte ang mahilig kumain ng karne ng tupa. Noong nasa bahay ampunan sila, may isang babae na may pangalan na Number-9 na laging nag aalok ng karne ng tupa kay Charlotte kapalit ang mga gulay at tinapay. Kahit na si Roanne ang mahiyain na babae na laging inaapi ng ibang mga bata, alam niya pa rin ang nangyayari at naaalala niya ang mabait na babaeng ito. Dahil dito… Tuwing nakukuha ni Number-9 ang mga gulay at tinapay, ibibigay niya ng palihim ang kalahati ng pagkain kay Roanne. Dahil sa kabaitan ni Number-9, nakaligtas si Roanne at hindi siya namatay sa gutom sa bahay ampunan. Gayunpaman,
Mabait ang lalaki, magalang ito, at may aura siya ng talino at respeto. Gustong maniwala ni Roanne na ang lalaking ito ay ang pangarap niya na nagkatotoo. Gayunpaman, ang magandang pakiramdam na ito ay umabot lang hanggang sa makarating siya sa kotse. Nang umupo siya sa backseat, natuklasan niya na may dalawang tao na nakaupo sa loob ng kotse. Ang lalaking nakaupo sa harap na passenger seat ay si Joshua, at ang babaeng nakaupo sa backseat sa tabi niya, ay walang iba kundi si Luna. Pamilyar siya sa dalawang mukha na ito. Kinagat ni Roanne ang labi niya at bubuksan niya na sana ang pinto, ngunit may gwapong mukha ng lalaki na nagsara ng pinto bago siya makalabas. Si Theo, na lumabas ng driver’s seat, ay ngumiti at tumingin siya kay Roanne. “Hindi mo pa nilalagay ang yelo sa pamamaga mo, kaya’t bakit desperado kang lumabas?” Tumingin siya kay Luna at sinabi niya, “Bigyan mo siya ng yelo.” Tumango si Luna at inabot niya ang pakete ng yelo kay Roanne na inihanda niya. “Het